KABANATA 6

2020 Words
06. Parang nabilaukan ako sa sinabi ni Sir. Namula nga siguro ang mukha ko dahil nakita ko ang pag-ngisi niya, e. Nagpalit na 'ko ng damit gaya ng sinabi ni Sir. Bestida ulit pero kulay blue naman. "Annie, let's go," sabi ni Sir Heath sa labas ng pinto. "Why your door is freaking lock?" Nararamdaman ko na ang pag-kunot noo ni Sir sa labas. I chuckled and binukas na ang pinto. Pinasadahan niya pa 'ko ng tingin. "Ganda ko 'no, Sir," I teased him. "'Wag na tayo lumabas," he said at papasok sana sa kwarto ko kaso hinarang ko na agad. Aatakihin ako sa puso dito kay Sir. "Tara na, love," nakangisi kong sabi at nauna nang maglakad pababa. Ang sarap asarin. Kung hindi ko lang talaga crush 'to si Sir, wala ako ngayon dito. Pababa na 'ko ng hagdan nang makita ko ang Lolo ni Sir. "Good morning po," sabi ko. "Good morning, Hija. Tapos na kayo ng apo ko?" Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Grabe! Napahalakhak tuloy rin siya. "Biro lang. Anyway, Heath, kamusta ang biyahe niyo? Hindi ko na kayo naharap dahil napagod ako sa pangangaso kahapon at natulog na matapos ko kayong makita kagabi," sabi ng Lolo ni Sir. Nagkasabay na kaming lumapit si Sir sa Lolo niya. "Good. Punta lang kami sa ilog, Lo." Nag-usap pa sila ng kaunti tungkol sa bukurin daw nila hindi kalayuan dito. Nang matapos ay naglakad na kami papuntang ilog. Hindi na 'ko nagsasalita dahil ang ganda talaga dito. Nalimutan ko ang cellphone ko! Tatawagan ko pala dapat si Nerys, e. Hahakbang sana ko pabalik nang sipatin ako ni Sir. "Where are you going?" "Babalik sana. Naiwan ko phone ko, e." "Why? You'll call someone?" Tamang hinala naman 'to. Hindi ko na lang tinuloy ang pagbalik ko. Naglakad na 'ko ulit kasabay niya. Laging naka-kunot noo 'to si Sir. Kung hindi ko lang boss 'to? Minasahe ko na 'yang noo niya dahil laging lukot. Nung college kami, kapag nakikita ko 'to si Sir, hindi naman ganyan. Tahimik lang siya. May mga friends naman siya that time tapos hindi ko na nakikita ngayon na nakakasama niya. Baka iba-iba na sila ng career. Ilang minuto pa kaming naglakad nang marinig ko na ang iilang tawa. Panigurado ay mga pinsan niya 'yan. "Too loud. We should go back," biglang sabi ni Sir. Napatingin naman ako sa kaniya. Nakatingin lang siya dun sa harap kung saan namin naririnig 'yung mga tawanan. Ang tangos ng ilong niya, ang maputi niyang kutis ay mas napapaganda lalo ng sinag ng araw. Gosh, paano ko kaya naging crush 'to ng ilang taon? Napatikhim ako at mahinang tumawa. "We're here to unwind, Sir. You need this. Wala kang pahinga habang nagta-trabaho ka sa Manila." I sincerely said that. Siguro dito, I'll be his friend. Not his secretary muna. Ilang araw lang naman 'to. Lubus-lubusin ko na. "Ako nga, buti hindi ko pinapaalala mga schedule mo, e," natatawa kong sabi. I heard him chuckled too. Kinikilig ako pero hindi dapat. Wala rin naman papatunguhan 'tong kilig ko. "Syd! Over here!" Sigaw ni Gwen. Napangiti ako sa kanila nang makalapit. Tumakbo na din ako para makisabay sa kanila. Narinig ko pang tinawag ako ni Sir Heath pero hindi na 'ko lumingon. "Ang ganda mo! Your skin color is so much like a pure milk, sobrang puti!" Sabi ni Queen. "Hindi naman," nahihiya kong sabi. "Even your blush, grabe. Natural beauty indeed!" Si Pau. "Let's swim?" Bahagya kong pinasadahan ang ilog. Sobrang ganda. Siguro ay nasa gitna kami ng kagubatan. Ang ilog din ay clear water. Nakikita mo ang mga bato sa ilalim. Ang mga ibon rin ang nagsi-silbing musika namin dito. Sobrang layo sa siyudad. This is life! Naghahagik-hikan ang mga kasama kong mga babae dahil nagbabasaan na sila banda doon sa tubig. Dahan-dahan akong naglakad papuntang tubig! Wow, sobrang lamig! Nang umabot na sa binti ko ang tubig ay may humawak sa baywang ko. "No. You're not gonna swim there," si Sir Heath. Inangat niya ako gamit ang kamay niyang nakayakap sa baywang ko. Ang gaan ko para buhatin niya. Itinaas ko na rin ang kamay at binti ko para mabuhat niya nang maayos. Parang ginawa niya 'kong bata sa buhat niya. I heard his other cousin's chuckled, even his Grandmother na hawak 'yung baby ni Queen na pinapaarawan ang likuran. Binaba niya 'ko na wala na sa tubig. Tinignan ko siya. "No," he simply said at pumunta na dun sa mga kahoy na upuan katabi ng mga pinsan niyang lalaki. "Heck! Kami na lang ni Gio walang love life," sabi ni Hizon at tumawa. "Si Gio 'di pa rin makalimot dun sa babaeng minahal nung highschool!" Binato siya ni Gio ng bato. Narinig ko pa ang ilang asar ng magpi-pinsan. Lumapit ako at tatabi na sana kay Sir kaso hinarang niya. Ano bang trip nito?! "Grandma," turo niya. Uupo ako tapos ipapapunta niya 'ko dun?! "Uupo ako." "You are wearing a damn dress, Annie," mahinang asik niya. Ano naman!? Uupo lang naman. Attitude talaga Sir. I mentally rolled my eyes at pumunta na lang sa Lola niya na hawak hawak ang baby ni Queen. "Such a cutie," I giggled. "Gawa na rin kayo ni Heath." Tumawa na lang ako. Fake fiance po ako dito, Lola Madam. Hindi pagawaan ng baby. I chuckled at my own mind. "Gusto mo kargahin?" Lola Madam asked. Nakangiti akong tumango. Hinawakan ni Lola Madam si baby at dahan dahan binigay sa'kin. "Aww!" Lola Madam giggled as she stare at us. Dahan dahan kong hinele. Parang may hawak akong babasagin, nakakakaba. "Heath! Look at her!" Tinignan ko si Sir Heath na napatingin sa'kin. "Damn! Heath's stare on Syd parang gusto na talagang bigyan ng anak! f*****g gross!" Eli shouted. "Your words, Eli!" Lola Madam hissed. "Heath, look at your fiance! Isn't she lovely holding this cutie or soon, your babies?" Pero hindi ko na tinignan si Sir dahil napatingin na 'ko sa baby na hawak ko. This baby is such a cute one. The cheeks is so red and the lips too! Aw, my heart flutters when this cute little one yawns and then smiled! "Kapag nagkaroon kayo ng baby ni Kuya Heath, I'm sure the babies will have a beautiful genes too," si Queen. Nasa tabi ko na pala siya. "Medyo matagal pa 'yun," sabi ko pero hindi talaga mangyayari 'yun. This fake fiance thing will end after a month. "Why?" "Workaholic," sabi ko na lang. I didn't imagine this day will come. Wala nga rin sa plano ko ang magtagal sa trabaho. 'Tong tina-trabaho ko bilang fake fiance, favor lang naman 'to. "I'm sure, he will give you the world." Ang huling sinabi ni Queen na 'yun ang tumatak sa isip ko. Kasalukuyang nasa hapag kainan na kami. Gabi na at malamig ang simoy ng hangin. Alam ko naman na kapag nagkaroon talaga ng pamilya si Sir, ibibigay niya ang best niya. Sa trabaho pa nga lang, e. With the statement of Queen earlier, I envy the possibilities. Hindi naman sa dahil kay Sir Heath lang, may mga circumstances lang talaga na masasabi mong 'sana, ako din' o 'di kaya ay 'sana, ako na lang' Lakas maka-popoy at basha. "You're quiet. Why?" Sir Heath suddenly asked. "Hindi naman po. Baka napagod lang," I excuse and resume eating. Masarap ang mga pagkain na nandito. Puno rin ng tawanan at biruan ang mga taong kasama namin. Nakaka-miss pala kapag kasama mo 'yung pamilya mo. Nang matapos kaming kumain ay nagyayang mag movie marathon ang mga magpi-pinsan sa sala. May nilabas na projector at laptop, dun kami nanood. They agreed to watch Filipino Rom-com movie. Naglatag kami sa sahig ng malaking makapal na kumot at madaming unan nakapalibot. Kaniya-kaniya kami ng pwesto, magkakasama lang kaming mga girls at sa kabila naman ang mga boys. Ang saya ng ganitong bakasyon. Lahat kami nagtatawanan hanggang sa nakita kong tumayo si Sir at hindi naman ako nag-aasume pero sana tumabi siya sa tabi... kaso mali, e. Dumiretso sa kusina. Baka nag-cr? Malapit kasi dun 'yung CR sa kusina. O baka uminom ng tubig? Hays. Anniesyd, ang sabi ko sa'yo 'wag kang aasa 'di ba? Kapag ikaw talaga, nahulog ng sobra-sobra.. ikaw din masasaktan dyan. I mentally rolled my eyes. Kinakalaban ko na naman sarili ko, hays. Ilang minuto pang nagtagal dun si Sir at naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Nerys: kamusta ka dyan, syd? Si Nerys pala. Akala ko si- Muli pang nag-vibrate ang phone ko. Sir Heath: Sleepy? The movie is boring Sabi na, e. Hindi niya magugustuhan ang mga ganitong palabas. Si Nerys muna ang tinext ko, sinabi kong ayos lang naman at tatawagan ko siya kapag may pagkakataon. Ako: Ikaw sir? Akyat kana kaya sa room mo Sir Heath: Let's go Matapos nun ay nakita kong lumabas na si Sir at dumiretso sa gilid ko. Hindi pa naman ako inaantok. Tinignan niya 'ko at tinaas ang kilay. "Nood pa 'ko," mahina kong sabi. "I'm sleepy." "Rest ka-" "Let's go, Annie," he strictly said but with soft and sleepy voice. Ang gwapo. "You're not allowed to stay up late." Umupo siya sa tabi ko. Hindi ako nabigla sa pagtabi niya sa'kin, kinabigla kong yinakap niya ang kamay niya sa baywang ko at sinandal ang ulo sa balikat ko. Bahagya niya pang inamoy ang leeg ko kaya naramdaman ko ang napakatangos niyang ilong. Shit. Sana hindi niya marinig ang malakas na t***k ng puso ko. "Sabi ko akyat kana dun," mahina kong sabi kasi nanonood pa sila. Mas lalo niyang hinigpit ang yakap sa baywang ko. I swallowed hard. Dang! "Ayaw mo." "Susunod naman ako," agad siyang nagtaas ng ulo at tinignan ako. Napaiwas tuloy ako ng tingin at tinuon sa palabas ang mga mata. Ang harot Sir. Gosh! "Susunod? Okay," tumayo siya at naglakad na paakyat. Ang bilis niya kausap ha. Napatingin tuloy sa'min si Pau. She's asking why her Kuya Heath left. "Inaantok na," sagot ko. Pinagpatuloy ko ang pag-nood nang maramdaman ko na naman na nag-vibrate ang phone ko. Sir Heath: Hurry. Bumuntong hininga ako at tumayo na para umakyat. Mabuti na lang ay hindi na sila napatingin sa'kin. Malapit na 'ko sa room ko nang mag-vibrate ulit ang phone ko. Sir Heath: In my room. In his room? Agad na napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon. Seryoso ba 'to? Like, seriously? Lumakas lalo tuloy ang kabog ng dibdib ko. Is he serious? Sa room niya? "Annie." "Ay!" Nagulat ako nang tawagin niya 'ko. Nasa labas siya ng dulong pinto, nakadungaw. His eyebrows, grabe, magka-salubong na naman. Lumingon pa 'ko sa likod ko dahil baka makita nila na pupunta akong room ni Sir. At nang makitang walang tao ay naglakad na 'ko papunta sa kaniya. "Bilis," he hissed. Ang inipin naman. Nang makarating ako ay agad na hinawakan niya ang palapulsuhan ko at pinasok sa loob ng kwarto niya. Wow. Ang ganda. Ang linis! Black, white and gray ang touches ng kwarto. May malaking bintana rin sa gilid ng kama niya. Hindi gaano kalakihan katulad dun sa guest room na tinulugan ko kagabi. "B-ba't nandito 'to?" Tanong ko dahil nandito ang maleta ko! "Kinuha mo Sir?" "Obviously." Tinabi ko na lang tuloy sa gilid. Lumapit ako sa bintana. Ganun na lang ang mangha ko nang makita ko ang napakaliwanag na buwan. "Sleep now, Annie," he said. Napalingon ako sa kaniya at nakitang nakahiga na siya sa kama niya. Sa kama... Sa kama niya rin ba 'ko matutulog? Wait. Hindi ako ready. "Annie," he warned kasi hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Nag-dilat siya ng mata at tinapik ang tabi niya. Napalunok na lang ako at pumunta dun sa kama niya. Ang lambot! Dahan-dahan akong humiga at kinumot sa sarili ang makapal na kumot niya. Kinakapos yata ako sa hininga. Nang tuluyan akong nakahiga ay pinatay na niya ang ilaw at lamp na lang ang nagsisilbing ilaw namin. "You're still in the same scent when I met you five years ago." Napatingin ako bigla sa kaniya. Kalmado lang siya habang nakapikit. Mas lalong lumalakas yata ang t***k ng puso ko ngayon. Wait, what did he say?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD