CHAPTER II

2277 Words
Aeliana Nang magmulat ako ng mata ay bumungad saakin ang ceiling ng clinic. Hanggang ngayon ay masakit ang ulo ko. Sino bang nagdala dito sakin sa clinic? 'Ms.Hermosoa. M-ms.Hermosa' Tama , bago ako nawalan ng malay ay kausap ko si Mr.Knight. H-hindi kaya sya ang nagdala sakin sa clinic. "How's your feeling?"-napaigtad ako sa gulat ng magsalita si Mr.Knight na mukhang kadarating lang. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga. "M-medyo masakit lang po yung ulo ko. " "It's natural, you had a fever."-malamig na sagot lang nya "K-kayo po ba nagdala sakin dito?" "What do you think? I was the last person you talked to before you fainted." "Sorry. Naabala ka pa."-nahihiyang sabi ko lang. "Kaya mo na bang tumayo or I will ask security to help you. You better go home." "Hindi na Sir, kaya ko na po. Tsaka ayoko pong umuwi , may klase pa po ako." "Bahala ka . Maiwan na kita."-yun lang at tuluyan na syang lumabas sa clinic kaya naman nagpasya nalang akong pumunta ulit sa cafeteria. Pasado Alas syete pa lang naman kaya may halos isang oras pa ko bago ang klase namin. Papunta ako ng cafeteria ng makasalubong ko nanaman si Mr.Knight pero ang kaibahan sa kanina ay dumiretso na sya at hindi na ako nilingon pa kaya naman dumiretso nalang ako sa cafeteria at nag order ng pagkain doon. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng humahangos na dumating si Anjela. "Okay ka lang ba? Nabalitaan kong hinimatay ka daw?"-nagaalalang tanong nya sabay salat sa noo at leeg ko. "Nilalagnat ka pa. Halika na sa ospital." "Huwag ka ngang over acting dyan. Okay naman na yung pakiramdam ko. Hindi kasi ko nakatulog kagabi--" "Sinasabi ko na nga ba e! Ikaw naman kasi napaka martyr mo. Bakit sinusunod mo utos nung Alden na yon!"-sermon nya tsaka padabog na naupo "Anj, naga adjust pa si Alden kaya yun ganon." "Naga-adjust? Jusko naman Ae, mahigit isang taon na syang naga adjust. Binibigyan mo lang ng dahilan yung katamaran nyang Alden mo! Alam mo ba kung anong ginawa nyan buong magdamag?"-patuloy na sermon nya "O ayan, I saw that photo sa post nung friend ko sa social media . Hindi ba't si Alden yang kasama nya ."-padabog nyang inabot sa akin ang cellphone na post ni Glen. Kasama nya si Alden sa isang bar at may iba pa silang kasamang mga lalaki at babae habang may mga alak at iba't ibang pagkain sa mesa. "B-baka nung nakaraan pa yan."-nasabi ko lang at itinuloy na ang pagkain. "Hello, nakalagay nga sa caption 'ATM' meaning AT THE MOMENT. Kagabi lang yan pinost! Painom inom lang sya habang ikaw ayan nagkasakit na sa kakasunod sa g*gong yon!" "Anj naman, hindi magandang pinagsasalitaan mo sya ng ganyan. I know, he has his own reasons kaya sya nandyan and kaya hindi niya magawa yung research nya." "Alam mo Ae, bahala ka na sa buhay mo! Hindi na ko magtataka isang araw pati sa klase nya ikaw na ang a attend."-matapos nyang sabihin yon ay padabog na nya akong iniwan doon kaya mabilis kong tinapos ang kinakain ko para sundan sya. "Anj."-tawag ko dito pero hindi man lang ito nilingon hanggang sa makarating kami sa unang klase namin . Wala pa naman yung prof kaya may time ako para kausapin sya. "Anjela naman. Huwag ka ng magalit."-malumanay na sabi ko dito habang tinutusok tusok sa balikat."Tinutulungan ko lang naman sya . Alam mo namang hindi yon sanay dito sa bansa natin." "Iba ang tinutulungan lang sa kinukunsinti na. Ano yan, gagraduate ng ikaw ang gumagawa ng lahat? Tsaka anong hindi sanay sa bansa natin e ilang buwan pa nga lang yan nasa Pilipinas nabarkada na . " "Hayaan mo na Anj, palagpasin mo na lang ito. Hayaan mo next time hindi ko na tatanggapin yung papagawa nya." "Nako Ae, ilang ulit mo ng sinabi yan. Basta binalaan kita ha? Baka sa huli iiyak iyak ka." "Oo na , huwag ka ng magalit." Nginitian ko ito habang paulit ulit tinataas baba ang aking kilay hanggang sa pairap nya kong tinalikuran. "Psh. Uminom ka na ba ng gamot?"-sa huli ay sabi niya kaya napangiti nalang din ako. Ganyan ako ka importante sakaniya kaya naman sya lang din ang pinaka pinagkakatiwalaan ko. Matapos ang klase namin sa umaga ay magkasama kaming dumiretso sa cafeteria para kumain ng lunch . Mabuti nalang at medyo nawala wala na yung pananakit ng ulo ko. Matapos ng lunch namin ay dumaan ako sa faculty dahil ayon sa kaklase namin ay hinahanap daw ako ng head ng college department. "Good morning Mrs.Javier, pinatawag nyo daw po ako." "Ms.Hermosa, maupo ka ."-ngiting sabi niya."Narinig ko ang sagutin ninyo ni Mr.Knight last time nung mapadaan ako sa classroom nyo. Hindi ko na ako nakisali sa usapan ninyo dahil nadinig kong binigyan ka na nya ng parusa but to my surprise hindi mo sya sinunod." "M-ma'am kasi hindi ko nagustuhan yung ginawa nyang pamamahiya sa akin." "Kaya ipahihiya mo din sya? Have you forgot that he's still your professor. You should respect him."-pangaral pa nito sakin kaya nahihiya akong napayuko. "I know that you didn't want to disturb your parents but sadly, I have to call your parents for them to know your attitude towards your professor." "Ma'am please, lahat po ng ipapagawa ninyo and ni Mr.Knight gagawin ko. Huwag nyo lang po ipatawag ang magulang ko. H-hindi ko na din po uulitin yon . Promise po." "I'm sorry Ms.Hermosa but I don't want to tolerate your action." "Ma'am please. Kahit po mag community service pa po ako , please ma'am." Napabuntung hininga ito tsaka hinubad ang salamin na suot. "Look Ms.Hermosa, I want to teach you a lesson so understand me . But if you really don't want your parents to be call out then face your consequence ." "Kahit ano po ma'am na parusa, tatanggapin ko po."-pagsusumamo ko. "I want you to follow the consequence I will assign to you." "Yes ma'am . Gagawin ko po iyon. Thank you po." "And for my consequence for you, I want you to be Mr.Knight's student assistant. For you to learn to follow his words." "M-ma'am?" "That's your consequence."-pinal na sabi niya kaya sa kawalan ko ng pagpipilian at sa sobrang takot kong mapatawag ang parents ko ay susundin ko nalang. "Okay po ma'am . Starting today po gagawin ko na yung consequence ko. Pasensya na po and maraming salamat." "Alright, you may now go back to your class." "Thank you ma'am." Matapos ng usapan namin ni Mrs.Javier ay bumalik na ako sa sumunod na subject namin which is PE class. Buong klase akong hindi tumitingin kay Mr.Knight dahil naiirita ko sakaniya. Alam kong may kasalanan din ako pero hindi ko maiwasang hindi mainis sa kaniya dahil sa naging parusa ko. Siya ang naunang namahiya sa akin pero bakit ang bigat ng parusa sakin . Pero kahit hindi ako tumitingin sa direction nya ay siniguro kong nakikinig ako sakaniya. "That's it for today class . After I discussed all the first lesson, we will proceed to your actual activities . Good bye class."-anunsyo nito bago lumabas ng classroom namin . "Hoy babae , kanina ko pa napapansing tahimik ka dyan magmula ng bumalik ka . Bakit ka ba pinatawag ni Mrs.Javier?"-usisa ni Anjela kaya marahas akong napabuntung hininga. "Ayon, nadinig nya yung sagutan namin ni Mr.Knight. Hindi ipapatawag ang magulang ko kapalit magiging maintenance ako nito classroom na ito for one month PLUS, magiging assistant ako nung crush mo."-inis na kwento ko "Wow! Magiging assistant ka ni Mr.Knight?"-gulat na tanong pa nito kaya tumango ako bilang sagot at hindi na ko magugulat pa sa sumunod nyang sinabi. "Waaaa, inggit ako." "Tss. Kung pwede ko lang hindi sundin yon kaso head na ng faculty yon e . Mahirap na. " "Aba, parang napaka sama pa ata ng loob mo? Mas okay naman ng maging assistant ng prof kaysa alipin ng iba dyan."-ani pa niya na alam kong pasaring nanaman patungkol kay Alden. "Ah basta, hindi ako natutuwa sa nangyayari." "Kung alam ko lang Ae na ganon ang parusa, ako na ang magiging pinaka pasaway sa klase nya. Kaso too late na, nasayo na ang korona." "Kung pwede lang din mag call a friend, ipapasa ko na sayo yung parusa na yon . " Nahinto lang ang pagkukwetuhan namin ng dumating na ang huling prof namin sa araw na ito which is our class adviser . "Good afternoon class. We will having our election day today. I hope everyone will cooperate." Madami pa siyang sinabi patungkol sa takbo ng magiging class election namin. Agad na nanalo si Anjela bilang Presidente ng klase habang ako ay na nominate bilang vice president . Mabuti na lang nga at mas friendly sakin yung nakalaban ko kaya ang ending ay siya ang nanalo. Nanominate pa ako bilang Secretary pero kumontra yung nakalaban ko sa Vice Presidency at ayon dito ay bagay daw akong maging muse na agad naman sinang ayunan pa ng iba naming kaklase. Habang yung kaklase naman naming si Vincent ang nanalo sa Escort position. Madami pa siyang sinabi at kwinento sa klase namin bago ito nagpaalam . "Tara Ae, mall tayo? Sale ngayon, gusto kong bumili ng sapatos."-yaya agad ni Anjela ng makalabas yung adviser namin. "Sige, magwi withdraw na din tuloy ako ng allowance ko and budget sa bahay."-sang ayon ko naman kaya dumiretso kami sa mall na 15 minutes away lang naman sa school namin. Nauna muna kong mag withdraw bago kami dumiretso sa bilihan ng sapatos. Hindi magkamayaw si Anjela sa pamimili kaya nagkanya kanya muna ako. Napansin ko ang isang magandang sandals na may kaunting heels-- kulay beige iyon na may silver lining. Akmang kukunin ko na yon ng may mauna sa akin. Pag tingala ko ay bumungad ang seryosong mukha ni Mr.Knight. "S-sir."-naiusal ko nalang "Ae nakapili na ko-- oops. Hi Sir!"-nakangiting ani Anjela na hindi ko namalayang nakalapit na agad . "Bakit po nandito kayo? Bibili din kayo ng sapatos?" "Yes." "P-para po ba sa girlfriend nyo? K-kasi pambabaeng boutique lang po ito kaya imposibleng para sainyo."-usisa pa ni Anjela na palihim kong kinurot sa tagiliran . Mukhang gusto pa nyang makipagkwentuhan dito. Kainis. "No, it's for my mother. Welcome back gift."-tipid na sabi niya tsaka kinuha ang pares ng sandals na tinitignan ko kanina ."Excuse me."-paalam pa nito at dumiretso na sa cashier. "Tara na Ae bilis , sundan natin si Sir."-kinikilig pang sabi ni Anjela sabay hatak sakin . Doon sya pumila sa likuran ni Mr.Knight habang ako ay mas piniling maghanap ng panibagong sandals or sapatos. Ng lingunin kong muli ang direksyon ni Anjela ay hindi ko sya agad nakita dahil kasalukuyan sila ngayong nasa stall ng mga sapatos. Mukhang abala silang dalawa kaya hindi na lang ako lumapit hanggang sa may mapili na ako at makapag bayad ay hindi pa din sila natatapos magusap kaya naman napilitan na akong lapitan sila. "Anj tara na, hindi ka pa ba nakakapagbayad?" "Hindi pa Ae, saglit lang inaantay lang namin yung size na nirequest ni Sir. Hindi niya kasi agad napansing magkaibang size yung nakuha nya kaya sinamahan ko. "-masiglang sabi ni Anj kaya napairap ako sa ere. Alam naman kasi niyang prof si Mr.Knight pero heto at tuloy pa din siya sa pantasya nya.. "Kaya naman na yan ni Sir, diba? Kaya tara na."-yaya ko dito dahil hindi ko feel makasama si Mr.Knight sa iisang lugar. "Ano ka ba, he invited me for snack. Sinabi ko isasama kita kaya intayin mo na kami." Gusto kong mainis ng sabihin niya yon pero pinilit ko nalang ngumiti dahil ayoko namang ipahalata na talagang ayokong kasama si Mr.Knight. Isa pa, mukhang tuwang tuwa na talaga ang magaling kong kaibigan. Hanggang sa maglakad kami papunta sa restaurant na napili ni Mr.Knight ay patuloy ko pa ding nararamdaman ang kilig ni Anjela dahil sa labi niyang ngiting ngiti habang si Mr.Knight naman ay nananatiling seryoso. Minsan lang itong nagsalita ng tanungin kung anong gusto namin dahil sa buong magkakasama kaming tatlo ay puro si Anjela lang ang nagsasalita. Maya maya pa ay nagpaalam si Anjela na pupunta ng cr kaya dali dali akong nagpumilit sumama. Kaya lang.... "Ano ka ba, kaka cr mo lang kanina. Dyan kana muna, samahan mo muna si Sir. Nakakahiya naman kung parehas natin siyang iiwanan . Promise mabilis lang ako."-dire diretso nya iyong sinabi ng hindi na inantay ang isasagot ko kaya ang ending, naiwan kami ni Mr.Knight. "Ehem."-pilit na tikhim ko dahil parehas kaming walang imik . Palinga linga din ako sa paligid para hindi naman mapokus sa kaniya ang paningin ko ng magsalita ito. "Ms.Javier gave me a notice about her assignment for you. I think it's a bad idea."-biglang pagbubukas usapan ni Mr.Knight kaya nagangat ako dito ng tingin . Nagpipigil sabihin ang mga salitang tumatakbo sa isipan ko. 'Bad idea talaga, ikaw ba naman maging assistant ng isang prof na kagaya mo . Ewan ko nalang talaga!' Hay Aeliana , ikalma mo pa ang sarili mo. "K-kaya ko naman yon Sir. Basta huwag lang iiral ang pagka epal nyo."-sagot ko lang na pinilit hinaan ang mga huling salita. "What? Hindi ko nadinig yung huling sinabi mo."-sabi naman nito na animo'y naguguluhan sa sinabi ko. "H-ha? A-ano Sir A-ang sabi ko po...k-kayang kaya ko yung trabahong ipapagawa ninyo. Ako pa ba?"-pilit ang tawang sabi ko "I think that's not the words you said." Hala patay! "Anyway, just go to my office tomorrow morning. I have things for you to do." Gusto ko ng umirap ng mga oras na yon pero pinigilan ko dahil ayokong mas mapasama. "Sige Sir."-tanging nasabi ko nalang na pinipilit itago ang pagkainis at sama ng loob. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD