"Ate!" Tumakbo at yumakap sa 'kin ang isang cute na batang babae na sa palagay ko ay nasa edad na sampu. Mukhang makulit din. Siya pala 'yong tumawag sa pangalan ko kanina. Niyakap din ako ng magandang babae na mas matanda sa 'kin pero singtangkad ko rin. "Ang saya roon, Francesca! Sinabi ko sa 'yo na sumama ka eh!" masayang sambit niya pagkatapos nila akong yakapin. Lumapit din sa akin ang isang lalaki na hanggang balikat lang niya ang height ko. Grabe! Ang tangkad niya. Kung matangkad ako, mas matangkad pa siya sa 'kin. Naka-uniform pa siya na pang-heneral. Sa palagay ko, Kuya ko 'to. Haha! Kuya ni Francesca, ibig kong sabihin. Pero ako si Francesca. Hay! Ang gulo. "Kamusta, kapatid?" tanong niya at kinurot pa ang magkabilang pisngi ko pero mahina lang naman at ngumiti rin siya. Para

