"Sa totoo lang, nais ko sanang ikasal ka sa unico hijo ng gobernadorcillo ng San Juan ngunit hindi na lamang ako papayag. Ayoko namang hindi magiging masaya ang aking anak sa piling ng lalaking hindi niya mahal. Hindi ba, mahal?" Napatingin naman siya kay ina at sabay silang nagngitian. Gosh! Ang PDA ng dalawang 'to, ha! Hindi ba nila inisip na nandito ako sa harap nila. 'Yong totoo, naglalambingan at naglalandian ba sila sa harap ko? Kaya rin naman naming gawin 'yan ni Federico, ah? Hindi ba? Charrot! "Ngunit anak," seryosong saad ni ama. "Mukhang hindi magiging madali ang lahat." Bumuntong-hininga naman siya. "Nagkaroon nga ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa kong amigo na sina Celestio Salvacion at Gobernador Emilio Rios. Nais ng gobernadorcillo na ikasal ka kay Florencio at ang anak na

