"Francisca?" Nakarinig akong may tumawag sa 'kin from behind noong medyo iilan na lang ang mga taong dumadaan. Lumingon ako para malaman kung sino. Si Katerina. "Tama nga ako! Ikaw nga! What a coincidence!" She said na naka-crossed arms pa. Tinalikuran ko siya. I should not mind her. Wala akong panahon para makipag-usap sa isang bruha. Hinanap ko na lang ang bato. Baka sakaling maging si Darna ako 'pag nilunok ko 'yon. Papatayin ko ang babaeng 'to. Pero siyempre, joke lang. Hindi naman ako gano'n kasama. "Woah! Are you ignoring me?" malakas at naiinis niyang tanong. "Isn't it obvious? Stupid," sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya. "What?" hindi makapaniwalang sambit niya at tumawa pa na parang mangkukulam. "Hoy!" Nagulat ako nang makalapit siya sa 'kin at hinawakan ako sa braso

