Ircy Brienne Hernandez's POV
Unknown number calling..
WAAAAH! May stalker ako! Wait teka, pano kung pogi siya? WAAAH! May admirer ako!
"Hello."
"Hello, this is Grand Music Palace."
Bwisit na Grand Music Palace to. Akala ko naman may stalker s***h admirer na ko. Slashin ko yang Grand Music Palace na yan e. Pinapaasa ako.
"Yes hello?" Wala gana kong sagot
"Ms. Natalie won the contest para sa acquaintance party mamaya pero sana ayusan niyo siyang mabuti. She needs a total make-over"
Napatingin ako kay Natalie...
Hmmm, total make-over nga. May buhok sa legs, may bigote...
"Nat! Taas mo nga kamay mo."
May konting buhok sa kilili. Tsk! Total nga.
"Sige po. Ako na bahala sa kanya."
"Just make sure na walang makakakilala sa kanya because she is the mysterious piano princess."
Taray ng besty ko! Ganda ng title, mysterious piano princess. Bongga!
"Ok. Bye."
Bastos yung Grand Music Palace na yun ah, di man lang marunong magba-bye. Pinaasa na nga ako hindi pa nag-paalam. It hurts you know.
"Besty, lika nga dito." Lumapit naman siya sakin at umupo sa kama
"Bakit besty?"
"Alam mo bang ikaw ang nanalo pero kailangan mong magpaganda kaya tayo na." Hinila ko siya agad palabas ng bahay.
Ninja moves, hindi dapat kami makita ng kuya kong yelo na aalis kundi malalaman niyang si besty ang nanalo.
"Shh ka lang besty! Ninja moves dapat tayo. Tiptoe dali! Tiptoe!" Bulong ko sa kanya. Masunurin naman tong besty ko e. Buti nalang ready on the go na kami agad para umalis.
Natalie Zoey Mercado's POV
"WAAAAH! Besty! Bakit naghihiyawan yung mga babae dito?" Nginitian niya lang ako ng para bang may gagawin siyang masama sakin
"Besty, bakit may tape sila sa binti? WAAAAAH!"
"Ms. Natalie. Shhh!" Sabi nung babaeng nagbabantay dito. Yung naglalagay ng tape.
"Besty, manahimik ka muna kasi baka mamaya wala ka ng boses pag kumanta ka na." Ay oo nga naman. Hihihi! Ako ang mysterious piano princess.
"Nat, upo ka na daw dun ikaw na daw. Goodluck! Dito lang ako." Tumango lang ako sa kanya tapos sinundan ko na yung babaeng maglalagay ng tape sakin. Wax daw tawag dito, malay ko ba sa wax wax na yan. Alam ko namang hindi ako hahayaang masaktan ni Best---
"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAY!" Akala ko pa naman mahal ako ni besty. Bakit ang sakit neto?"
"Ate, wala bang easy round?"
"Ma'am, hindi naman po ito laro e." Sabi ko nga.
"Ate, peram nalang po ng twalya." Inabutan naman niya ako ng twalya. Huhuhu! Twalya, sorry. Kakagatin muna kita, pampalubag loob sa sarili ko. Ang sakit e, bunutin ba naman yung buhok ko sa binti.
Pagkatapos ng 777x77 na arayan ay natapos nadin ako. Sa wakas! Makakalaya nadin ako sa pagpapahirap na to. I'm free!
"Anong masasabi mo besty, flawless mo na oh."
"Aray besty! Wag mo na hampasin. Flawless ka diyan, mas gusto ko pang mukha akong dalmatian kesa dumaan ako sa ganyang proseso."
"OA mo naman Natalie, feeling canned goods. Di pa yan yun, marami pa." Lumayo akong konti sa kanya. Baka pwede pa ako tumakas...
Kaso...
Saan ako pupunta?
Lumapit nalang ulit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya na parang nawawalang bata.
"Besty, sige ok lang yan. Wag mo lang ako iwawala."
"Baliw ka talaga. Tara na nga! Yan namang bigote at kilay mo."
Bye bye mga readers, dito na ata magtatapos ang buhay ko. Akala ko pa naman kwento ko to, pambungad lang pala. Sa pagwa-wax lang pala matatapos ang buhay ko.
Ircy Brienne Hernandez's POV
Dinala ko naman siya dito sa salon para sa bigote at kilay niya. Papa-threading ko para malinis ang tabas. Papa-facial at papa-ayusan ko nadin siya, pati nadin yung buhok niya, puro split-ends.
"Hi Ircy, ano ipapagawa mo?" Sabi nung may ari ng salon. Sabi ni daddy, old friend niya daw to ang sabi naman ni mommy ay old enemy niya daw.
"Tita Irene, hindi po ako. Siya po." Tinuro ko si Besty
"Total make-over." Tumango naman si Tita Irene at pumalakpak. Nagsilabasan yung mga assistants niya. Taray ng salon nato ah, may mga hidden doors na nilalabasan ng mga assistant. Ma-try nga minsang hanapin yung isa sa mga hidden doors.
Umupo nalang ako dito at kumuha ng isang magazine. Ang hirap din pala maging fairygodessbestfriend no? Pano, uupo upo lang at maghihintay hangga't sa matapos.
After 12345678 magandang years ay natapos din ang besty ko at isa na siyang diyosa. As in sobrang ganda na niya ngayon yun nga lang nakasalamin pa siya.
"Tita Irene, thank you po." Umalis na kami ni Natalie dun at dinala ko siya sa bilihan ng contact lenses.
"Besty, ano yang bilog na yan. Bakit tagos tagusan?"
"Contact lens to Nat. Alisin mo yang salamin mo dali." Naeexcite akong magkabit sa kanya ng contact lens. Makakahawak na ako ng eyeballs ng ibang tao. Yipeee!
Ano kaya yung eyeballs ni Besty? Malambot? Matigas? Malaki? Maliit? Mamasa-masa? O tuyo?
"Besty, say ahhhh sa mata mo."
"Pano magsasalita yung mata ko? WAAAAH! Pano yun?"
"Besty, joke lang yun. Ang ibig sabihin nun ay lakihan mo yung mata mo."
"Ah ganun ba yun. Hihihi! Sorry naman. Ikaw naman kasi besty, di mo nililinaw."
Ready...
"Besty teka lang! Ang sakit! Bakit hinahawakan mo yung mata ko?"
"Besty! Teka lang, finifeel ko pa yung eyeballs mo."
"Ako nalang maglalagay. Finifeel ka diyan."
Wala na! Inagaw niya na sakin yung contact lens.
"Ayan na besty! Success! Nalagay ko na pero bakit ganun? Kusang tumutulo yung luha ko? Hala! May buhay na yung mata ko. May magic ba tong contact lense?"
Pagpasensyahan niyo na ang bestfriend ko ha? Masyadong inosente sa mundong ibabaw. Ganyan talaga e.
"Hay nako besty. Tara na at bibili pa tayo ng gown at masks." Hinila ko na siya palabas ng department store. Hinayaan ko nang maiwan niya yung salamin niya para forever na siyang naka-contact lens tutal bagay naman sa kanya. Ganda ng besty ko!
Sebastian Cloud Castillo's POV
"Pre, sino kayang magiging piano princess?"
"Sana chick siya." Puro babae ang iniisip netong si Rain pero on the other hand sana nga chick
"Chick ka diyan, si Ircy lang naman ang hanap mo." Sagot sa kanya ni Stone.
BOOM! Nanigas si Rain. Na-sapul siya e, akala niya hindi halata. Pa-playboy image pa siya pero si Ircy lang naman talaga ng gusto niya... SIMULA PAGKABATA
"Ayos pre, kapatid ko yun." Eto naman ang epal sa lovelife ni Rain, ang kakambal ni Ircy na si Ice. Protective pero palagi silang nagaaway
"Ok lang yan Rain, marami ka namang babaeng pagpipilian." -Stone
"Kaso wala nga lang sa pagpipilian mo si Ircy. HAHAHA!" Sarap asarin netong si Rain. Mukhang asar na asar na pero wala siyang magawa kasi andito ang kapatid ng first love niya.
"Bakit ba kailangan pa ng maskara? s**t naman oh!" -Rain
"problema mo?" -Ice
"Siyempre, hindi makikita ang ka-gwapuhan ko." -Rain
"Sawa na sila sa mukha mo pre. Ayos na yung naka maskara ka, malay mo makasayaw mo si Ircy nang hindi nalalaman ni kambal." Bigla namang sinuot agad ni Rain yung maskara niya at napangiti. Inlove ang playboy namin. Gagong to, kay Ircy lang pala titiklop, dami pang pinaiyak na babae.
"Bakit ba kapatid ko ang pinagtri-tripan niyo? Tara na nga! Malate pa tayo. Tsk!" KJ tong kambal nato. Sarap na nga pikunin ni Rain e.
Pagdating namin sa party...
"Ah s**t! Bakit naka-maskara silang lahat? Wala akong makitang chix!" Malamang si Rain ang nagsasalita.
"Malamang, masquerade party to." Sagot sa kanya ni Stone
"Tanong mo sa kambal niya kung asan si Ircy." Pangaasar ko kay Rain
"Ulap, kanina ka pa." Nyetang to! Binatukan ako. Masyadong pikon.
"Pareng ulan, chill lang." Sabi sa kanya ni bato.
Unti unti na nagiging makata yung mga pangalan namin. Unti unti nang naluluma.
Ulap...
Bato...
Ulan...
Yelo...
"Shut up." Biglang sabi ni yelo nang magsalita na ang emcee
"Goodevening students of Grand Music Palace!"
"WOOOOOOOH!" Nagpalakpakan at nagsigawan lahat ng studyante at siyempre nakisali nadin ako, baka mamaya magmukha akong nao-OP.
"Welcome sa masquerade s***h acquiantance party natin."
"WOOOOOOH!" Di kaya sila mawalan ng boses kakasigaw? Sige na nga, makikisigaw nadin ako tutal nakikisigaw nadin naman si bato at ulan. Si yelo? Wag na kayong umasa dun. Palaging OP sa mundo yun.
"But before the party starts, our piano princess will render a song for us."
Lahat natahimik nang lumabas sa stage ang isang babae...
Nangingibabaw siya sa lahat...
Para siyang bituin na kumikislap-kislap...
Kahit naka-maskara siya, parang ang ganda ganda niya...
Ice Brayden Hernandez's POV
Sino kaya tong piano princess na to? Impossible namang si Idiot kasi nung narinig ko yung boses niya ay talaga namang napaka-pangit. Sukdulan sa pangit. Tsaka mukhang maganda to, makinis, maputi, maayos ang buhok at mukhang maganda ang boses.
"Ahh.. He-he-he." Sabi nung piano princess. Anong klase to? Tatawanan niya lang ba kami?
"This song I'm gonna play is for all of you guys. Ay wait! May sasabihin pa pala ako. Hindi ko alam yung message ng kantang to kasi kanina ko lang pinakinggan, hindi ko padin na-papractice sa piano at medyo hindi ko pa memorize ang lyrics pero sisikapin kong mapaganda para sa inyo. Para hindi ko kayo mabigo. Sana magustuhan niyo." Ang daming satsat!
Hindi naman siguro si Idiot to kasi iba ang boses, husky ang boses. Ang boses ni Idiot ay sobrang matinis, masakit sa tenga. Tsk!
"Heart beats fast, colors and promises. How to be brave, how can I love when I'm afraid to fall but watching you stand alone, all of my doubt suddenly goes away somehow. One step closer.."
Hmmm, maganda ang boses niya. Ang sarap pakinggan. Sobrang lamig ng boses niya at kahit hindi niya pa ito na-papractice sa piano ay kuhang kuha niya ang tunog.
"I have died every day waiting for you. Darlin' don't be afraid I have loved you for a thousand years. I'll love you for a thousand more"
Iba ang nararamdaman ko sa babaeng nasa harap ng piano ngayon. Parang ang lapit ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi baka nadadala lang ako sa tugtog.
Ircy Brienne Hernandez's POV
Waaaah! Naiiyak ako! Mission complete ako! Sobrang ganda ni besty, nagniningning siya. Sobrang galing niya pa tumugtog, with feelings kahit hindi niya alam ang message ng kanta.
At dahil diyan! May super big hug siya sakin mamaya pero sa ngayon, hahanapin ko muna ang isang Blue Mnemosyne. Kyaaaah! Oo, andito siya. Guest kasi ang Syntax Error tapos kasama si Blue Mnemosyne kaya magbo-boy hunting muna ako.
"Time stands still beauty in all she is I will be brave I will not let anything. Take away what's standing in front of me. Every breath, every hour has come to this.. One step closer"
Waaaah! Nasan na ba yung bughaw na yun. Gusto ko siya makita. Long time crush ko talaga siya...
Kumuha muna ako ng inumin dahil pagod nako kaka-ikot at lumabas papunta sa playground ng school.
"Hay, mukhang wala na talaga akong pag-asa makita si Blue Mnemosyne. Nakakainis!" Pagpapadyak ko dito. Naka-upo ako sa may swing at kahit anong isigaw ko dito ay pwede dahil wala namang makakarinig.
"Blue Mnemosyne? Parang ako yun ah?" Napalingon ako sa likod ko. May nagsalita e, may nagdilang anghel! Blue Mnemosyne daw. Sus! Pano ko malalaman kung siya nga talaga yun? e naka MASKARA nga.
"Hay nako kuya, wag mo akong paasahin."
"Ayaw mo maniwala?" Tumabi siya sakin at umupo din sa isang swing
"Pano ako maniniwala? E naka maskara ka. Niloloko mo ba ako kuya?" Sagot ko. Badtrip! Tumayo na ako at akmang aalis kaso nagsalita pa ulit siya.
"E pano ngayon? Ayaw mo pading maniwala?" Makulit din tong isang to ah.
"Kuya, wag ka ngang makul--- BLUE?!" Pagkalingon ko, isang bughaw ang tumambad sakin. Isang Blue Mnemosyne na anak ni Sync Mnemosyne at Momo Clarkson!
"Sabi ko sayo e." Tumawa siya ng mahina at lumapit sakin.
"I have died every day waiting for you. Darlin' don't be afraid I have loved you for a thousand years. I'll love you for a thousand more"
"Can I have this dance?" Inihaya niya sakin ang kamay niya. Blue Mnemosyne? Tinatanong kung pwede silang sumayaw ng isang Ircy Brienne Hernandez?
Hinawakan ko yung kamay niya at yung isang kamay ko ay nilagay ko sa balikat niya. Yung isang kamay naman niya ay nilagay niya sa bewang ko.
"Shocks! Di padin ako makapaniwala. Isang Blue Mnemosyne, kasayaw ko." Narinig ko namang tumawa siya ng mahina
"Maniwala ka na." Grabe, kinikilig ako.
Dream come true!
Sana pwedeng ihinto yung oras na ganto. Yung nakatitig lang ako sa kanya, kamukha niya kasi si Lee Min Ho.
Perfect eyebrows, matangos na ilong, moreno, matangkad, maganda ang katawan, pinkish lips... PERFECT!
"Hindi naman siguro quits kung ako nakikita mo tapos ikaw naka-maskara padin?" Dahan dahan niyang inalis ang maskara ko at nginitian ko siya.
"Pretty." Nakangiti niyang sabi sakin.
Parang tumigil ang oras sakin...
Parang kaming dalawa lang...
Ang tugtog lang ni besty ang naririnig ko at ang t***k ng puso ko...
Ice Brayden Hernandez's POV
"And all along I believed I would find you. Time has brought your heart to me I have loved you for a
thousand years. I'll love you for a thousand more.. One step closer... One step closer..."
Pagkatapos niyang kumanta ay agad siyang bumaba ng stage. Mysterious....
Sinundan ko naman siya kung san siya pumunta. Nacu-curious talaga ako sa kanya. Parang kilala ko siya.
Pumunta siya sa may kuhanan ng inumin...
"Kuya, wala po bang kape dito?"
I secretly smiled.. Natawa ako sa sinabi niya. Kape? Sa party? Kakaiba.
"Grabe naman, kape lang oh. Lamig naman kasi dito naka-aircon tapos juice pa ang inumin na may yelo." Naglakad lakad lang siya. May mga nagco-congratulate at yung iba natutulala lang sa kanya.
Sino ka ba?
Sino ba ang nasa likod ng maskara?
Sino ang piano princess?
"Makalabas na nga lang." Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa may garden ng school. Umupo siya sa bench at niyakap ang sarili. Hinahagod hagod pa niya ang kanyang mga braso. Mukhang lamig na lamig talaga siya.
Natalie Zoey Mercado's POV
Ang lamig naman dito sa party na to. Ano ba naman kasi tong pinasuot sakin ni Ircy, tube na color white na gown, wala man lang jacket. Magiging taong yelo na ako katulad ni Ice sa sobrang lamig. Wala pa silang kape, puro juice na may yelo. Ano ba naman yan.
Saan ba may tindahan? Baka may kopiko 3 in 1 dito.. kaso ang pangit naman tignan, piano princess nagkakape sa may tindahan, parang tambay lang sa tabi-tabi.
Lumabas nalang ako at pumunta sa garden ng school, dito nalang ako. Hindi gano kalamig, tama lang. Fresh air kuno may kasama nga lang mga usok ng mga magagarang kotse ng mga studyante dito.
"Hay! Ang sarap dito!" Nag-unat unat ako. Di ba pwedeng tanggalin tong maskara nato. Nangangati na ako, masyadong torture nato.
Nabigla ako nang biglang may nagpatong sakin ng coat. Pagangat ko ng ulo, tumambad sakin ang isang matangkad na lalaki. Hindi ko madescribe, naka-maskara e. Alangan namang i-describe ko yung design ng maskara niya.
"Ay hindi na kuya." Akmang aalisin ko yung coat pero pinigilan niya ako
"I insist." Oy! Kilala ko yung boses na yun ah? Pero impossible, ang bait neto ni kuya e. Yung naiisip ko, walang pag-asang maging ganto kabait.
"S-salamat." Napayuko ako. Aba siyempre! Marunong din ako mahiya no, kahit hindi halata. Hindi naman niya ako kilala kaya ok lang yan.
"Wala yun. By the way, you're great on the stage." Great on the stage? Nagsulat ba ako ng great sa stage? Di ko siya maintindihan, bakit ba feeling foreigner to kung makapag-english.
"Thanks." Siguro naman tama yung sagot ko no? Sumakto naman. WAHAHAHA! Kahit pala minsan magaling ako. May ipagmamalaki na ako kay yelo mamaya.
"Grabe, alam mo naghihirap na tong school na to."
"Bakit naman?" Sagot niya
"Kasi kanina, nanghihingi ako ng kape sa kanila pero wala sila, juice lang daw ang meron sila. Mas mura naman ang kopiko kesa sa tang no." Narinig ko naman na tumawa siya.
"Kuya, abuso ka. Di naman ako nagpapatawa, kailangan ko ng opinyon mo para makapag-rebelde na ako. Dali! Sagot."
"HAHAHAHAHAHA!" sige, tawanan mo lang ako.
"Nangaasar ka ba kuya?"
"Hindi." Bigla siyang nagpoker face. Ang bilis ah? Parang si yelo lang, kung maka-composure kala mo composure talaga. Teka lang, ano bang meaning ng composure?
May biglang tumugtog na slow music sa loob at nagkatinginan kami ni kuya, nginitian ko lang siya. Baka mamaya sabihin niya gusto kong makipag-sayaw sa kanya kaya tinignan ko siya.
"Ehem." Sabi niya. Tumingin ako sa kanya at napakamot siya sa batok niya.
"Sayaw tayo?" Tumayo siya at inilahad niya ang kanyang kamay sakin.
Tatanggapin ko ba? Sige na nga.. Maganda naman ako ngayon e.
Nilagay niya ang dalawang kamay ko sa batok niya at nilagay niya yung dalawang kamay niya sa bewang ko. Chansing ah! Ang taba ko pa naman.
"Aray!" Sabi niya.
"Hehehe! Peace lang." Natapakan ko kasi siya. Aba! Di ako marunong sumayaw. Parehong kaliwa ang paa ko.
"Pag-pianuhin mo na ako buong araw, wag mo lang ako pasayawin." Tumawa naman siya. Clown ba ko?
Huminto siya sa pagsayaw at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Tapakan mo ko and I'll take the lead."
"Ano?"
"Tapakan mo ako." Sinunod ko naman siya tapos gumalaw siya. Para kaming sumasayaw.. Sumasayaw naman talaga kami pero hindi ako gumagalaw, siya ang gumagalaw para sakin.
Ang role ko dito ay humawak lang ng maigi sa batok niya at titigan siya magdamag.
Si kuyang naka-maskara. Matangos, maputi, singkit, maliit lang ang mukha niya, mapula ang labi at matangkad.
"AAAAAAY!" Sa katangahan ko, napabitaw ako sa kanya kaya muntik na kaming matumba. Buti nalang ay medyo mahigpit ang pagkaka-hawak niya sakin kaya....
HALA!
Kasalanan ba to? Medyo naka-bend ako at nakahawak siya sa bewang ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa, mga 1 inch nalang ang pagitan.
Uy ha! Ang bango niya, amoy lemon. Kaamoy ni yelo.
Kamalasmalasan ay biglang umulan.
"Nice, white gown plus garden equals dugyuting babae." Tatakbo na sana ako papasok kaso hinawakan niya ang kamay ko.
"Dito lang muna tayo." Napatingin ako sa kanya at ngumiti siya.
Wow! Nakakalusaw naman yung ngiti niya.
May iba sa ngiti niya. Parang kusang napa-oo nalang ako. Sabagay, ganto din namang sign ang hinihingi ko kay Lord para sa lalaking makakatuluyan ko.
>>Flashback
"Talie, ano bang gusto mong tipo ng lalaki?" Tanong sakin ni kuya.
Hmmm, napaisip naman ako dun...
"Kuya, ang gusto ko ay yung lalaking ok lang na magpaulan kami. Magpapaulan kami na magkahawak ang kamay."
"Ikaw Talie! Iniisip mo na agad yung ganyan."
"Kuya naman! Tinanong mo e, sinagot ko lang! Makabatok naman!" Hinimas-himas ko yung ulo ko.
"Sinusubakan lang kita!"
"Tsaka kuya, nanghingi na ako ng sign kay Lord tungkol dun. Konti nalang kasi ang lalaking ganun, ang gusto kasi ng mga lalaki ngayon ay laging may payong. Kunyaring concerned sa girlfriend nila."
"Aba, marunong ka talie a."
"Siyempre naman kuya."
>>End of flashback
Namiss ko tuloy si kuya...
"You know what? Tutal naka maskara nadin naman ako at hindi mo ako kilala." Lumapit siya sakin.
"A-ano?" Nagstep backward ako.
"This is my first kiss and my first kiss under the rain."
"WAAAAAAAAAAAH!" Bigla siyang tumakbo papasok
Hinawakan ko ang labi ko...
Yung labi niya...
Yung labi ko...
Nagdikit!!
First kiss ko yun!
Ang masaklap pa ay...
Nakamaskara ang first kiss ko..
Hindi ko siya kilala!