Natalie Zoey Mercado's POV
Pagbaba namin ng kotse, may bumungad sa aming tatlong sobrang gwapo at cool na mga lalaki na naka-shades pa at nakasandal sa kanilang magagarang kotse.
"Wow! Ang gaganda naman ng kotse nila, Ircy." Akala ko walang ka-level si Ice dito, yung pala madami. Wahaha! May tumalo sa ka-gwapuhan at ka-astigan niya.
"Sila ang seenzone." -Ircy
"Seenzone? Bakit seenzone?"
"E kasi kapag may tumitingin o tumatawag sa kanila, titingin lang sila tapos di na nila papansinin. Ang cool no?" Tumango nalang ako kasi hindi ko naman siya talaga maintindihan.
"Ano kuya? Nagustuhan mo ba yung surprise ko?" Surprise? Asan yung surprise? Lumingon ako sa paligid para maghanap ng bagay na naka-balot pero wala.
"Tsss. Guguluhin lang ako ng mga yan." Ngayon, naka-sandal nadin siya sa kotse niya. Woah! Ang cool nila.
"Yo! Ang corny mo Ice. Why piano? Hahaha!" Sabi nung lalaking chinito at binatukan lang siya ni Ice. Waaah! Wag naman! Ang gwapo masyado ni kuyang chinito para batukan lang ni Ice.
"Who's this chick?" Tumingin naman sakin yung taas taas yung buhok. Yung parang spikes. Yikes!
"You need an eye checkup." Grabe! Bakit ang sama sakin ni Ice. Minsan lang naman e.
"Ano bang ginagawa niyo dito?" Napaka naman neto ni Ice. Napaka-KJ. Nakakabusog kaya sila tignan. Hahaha!
"Si Ircy kasi kinukulit kami na mag-enroll din dito. Tch! Edi sana nasa bahay lang ako ngayon, naglalaro ng xbox." Sabi nung pula yung buhok
"Ehem ehem!" Lahat kami napatingin kay Ircy.
"Yehey kuya! They are my surprise. Nagustuhan mo ba? Oh wait! I will guess! Syempre nagustuhan mo diba? Tell me! Tell me!" Nagtatatalon si Ircy sa harap ni Ice na para bang 7 years old lang siya.
"Kay." Poker face na pagkakasabi ni Ice. Yung tatlo naman napa-face palm nalang.
"By the way, this is Natalie." Nag-smile ako sa kanila at nag-wave naman sila ng kamay
"Natalie, this is Cloud." Tinuro niya yung chinito.
"Sebastian Cloud Castillo but you can call me Cloud" Nakipag-shake hands sakin yung chinito.
"This is Stone." Tinuro naman niya yung pula yung buhok. Astig tignan!
"Kyle Stone Bautista." Nag-smile lang siya sakin at nilaro na yung PSP niya. Adik lang masyado sa games?
"And this is Rain." Tinuro niya yung lalaking may spikes na buhok
"My name is Rain. Rain Ashton de la Vega, the most handsome in seenzone. WAHAHAHA!" Okaaay? Medyo nakakatakot? Pero nakakatawa siya. Hahahaha!
"Uulitin ko, they are called "seenzone" pero kapag kasama ako ang tawag sa amin "seenzone featuring Ircy" Nakangiting sabi ni Ircy habang yung seenzone naka-pokerface lang.
"At dahil friends forever ka nadin namin..." Tumango tango naman yung seenzone except kay Ice.
"Ang tawag na satin ngayon ay... teka!" May kinuhang papel si Ircy sa bag niya. May kodigo pa.
"SEENZONE FEATURING PRINCESS AND THE PAUPER!"
"PRINCESS AND THE PAUPER?!!!!" Sabay sabay nilang sabi at tumango naman si Icry.
"Yes. Why? Got a problem with that?" Bagay din pala kay Ircy na magtaray. Mukha siyang dalaga at matured mag-isip. Lalo sila nagiging magkamukha ni Ice. Amazing talaga!
Yung seenzone naman mukhang natakot kasi lahat sila umiling pero syempre except kay Ice na naka-poker face padin. Bakit? May pagbabago pa ba dun? Masanay na kayo. Nahipan na ng ipo-ipo yang mukha ni Ice kaya forever na yang ganyan.
"YEHEY! I'm so cool and brilliant and pretty and......." Hinila ako papasok ni Ice sa building habang nagsasalita si Icry na characteristics niya kuno.
"WAIT FOR ME SEENZONE FEATURING PRINCESS AND THE PAUPER!" Sigaw ni Ircy habang tumatakbo papunta samin.
Pumasok na kami sa wakas ng campus at lahat ng mga tao doon ay nakatingin sa amin ay este sa kanila lang pala.
"Ang gwapo nila." -Girl #1
"Mga new student yata." -Girl #2
"Sexy nung isa oh!" -Boy #1
"Panira yung isa nilang kasama." -Boy #2
"Baka alalay lang nila." -Boy# 3
"HAHAHAHAHA!" Nagtawanan naman silang lahat kaya napayuko nalang ako.
Alam ko namang ako yung tinutukoy nila e. Sabagay, hindi naman talaga ako bagay sa kanila kasi panlabas na anyo palang ang layo ko na sa kanila e pano pa kaya yung financial?
"ARAY!" Bigla akong nauntog sa likod ni Stone. Huminto kasi sila sa paglalakad. Bakit kaya? Tumingin ako sa harapan at nakita ko na si Cloud ay lumapit dun sa mga nagbubulungan kanina.
Yung isang babae nahimatay nung lumapit si Cloud. Yung isa namang kumuha ng pamaypay. Yung isa naman naglalaway na kakatitig kay Chinito boy. Yung mga lalaki nakatingin lang ng diretso kay Cloud
"You. Shut up." Ang cool niya. Nakakatakot yung pagkasabi niya ng "you!"
"Why would I? Who are you?" Taas noong sabi ni Boy #3
"SEBASTIAN.CLOUD.CASTILLO.SEENZONE." Dahan dahan na sinabi ni Cloud at nanlaki naman yung mata nung lalaki.
"Anong nangyayari Ircy?"
"We, the members of seenzone belongs to the most famous and influential family in the world and you are the only exception." Iba na talaga kapag mayaman. Tsk tsk.
Humingi naman ng patawad yung mga nagchichikahan kanina. Grabe! Nakakatakot pala yung seenzone no? pero mababait din naman sila.
"Listen!" Sigaw ni Ice with full authority kaya naman napatingin sa kanya lahat ng tao.
"Don't dare to mess up with us. You know us." Sigaw pa ulit ni Ice. Grabe! Ang cool niya tignan. Kung dati poker face palagi yung mukha niya, ngayon naman kitang kita na galit siya. Brrrr! Tumatayo yung balahibo ko dahil nagbago yung expression ng mukha niya.
Infairness sa kanila ha. Pinagtanggol nila ako. Feeling ko tuloy, welcome na welcome talaga ako sa kanila kahit sobrang layo at naiiba ako. Ayieeee! Kinikilig naman ako sa kanila.
Buti pa dito may mga kaibigan ako na handang tumulong, dumamay at ipagtanggol ako sa mga umaaway saakin samantalagang dati, ni-isa walang lumalapit sa akin dahil mahirap lang daw ako at hindi ako nababagay na maging kaibigan nila.
------
Andito na kaming lahat sa classroom. Ni-request nila na magkakasama kami sa isang room. Wala eh! Pinakita lang nila yung ID nila sa registrar at nung nakitang famous yung last name nila biglang pinayagan. Mga priority at famous nga naman.
"Blah blah blah!" Naglelecture yung teacher tungkol sa mga famous pianist tsaka yung pinaka kilala na pinlay nila. Ilang beses ko na napakinggan yan. Sobrang nakakabagot dito.
Inubob ko yung ulo ko sa lamesa at sinubukang matulog tutal hindi naman ako makikita dito sa likod at paniguradong hindi naman magsusumbong tong dalawang katabi ko. Sa kanan si Ice, ano bang inaasahan niyo diyan? Napaka-tamad nga niyang magsalita e. Sa kaliwa ko naman si Stone, ayan siya laro lang ng laro. Free na free ako matulog dito. Hayy! Sarap buhay nga naman.
Zzz....
Zzz....
Zzz....
Zzz....
Zzz....
"Ms. Mercado!" Bigla naman akong napaupo ng maayos at nung tumingin ako sa teacher ko... Lord! Huminahon po sana siya.
"H-hi Ma'am." Ngumiti ako ng malapad sa kanya.
"Ms. Mercado, give me 30 famous pianist and their famous piece." Grabe yung mukha nung teacher namin! Namumula na sa galit tapos umuusok na yung ilong nila. Mukha na siyang dragon. Uwaaaaah! >.Ice Brayden Hernandez's POV
What the?! Na-lock kami nitong idiot na to sa CR. Psh! Ipapa-demolish ko talaga tong school na to. Isang Hernandez? Na-lock sa isang GIRLS COMFORT ROOM! Psh!
"Ahe-he-he. Wala lang." She's such an idiot and nagger pero siya lang ang pinapayagan kong mangulit sakin. I don't know? I felt something strange towards her but it's not romantic attachment issues.
Nakakabingi yung katahimikan namin dito. Hindi ako sanay na tahimik siya. Should I start the conversation?
Maybe not.
Psh! Okay okay! I'll start it!
"Idiot!" Naramdaman ko namang may nakatingin sa akin
"Wow! Nagsalita ka!" What the?!
"Of course. May bibig ako, you idiot." Wala siyang sense kausap. Bakit may taong ganto. Tssss
"Hmmm. Ice." Biglang naging seryoso yung boses niya
"Pwede magkwento?" Bigla naman akong napatingin sa kanya.
"Okay." Pagkasabi na pagkasabi ko niyan. Bigla siyang lumapit at umupo sa tabi ko.
"Naranasan mo na bang maiwan ng magulang? Ay wait! Wag mo na pala sagutin. Kasama mo pa pala si Mister and Missis Hernandez. Hehe." Halatang fake yung tawa niya.
Hindi nalang ako nagsalita.
"Alam mo bang namimiss ko na sila mama at papa? Kahit kasi mahirap lang kami, masaya naman. Namimiss ko na nung binubuhat ako ni papa sa likod at tsaka nung nilulutuan ako ni mama ng adobo tsaka sinigang." Ang babaw naman ng kaligayahan neto.
"Where's your parents?" Bigla nalang lumabas ang mga salitang yan sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit. Curiosity strikes!
"Nasa taas na sila. May mga pakpak at naka-puti."
"Ahh..." Akala ko si Natalie ay isang babae na mukhang walang problema, walang dinadala at puro saya lang ang iniintindi sa buhay pero nagkamali pala ako.
I judged her by the way she acts. Hindi ko muna inalam yung story niya. I feel guilty.
"Si kuya din nami-miss ko na. Iniwan ko siya ng walang paalam. Hindi ko naman kasi alam kung paano nangyari to e."
"We will find a way. Ok? I'm always here." What? Tss! What did I say? Okay wait! Naawa lang ako sa kanya kasi wala siyang family na kasama. Oo tama! Naawa lang ako. Tama yun. Tama!
Hindi padin siya tumitigil kakaiyak. Hindi naman ako marunong magpatahan. Magpaiyak, pwede pa.
Ano ba yan! Ang ingay naman niya. Pagpasensyahan mo Ice! May pinagdadaanan. Tandaan mo! Naawa ka sa kanya. Yun lang ang tandaan mo! NA-A-A-WA!
Aish!!!
"Hmm, I'm not good at comforting pero I hope this one will work."
Natalie Zoey Mercado's POV
"Hmm, I'm not good at comforting pero I hope this one will work."
Nagulat ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya at nang yakapin niya ako habang hinahagod yung likod ko.
"The strands in your eyes that color them wonderful stop me and steal my breath and emeralds from mountains thrust towards the sky never revealing their depth. Tell me that we belong together, dress it up with the trappings of love. I'll be captivated, I'll hang from your lips, instead of the gallows of heartache that hang from above. "
Ikinagulat ko nang bigla siyang kumata habang nakayakap sa akin.
"I'll be your crying shoulder, I'll be love's suicide, I'll be better when I'm older, I'll be the greatest fan of your life. "
Hindi ko alam kung bakit bigla akong huminahon.
Feeling ko ngayon, hindi ako mag-isa.
Feeling ko laging merong nandyan sa tabi ko kapag kailagan ko.
"And rain falls angry on the tin roof as we lie awake in my bed. You're my survival, you're my living proof. My love is alive and not dead. Tell me that we belong together. Dress it up with the trappings of love. I'll be captivated, I'll hang from your lips, instead of the gallows of heartache that hang from above "
Sa ginawa niya ngayon, nakilala ko na ang totoong Ice Hernandez. Hindi pala siya yung taong palaging poker face at walang pakielam sa mundo at ng mga nasa paligid niya. Siya din pala ay isang maalalahanin at mabuting kaibigan.
"And I've dropped out, I've burned up, I've fought my way back from the dead. I've tuned in, turned on, remembered the things that you said "
Isang tao na masasandalan at maasahan mo.
Isang tao na hindi ka iiwan.
Isang tao na tutulungan ka kahit gaano pa kahirap yan.
Isang tao na ipapahiram niya ang balikat niya at magpapatahan sayo.
Isang kaibigang tunay.
"I'll be your crying shoulder, I'll be love's suicide, I'll be better when I'm older, I'll be the greatest fan of your life..."
Dahan dahan akong pumikit na may ngiti sa aking labi.
Salamat sa gabing ito, Ice Hernandez
>>Morning
"Idiot! Wake up!"
"Hmmm! 5 minutes!"
"Idiot! I said! Wake up!" Ang lakas ng pagkakayug-yog sakin. Parang hihiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan.
"UWAAAAAAH!" Bakit andito ako sa CR tapos katabi ko pa tong si Ice.
"Idiot. Tsss."
Ano ba nangyari kagabi?
Hmmmm...
Ay! Hehehe! Oo nga pala.
"Idiot! Tumayo ka na diyan at lalabas na tayo." Tumayo naman ako at nag-inat inat
"Wear this." Tinanggal ni Ice yung jacket niya at isinuot sa akin tapos...
Bigla siyang umupo.
"Bakit ka umupo? Inaantok ka pa?" Ang daya naman! Ako pinatayo na niya tapos siya biglang uupo. Ang pangit pa ng upo niya, yung mukhang tatae.
"Sakay."
"Ano ulit?"
"Sakay." Waaaah! Di ako nagkamali ng rinig.
Sumakay ako agad sa likod niya. Aba! Namiss ko din yung ganto no. 7 years old pa ako nung huling pinasan ako ni Daddy e 19 years old na ako ngayon. 10 years din pala ang nakalipas...
"Ang swerte nung babae." -Girl #1
"Oo nga. Saan kaya sila galing? Ang hot nung guy!" -Girl #2
"KYAAAAAAAH!" Sigaw nilang dalawa.
Hindi na ako magtataka, makalaglay panty naman talaga yung itsura ni Ice.
"Yelo, salamat ha?"
"Tsssss."
Akala ko naman nagbago na siya. Kagabi lang pala yun, sana palaging gabi nalang. Quotang quota na yung tenga ko sa "tss" na yan e.