Chapter 5 - Smile

3192 Words
Ice Brayden Hernandez's POV Inutusan ko si Ircy kanina para tawagin si Idiot dahil aalis na kami tapos malalaman ko sa maid namin na umalis na pala si Ircy. Hindi ko talaga alam kung sinong mas matanda sa aming dalawa. Tsk! "Idiot! Labas na!" Andito nanaman ako sa tapat ng kwarto ni Idiot at kumakatok. Ganto nalang ba tuwing umaga? Ako yung naghihintay. Tsss Eto nanaman kami. Ganto din yung nangyari nung isang araw ah? Nung naiwan kami sa CR at at. Tsk! Ano ba Ice! Naawa ka lang sa kanya nun diba? Tapos bakit ba kasi pumasok sa isip ko na gawin yun. Nahahawa na ata ako sa pagka-insane nung Idiot na yun. Tsk! I need a checkup >>Flashback Dahil nahabag ako sa kinwento niya kagabi ay naisipan kong.... "Young master, tulungan na po namin kayo." Sabi nung isang maid namin "Don't dare to touch anything or else you're fired." Bigla naman silang napa-atras at iniwan na ako sa kitchen Tsss! Ano ba dito? Merong beef, pork, fish at chicken. Hindi naman kasi niya sinabi kagabi kung anong klaseng hayop yung gusto niya. Idiot talaga yung babaeng yun! Kung hindi lang talaga ako naawa sa kanya. Tsk! Eto na nga lang pork para magkaroon naman siya ng taba sa utak at makapag-isip siya ng maayos. Napakamot ako sa ulo nung makita ko yung recipe ng sinigang na baboy sa iPad ko. Paano ko ba sisimulan to? Binuksan ko yung ref namin at tinignan ang mga laman nito. Matagal tagal na gawain din to pero dahil mabait ako at maawain, kakayanin ko to. Binasa ko yung ingredients at kinuha ko na ang mga ito sa ref namin. Buti nalang kumpleto kami dito sa bahay kundi tatamarin na ako mag-grocery. Mas gusto ko pa maglaro ng xbox kesa mag-grocery. Sinimulan ko na mag-experiment at pinaghalo halo yung mga ingredients. "Yelo, ano yan?" Pagkatapos ko magluto ay pinatawag ko na si Idiot sa isang maid namin. "Ano bang sa tingin mo?" Pinaandar nanaman niya yung katangahan niya. "Mukhang marikina na binaha na may luulutang na baboy, kamatis, sitaw, labanos, talong at kangkong. In short, mukhang marinikang gubat na baha." "Bakit mo naman nasabi? Masarap kaya yan." "Tignan mo naman! Punong puno ng tubig tapos yung kamatis buong bilog pa!" "Sabi kasi sa recipe, diced daw. Malay ko ba kung pano gawin yun? Ang alam kong dice ay yung ginagamit sa snake and ladder" Napakamot siya ng ulo at ngumiti ng alanganin sa akin "Bakit may ruler dito?" "Sabi kasi sa recipe, hiwain ko daw yung sitaw ng two inches kaya yan! Ginamitan ko ng ruler para saktong two inches." Napakamot nanaman siya ng ulo. Di ko alam kung may kuto na siya or what. Tinitigan niya lang yung niluto ko at para bang nilalasap niya ito sa tinign. I'm sure na nahihiya lang siya na sunggaban yung nilunto ko. See! Napapa-lunok pa siya ng laway at mukhang pinagpapawisan. "Sige na, kain na. Pinaghirapan ko yan." Ngumiti naman siya sa akin at dahan dahan na umupo sa dining table. "Ayaw mo ba?" Pag-aalok niya sakin "Hindi, sayo lang yan. Namiss mong lutuan ka niyan diba? Ayan! Busugin mo yung sarili mo nang maturuan mo akong mabuti sa pagpa-piano." "He-he-he! S-sige. K-kain na ako." Kumuha siya ng kutsara at mangkok at tumingin ulit sakin "Ayaw mo ba talaga?" Umiling lang ako "S-sige." Humigop siya ng sabaw at napapikit siya. "Tsss. Ganun ba kasarap ang luto ko para mapapkit ka pa?" Tumango lang siya ng marahan. "Waaaah! Ice! Kailangan ko na pala maglinis ng kwarto.. Uhmm! Kasi! Oo hahaha! Kasi may nakita akong pusang mukhang daga kagabi dun! Aruuuu! Sige na ha? Bye!" Kita mo yun! Pagkatapos humigop ng isa ay humarurot na paakyat ng kwarto niya. Siguro tinitipid niya yung sinigang sa sobrang sarap. "Tsss. Wag ko na nga lang tikman. Mukhang tinitipid niya e." Tinakpan ko ito at nilagay sa ref Hindi ko alam na may talent pala ako sa pagluluto. Minsan, ipagluluto ko si mama ng sinigang para payagan niya na akong mag-bar kasama nila Rain. >>End of Flashback "Idiot?!" Nakapag-kwento na ako at lahat hindi padin niya binubuksan tong pinto. Tch! Pumasok nalang ako ng kwarto dahil wala akong balak na maghintay at sumadal sa pinto niya dahil baka mangyari nanaman ang hindi kanais-nais na pose na yun. Umupo ako sa kama at inilibot yung mata ko sa kwarto. Malinis naman at mukhang nakuha niya na yung pusang mukhang daga. San kaya nanggaling yun? "THAT GIRL IS ON FAYAAAAAH!" f**k! Sino yung kumakanta na yun? "THAT GIRL IS ON FAYAAAH!" s**t! Ang pangit ng boses. Baragbarag! Lumapit ako sa pintuan ng CR at idinikit ko ang tenga ko dun. For sure, si Idiot ang nasa loob ng CR. Kung gaano siya ka-galing sa piano ay ganun naman ka-pangit yung boses niya. Kaawa-awa. Lumabas nalang ako ng kwarto niya at hinintay siya sa living room. Kasuklam suklam yung boses niya, masyadong masakit sa eardrums. "ARGH!" Hinilot ko yung temples ko. Pakiramdam ko ay nanginig yung buong utak ko sa narinig kong boses na kumakanta kanina. Boses ni Idiot ang pinaka-pangit na boses na narinig ko. Bwisit! Natalie Zoey Mercado's POV Nilutuan ako ni Yelo ng marikinang gubat na baha at sinasabi niyang sinigang na baboy daw yun. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot e. Matutuwa dahil nilutuan niya ako or matatakot dahil baka gusto niya na akong patayin sa niluto niya. Waaaaaah! Andito na kami sa school ngayon, kasama ko ang Seenzone featuring Ircy. Naglalakad sa hallway at humahawi yung tao kapag dumadaan sila. Ano pa bang inaasahan ko pagkatapos nung nangyari nung isang araw. Feeling ko nga nun magkaka-gyera na e. "Tabi tabi, ang seenzone dadaan." Kitams! Sabi sa inyo e. Huhuhu! Bakit ganto? Nakakatakot! Nasan ang hustisya?! "WAAAAAAAH!" Pagkadaan na pagkadaan nung seenzone featuring Ircy ay bigla namang naging crowded ulit ang hallway. Ano ba yan Natalie! Bat kasi pa-huli huli ka sa paglakad! Yan tuloy, naiwan ka nila. Lonely forever at loner ka na. Kawawang Natalie, walang kasama. "Waaaah! Ang bilis naman kasi nila maglakad! Bat naman kasi ang igsi ng mga binti ko!" Umupo nalang ako sa bench sa may gilid. Plano kong umupo dito hanggang dumaan ulit sila dito para umuwi. Aha! Tama yun! Atleast kapag ganun ang nangyari ay hindi ko matuturuan si Yelo ng piano ngayon at kapag hindi ko siya tinuruan ngayon ibig sabihin stress free ang araw ko. "Yes! Wahahaha!" Napangiti nalang ako sa mga naisip kong posibleng mangyari ngayong araw. "Yuck! Look girls." May lumapit sa aking apat na babae. Sobrang iikli ng damit at kung maka-suot ng blouse ay para bang puputok na yung sa may bandang dibdib sa sobrang sikip. "May tanong ako." Nakangiting sabi ko "Kinulang ba kayo sa tela?" Curiosity strikes! "What?!" Naiinis na tanong nung leader ata nila to? "Kinulang ba kayo sa tela?" "What did you say?" "Kinulang ba kayo sa tela?" Kung alam ko lang na medyo may pagka-bingi pala tong babaeng to edi sana ni-record ko nalang yung tanong ko sa kanila. "Excuse meh?" Sabi nung isa sa kanila. Bakit ganun? Kailangan "meh" pa? Hindi ba pwedeng "me" nalang? Kailangan with H? "Kinukulang ba kayo sa tela? Alam niyo kasi, maraming tela dun sa bahay nila Yelo kaya baka gusto niyo." "P-para san yun?" Bakit niya ako sinampal? Nagmamagandang loob na nga ako e "You b***h! Sasagot ka pa!" Inihaya niya yung kamay niya para sampalin ulit ako. Pumikit nalang ako para medyo hindi ko maramdaman yung sakit. Effective yun, try niyo. Asan na yung sampal? Grabity ha! Kanina pa ako nakapikit dito! Konti nalang maghe-headbang na ako. May narinig akong malutong na sampal pero wala naman akong naramdaman na may dumapong kamay sa mukha ko. "Waaaaaah! Ircy! Bakit andito ka?" Pagdilat ko, nakita ko si Ircy kasama ang seenzone at naka-smirk silang lahat "Waaaah! Ateng kulang sa tela! Bakit andiyan ka sa sahig?" "Don't dare to touch her you b***h!" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Ircy. "Tama na yan Ice. Wag mo nang pagaksayahan ng panahon yang babaeng yan." Hinawakan naman ni Stone si Yelo sa balikat na para bang inaawat niya ang isang bata na makipag-away Bakit? Ano bang ginawa niya? Baka mamaya umepal lang siya sa scene. Ano ba yan! Hindi ko nakita yung nangyari! Sayang naman. Instant action movie na yun e! Natalie naman! Bakit kasi pumikit ka pa. Asar! "Halika nga dito Idiot!" Hinila naman ako ni Yelo palayo sa babaeng kulang sa tela "Ate! Eto si Yelo oh! Sila yung may maraming tela, sabihin mo lang sakin kapag kailangan mo ha? Babye!" Huminto kami sa paglalakad. Ay wait mali! Huminto si Yelo sa pagkaladkad sa akin. "Bakit ka ba kasi andun?" "Kasalanan ko bang maliit yung mga binti ko at mabagal akong maglakad?" Nakakatakot naman kausap tong Yelo na to. Ice na ice siya. Literal na parang yelo. "Lagyan nga natin ng extension yang paa mo mamaya para humaba?" "Waaaaah! Ayaw ko! Masakit yun!" "Kapag nahabol mo ako hindi na natin lalagyan ng extension yan." Pagkasabi na pagkasabi niya nun bigla siyang tumakbo ng mabilis. Waaaaah! Kailangan kong mahabol tong yelo na to kundi katapusan na ng maiigsi kong binti. Rain Ashton de la Vega's POV Hi there girls! I'm Rain Ashton de la Vega, ang pinaka-gwapong nilalang sa earth. Wait, second lang pala kasi ang first is si Tito Ethan. Yeah, nagmana ako dun kay Tito Ethan kahit hindi kami magkadugo. Basta pareho kaming pogi, yun lang ang alam ko. Hahaha! Richkid. Sabihin niyo na lahat ng bagay dito sa lupa, meron ako niyan. Mansions, cars, villas, resorts and many more. Bestfriend of Ice. Simula pagkabata kasama ko na yan and simula pagkabata lagi siyang pokerface. Hindi tumawa at ngumiti pero mabait naman yan, hindi lang halata. "s**t!" Napaiwas ako nang may tumatakbong lalaki na muntik nang bumangga sakin. "Sorry Rain." Nag-peace sign pa sakin sa Natalie bago tumakbo ulit Dahan dahan akong lumingon sa likod para makita kung sino yung tumatakbong lalaki. Nanlaki yung mata ko. No, lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Kailangan ko ata to ma-videohan para maipakita ko kila Tito't tita. Alam niyo kasi, matagal nang nagaalala ang parents ni Ice sa kanya dahil hindi man lang ito ngumingiti at gumagawa ng mga bagay na ginagawa ng normal teenagers kaya ang akala nila abnormal si Ice. Kakaiba din kasi mag-isip sila Tito't tita e, mala-out of this world DANG! Si Ice ba yun? And.. and Natalie? Si Ice? Tumatakbo? Habang nakangiti? No! Tumatawa then kitang kita yung mga ngipin niya at... dimples? May dimples pala siya? Ngayon ko lang nalaman. Sabagay, ngayon ko lang naman siya nakitang ngumiti. Interesting huh?  Ice Brayden Hernandez's POV "Aray ko Yelo!" Napahinto ako sa pagtakbo dahil humarang si Ircy sa harapan ko kaya naman nauntog tong si Idiot sa likod ko. Idiot talaga. Tssss Bigla namang lumapit si Cloud sakin at hinipo ang noo ko. "Ah s**t!" Tinapik ko naman ito. Ano to? Bakla na ba siya? Tsk! "Anong hinihipo hipo mo diyan? Bakla ka ba?!" Singhal ko sa kanya "Bro, totoo ba yung nakita namin? Tumawa ka?" Amazed na amazed na sabi niya "Ehem." Bumalik naman ako sa composure ko at sumandal sa may bulletin board sabay ikinabit ang dalawang earphones sa tenga ako at pumamulsa. "Waaaah! Kuya! Tabi!" Tinulak ako ni Ircy pa-alis sa pagkaka-sandal ko sa bulletin board "What the Ircy?!" "Natalie! Sumali ka dito!" Napatingin naman ako sa papel na nakadikit sa bulletin board IN SEARCH FOR THE PIANO PRINCESS FOR THE ACQUAINTANCE PARTY: Requirements: 1. You must know how to play piano Idea: Hmmm, pwede naman. Sabagay, magaling naman siya mag-piano 2. You must have a good voice Idea: No no. bad idea! Sa narinig kong pagkanta kanina, bagsak na bagsak na siya. 3. You should look like a princess Idea: Bagsak na din siya dito. Walang princess na mukhang Shomba. This is for the incoming aquaintance party. If you're interested go to the grand music room at 4pm "Waaaaaah! Natalie! Sali ka!" Nag-lighten up yung mukha ni Idiot. Gusto niya ata mag-audition. Pareho silang Idiot, hindi nila iniisip ang pwedeng mangyari sa mundo kapag kumanta si Idiot. "He-he-he." Pinagdikit ni Idiot yung dalawa niyang hintuturo. Lahat kami hinihintay yung isasagot niya. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari. Baka magunaw na ang mundo. Talaga bang hanggang Chapter 5 lang tong storya na to? "Ano na Nat?" Tanong ni Rain "Ah eh." -Idiot "Natalie? Decide? 3:45 na." -Cloud "Kasi..." -Idiot "Game ka ba?" -Stone. Basta kapag may nabasa kayong word na may kahalong laro, si Stone na agad ang nagsasalita nun. "Uhmmm." -Idiot "Tssss." "Sige na nga! Hinihintay ko lang naman yang line mo e." Nakangiting sabi niya. Ang kulit talaga netong Idiot neto. Anong kinalaman ko sa desisyon niya. Tsk! Ircy Brienne Hernandez's POV Andito kami sa pila ng mga magau-audition. Ang haba ng pila. 3 minutes na kaming nakatayo dito, naiinip na ako. Should I use my popularity?  "Tara." Hinila ko si Natalie papunta sa harapan. "Hey girl. Pumila nga kayo." Sabi sakin nung isang babae. How dare her! "Back off." Tinulak ko lang siya at tuloy tuloy na naglakad papuntang harapan "Who the hell are you?" Palaban ang isang to. Ano ba yan,  anong oras na oh. Di bale, gagawin kong mabilis to para sayo Natalie my bestfriend. "I'm Ircy Brienne, you have a problem?" I smirked. Nakita ko namang nanlaki yung mata ni Natalie.  Hindi naman kasi pwedeng palagi akong mabait. Kailangan ko sigurong turuan lumaban tong si Natalie para hindi inaaway. Kawawa naman ang aking bestfriend.  "I'm Ciara Nazy." Tinaasan niya ako ng kilay. Tinignan ko ang wrist watch ko.. 3:55 na, 5 minutes nalang and magco-close na ang pagsi-sign up and kapag hindi nakapa-sign up ibig sabihin hindi siya kasama sa mga magau-audition. Hindi ako makakapayag! "Get the hell out of my way!" Hinawakan ko siya sa may dibdib at tinulak ng malakas kaya bigla siyang napaupo sa sahig at bumukas ang blouse niya "Omg!" Narinig ko naman ang pagsigaw nung Nazy na yun dahil lumantad ang kanyang ehem. You know na. Hihihi! "Waaaah! Dalian natin Natalie! Dali! 3 minutes nalang!" Tumakbo kami papuntang harapan. Yes, lahat ng nakapila ay hindi na umangal pa dahil natakot na sila sakin. "Ate ate! Natalie Zoey Mercado. Dali isulat mo na." Utos ko dun sa babaeng nagsi-sign up "Ah, opo." And there it was! Nakasulat na yung name ng aking dearest bestfriend sa auditionees. "YEHEY! VICTOOORY!" Nagtatalon ako sa tuwa. Buti naman nakasama pa si bestfriend sa auditionees kung hindi mayayari sakin yung Nazy na yun. Natalie Zoey Mercado's POV "Waaah! Ircy! Kinakabahan ako! Hindi ako prepared, anong kakantahin ko?" Andito kami ngayon sa may grand music room. Hindi ko naman alam na kapag magau-audition ay maraming nanonood. Akala ko judges lang ang andito at isang supporter. Gusto kong lamunin nalang ako ng carpet at ibalik nalang ulit kapag tapos na ang audition. Maloloka ako sa sobrang kaba dito!!! "Ms. Natalie Zoey Mercado." Waaah! Tinawag na yung pangalan ko Gusto kong lagyan ang paa ko ng mightybond para hindi na ako makalakad papunta sa may piano. Bigyan niyo ako ng mightybond, PLEASE! "Ms. Natalie Zoey Mercado." Nang tawagin ulit ang pangalan ko, lumabas ang seenzone at naiwan si Ircy dito. Hah! Mas okay to, medyo nabasawasan ang pagka-kaba ko. Mas nakakakaba kapag andiyan ang seenzone, ang popogi kaya nila tapos manonood sila sakin. Nakatitig lang sila sakin tapos matutunaw ako. Waaaaah! Pumunta na ako sa may piano at nag-start mag-play... "Right from the start you were a thief you stole my heart and I your willing victim. I let you see the parts of me that weren't all that pretty and with every touch you fixed them " Palagi ko tong naririnig na pinapagtugtog ni Ircy kaya naman naisip ko na baka eto yung favorite niyang kanta. Dinededicate ko sa kanya tong pagtugtog ko kasi lagi siya andiyan para sakin at parang nagiging super hero ko nadin siya. She is the best bestfriend in the whole wide world. "Now you've been talking in your sleep, oh, oh. Things you never say to me, oh, oh. Tell me that you've had enough. Of our love, our love " Hindi ako pamilyar sa kanta pero dahil lagi ko tong naririnig ay medyo na-memorize ko na din eto tsaka ako naman yung taong kapag narinig ko yung isang tunog ay kayang kaya ko na pindutin ito sa piano. Memorize ko na kasi ang bawat tunog ng keys sa piano kaya ganun. "Just give me a reason, just a little bit's enough, just a second we're not broken just bent and we can learn to love again. It's in the stars, it's been written in the scars on our hearts. We're not broken just bent and we can learn to love again" Tumingin ako kay Ircy at nakita ko naman enjoy na enjoy siya sa pakikinig, nakikisabay pa nga siya sa pagkanta e. Pati yung mga nanonood kumakanta nadin. Aba! Mukhang sikat na sikat talaga tong kantang to ha? Matanong nga mamaya kay Yelo kung sino ang kumanta neto. Hanggang first chorus lang ang kinanta ko dahil pinatigil na ako nung judges. Nako! Kinabahan naman ako! Baka mamaya ayaw nila yung kinanta ko. Sabagay, mukha naman kasing pang-bagets yung kanta na yun tapos yung mga judges mukhang mga nasa early 30's na. Yung isa kamukha ni Bamboo, yung isa kamukha ni Sarah Geronimo, yung isa kamukha ni Lea Salonga, yung isa naman kamukha ni Apl De Ap. Ang sabi samin, tignan nalang daw namin sa bulletin board a result kaya lumabas na kami ni Ircy sa grand music room habang kumakanta padin siya. Ang seenzone ay naghihintay lang sa labas habang mga naka-earphones. Ang gwa-gwapo nila tignan. O.O "Just give me a reason just a little bits enough" -Ircy "Okay lang ba ang pagkanta ko?" Kinakabahan kasi talaga ako. Baka hindi ako yung piliin ng judges. "Just a second we're not broken just bent and we can learn to love again." Wala nang pag-asa to. Mukhang lunod na lunod na siya sa pagkanta Matanong na nga lang si Yelo kung sino ang kumanta nung Just Give Me A Reason. "Yelo! May tanong ako sayo." "Tsss." Ibig sabihin niyan ay "ano?" O diba? Pwede niyo na akong i-hire bilang translator ni Ice. Wahahaha!  "Sino bang kumanta ng just give me a reason?" "Si Pink." "Wow! Ang ganda naman ng pangalan niya pero diba kulay yun? Yun pa nga yung kulay ng mga gamit niyo sa bahay e." Lahat kasi ng gamit nila sa bahay ay color pink at palaging amoy vanilla. "That's the name of the singer, Idiot." "E anong last name niya?" Kung tao siya, dapat may last name si Pink "Wala siyang last name." "Ano? Kawawa naman siya. Punta tayong NSO, palagyan natin ng lastname si Pink. Kawawa naman siya." Siguro ulila na si Pink kaya wala siyang last name "HAHAHAHAHAHAHA!" Bigla namang humalagpak sa tawa ang seenzone at napatigil naman sa pagkanta si Ircy tapos tumawa din. Tumingin ako kay Ice... Siya naman ay... Ay... Ngumiti?! Waaaaah! This is so not happening! Isang miracle! Hiwaga! Baka mamaya niyan maging triangle na ang buwan teka lang, pwede bang heart shape nalang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD