Good night pala 'yong nasabi ko. Nagtaka siguro sila. Tsaka, OMG! What were they talking about? Wala akong gusto sa dalawang 'yon, no! Mukhang ship pa naman nila ako sa dalawang 'yon. Waahh! Ayoko! Pareho lang nang-aasar ang mga lalaking 'yon. Grabe! Hindi ko pa masyadong alam ang pag-uugali nilang lahat dito. Dapat ay malaman ko 'yon para makapag-ingat ako. Lalong-lalo na si ama. Nakakatakot siyang magalit. Baka next time na it would happen, babarilin niya 'ko gamit ang baril ni Kuya Joaquin or hindi kaya'y lalatiguhin talaga niya 'ko. Nang medyo tahimik na ang lahat, pinapasok ko si Paulita sa aking silid at nag-usap na naman kami. Lahat ng puwede kong itanong ay tinanong ko na. Pati na rin ang tungkol sa pamilya ni Florencio. Isa sa mga nalaman ko mula kay Paulita ay hindi pala tot

