Ngumiti nang mapait si Federico sa akin. Napayuko siya ilang segundo at muli akong tiningnan sa mga mata. "Nagkasalubong kami kanina ni Florencio. Sinabi niya ang lahat sa akin." Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko inasahang nlaman na pala niya ang lahat. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kaniya. "Alam ko na ang lahat, binibini. Alam ko ring napilitan ka lang, hindi ba?" paninigurado niya. Tumango naman ako at tinikom ang aking bibig upang pigilan ulit ang maiyak. Kaya pala siya grabe kung umiyak ay dahil alam na niya ang lahat? Samantalang ako ay halos nababaliw na kung paano ko sasabihin sa kaniya. Sobra akong nababahala dahil masasaktan siya kapag nalaman niyang ang kasal namin ni Florencio. "Alam kong wala kang pagtingin sa kaniya. Alam kong ako lang ang mahal mo. Sadyang wala k

