Chapter 3 - Bestfriends

2047 Words
Ice Brayden Hernandez's POV "Idiot! Labas na!" Kanina ko pa siya kinakatok dito sa guestroom pero simpleng "Teka!" wala akong narinig mula sa loob. "Idiot! Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa lumabas diyan....." Tsss! Ano ba magiging panakot ko? Bahala na nga! "One!" "Two!" "Three!" Tsss! Wala parin! Bukod sa napapagod na ako kakakatok, napapagod nadin akong magsalita. Kaya ayaw kong nagsasalita e, nakakapagod at nakakatamad. Bwisit kasi tong Idiot nato e. Wala na! Wala nang pag-asang sumagot yang Idiot na yan. Hihintayin ko nalang siya dito sa labas. Tsss! I hate waiting! Sinuot ko nalang ang earphones ko at sumandal sa may pintuan. Tsss! Ircy Brienne Hernandez's POV Helloooo! YES! Meron na akong POV! Sa wakas! After 1234567890 years! Lumelevel up na ako. Wahahahaha! By the way, natatawa ako kay kuya (COMMERCIAL: kahit kambal kami, kuya padin tawag ko sa kanya kasi mas maaga siya ng 5 minutes sa akin na pinanganak tsaka BABY FACE pa kaya ako.) So I was saying na natatawa ako kay kuya kasi kanina pa siya katok ng katok at sigaw ng sigaw sa labas. Haha! Oo, naririnig namin yun kaso busy pa ako sa pagsa-salvage este pagpapaganda kay Natalie. Oh my g! Ang hirap niya pagandahin. Kasi naman! Choosy pa siya, siya na nga mamake-upan tapos siya pa may ayaw. Kanina niya pa ako hinahampas ng unan kapag lumalapit ako. Kaya eto kami ngayon, wala padin akong nalalagay na make-up sa mukha niya kahit isa. HAGGARD NA ANG IRCY NIYO. Huhuhu! Iyak na tayo.  >>Flashback "Bakit ba naka-kumot ka pa? Ka-abnormalan ni Kuya." Sabi ko dun sa girl tapos nag-shrug lang siya ng shoulders "Pwede ko bang tanggalin?" Nag-thumbs up siya so I think it's a yes. Pumikit muna ako at hinawakan yung dulo ng kumot. 1... 2... 3... Hinila ko yung kumot na nakatalukbong sa kanya. "SHOCKS!" Napa-upo ako sa takot nung nakita ko yung mukha niya. Oh my g! Nakakatakot nga talaga yung face niya, kamukha niya si Shomba. "B-bakit?" Tanong niya sakin kaya kinuha ko yung salamin sa may side table at inabot sa kanya "Uwaaaaaah! Shomba!!!" Nagulat ako sa kanya kaya nagtatatakbo ako sa may kwarto at siya din ay nagtatatakbo hanggang sa.... "Aray!" Sabi niya habang nakahawak sa ulo "Ouch!" Ang sakit! Nagkauntugan kami at pagkatingin ko sa kanya... "UWAAAAH!!!" tinuturo-turo ko pa siya habang sumisigaw "UWAAAAAH!!!" Sumigaw din siya hanggang sa tumigil kaming dalawa at napagod kaka-sigaw. "Ahhh! Haha! Bleeeh! Ako yung nanalo sa pahabaan. Bleh!!" Yung itsura niya? Kamukha ni Shomba na naka-dila at nang-aasar. Shocks! Natatawa ako. HAHAHAHAHA! Yun pala yung iniisip niya habang sumisigaw siya. HAHAHAHA! Feeling ko masaya siyang kasama. Hahahaha! "Hahaha! Bestfriends na tayo ha?" Bakit ba? E gusto ko e. What I want is what I get. "Ha?" Biglang nanlaki yung mata niya at lumapit siya sakin "Bestfriends?" Yinakap ko siya, yung tipong mahihiya siya humindi. "Ayaw ko nga." Walang hiya pala siya. Huhuhu! Grabe Ircy! Ngayon ka lang natanggihan sa tala ng buhay mo. "Why?" Humiwalay ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya habang naka-pout "Kasi.. Kasi.. Uhmmm. Inaantok na ako. Oo! Tama! Inaantok na kasi ako kaya hindi tayo pwede maging mag-bestfriend. Haha! Goodnight!" Dali dali siya pumunta sa kama at nagtalukbong ng kumot. AJA IRCY! KAYA MO YAN! MAPAPAPAYAG MO DIN YAN! TIWALA LANG SA SARILI! "Lame excuse. Bakit nga? Because of your dirty little secret?" Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama "Alam mo yun?" Bigla siyang napaupo at tumingin sa akin na tumatango tango "WAAAAH! YEHEY! MAY BESTFRIEND NA AKO! WAAAAH!" Bigla niya akong niyakap kaya niyakap ko nadin siya. Parang magqui-quit na ako sa ballet school at lilipat sa piano school. Gusto ko siyang makasama ng matagal. Love love!! Ano to? Umiiyak siya? Teka! Parang basa na yung balikat ko. Oh my! Ano ba yung tumulo? Luha or... or... or... SIPON? "Teka!" Inilayo ko siya sakin para tignan kung ano nga yung tumulo. Kasi naman no, kahit bestfriend ko siya H&M padin tong damit ko. Ibang usapan na yun no! "Bakit? Ano ba yan! Panira to ng moment, kita mo nang nagda-drama ako e."Hinampas niya ako ng mahina sa braso "Wait! Ano ba yung tumutulo? Luha or... or... sipon?" "Halo. 50 percent na luha tsaka 50 percent na sipon." Nginitian niya ako ng malapad. Huhuhu! Grabe naman, may percent pa. "Ahh, teka lang ha. Babalik ako. Magpapalit lang." Umalis ako ng guestroom at pumunta sa kwarto ko tapos nagbihis then bumalik na ulit sa guestroom "Oh? Bakit bumalik ka?" Tanong niya sakin. Yes naman! Nakapag-hilamos na siya. Hindi na siya kamukha ni Shomba e, slight nalang. "Dito kasi ako matutulog." Tumalon ako sa kama niya at humiga "Teka nga lang. Ano bang pangalan mo?" Tanong ko. Naging mag-bestfriend kami nang hindi ko nalalaman yung pangalan niya eno? Galiiing! "Natalie Zoey Mercado. O diba? Ang ganda ng pangalan ko! Hahaha!" Pumapalakpak-palakpak pa siya. Loka talaga to. Hahaha "E ikaw? Ay teka hulaan ko! Teodora?" Natawa naman ako sa sinabi niyang pangalan masyadong makaluma "Hindi no! Ircy Brienne Hernandez is my name, got it?" Bigla naman siyang napaisip at tumango tango nalang. Ano kayang iniisip niya? "Ay oo nga pala! Bukas, mamake-over kita." Nanlaki naman yung mata niya at umayaw "Wala ka ng magagawa." Binelatan ko siya at nagkunwaring tulog na para hindi na siya sumagot pa. I'm so brilliant, I'm gonna die. >>End of Flashback Ayun, yun ang nangyari kagabi. Akala ko mananalo ako pero hindi pala ako uubra sa kanya. Kung ang motto ko ay "What I want is what I get." Ang motto naman niya is "What she want is not what I want." Kaya yun. Ang sad, ano po? Iyak na tayo. "Ayaw ko!! Uwaaaaah!" Tumayo siya sa kama at tumakbo sa may pinto. "Wag kang lalabas! Wag kang lalabas." Papalapit ako ng papalapit sa kanya habang may hawak na red lipstick Natalie Zoey Mercado's POV Kanina pa ako pinapahirapan ni Ircy dito, ano ba namang magkapatid na ito. Jusmi naman kasi! Gustong gawin ni Ircy na coloring book yung mukha ko. Hindi na nga maganda, gagawin pang coloring book. Anong itsura nun? Kahit sa sarili kong mukha nasusuka ako e. Bakit ganun? Siguro nung nagpasabog si Lord ng kagandahan, katalinuhan at kasexyhan binabangunguot ako kaya kahit katiting man lang dun wala akong nakuha. Grabe! Ang saklap talaga ng buhay. "Wag kang lalabas! Wag kang lalabas." Papalapit ng papalapit sakin si Ircy na may hawak na red na krayola. Jusko! Hindi bagay sakin yang ganyan. Ok na sakin yung lips kong parang uminom ng suka at parang binilad sa araw sa sobrang pagka-dry. Hindi ko na kaya to! Pagnakalabas ako dito, tatakbo ako ng malayong malayo hanggang sa makarating ako ng kabilang mundo. "Uwaaaah! Ba----- Ay tinapang Berting!" Pagkabukas ko ng pinto, biglang natumba sa harapan ko si Berting kaya ang position namin ngayon ay nasa ibabaw ko siya. Uwaaaaaah! Ang bango!! Mas mabango pa siya sa tinapa. Woww!! "Yieeeeeee! I'm so proud of you Natalie. Bagay kayo ni Kuya!" Nang-asar pa tong si Ircy. "Tsss!" Tumayo si Berting at nagpagpag ng sarili. Feeling ko tuloy sobrang dumi ko. Pano naman kasi, kung makapagpag siya natataas na yung shirt niya nakikita na tuloy yung abs niya. Jusko!!!!!!! "Ehem ehem! Kanina pa kita hinihintay sa labas. You're so slow, follow me." Bumalik na siya sa composure niya at naglakad. Lagi ko nang gagamitin yung word na "composure" feeling ko kasi tumatalino na ako kapag ginagamit ko yun. "Kuya kuya! Sama ako." Sigaw ni Ircy kay Berting "You have ballet class, you should go there." Sagot pabalik ni Berting nang hindi lumilingon man lang. Tumakbo papalapit si Ircy kay Berting at sinabing... "No! Nag-quit na ako. Nagpalipat na ako sa Grand Music Palace. It sounds royal no? Grand Music Palace." Sabi ni Icry habang nakakapit sa braso ni Berting "Tssss." Nag-yehey naman si Ircy at bumalik na pumunta sa akin. Kung ano naman ang kinasungit ni Berting yun naman yung kinakulit ni Ircy. Kung ano naman yung kinatahimik ni Berting, yun naman yung kinaingay ni Icry. Jusmi namang buhay to! Ano ba tong pinasok ko. Mababaliw ata ako dito. >>Car Si Ircy naka-upo dun sa harap katabi ni Berting tapos ako naman nakaupo dun sa likod. Malamang, alangan namang sumiksik ako dun sa gitna nila. Ano ako? Sardinas na pinag-gitnaan ng dalawang tuna? Grabe no? Masyado akong kinakawawa ni Ate Chaaaa. May galit ata sakin yun e. Huhuhu! "Kuya, anong itsura ng Grand Music Palace? Describe mo, please?" Pangungulit ni Ircy sa kuya niya. "Mukha siyang building ok? Keep your mouth shut." "OHA! BOOM! SABOG KA IRCY! WALA KA PALA DITO KAY BERTING E!" Napatingin sakin si Ircy tapos napatingin siya kay Berting. "Betring? Whose Berting?" Yung pagkakasabi pa nung 'Berting' may accent pa. Pang mayamang 'berting' samantalang yung akin matigas pa yung 'r' "Siya! Jusmi naman Ircy, sarili mong kuya hindi mo alam yung pangalan? Nakalog na ba yung utak mo? Hala! Baka nung nagkauntugan tayo kagabi nagkapalit tayo." Tumawa naman ng malakas si Ircy at nakita ko na si Berting ay nag-smile. YES! Nagsmile siya, bagay naman pala sa kanya na ngumingiti e. "Teka lang, matalino ka naman diba? Ibig sabihin matalino na ako ngayon. Kaya pala cumocomposure na ang peg ko ngayon. WAHAHAHAHA!" "Hindi!!" Sumigaw si Ircy habang tumatawa. Ako naman napa-poker face. Akala ko naman naging matalino na talaga ako. Eto na yun e! Eto na ang pinaka-hihintay kong mangyari! "Ganun?" "What I mean is, hindi Berting yung pangalan ni Kuya." "Anong pangalan niya? Wag mong sabihin na mas luma at mas mabaho pa yung totoong pangalan niya sa Berting." Nakita ko naman na sinamaan ako ng tingin ni Berting sa may salamin dun sa may kotse. Yung doon sa taas ng driver. "Hehehe! Joke lang." Nag-peace sign ako sa kanya at narinig ko namang nag-tsss lang siya. "Natalie, yung pangalan ni kuya is Ice. Diba? Ircy and Ice. Ircy Brieene Hernandez and Ice Brayden Hernandez." "Ahhh! Yun pala! Ang galing. San nakuha pangalan niyo? Sa north pole? Siguro doon nag-honeymoon si Mister and Missis Hernandez no kaya nakadalawa agad. Malamig daw kasi dun e." Tawa naman ako ng tawa habang sila tahimik lang. Okay. Medyo nakakahiya. Tumigil na ako kakatawa at nanahimik na. "So, your name is Natalie? Do you have a second name?" Tanong ni Ice. Yes! Bagay na sakanya yung pangalan niya. AT LAST! Wehehehe! "Meron. Zoey. Natalie Zoey Mercado yung buong pangalan ko. Ang sosyal no?" Pagmamalaki ko. Aba! Pangalan ko na nga lang ang maganda sakin tapos hindi ko pa ipagmamalaki? "Buti hindi Shomba yung pinangalan sayo ng parents mo?" Aba naman oo! "Maganda kasi ako nung bata ako." "Sana bata ka nalang." Ge! Push mo yan! Mananahimik nalang ako dito. Bwisit tong Ice na to! Sana maging yelo ka na talaga. Jusko ka! *SILENCE* "Ehem! Kuya! I have a surprise for you." Sabi ni Ircy "I don't like surprises." Ang alam ko wala silang lahi pero bakit english sila ng english. Nao-OP ako dito e, hindi ako makasali. T.T "Basta kuya! Tanong mo kung ano. Dali!!!" Tinignan siya ni Ice at inirapan. Grabe! Amazing! Marunong siya mang-irap. Ako nga hindi marunong nun e. Feeling ko titirik yung itim ng mata ko kapag ginawa ko yun. "What?" Inis na sagot ni Ice "Secret!" Napa-face palm nalang ako kay Ircy. Unlichaaaa's POV Yes! Ang sosyal ko! May POV na ako ngayon. Level up na ako. Hahaha! Ipagdiwang! Libre ko kayong Isaw tsaka betamax sa may peralta. Hahaha! So ayun, na-elibs si Natalie sa pagi-irap ni Ice kaya tumingin siya sa may side mirror at pinraktis umirap. Dahil mahal niya daw kayo, tuturuan niya kayo kung paano umirap. NATALIE'S TUTORIAL: 1. Lakihan ang mata. Yung tipong makikita talaga ng iirapan mo na iniirapan mo siya 2. Kailangan naka-taas yung kilay mo. Dagdag space yung para malakihan yung mata 3. Dapat naka-pamewang ka. Para talagang feel na feel mo ang pagtataray 4. Itaas muna ang eyeballs. Dapat mga 3 seconds siyang nasa taas. 5. Iikot mo pababa. Dapat umikot siya ng 360 degrees. Kailangan 360 degrees, kundi failed ang pag-irap mo. 6. Ang pinaka-importante sa lahat. Kailangan hindi mo makalimutang sabihin ang "Tssss." Para mukhang antipatika. Ayan, mismong si Natalie na ang gumawa ng tutorial na yan. "Goodluck sa inyo!!!" Sigaw ni Natalie habang umiirap tapos naka-smile. Alam ko, mukha nanaman siyang Shomba. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD