Ngumiti ako nang mapait. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako mawawalay sa 'yo." Gumanti naman siya ng ngiti kahit may bahid pa rin ito ng kalungkutan. "Iyan ang dinarasal ko sa Maykapal, binibini. Kinakabahan man ako tungkol sa relasyon natin, hindi naman ako tumitigil sa pagdadasal na magiging tayo hanggang sa ating pagtanda, hanggang sa kabilang buhay." Masaya ako sa mga naririnig ko. Sobrang saya ng puso dahil may tapat at tunay na nagmamahal sa akin. Pero bakit mas kinakabahan ako sa mga sinasabi niya sa akin ngayon? "Federico, ano bang pinag-usapan ninyo ni Florencio?" hindi ko na napigilang itanong. "Hindi ako makakapayag na magkatuluyan kayong dalawa kaya ayokong ikasal ka sa kaniya. Hindi ka rin naman siguro makakapayag na mangyari ang gusto niya, hindi ba?" Tumango ako at hinaw

