I didn't utter a word. I just let out the pain through crying. "Ano ba 'yan? Hindi mo man lang ako patatahanin. Nakakainis ka!" Reklamo ko sa kaniya habang umiiyak. "Pasensya na, binibini," sabi niya. "Nais ko sana ngunit hindi ako dapat magpadalos-dalos na hawakan ka." "Tsk. Okay lang 'yon! Wala ka naman sa panahon niyo. Puwede namang salita lang din, ah? Dapat ba may hawak-hawak effect pa?" I scowled. I was startled when he suddenly put his hands on my cheeks and wiped my tears away. Aba! Ginawa nga niya. I was just kidding lang naman para hindi ako maiyak lalo. For what he did, lalo lang akong naiyak eh. Naalala ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. All those heartaches flashed back into my mind. Noong inilayo na niya 'yong mga kamay niya sa mukha ko, nilabas ko na ang hinanakit ko.

