Pinaliwanag din ni ina ang lahat. Mukhang tama nga ang imbestigasyon ng lalaking kaibigan ni Kuya Joaquin. Ang hindi lang namin malaman ay kung bakit pinasunog ni Don Emilio ang barko namin. Nakatanggap naman ako ng sulat galing kay Federico, ang sabi ni Paulita. Kaya dali-dali ko itong inabot at binasa sa loob ng aking silid. Sinabi ko lang sa kaniya ng gabing iyon na gusto ko ang mga ganitong bagay, heto siya ngayon. Pinadadalhan ako ng sulat. Baka mamaya araw-araw na akong makakatanggap ng sulat galing sa kaniya, ah? Napangiti naman ako nang makita ko ang pangalan ko sa likod ng liham. Binasa ko na rin ang laman nito. Mahal kong Francesca, Kamusta ka na? Nananabik akong masilayang muli ang iyong gandang walang kawangis, ang matatamis na mga ngiti sa iyong mapupulang labi, ang iyon

