Chapter 2

1359 Words
FROILAN’S POV   Malas talaga ang bakasyon ko. Simula nang makilala ko ang babaeng 'yon nagkandaletse-letse na ang buhay ko. Imagining my life with her is miserable. Daig ko pa ang isinumpa ng babaeng 'yon. May lahi yatang mangkukulam ang bruhang 'yon. Paano ba naman kasi puro kamalasan ang nangyayari sa buhay ko kapag kasama ko siya. That day when we went to their house. Arggh!   Napadpad ako sa garden nila at napakalawak talaga. Merong part dito na puro tanim ng giant sunflowers. Naisipan kong maglibut-libot pa hanggang sa nakarating ako sa isang gazebo at nakakamangha na nakatayo ito sa gitna ng fish pond nila, tanging isang tulay na bato lang ang dadaanan mo papunta rito. Sariwa ang hangin dito, at mukhang masarap tumambay. Halos nalibot ko na ang buong garden at napadpad ako sa isang part na puro tiles lang nang biglang... "s**t! Anong nangyayari? Bakit lumulubog 'yong sahig?" Nagulat na lang ako nang biglang mag-vibrate ang sahig na kinatatayuan ko at unti-unti itong lumubog. Maya-maya pa ay may umagos ng tubig dito at unti-unting napuno. "Don't tell me --" "Gusto mong mag-swimming?" Biglang sulpot ng kuya ni Stupid Girl na naka-swimming attire. "H-hindi. Ayoko." pagtanggi ko. Mamaya niyan lamunin pa ako ng pool nila. "Ikaw bahala," nakangiting sabi niya. "Salamat pala sa pagbuhat at pagbabantay sa kapatid ko," dagdag pa nito. "Okay."  May masabi lang. Wala naman kasi talaga akong pakialam sa babaeng 'yon e. "Madalas siyang maligaw pero mabait naman ang kapatid ko na 'yon," sabi niya pa. "I doubt it. ‘Yong Stupid Girl na 'yon?" Duda talaga ko at wala akong pakialam kahit na kuya niya pa ngayon ang kausap ko. "I am not stupid!" Bigla na lang sumulpot si tulo laway girl na nakabusangot ang mukha. Ugali ba talaga nila ang bigla-biglang sumusulpot? "I have a name, I am Rouin!" angil niya pa na kulang na lang lamunin ako ng buo dahil sa inis niya sa akin. "I am not asking. I don't care at all." Pagkasabi ko no'n ay tumalikod na 'ko at akmang aalis na kaso... "Kuya you know what, I met someone a while ago near the supermarket who has a booger on the tip of his nose." Bwisit na 'to ha. Ang daldal talaga. "Pinaparinggan mo ba 'ko?" tanong ko sa sobrang inis. "So, ikaw pala 'yon?" tanong naman ni Kuya Ice sa akin. Takte! Bakit 'di ko naisip 'yon? Nabisto pa tuloy ako. Bwisit talaga! "Defensive." Aba! At inirapan pa ko ng babaeng 'to. Nakakasira talaga ng araw 'tong isang 'to. Nakakabadtrip! "Stupid Girl!" Naisigaw ko na lang. Si Kuya Ice naman tawa ng tawa na parang wala ng bukas.   Para akong batang nagmumukmok. I was about to leave na sana talaga nang bigla akong madulas at mapaupo sa gilid ng pool dahilan para mabasa ang suot kong short. "Tzk! You really are a bad luck!" asar na sabi ko habang tumatayo sa pagkakadulas. "That's all that you've got for calling me stupid! Mayabang ka kasi," pagtataray pa niya. "O siya, tama na yan. Froilan, better change your short," sabi ni Kuya Ice. Nagpunta kami sa room ni Kuya Ice pero sa kasamaang palad... "You're really cute with that one. That perfectly suits you," pang-aasar ni Stupid Girl. Gusto ko na sanang matuwa dahil tinawag niya akong cute pero hindi. Paano naging pang-asar?  Nakasuot lang naman ako ngayon ng pink Hello Kitty short at take note, short pa ni Stupid Girl, medyo masikip pa. Paano ba naman puro malalaki ang short ni Kuya Ice, lawlaw lahat sa akin. Hindi naman mataba si Kuya Ice pero masasabi kong mas may katawan siya sa akin, idagdag pa na mas matangkad siya sa akin. Kaya nakakabadtrip talaga. Tapos ngayon kung makatawa pa 'tong bruhang 'to wagas. "Sweetie, you look gorgeous!" Isa pa 'to si Mommy. At ayon nga ang nangyari sa bahay nila Rouin sa pool area, pero 'di pa roon nagtatapos ang kamalasan ko dahil may worst pang nangyari doon. "Alam mo, Mare, may napansin ako," sabi ni Tita Lucy, ang mommy nila Stupid Girl, habang nagmemeryenda kami sa sala. "Ano naman 'yon?" tanong naman ni Mommy out of curiosity. "Parang mabilis naging close si Froilan sa princess namin." Nangingiti pa ito. "Oo nga e. Siguro mas maganda kung sila ang magkakatuluyan no?" hirit naman ni Mom dahilan para masamid ako. "Oh, Sweetie, are you alright?" Worried pa kunwari. If I know tuwang-tuwa naman ang magaling kong Mommy sa nangyayari. Pakiramdam ko planado niya ang lahat ng ito. "Mom, don't get me wrong but I don't want to have a stupid wife," diretsong sabi ko. "And I don't want to have a husband who is so full of himself.” Aba! Feeling talaga niya maganda siya? "Gwapo naman." Proud ako sa sarili ko. "Gross naman," at nakuha pang irapan ako. "At--" Nakakapikon 'to ha. "Mommy, LQ yata sila ngayon." Pati ba naman si Kuya Ice? "Kuya!" Si Stupid. "Kuya Ice!" Ako. Si Mommy at Tita Lucy parehas nakatingin lang. "Bagay na bagay talaga sila, Mare. Ang sweet nilang tingnan." Parang kinikilig pa si Mommy. Napahilamos na lang ako ng kamay sa aking mukha dahil sa pagkairita. "Kaya nga, Mare, sabay pa sila nagsabi ng kuya." Ginatungan pa talaga ni Tita Lucy ang magaling kong ina. "Ubos na pala ang juice. Kukuha lang ako saglit," sabi ni Kuya Ice at saka tumayo. "Mom, ang gusto ko sa babae yung simple lang at hindi maarte. ‘Yong maganda at MATALINO. ‘Yong sweet at maalaga." In-explain ko at pinakadiinan ko pa ‘yong word na matalino para malaman nilang ayoko sa babaeng nirereto nila sa akin pero parang wala silang naririnig. "Parang ang princess ko pala." Kinikilig pa talaga si Tita Lucy habang ang kamay niya ay magkasaklob na animo’y nagdarasal. "Mommy, naman. Don't push me to that guy. Ayoko sa lalakeng walang hygiene." Irita na rin si Stupid Girl, ramdam ko ‘yon pero syempre hindi ako papatalo. "Wala pa lang hygiene ha? Then let's see," sabi ko sabay dahan-dahang lumapit sa kaniya. "A-anong gagawin mo?" Mukhang kabado naman siya. Kitang-kita ko ang pamumula sa kaniyang mukha at pagbabago ng ekspresyon sa kaniyang mata at natutuwa ako roon. "Wala pa lang hygiene ha,” pag-uulit ko na may pilyong ngiti. Sobrang lapit na namin sa isa't-isa. I can already feel her heavy breathing. My face was getting closer... closer... and closer nang biglang... "What the hell!" Inis na inis ako nang tumapon ang juice na hawak niya sa damit ko dahil sa kapapalag niya. "Tignan mo ang ginawa mo!” "It's your fault not mine. Ang hangin mo kasi." Inirapan niya ako bago pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng kaniyang dibdib. "O anong nangyari?" Nakabalik na si Kuya Ice mula sa kusina at kita sa mukha nito ang pagtataka. "Ask your stupid sister!" Nakakaubos ng pasensya talaga ang babaeng 'to. "Okay! Enough, Froilan. Rouin, pahiramin mo muna si Froilan ng damit dahil hindi rin magkakasya sa kaniya ang damit ng kuya mo," sabi ni Tita Lucy. Kahit ayoko as if may choice ako. Ayokong magkasakit. Maya-maya pa... "You are more gorgeous now, Sweetie." Si Mommy. "Lalakeng-lalake ka tingnan bro." Si Kuya Ice habang tumatawa. "Ang cute-cute mo sa suot mo, Froilan." Si Tita Lucy. "Epic." Tuwang-tuwa naman si Stupid Girl habang sapo ang kaniyang tiyan sa labis na katatawa. Ikaw ba naman magsuot ng Hello Kitty T-shirt ternohan pa ng Hello Kitty short, nakakasira talaga ng araw. At ganon nga ang nangyari sa akin kina Tita Lucy. Nightmare 'yon para sa akin. 'Pag naaalala ko kumukulo pa rin ang dugo ko. Pahamak talaga 'yong babae na 'yon. Babawian ko 'yon. *** Kaagad akong tumayo nang marinig ang pagtunog ng doorbell. "Ako na magbubukas, Mom," sabi ko kay Mommy matapos ang pagtunog ng doorbell. "Okay, Sweetie, baka sila na yan," sagot ni Mommy habang gumagawa ng pack lunch. "Sino kaya ine-expect niya na darating? Gumagawa pa siya ng lunch na parang babaunin? Hhmm..." bulong ko sa sarili ko habang kakamot-kamot pa sa aking ulo at pagbukas ko ng pinto... "Hi, Froi!" pagbati ni Kuya Ice ang bumungad sa akin bitbit ang dalawang maleta at isang asungot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD