June 2016 NAGPIPIGIL ng tawa si Roxan. Past ten PM, nakahiga siya sa kama at nakaharap sa puwesto ni Rav sa sahig. Nakaupo naman at nakasandal sa gilid ng kama niya ang lalaki, kausap ang pamilya nito. Base sa naririnig niyang sinasabi ng lalaki, nagtatanong na ang pamilya nito tungkol sa relasyon nila. Kasalanan niya talaga, puno ba naman ng pictures nila ang timeline niya! Pero si Rav, hindi pa gustong sabihin sa pamilya ang lahat. Kailangan daw muna nila maging sweet at mukhang in love o masesermon sila ng Mommy nito na malalim ang paniniwala sa kasal. Pabor ang kaibigan sa mga posted pictures nila. Huwag lang daw masyadong sunud-sunod ang pagpo-post o magmumukhang fake na. Mas madalas ang mga ganoong relasyon daw sa f*******: ay sa ‘f*******: lang’ talaga nag-e-exist.

