FROILAN'S POV
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nakalimutan ko pa lang isara ang kurtina ng bintana dito sa kwarto ng isang hotel na tinutuluyan namin. Napangiti pa ko ng makita ko siyang katabi ko at nakayakap sa akin. Ang sarap ng tulog niya tulo laway pa hahaha! Naaalala ko pa yung first meet namin, stupid talaga tong babaeng to. Haayy.. Rouin, ang sarap mong pagmasdan. Bigla naman siyang kumilos kaya nagtulug tulugan ako.
"Good morning!" Bulong niya pero syempre kunwari nga tulog ako kaya di ako sumagot.
Maya maya pa ay naramdaman kong parang babangon na siya. Teka, baka takasan ako nito ha. Kaya naman hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang gown dahilan para maout of balance siya.
"Aray!" Sigaw niya.
"Saan ka ba kasi pupunta? Tatakasan mo ko? Baka nakakalimutan mo isang linggo ka dito kasama ko." Sabi ko.
"Hindi na ba pwedeng magC.R?" Iritang tanong niya.
"Sasama ko." Suggestion ko lang naman baka makalusot.
"p*****t!" Sigaw ulit niya sabay hagis sa akin ng high heeled sandal niya at asintado talaga siya dahil sapul ako sa noo. Nakakaasar. Ang sakit kaya.
Tumayo naman siya agad at paghakbang niya napaupo ulit siya.
"Are you alright?" Nag-aalalang tanong ko.
"Kasalanan mo to e." Inis na sabi niya.
"Hindi ko kasalanan yun no?! Kasalanan mo yun kasi di ka nag-iingat." Paliwanag ko.
"At ako pa talaga may kasalanan? Impakto ka talaga!" Pagmamaktol niya.
Hindi na ko nakatiis kaya bumangon na ko para tignan kung anong masakit sa kanya.
"Alin ba masakit?" Tanong ko sabay hawak sa paa niya.
"Dito o." Buti na lang at di na siya nagmaktol pa at tinuro na lang yung part na masakit. Sa may bandang buto pala. Nabalian ata siya. Haizt! Ikaw kasi Froilan e. Tamang hinala ka ayan napilayan tuloy yung mahal mo.
"Imamassage ko. Medyo masakit nga lang tiisin mo." Sabi ko sabay dahan dahang hinilot ang part na masakit. Nakita ko pang napapangiwi siya sa sakit. Kasalanan ko to e. Ang sakit lang makitang nasasaktan ang mahal mo.
"NasiC.R ako." Mahinahon ng sabi niya.
"Tara samahan kita." Prisinta ko. No choice kaya.
"p*****t ka talaga! Ayoko nga. SiC.R ako tapos sasama ka? Sira ka ba?" Todo tangging sabi niya.
"Hindi kita sisilipan no?! Arte nito." Pagkasabi ko nun ay binuhat ko na siya papunta sa banyo.
"T-teka ibaba mo nga ako. Kaya ko naman ng ako lang kaya ---"
"Manahimik ka na diyan." Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya at ibinaba ko na siya sa loob ng C.R ng dahan dahan. "Lalabas na ko. Tawagin mo ko kapag tapos ka na." At saka tuluyang lumabas. Hindi naman ako umalis sa labas ng pinto para just in case she needs help, just in case lang naman.
"AAAAHHHHHH!" Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa kaba ng bigla siyang sumigaw. Dali dali kong binuksan ang pinto to see her half naked. Pero hindi ko yun pinansin at mas inalala ko ang isinisigaw niya.
"Bakit? Anong nangyari?" Puno ng pag-aalalang tanong ko.
"S-si A-antonio!" Nauutal niya pang sabi.
"Antonio? Sinong Antonio? Nasaan?" Takang tanong ko dahil wala namang ibang tao sa banyo.
"Ayun o! Si Antonio!" Sabay turo niya sa isang nakakadiring little creature.
Napaface palm na lang ako sabay hampas ng tsinelas kay Antonio.
"O ayan pa--" isang malutong na sampal naman ang natanggap kong pasasalamat. Wow as in wow!
"Inaaano kita?" Naguguluhang tanong ko habang nakahawak pa sa pisngi kong masakit gawa ng sampal niya.
"Lumabas ka na bastos!" Sabi niya sabay tulak sa akin palabas ng C.R.
Haayy.. ganon ba talaga kayong mga babae? Tumulong na nga ako nasampal pa. Ang sakit bwiset! Napakahard talaga ng babaeng yun. Stupid talaga e. Siya na nga ang tinulungan na patayin si Antonio, sampal pa ang nakuha kong pasasalamat.
Nakaupo ako ngayon sa may kama ng lumabas siya. Suot niya yung hiniram kong bathrobe sa isang tenant dito sa hotel. Nakakatampo kaya hindi ko siya papansinin.
"Uhm.. tapos na ko. Gagamit ka ba ng C.R? Tanong niya. Parang walang nangyari.
Tumayo naman ako ng hindi sumasagot at pumasok sa loob ng C.R. Naghilamos at nagtootbrush. Naligo na rin ako para mapadry clean naman tong damit na suot ko. Habang nagsusuot ako ng bathrobe ay narinig ko pa siyang tumatawa sa loob. Anong problema nun? Lumabas na ko dahil curious ako.
"Froi, tignan mo dali. Si Antonio. Hahahaha!" A-ano daw? Kanina takot na takot siya kay Antonio ngayon naman tuwang tuwa. Hindi ko talaga siya maintindihan.
"Lika dito panuorin mo siya." Sabi niya sabay hila sa braso ko palapit sa kanya. Parang may biglang kuryente naman ang dumaloy sa katawan ko pero tumingin na lang ako sa phone niya para doon mabaling ang atensyon ko.
Nang magsimula ng magplay ang video ganoon na lang ang tawa niya. Ganoon din ako. Hahahahaha! Ngayon ko lang napagtanto kung bakit Antonio ang tawag niya doon. May isang page kasi sa f*******: kung saan binigyang halaga ang buhay ng isang ipis at ang pangalan niya ay Antonio. Sa video na yun nasagasaan ang kawawang ipis ng isang kotse at galit na galit ang nag-aalaga sa kanya kaya isinugod pa nila ito sa ospital. Kapag napanood mo yung video matatawa ka na lang din. Meron pa ngang video nung survival niya. Hahahaha!
"O di ba nakakatawa?" Tanong bigla ni Rouin.
"Oo nga. Kaya pala Antonio ka ng Antonio kanina. Hahahaha!" Hindi ako makamove on sa kakatawa ng bigla kong maalalang galit nga pala ko sa kanya.
"O bakit?" Tanong niya ng bigla akong humiwalay sa pagkakakapit niya sa braso ko.
"Wala." Mariing sabi ko sabay tayo. Lalabas na muna ko at ipapadry clean ko ang damit namin dito sa hotel.
"Froi, thanks sa gift mo sa akin. Nagustuhan ko talaga. Pati yung kanina, s- sorry kung nasampal kita. Nabigla lang naman ako e." Nakayukong sabi niya. "Tsaka masaya talaga ko na kasama kita ngayon dito. Parang ayoko na ngang umuwi."
Kitang kita ko ang nahihiyang itsura niya. Mas naaattract ako sa itsura niya ngayon. And the way she says a word kahit hindi importante, napakahalaga na sa akin. Hindi naman talaga ko galit e. Galit galitan lang dahil gusto kong malaman ang magiging reaksyon niya and it was effective. Ang cute cute niya ngayon. Can't help it but to express my feelings. Kaya naman agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi para iparamdam ang totoong nararamdaman ko. Hindi ko man masabi ng deretso at least maparamdam ko sa kanya na mahal ko siya.