Napaubo naman ako sa sinabi niya. Isang abogado ang iyong mapapangasawa. Isang abogado ang iyong mapapangasawa. Isang abogado ang iyong mapapangasawa. My gosh! Parang umalingawngaw sa tainga papunta sa puso ko ang sinabi niya. Kalma, Francesca. Galit ka sa kaniya. "Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam sa iyo matapos nating malaman ang sinabi ni Madam Theodora sa araw na iyon. Hindi ko na sinabi sa iyo na nagtungo ako sa Maynila dahil baka mananabik kang makita ako." "Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo, Federico! Yuck!" sabi ko. Feelingero niya, ha? Mami-miss ko talaga siya kaya hindi niya sinabi sa 'kin na nagpunta siya sa Maynila? Wow! Ang hangin! "Anak, ano nga iyong sinabi mo kay Ginoong Federico?" Nanlaki naman ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni ina na nasa second

