Eleven

1470 Words

“PARANG gusto ko nang ganito everyday,” si Roxan na nakangiti. Nasa passenger seat siya ng sariling kotse.  Si Rav ang nasa manibela. Ihahatid siya nito sa office bago pupunta sa sariling lakad. Whole day ang naka-schedule niyang seminar. Hindi niya kailangan ng kotse. Walang masasagasaang lakad maghapon man gamitin ng kaibigan ang kotse niya. Six PM na ang usapan nila. Susunduin siya ni Rav at sabay silang uuwi. “Hindi ubos ang energy ko sa traffic. Alam mo ba, `pag naiipit ako sa traffic pagkatapos ng buong araw na nagda-drive ako, napapa-wish ako ng asawang marunong mag-drive,” dinaanan niya ng mga mata si Rav, naka-focus sa manibela ang atensiyon nito. “Para naman kapag buntis ako, may dysmenorrhea, may sumpong or tamad lang, may magda-drive para sa akin.”             Hindi nag-react

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD