"Sigurado ka ba sa bagay na iyan, mahal?" hindi makapaniwalang tanong ni ina. "Hindi puwedeng magkamali ang binatang iyon," saad pa ni ama na sa tingin ko ay 'yong lalaking kausap niya kanina ang tinutukoy niyang binata. "Hindi matunog ang kaniyang pangalan dito sa ating bayan ngunit hindi ito maaaring magkamali sa kaniyang imbestigasyon. Tanyag ito sa Zambales at marami na ring natanggap na parangal. At isa pa ay ang anak nating si Joaquin ang nagmungkahi sa kaniya na gawin nang palihim ang imbestigasyon habang iniimbestigahan din dito sa San Juan ng mga may katungkulan." "Ngunit wala pa tayong natatanggap na resulta mula sa bayan natin," wika ni ina. "Hihintayin muna natin ang resulta sa ngayon," saad pa ni ama. "Nakatanggap ako ng sulat mula sa nag-iimbestiga na kailangan naming mag-

