Napanganga na lang siya sa gulat. "Sus! Maryusep! Hindi na talaga ako magtataka dahil lagi ka lang nasa silid." Napailing pa siya. Kinuha niya ang kutsilyo at pinakita sa akin kung paano maghiwa ng karne at gulay. "Ganoon lang kasimple," saad niya matapos mag-sample. Na-amazed naman ako nang subukan kong gawin. Gano'n lang pala? Ang dali naman pala. "Mabuti na lang talaga at tuturuan kitang magluto," narinig kong saad ni Jacinta. Napansin ko naman siya sa harap ng lutuan na gawa sa bato. Nakita ko 'yong mga uling at panggatong. 'Yon yata ang ginagamit para magkaroon ng apoy ang kalan. Doon ko lang nalaman kung ano 'yong dupungan. Jusko! Ang engot ko pala. Nagulat naman ako nang makita kong papunta sa kusina si Federico. May suot siyang Mcfarian coat. 'Yong mahabang coat na hanggang below

