CHAPTER I

3194 Words
Aeliana I got the most hassle day of my life and it was today dahil pagmulat pa lang ng mga mata ko ay stress agad ang bumungad . Nakalimutan ko lang namang iset ang alarm ko last night and my Nanny Miring just came back from the market. So apparently , late na akong nagising para sa first day of school namin. "Ano ba naman kasing ginagawa mong bata ka. Ang akala ko nama'y naka ayos ang patunog mo sa telepono."-lalo pa kong nai stress sa sermon ni Nanny. "Nanny please, I was in a really really bad mood kaya huwag mo na akong pagalitan. And also please, that's my alarm clock so stop the patunog thingy." "Hindi naman kita pinagagalitan, ang sa akin lang naman ay sa susunod siguruhin mong naka ayos ang lahat bago ka matulog " "Oo na po Nanny . Aalis na ako."-nagmamadaling paalam ko tsaka dumiretso na palabas . Excited ako dahil magkikita na ulit kami ng bestfriends ko and my long time crush--speaking of. "Alden!"-malakas na pag tawag ko sa lalaking nagpapaganda ng masamang umaga ko. Agad itong lumingon at lumapit ng makita ako. "Kahit kailan ang bagal mo , nagpapaintay intay ka tapos late ka naman." "Sorry naman, nakalimutan ko kasing i set ang alarm ko." "Ihahatid pa ba kita? Tinatamad na ko, inaantay pa ko nila Glen." "E sige mauna ka na , kita nalang tayo mamayang lunch."-pinipigilan ko ang lungkot sa boses ko ng sabihin yon . "Magsabay nalang kayo nung kaibigan mo kumain. May kasabay na ko . Sige na , alis na ko."- yun lang at iniwan na nya akong nakatayo dito sa gilid ng gate kaya bagsak ang balikat na akong nagpatuloy sa paglalakad . Mabuti na lang at on time pa din akong nakarating sa klase. Sakto kasing pagupo ko sa tabi ng bestfriend kong si Anjela ay ang pagdating ng unang prof namin. As usual, ano bang ginagawa tuwing first day of school? "Hello, I'am Mehry Aeliana Hermosa, you can call me Ae."-that pakilala thingy is my most kinasasawaan part tuwing first day dahil magmula first subject up to the last ay puro ganyan lang. Kahit kasi more on sa kasama ko ngayon sa section na ito ay kakilala ko na dahil naging kasama ko na din last sem, yung mga prof naman ang naiba kaya sila ang may gusto palagi ng introduce yourself na yan. After our morning class s***h morning getting to know each other with the prof ay dumiretso kami sa labas ng school. May katapat kasing restaurant doon at dahil hindi naman ako nagbreakfast ay sumama na ako kay Anjela ng ayain nya akong doon maglunch . "My god, hanggang ngayon may jetlag pa din ako sa bakasyon to the max namin nila mommy."-she exclaimed while we are waiting for our order. "Buti ka pa nga nabigyan ng time ng parents mo. Samantalang ang mga magulang ko, ayon umuwi ng isang beses nagaway pa! Minsan nalang kaming magkasama sama, inuuna pa nila ang away pagka tapos tatakasan ang sama ng loob sa isa't isa. Hay." "Hindi ka ba sinama ng mommy mo nung bakasyon sa Italy?"-Anjela asked Madalas kasi kapag bakasyon ay isinasama ako ni mommy sa Italy pero naiiwan lang ako sa condo nya don dahil busy din naman sya business nya doon. While dad, he barely came to Italy dahil busy din sya sa business nya sa Japan kaya ang ending, wala pa ding family bond. "Sasama ako tapos maiiwan lang ako sa condo ni mom? No way , I better stay with my Nanny. At least sya hindi niya ipinararamdam sa aking mag isa ako sa malaking mansyon na yon." "Intindihin mo nalang din siguro parents mo. Ginagawa lang nila yon para maibigay lahat ng needs mo." "Yeah, ano pa bang magagawa ko? Tapos na ko sa pagdaramdam sakanila. Ayoko ng bumalik ulit sa panlilimos ng atensyon nila."-tanging nasabi ko nalang bago dumating ang order namin . Anjela Dale Feliciano is my most partner in all crimes (kidding aside). She's my besyfriend since kindergarten kaya alam na nya ang takbo ng buhay ko at ganon din ako sa kaniya . She was happy with her parents kaya kapag umuuwi ang mga ito ay ini invite nya ako sa bahay nila kaya nga naging close ko din ang parents nya. Siguro dala na din ng super closeness namin ni Anjela at sa pagkaka alam nya sa sitwasyon ko with my parents, she always insisted na i feel kong parang part na ako ng family nila . That's why I'm thankful to have her. "By the way Ae, balita ko may new prof daw sa batch natin? And guess what."-pagbubukas usapan ni Anjela "What?" "I heard na the new prof daw ay super yummy. "-ani Anjela na animo'y kinikilig kaya napairap ako. "Ano naman if yummy sya? Hello, prof nga diba?" "Ae naman, pagpapantasyahan lang naman natin . " "Hay nako Anj, ikaw nalang wag mo na akong idamay sa pagpapantasya mo sa yummy prof na yan." "Hmp. Ang pabebe ha ."-naiiling na sabi niya kaya inirapan ko lang sya "Balita ko pa nga ay magiging prof natin sya sa P.E and anak din sya ng may ari ng school."-kwento pa nito "O, anak pala sya ng may-ari bakit papasok sya as PE instructor?"-takang tanong ko naman . "E yun ang hindi nasagap ng tsismosa antena ko. Hayaan mo pag nasagap ko babalitaan kita."-natatawang sabi niya kaya natawa nalang din ako . May ugali kasi talaga syang tsismosa na noon pa man ay alam ko na. Pero chismosa lang naman sya, hindi siya plastic or backstabber. And never niya akong tsinismis sa iba. "Tara na."-yaya ko na ng matapos kaming parehas kumain . 10 minutes nalang kasi ay maguumpisa na ang sunod na klase namin . And as always, introduce again yourself ang peg namin hanggang sa dumating na ang huling prof namin . Abala ako sa pagpindot sa phone ko ng impit na tumili ang mga kasama ko sa klase kabilang na ang katabi ko na may kasama pang pagpalo sa balikat ko. "Ae, ayan na si yummy prof!"- kinikilig na sabi niya kaya naman sinundan ng tingin ko ang tinuturo nya and yes , tama sya . Gwapo nga talaga ang instructor na ito pero syempre , mas gwapo pa din si Alden my loves. "Good afternoon class."-bati nito sa baritonong boses kaya lalong kinilig itong katabi ko . Mukhang halos lahat ng girls dito sa klase namin ay pinagnanasahan ang kawawang instructor na ito. "Before we start, let me introduce myself. My name is Aziel Weyn Knight, you can call me Mr.Knight and I will be your PE instructor for this whole semester."-pakilala nito at matapos yon ay kami naman ang isa isang nagpakilala sakaniya. Ng matapos kaming lahat magpakilala ay tuluyang nawala ang kilig nilang lahat dahil nagumpisa itong mag lesson . Lahat kasi ng naunang prof namin ay puro tanong tanong lang about sa students nila and some of them introduces the covered topic for the next day pero hindi naman nagtatagal at bumabalik pa din sa topic about sa aming mga students nila. Siya lang ang naiba na agad ay nagdiscuss na kaya naman kahit inis itong katabi ko ay nakikinig pa din or should I say , nagpapantasya pa din . Heto kasi at halos mapunit ang labi sa pagkakangiti. At dahil one of the most hated subject ko din ang PE ay hindi ko ninais makinig . Kumuha nalang ako ng papel at nagsulat ng letter para kay Alden. I had many letters for him pero ni isa doon ay hindi ko naibigay dahil para sa kaniya, besfriend lang ang tingin niya saakin. Abala ako sa pagsusulat habang may nakapasak sa tenga ko na earphones ng may bigla nalang humila sa sinusulatan kong papel kaya mabilis kong tinanggal ang pasak ko sa tenga at hinarap ang talipandas na sumira sa ginagawa ko. "M-mr K-knight."-gulat na bulalas ko ng makita ang maitim na aura ng instructor na pinagpapantasyahan ng besfriend ko. "What are you doing Ms.?" "S-sir. A-ano, w-wala po yan."-natatarantang sabi ko tsaka sinubukang agawin yung papel kaso ay iniiwas nya. "Dear:My Alden. Hi handsome."-panimulang pagbasa nya sa letter na ginawa ko. "Sir please, give me back my thing."-naiinis na sabi ko at sinubukan ulit iyong kunin kaso ay tinalikuran nya ako. Dumiretso pa siya ulit sa harapan at pinagpatuloy ang pagbasa sa hawak na letter. "Up until now, hindi ko pa din maamin ang nararamdaman ko para sayo. Natatakot kasi akong baka hindi mo na ko ulit pansinin--" "SIR!"-medyo napalakas yung boses ko kaya napahinto sya . Alam kong lahat ng mata ay sa akin nakatingin pero wala na akong paki . Bwisit na prof to. "Really Ms.Hermosa? Love letter in your college days?"-mapanguyam na sabi niya kaya napakuyom ang palad ko at masama ang tingin na ipinukol ko sakaniya. "Wala kang karapatang basahin yan dahil unang una hindi yan para sayo." "Okay Ms.Hermosa, your here in my class so you should listen in my lesson but no, you choose to right this stupid love letter." "Stupid? It's our first day of school and you start your lesson . Natural mabo bored kami. " Nakita ko ang paggalaw ng bagang nya animong naiinis na sa sinasabi ko. "Sit down Ms.Hermosa. I will talk to you later."-huling sabi niya kaya padabog akong naupo . Ng matapos ang klase namin ay itinuro nya ako at sinabihang maiwan ako magisa . Awa ang mababakas sa mukha ni Anjela ng lumabas ito. Bakit kasi hinigh ko pa yung kanta e . Hindi ko tuloy nadinig na tinatawag na pala ako ng madaldal na instructor na yon. "What now Ms.Hermosa. Ngayon ka mag salita hindi yung pinapakita mo sa mga kaklase mo kung paano ka mambastos ng professor nyo." "Ikaw ang naunang namahiya Mr.Knight. Pinagsabihan mo nalang sana ako in a good way pero hindi , mas pinili mo PONG basahin ang letter na yon sa harap ng madaming tao. Ikaw ang naunang mambastos!"hindi ko na napigilan ang sariling taasan sya ng boses. "Really?"-ngingisi ngising sabi niya "Talagang sinasagot sagot mo ako ng ganyan? I'am still your professor pero sa pananalita mo, mukhang ikaw pa itong may lakas ng loob."-dugtong pa nya. "Oo, estudyante lang ako . Kung gusto mong irespeto ka, irespeto mo din kaming estudyante mo."-sagot ko pa. "Your unbelievable. Fine. Clean this room for one month." "What? Anong pinagsasa sabi mo?" "Clean this room in one month or ipapatawag ko ang mga magulang mo to let them know your attitude." "S-sir." "Clean this room for one month . You will start today . "-sabi niya at akmang aalis na pero hinila ko ito sa braso "Sir naman . Napaka gara nyo naman."-nagsisimula na talaga akong magtantrums sa kaniya. "Ms.Hermosa."-may pagbabantang sabi niya ."Fine. You choose, clean this room or call your parents." Unti unti ko siyang binitawan . Mas pipiliin ko pang linisin ito ng isang buwan kaysa makatanggap ng sermon sa mga magulang ko na once a year lang kung umuwi. Tinalikuran ko na lang sya at bagsak ang balitang nagpulot ng kalat . May araw ka din sakin, daldal ka! Nang maramdaman kong nakalayo na sya ay agad kong binitiwan lahat ng kalat na hawak ko. Pinalayo ko lang sya ng slight bago ako lumabas ng classroom . Bukas nalang ako maglilinis nito, huwag muna ngayon dahil tiyak na nagiintay na sa akin si Anjela. Dali dali kong kinuha ang phone ko at tinawagan ito. "San ka?" (Dito ko sa bench malapit sa parking lot Ae. May naghihintay sayo dito.) Sa huling salita nya ay mababakas ang inis. I know her better , at kabisado ko din ang tono ng boses nya. At sa tono niyang iyon, sigurado akong si Alden ang tinutukoy nya. Una pa lang kasi niya itong makilala ay diniretso niya akong hindi niya ramdam ang aura nito . Last year ko lang nameet si Alden habang nasa bakasyon ako sa Italy. I bump with him nung pabalik na ako sa condo ni mommy. And then, to my surprise , magkaibigan ang mommy ko at mommy nya kaya ayon, naging close kami. Hanggang sa nabuo ang feelings ko for him. Napaka bait at sweet nya kasi nung nasa Italy kami . Until matapos ang bakasyon at nagtransfer sya sa Pilipinas para dito na mag aral . He's half Pinoy and half Italian kaya napaka gwapo. Nung nasa Italy pa lang kami, pure tagalog ang lenggwaheng gamit nya with Italian accent dahil na din Pilipina ang naging kasama nyang kasambahay mula bata sya at ayon sa kaniya ay kasundo nya din iyon kagaya ng kung gaano ko kasundo si Nanny Miring. Which of which . Hindi ko na namalayang nakarating na ako sa lugar na tinukoy ni Anjela. Tama nga ang nasa isip ko, si Alden nga ang naghihintay sa akin sa katapat na upuan ni Anjela na agad nagangat ng tingin ng makita ako. Bakas sa mukha nito ang matinding pagka inis. "Kanina pa yan nandito at apura tanong kung bakit wala ka pa."-naiinis na bulong nya. "Hintayin kita dito, kausapin mo muna yon." Ng lingunin ko si Alden ay nakatayo na ito habang nakatingin sa akin. Dali dali akong lumapit sakaniya at niyakap sya . Ganito ako kasaya palagi kapag nagiintay sya sakin . Madalang na kasi nyang gawin yon magmula ng mabarkada sya sa mga ka team nya sa basketball especially sa Glen na yon. Pero agad nyang kinalas ang pagkaka yakap ko sakaniya. "Pumunta ko dito dahil may favor ako." -- diretsang sabi niya at nadinig ko ang pagsinghap ni Anjela sa likod ko kaya agad akong humarap dito at sumenyas na 'okay lang' sa paraang alam kong kami lang ang magkakaintindihan. "Ano yon?"-nakangiti pa ding tanong ko. "I-research at gawin mo itong report ko. May aayusin pa kasi kami ng mga kabarkada ko. Kailangan ko na yan bukas ng 6am." "Excuse me. Anong tingin mo kay Ae, alipin mo?"-pagtataray agad ni Anjela kaya sinaway ko ito sa pamamagitan ng paglalagay ng hintuturo ko sa tapat ng bibig at ilong ko. "O-okay lang."-nakangiti pang sabi ko dito kaya padabog syang naupo ulit at umirap pa saakin. "8 am pa ang pasok ko bukas pero sige. Agahan ko nalang ang gising."-ngiting sabi ko kaya agad na nyang inabot sa akin ang papel kung saan nakalagay ang research nya. "Bakit nga pala may research ka agad sa PE?" "Bwisit yung bagong PE prof namin, hindi ba't may back subject ako don sabi ko magi special project nalang ako pero ayon pinagawa pa din ako ng research. Sige na nga , dami mo pang tanong. Aalis na ko."- yun lang at iniwan na nya ako. Mukhang si Mr.Knight din ang kinaiinisan nya. "Ano ba naman yan Ae! Bakit pumayag ka sa utos ng bwisit na yon! Ano ka ba nya? Taga gawa ng lahat ng dapat e sya ang gumagawa?" "Okay lang kaya ko naman itong gawin." "Patingin nga."-padabog nyang hinablot saakin ang papel na inabot sakin ni Alden. "Kita mo nga , kailangan nya agad ng 6am e kahaba haba nito. Ano ito, mamagdamagin mo!?"-galit na sabi niya kaya agad kong binawi yung papel sa kaniya. "Hindi yan, ako pa ba? Alam mo namang kayang kaya ko yan."-sabi ko na kinukumbinsi sya para huwag ng magalit. Hindi kasi ito ang unang beses na humingi ng tulong sakin si Alden. Masaya kasi kong ako ang palagi niyang takbuhan. Hanggang sa maihatid ako ni Anjela sa bahay ay sine sermunan nya ako at sinabihang sa susunod na magpapagawa pa sakin ng research or project si Alden ay humanda na talaga sakaniya. Hinayaan ko nalang dahil hindi ko sya mako kontra kapag galit sya. Ng makauwi ako ay dumiretso agad ako sa kwarto at ginawa ang research. Hindi na ako naka kain ng hapunan kahit ilang beses na akong inaaya ni Nanny. Ayoko din kasing iwan ito dahil super dami ko pang kailangan gawin. Hanggang sa abutin na ako ng alas singko ng umaga at tuluyan itong matapos . Iinat inat muna ko na itinago iyon at agad na tumalon sa kama. Antok na antok na ako at sumasakit na din ang ulo ko. Hindi ko na namalayang nakatulog na ako ng tuluyan. Nagising lang ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Ng tignan ko iyon ay tumatawag na si Alden. Agad akong naupo at chineck ang oras. 6:05 na . "H-hello." [(Where the hell are you? Kanina pa ko naghihintay.)] "A-ah kasi late na ko nakatulog, t-tinapos ko kasi yung research mo." [(Are you blaming me?)] "Of course not. Hintayin mo ko, magbibihis lang ako." [(Bilisan mo)] Yun lang at pinagpatayan nya na ako. Ng icheck ko ang oras sa phone ko ay napailing na lang ako. It's already 6:29 at 6 am nya daw kailangan kaya hindi ko sya masisisi kung bakit ganon na ang inis ng boses nya. Dali dali na akong tumayo kaso ay muli ako napaupo ng makaramdam ako ng hilo. Gosh. Puyat pa! Saglit kong hinilot hilot ang ulo ko bago sinubukan ulit tumayo at gladly, medyo naginhawahan naman ako ng makaligo. Palabas na ako ng makasalubong ko si Nanny Miring na kakapasok lang ng bahay. "Bakit ang aga mo? Hindi ba't alas otso pa ang iyong pasok?" "M-may aasikasuhin ako Nanny." "Maghahanda pa lang ako ng almusal mo, e mahihintay mo ba?" "Huwag na po Nanny, nagmamadali ako . Doon nalang po ako kakain sa cafeteria namin sa school. Mauna na po ako." "Osige , magiingat kang bata ka." "Sige po Nanny , salamat!"- dali dali na akong lumabas at sumakay sa service car namin. Halos dalawampung minutos ang lumipas bago ako nakarating sa school . Pagpasok ko palang ng gate ay nagaabang na si Alden at bakas sa mukha nitong inis na inis na sya. "Bakit ngayon ka lang . Late na tuloy ako. Napaka bagal mo! "-galit na bungad nya . "Sorry, hindi ko kasi namalayan yung oras." "Tsk. Akina."-tanging sabi niya kaya agad ko ng inabot yung research paper nya. "Aalis na ako."-yun lang at iniwan na nya ako. Gusto kong makaramdam ng inis sa way ng pagtrato nya pero hindi ko nalang pinansin yon dahil tumitindi na ang pananakit ng ulo ko. Bumibigat at nagiinit na din ang mga mata ko. Sa puyat lang siguro ito. 8 am pa naman ang pasok ko kaya kakain nalang muna ako sa cafeteria at susubukang umiglip doon. Naglalakad na ako papuntang cafeteria ng makasalubong ko si Mr.Knight. Iiwas na sana ko ng harangin niya ako. "I asked the Maintenance, hindi mo pa din pala ako sinusunod? Do you want me to call your parents?" Mr.Knight naman, pwede bang mamaya mo na ko sermunan. Sobrang hilong hilo na talaga ako at nagsisimula ng pumikit ang mga mata ko. "Hey. I'm asking you." "S-sir. Mamaya nalang po."-pinilit ko syang harapin pero talagang tumitindi na ang pananakit ng ulo ko. "W-wait. Are you alright? You look pale."-sinubukan nya akong hipuin sa noo "Your sick." Agad akong napahawak sa braso nya ng makaramdam nanaman ng matinding hilo hanggang sa unti unting pumikit ang mga mata ko. "Ms.Hermosa . M-ms.Hermosa."-that was the last thing I heard before my eyes went black. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD