Kabanata 30

4075 Words

Umaga na ngayon. Ngayon din ang araw kung kailan gagawin ang parusa kina Heneral Elwel at Don Celestio sa Maynila. Sobrang sakit ng dibdib ko kahit iniisip ko pa lang ang mangyayari sa kanila. Paano na lang kaya kung makikita mismo ng mga mata ko? Makikita rin ni Federico ang gagawin sa dalawang miyembro ng pamilya niya dahil naroon pa siya at hindi pa nakakauwi rito sa bayan ng San Juan. Wala ng mas sasakit pa kapag nakita mo ang mahal mo sa buhay na pinarurusahan. Hindi ko lubos maisip ang ganoon kapag katulad niyon ang mangyayari sa pamilya ko. Sigurado akong mabigat ang pinagdadaanan ni Federico ngayon. Hindi man lang din nakapag-usap at nagkakita kahit sa huling beses sina Jacinta, Donya Justina at sina Heneral Elwel at Don Celestio. Hindi man lang nila nasilayan ang isa't isa kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD