bc

Untold Love

book_age16+
124
FOLLOW
1K
READ
arrogant
student
sweet
bxg
campus
city
enimies to lovers
school
friends
stubborn
like
intro-logo
Blurb

5yrs ago, nang makilala ni Froilan si Rouin.

5yrs ago, they became good friends.

That 5yrs ago tear them apart after an accident.

Ngayong nagkita silang muli, masasabi na nga ba nila sa isa't isa ang tunay na nararamdaman?

Kung ang pag-ibig ay mananahimik, paano ito mapapaninindigan?

Sundan ang aso't pusang bangayan nina Rouin at Froilan at kung hanggang saan hahantong ang kanilang love, and hate love story.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
FROILAN'S POV "Mom, where are we going?" I asked Mom. "Sweetie, I told you already." Papunta kami ngayon ng Mom ko sa house raw ng friend niya para naman daw makilala ko ang only daughter nito tutal wala naman daw akong ginawa sa bahay kung hindi magpasaway. The last time kasi, nahuli ako ni Mommy na naghahalungkat sa kwarto niya, kaya heto ako ngayon kahit ayokong umalis. By the way, ako nga pala si Froilan Villegas, 15 years old, only child ako ng mommy ko and ehem... GWAPO ako. Of course, bubuhatin ko na ang sarili kong bangko. I was born with long eyelashes, chinito eyes, pointed nose and kissable lips. Idagdag pa na maputi ako at lubhang kaakit-akit. "Mom, malayo pa ba tayo?" pagtatanong ko. Nakakainip na kasi kanina pa kami bumabyahe. "Just wait, sweetie. We are almost there," nakangiting sabi niya at maya-maya pa'y inihinto niya ang sasakyan. Akala ko naman nakarating na kami pero nandito lang naman kami ngayon sa isang mall. "Mom, what are we doing here?" iritang tanong ko. "Sweetie, relax. I'll just buy a present for Lucy's daughter," at talagang nagniningning pa ang mga mata niya sa word na daughter. Paano ba naman, matagal na kasing gusto ni Mommy na magkaroon ng anak na babae pero sa kasamaang palad mukhang malabo na. Una, my Dad passed away when I was 5 years old, car accident. Pangalawa, ayaw niya na rin naman daw mag-asawa dahil para sa kaniya Daddy is irreplaceable. "Sweetie, what about this one?" Pinakita pa niya sa akin ang hawak niyang Chopper stuff toy ng One Piece. "Yeah, Mom, whatever," tanging isinagot ko at tuwang-tuwa naman siyang pumunta sa counter para bayaran iyon, at sumunod na lang ako. Sa wakas nasa byahe na ulit kami. Two hours na ring nasasayang ang oras ko na walang nangyayari. Habang bumabyahe kami bigla na lang huminto si Mommy sa pagda-drive. "What's wrong, Mom?" tanong ko. Kaso hindi niya ko pinansin at bigla na lang siyang bumaba ng sasakyan kaya sumilip na lang ako sa bintana. "Why are you here, baby?" tanong ni Mommy sa isang batang babae. Tingin ko, she was just the same age as I am or I am 2 years older than her. "Tita Juliet?" Bigla namang yumakap na parang bata at nagsimulang umiyak. Ano kayang ginagawa ng babaeng 'to rito? Pulubi? "Tell me, baby, what happen?" pag-aalalang tanong ni Mommy. May pa-baby-baby pang nalalaman 'tong si Mommy. Sino ba kasi 'yon? "I was in the garden when I saw a lady passed by, I thought it was Auntie Chloe so, I followed her, too late to notice that it was not her when I was too far from our house and I don't have money to ride a taxi." Still crying. "Stupid Girl. Tsk!" sabi ko matapos bumaba ng sasakyan. Nakakainip kayang panoorin sila sa drama nila. "Watch your words, Sweetie!" pagsaway sa akin ni Mom. "You know what, 'wag ka kasing tatanga-tanga na susunod sa taong 'di mo naman pala kilala. You thought it's your Auntie, then why didn't she show up to you in the first place? Stupid!" Nakakabadtrip 'tong babaeng ito. Na-misplaced niya ata ang utak niya. Nakatingin lang siya dahilan para makaramdam ako ng pagtataka. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko mawari kung anong meron sa akin at ganoon na lang ang tingin na ipinupukol niya sa akin. "Hey! What are you looking at? Am I that too handsome to stare?" tanong ko, pang-asar e. At bigla na lang siyang tumawa. Wagas siya makatawa. Halos kita na ang gums niya. Kanina wagas makadrama tapos ngayon wagas makatawa, as in. Nasa katinuan ba talaga ang isang ‘to? "Calling me stupid? Then what should I call you?" sabi niya kaya napakunot lalo ang noo ko. "Ano bang problema mo?" Nakakabadtrip talaga ang isang 'to. "Sweetie, look." Binigyan naman ako ni Mommy ng salamin at nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay napasigaw na lang ako. Nakakita ako ng nakalawit na kulangot sa ilong ko. Halos kulang na lang lumubog ako sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan. "Sino kaya ang mas stupid sa atin ngayon?" Pinagtatawanan niya pa rin ako habang nakapamewang. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa labis na kahihiyan. Tumalikod na lang ako at dali-daling bumalik sa kotse. This is ridiculous. Nakakahiya! Bwisit talaga. Nabahing kasi ako kanina, akala ko natanggal ko na ang sagabal sa ilong ko, lumawit lang pala at 'di ko pa napansin kaagad. Jahe! Makakabawi rin ako sa babaeng 'to. Ang lakas pa makatawa! Wagas na wagas. Asar lang! Nasa byahe na kami ngayon at papunta na kami sa bahay ng kaibigan ni Mommy. Buti na lang din at tulog na 'tong kumag na babaeng 'to akala ko kasi hanggang makarating kami sa bahay ng kaibigan ni Mommy pagtatawanan lang ako ng pagtatawanan nito e. Ang kaso tulog nga, ang laway naman akala mo ilog pasig na umaagos sa balikat ko pababa sa braso ko. Nakakadiri! Kung ako lang talaga masamang tao tinadyakan ko na 'to palabas ng sasakyan, at ang sarap pa talaga ng tulog niya. Napagod siguro sa paghahanap ng nawala niyang utak at sa katatawa. After about an hour, at last nandito na kami. Kung kanina ayokong magpunta, ngayon naman excited na 'kong nandito kami. Malamang matutuwa ako kasi makakababa na 'tong Stupid Girl na 'to at 'di ko na kailangang magdusa sa nakamarkang laway niya sa damit ko. Nakakadiri talaga! Pagkababa namin kaagad ko rin namang binuhat si Stupid Girl pababa ng sasakyan. "Oh God! My princess," puno ng pag-aalalang sabi ng isang magandang ginang. Marahil siya ang mama nitong babaeng 'to. "Nakita namin siya malapit sa supermarket na nakaupo sa tabing kalsada," sabi ni Mommy. "Salamat, Mare. Buti na lang nakita ninyo siya, kung hindi baka kung napaano na siya." Bakas naman sa itsura ng babae ang labis na pag-aalala. Kunsabagay, kahit sino namang magulang ay hindi gugustuhing may mangyaring masama sa kanilang anak. "Ice, kuhanin mo ang kapatid mo at ihatid mo na sa kwarto." Binalingan naman niya ang isang binatang nakatayo sa kaniyang likuran. "Sige, Mommy." Finally, kinuha na rin ng binata ang babaeng tulo laway na 'to. Tumingin sa akin ang ginang bago muling nagsalita. "May topographical agnotia kasi siya kaya 'di talaga siya makakauwi ng bahay," at saka ngumiti, “pagpasensyahan mo na siya at salamat sa pag-aalaga sa kaniya habang nasa byahe kayo.” "No sense of direction?" tanong ni Mommy. "Oo. In born na sa kanya 'yan. Nalaman lang namin ni Luis na may ganyan siyang disorder nang lumalaki na siya," paliwanag pa nito. Kaya naman pala hindi makauwi e. Kaya pala ganoon na lang ang pag-aalala ng mommy niya sa kaniya. Ikakatwiran pang walang pera. Haay... mga bata nga naman talaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
238.6K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.8K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

Rewrite The Stars

read
95.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook