Chapter 10

1166 Words

Hindi pa rin niya ginagalaw ‘yung coffee na inabot sa kanya ni Chinky kanina pa. Nakatunganga lang si Mikaela sa screen, fingers resting lightly sa keyboard habang paikot-ikot ang cursor sa empty cell ng spreadsheet. “Girl, tapos ka na ba sa marketing summary?” tanong ni Chinky habang dumaan sa likod niya, dala-dala ang dalawa pang folder. “Almost,” sagot ni Mikaela, hindi man lang nilingon. “Inaayos ko lang ‘yung formatting ng budget tracking.” “Alam mo ba na may bagong announcement kanina sa HR?” Umupo si Chinky sa gilid ng desk niya. “Tuloy na raw ‘yung company team building. Next month!” Mikaela blinked and finally looked at her. “Seriously? Akala ko tentative pa rin.” “Confirmed na daw. May pinirmahan si Sir Brent sa memo. I saw it. Bukas ata i-a-announce sa email. Pero ewan ko b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD