Kabanata 18

3682 Words

Wow! Hindi ko alam 'yon, ah! Naalala ko tuloy 'yong sinabi sa akin ni Paulita noon na hindi na niya sasabihin sa akin kung anu-ano ang negosyo ng pamilya namin. So isa pala sa mga negosyo na iyon ay ang barko? Daebak! Napangiti naman sila dahil sa pagkamangha ko. Nagmumukha naman akong engot nito dahil pati negosyo ng pamilya namin ay wala akong masyadong alam. "Bueno, sumunod kayo sa akin at ihahatid ko na kayo sa inyong magiging silid," wika pa ni Don Victorino. Huminto agad kami sa hinintuan ni Don Victorino. Pumasok kaming apat sa silid. "Ito ang isa sa mga pinakamamahaling silid ng barko," paliwanag ni Don Victorino. "Ito ang napili ng iyong ama na magiging silid mo, binibini." Tumango naman ako. "Pero sandali po, ako lang po ba mag-isa rito? Ayoko po! Natatakot ako!" reklamo ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD