Pagkauwi ni Mikaela galing sa office, hindi na siya dumaan kung saan-saan. Hindi gaya ng dati, na madalas siyang magpahuli sa opisina para umiwas sa mga bagay na hindi niya kayang harapin—ngayon, kusa niyang pinili na umuwi nang maaga. Ang dami na niyang iniwasan, and she wanted to make a change. Matagal na rin mula nung huli silang nagkita ni Martin. And tonight, she wanted to see him. Really see him. Nakahanda na siya bago mag-alas sais. Naka-light makeup siya, hindi masyadong matapang, at naka-dress na flattering pero simple—yung tipong hindi rin magsusumigaw ng “pang-date.” Tapos, sinadyang pinili niyang suotin ang cardigan na paborito ni Martin. Puno ng mga biro si Martin tungkol dito, na parang laging nahihirapan sa pagkalaga ng mga bukas na butones ng cardigan na yun, pero alam niy

