05.
Nagising ako sa sobrang lamig. Gosh! Ba't hindi na naman nakapatay ang aircon? Tataas ang bill ko nito. Napamulat ako ng mata at makitang hindi ito ang condo ko!
"Where... Ay, oo nga pala," napasapo ako sa ulo ko. Nasa Davao nga pala kami.
Umunat pa 'ko bago tumayo. Grabe ang lamig! Nasa ibang bansa ba kami? Hays. Naglakad ako papunta dun sa maleta ko. Siguro ay pinasok na 'to ni Sir. Kumuha ako ng damit pang-palit at dumiretso na sa CR. Thanks God, may heater sila! Kung hindi, paniguradong nagye-yelo akong lalabas.
Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin ako. Nag-toothbruh, suklay at nagbihis ng puting bestida. Tinignan ko ang phone ko at nakitang 6:27am pa lang, napatingin tuloy ako sa bintana. Ang tanghali na tignan ha!
Puting bestida na may design na flowers ang suot ko. Hanggang tuhod at may sleeves. Wala rin naman akong dalang make up kaya ayos na sa'kin ang natural na pula kong labi. Hindi naman ako mukhanga anemic. Sinuot ko ang extra tsinelas kong dala at tumayo na.
Ako: Sir, good morning!
I clicked sent at lumabas na. Amoy ko na agad ang pang-agahan! Nagutom tuloy ako bigla.
Habang pababa ng hagdan ay tinitignan ko ang mga pictures na nakasabit. Puro baby pictures ito at may mga pangalan. Hinanap ko ang kay Sir at nahanap ko nga!
"Ang cute! Parang hindi mo pag-iisipan na laging naka-kunot noo na lang ngayon," I giggled. Naka-smile kasi siya dito. Sarap iuwi ng picture na 'yan!
Naglakad na 'ko pababa nang tuluyan at may tumawag sa'kin.
"Hija! Come on, we're outside," si Lola Madam pala. Grabe ganda ng kutis. Lumapit ako sa kaniya at ngumiti. "You really look good, Hija! Your natural beauty is so mezmering!"
"Good morning po," I greeted her and smiled. Nakaka-flatter naman. Hinawakan niya 'ko sa braso at sinabay sa paglakad niya palabas.
And to my surprise, bumaba yata ang mga angels! Ang ga-gandang dilag ang narito at ang iilang lalaki!
"Come, ipapakilala kita," sabi ni Lola Madam. Parang uurong ang pagkatao ko dahil sa mga 'to.
Napatingin silang lahat sa'min nang agawin ni Lola Madam ang kanilang atensyon.
"Everyone, this is Anniesyd," everyone smiled at me, nakakakaba naman! "Guess who is she?"
"She-"
"O, shut it, Eli! Kilala mo na siya kasi sabay kayong dumating!"
Nagtawanan naman silang lahat. Halos lahat sila nakatingin sa'min sa harap. May mahabang lamesa kasi at dun sila kumakain kanina bago tawagin ni Lola Madam.
May isang lalaking nagtaas ng kamay habang natatawa.
"La, she's your new nurse?"
Tinapunan naman ni Eli ng kung ano 'yung nag-salita.
"Engk! Wrong answer Xitrix!" Sabi ni Eli. Mas lalo tuloy kumunot noo ang mga tao sa harap namin.
"New girlfriend ni Eli?"
"Siraulo! 'Pag 'yan narinig! You're freaking dead, Vino!"
Nagbulong bulungan naman ang iilang babae hanggang sa nagtaas ng kamay 'yung babaeng chinita na maputi. Gosh, she's like a goddess! For real!
"La, she has a ring on her hand. Is she married or what?" she giggled and Lola Madam too.
"Hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko," she held me. "This is Heath's fiance!"
Nagulat ako sa paghiyaw nila! Omg! Is this really a big deal?! Nakita kong nagsi-apiran 'yung ibang lalaki. 'Yung mga babae naman, napa-'o' ang bibig tapos lumapit sila sa'kin isa-isa.
"Congrats!" they congratulates me. I didn't know what to say! Kaya nagte-thankyou na lang ako and smile at them. 'Yung totoong ngiti! Nakaka-flattered 'yung reaction nila kasi!
Dinala ako nung ibang babae para umupo sa bakanteng upuan.
"Hi, I'm Gwen! Can we see your engagement ring?" Sabi nung babaeng sobra rin ang ganda.
Girl, napapalibutan ako ng mga dyosa ha!
I put my hand on the table.
"Wow! Look how simple it is! Kuya Heath has a taste ha!" Sabi pa nung isa. I smiled at her. "I'm Katie."
Isa-isa silang nagpakilala sa'kin, halos siyam silang babae na nakapaligid sa'kin. 'Yung isa, si Quennie, may hawak na baby. Her 3 months old baby. Gosh! Sobrang cute din!
Lumapit din sa'kin 'yung boys para mag-congrats. Lima naman sila ngayon kasama si Eli.
"Sana 'di umatras si Syd," biro nung katabi ni Eli na lalaki. "Kapag umatras, sa'kin na lang magpakasal!"
Mas lalong lumakas ang tawa nila.
"Mamaya ka mag-ganyan kapag nandyan na si Heath!" Hamon ni Hizon. Hizon ba? Oo, Hizon nga yata.
Ngayon ko lang napansin na nasa garden kami ng mansyon. Feeling ko talaga nasa gitna kami ng forest. Kaya siguro malamig dahil sa mga puno. Maganda rin ang mga flowers na nakapaligid sa'min. Sa lamesa naman, halatang vintage din ang mga kagamitan. Ang yaman tignan.
Tinuloy nila ang kanilang pagkain.
"Hija, kumain kana. Pauleen, pakiabot nga sa kaniya ang fried rice. Kumain pa kayo! No one will diet here!" Sabi ni Lola Madam.
'Yung tinukoy na Pauleen ni Grandma ay nasa harap ko. She's so sexy! Is she a model?
"Here. Kain ka, Syd! Hindi hahayaan ni Grandma na hindi nauubos ang pagkain," Pauleen said. Tinanggap ko naman ang nag-lagay ng pagkain.
"Where's Kuya Heath?" Tanong ni Gwen.
"Akala ko ay gising na siya kaya dumiretso na 'ko dito sa baba. Titignan ko na lang," sabi ko. Tatayo na sana ko kaso nagsalita si Lola Madam.
"No need, Hija. He's already here," nakangiting saad niya.
Napalingon na lang ako at tinignan na nakakunot noo na naman siya habang hinahanap siguro kung nasan ako. When he found me, nawala ang pagka-kunot noo niya. Tumayo ako para salubungin siya.
"G-goodmorning," sabi ko.
Instead of greeting me back, he hugged me! I crouched my body because I was shocked! He rested his chin in my shoulder. Napansin kong medyo mabilis ang hininga niya.
"Nag-jogging ka ba?" I silently asked.
"No. I was looking for you. Wala kana kasi sa kwarto mo pagpunta ko," umalis siya sa pagkakayakap.
Sa sinabi niya ay bumilis ang t***k ng puso ko! Damn, Anniesyd! Don't get your feelings grow! This is all for the people na nakatingin sa inyo right now!
Tinawag kami ni Grandma kaya pumunta na kami sa hapag kainan.
"How was your sleep, my grandson?" His Grandma asked while putting jam on her bread.
Nagtabi kami ng upo ni Sir Heath.
"Not quite good," sagot ni Sir.
"Why? Your foam there is new and-"
"Annie isn't in my side. I got troubled getting sleep," he bite his bread. His cousins laugh kaya tinapunan niya 'yun ng tingin pero mas lalong tumawa ang mga lalaking pinsan niya.
"I didn't know you get this so clingy!" Gio said.
"At least I am clingy with the person I truly have, unlike you- hindi pa rin nakakalimot sa babae," Sir Heath shot back.
Everyone amused and laughing but si Gio ay nakakunot na ang noo.
"Foul! Morning foul!" Eli shouted while everyone is laughing.
Natatawa ako kahit hindi ko sila gets kasi 'yung mukha at tawa nila nakakahawa!
"Eyes on your food," Sir Heath. Napabalik sa pagkain ang atensyon ko at kumain na ulit.
"Kumain ka ng kanin," mahina kong sabi sa kaniya. I know he really doesn't want heavy meal in morning pero this is his time to get fully loaded sa food at bumawi sa mga times na puro trabaho ang inaatupag niya. Inayos ko ang pagkain sa kaniya at sumandok ng kanin at ulam. "Hindi ko sure kung may hot water pa. Tignan ko sa loob."
He wants black coffee in the morning. Sobrang kilala ko na siya sa araw araw ba naming magkasama sa trabaho. Kulang na lang pati hanggang madaling araw ay magkasama kami.
Hindi na siya umimik kaya naglakad na 'ko papasok bitbit 'yung mug na nakataob sa harap niya kanina.
Dumiretso ako sa kusina at nakita ko 'yung isa nilang kasambahay.
"Yes, Ma'am?"
"May hot water at black coffee po kayo?"
"Meron po. Akin na po."
"Ako na po magtitimpla," nahihiya kong sabi. Binigay niya lang sa'kin ang mga kailangan ko. Nang matapos magtimpla ay bumalik na 'ko sa labas.
"Ang sweet naman ni Syd!" his cousin joked.
"May coffee machine ah," sabi ni Frel. Frel ba pangalan nito? Basta!
"May sarili kasi siyang gustong timpla," sagot ko. Nilapag ko na sa harap niya at bumalik ako sa pagkain.
"You really know Kuya Heath, ah. How sweet!" Kantyaw ni Gwen.
Habang kumakain at nakikipag-biruan din sa mga pinsan niya, naramdaman ko ang kamay ni Sir hita ko. Pinatong niya pala habang umiinom siya ng kape niya at nakikipag-usap din sa iba niyang pinsan.
Chill, Anniesyd. No feelings involve! Please lang!
Nang matapos kaming kumain ay nagyaya ang magpi-pinsan na pumunta ng ilog pero ako, tumutulong ako sa pagliligpit ng mga plato. Grabe, it is not as if nakikipag-pakitang tao ako. Naa-appreciate ko lang 'yung ganda ng mga kubyertos at hindi ako mapakali kung paano sila linisan ng maayos dapat! Ang O.C ko sa mga ganyang bagay lalo na sa paglilinis. Hays.
Sumama ako hanggang sa malapit na bombahan ng tubig ito dalhin.
Wow, alam kong probinsya ito pero grabe, pati ito meron sila? Ang yaman na nila pero gumagamit pa rin sila nito. Wow!
"Ma'am, kami na po bahala. Baka po pagalitan kami ni Senyora 'pag nakita kayo dito," banggit nung isa.
Narinig ko pang tinawag ako ng pinsan ni Sir at ni Grandma kaya lumapit ako.
"Tutulong lang sana 'ko," sabi ko.
"You're a guest here, Hija. Okay?" Si Grandma.
"Let her be, La. She's okay with that. Let her do what she wants," biglang singit ni Sir.
Grabe.
Wala nang nagawa si Grandma kaya hinayaan na lang ako. Hindi na rin sumama si Sir sa pagpunta ng ilog sa mga pinsan niya. Umupo lang siya hindi kalayuan sa'min.
Nakikipag-kwentuhan pa 'ko sa mga kasambahay at nalaman ko ang ilan sa kanila ay matagal na dito. Ang iba naman namamangha dahil sa'kin dahil hindi daw ako maarte o kung ano man.
Mabilis kaming natapos kaya nagsabi ko kay Sir na pwede pa kaming humabol sa mga pinsan niya.
"No. We'll stay here. Ang aga mo nagising. Matulog ka ulit."
"Hindi Sir! Sakto lang naman. Ganun rin naman ang gising ko kapag may pasok. Nasanay na body clock ko, e."
"Kapag ikaw narinig ng kasambahay na Sir pa rin ang tawag sa'kin, we're both doom."
Luminga linga ako. "Wala naman sila. Tska, pwede naman endearment 'yun!"
Nasa sala na kami.
"With or without them, don't call me that. Wala rin naman tayo sa trabaho," he cooly said.
Tumango na lang ako.
Nakita kong paakyat siya ng hagdan.
"Saan ka pupunta?"
"Sa kwarto mo."
"Bakit?"
Pinasadahan niya 'ko ng tingin.
"You're wet. Hindi ka ba magpapalit? Mabuti na lang puro babae ang kasambahay," masungit niyang sabi.
Natawa na lang ako at sumunod sa kaniya.
"Concern ka Sir.." Asar ko.
Umiling na lang siya at tumuloy na kami sa pag-akyat. Nagulat ako nang may tumawag sa'min!
"Ay bakla ka!"
"Sinong bakla?" Tanong ng isang tinig. Napalingon ako pero agad akong yinakap ni Sir kaya hindi ako nakaharap sa kung sino man ang tumawag sa'min. "Where are you going?"
Matanda lalaki pero matipuno pa rin ang katawan. Mukha siyang katipunero sa suot niya sumbrero at itak sa gilid niya. Gray na rin ang buhok.
"We're going upstairs, Lo," si Sir Heath.
Ay asawa ni Lola Madam!
"Nasa ilog ang mga pinsan mo, ba't hindi kayo sumama?"
"Gagawa kami ng apo niyo sa tuhod, Lo," preskong sabi ni Sir Heath! Gosh! This isn't the time for that joke!
Natawa ang matanda. "You now have a humor, huh? Just don't break the bed, Hijo. Good choice of exercise in the morning!"
Hindi ako makapaniwala sa Lolo niya!? Iiling iling na umalis ang Lolo niya kaya lumuwang ang pagkakayakap niya sa'kin.
"Ang panget ng joke mo sa umaga, Sir. Ba't mo kasi ko yinakap, 'di tuloy ako makasabat!"
"I will not allow you to face anyone with that state," he stared at my body! Napahawak tuloy ako sa katawan! "You're wet. I can see your bra."
"W-what!?" I hissed.
"I said. You're we-"
"Narinig ko, Sir!"
"Narinig mo naman pala," nagsimula siyang maglakad ulit paakyat. "Magpalit kana. Kapag binagalan mo baka totohanin ko talagang bigyan na ng apo sa tuhod sila Lolo."