Kabanata 19

3801 Words

"Salamat po, Don Victorino," sabay naming sabi ni Federico. Ngumisi lang siya habang papalit-palit ng tingin sa 'ming dalawa nj Federico. "Tayo'y humayo na," anunsiyo ni Madam Theodora at nagpunta na kami sa sasakyan naming karwahe. Magkasama kami ng punong madre sa iisang karwahe habang nasa kabila naman si Federico. Pag-andar nito ay napag-usapan ulit namin 'yong nangyari. "Madam Theodora, kamusta na po 'yong nangyari?" tanong ko. Mahina lang 'yong boses namin. "Ipapaalam din iyon ni Don Victorino sa oras na makabalik siya sa San Juan. Basta't manahimik lang tayo." "Alam na po ba ito ni Federico?" "Hindi ko muna sinabi sa kaniya." Tumango na lang ako. Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami. Hindi na ako tumitingin sa paligid dahil napagod yata ako. Nakakapagod pala bumyahe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD