FROILAN'S POV
"T-teka, anong ginagawa niyo rito?" gulat na gulat kong tanong.
"Oh! Baby Rouin, Ice, kanina ko pa kayo hinihintay. Tara pasok." Biglang sulpot ni Mom sa likuran ko.
"Mom, ano bang nangyayari? Bakit sila nandito?" tanong ko.
"Bakit bawal ba ang bisita sa bahay n'yo?" At nakuha pa talagang magtaray ng bruhang ‘to.
"Bisita? So, dinadalaw mo ‘ko at nagpasama ka pa kay Kuya Ice ha," nakangiting sabi ko.
"Feeling ka masyado." Inirapan naman niya ‘ko pabalik.
"Ehem!" Ayan na naman si Kuya Ice na may makahulugang ngiti.
"Sweetie, ‘wag ka ngang ganyan kay Rouin. She is still a girl." Pagsaway sa akin ni Mommy.
"Girl? San banda? Kung umasta nga at mang-asar parang lalakeng tinubuan ng ganda." Nasabi ko na lang. Teka parang may mali sa sinabi ko? Pinagkakanulo ata ako ng bibig ko.
At ang itsura nila nakakapagtaka. Ano bang kakaiba sa sinabi ko? Si Mommy kasi parang gulat na gulat. Si kuya Ice naman, nangingiti pa habang ang Stupid na 'to parang kinikilig na ewan.
Aba at kung makangiti 'tong si Kuya Ice abot langit ha.
"I knew it, Sweetie. Nagkakagusto ka na nga kay Rouin." Tuwang-tuwa bigla ang reaction ng mukha ni Mommy with tantalizing eyes pa.
"So, maganda pala ang kapatid ko sa paningin mo." Ngiting nakakaloko talaga itong si Kuya Ice.
At si Stupid Girl naman tahimik lang. Teka, nagba-blush siya? So, kinikilig nga?
"Wala akong sinabing ganon!" I Protest.
"Lalakeng tinubuan ng ganda pala ha? " Masasaktan ko talaga 'to si Kuya Ice kapag hindi pa tumigil.
"O siya, Sweetie, Baby, there’s still a lot of time to know each other kaya don't rush things ha? Darating din kayo roon," nakangiting sabi pa ni Mommy. Is she really expecting na magkakagusto ako sa isang stupid?
"Mom, ano ka ba naman? Ano ba yang pumapasok sa isip mo?" sabi ko sabay tayo. "Diyan na kayo."
"Oh, before I forgot, pack your things, Sweetie. We are having a vacation," pahabol ni Mommy.
"Vacation? That's great!" Kaya naman nagmamadali na akong pumunta sa kwarto at nag-impake ng gamit ko.
Nasa byahe na kami ngayon. To my misfortune, kasama ko pa ang stupid girl na 'to rito, katabi ko pa. Mas okay sana kung kami lang ang magbabakasyon. I’m not in favor of this epic vacation.
"Baby, kumusta? Hindi ka ba inaantok?" Referring to this stupid on my left side.
"Okay lang po, Tita Juliet. Hindi naman po ako inaantok," sabi niya habang nagpapabebe pa.
"Rouin, tulog ka lang pag inantok ka gigisingin na lang kita," dagdag naman ni Kuya Ice.
"Okay, Kuya. Thanks."
Hindi ko na lang sila pinansin hanggang sa ako na pala ang tinatamaan ng antok kaya natulog na lang muna ‘ko.
"I hate you to death, Froilan!" sigaw ng isang babae sa akin na 'di ko maaninag masyado kung sino at napabalikwas pa ‘ko ng bangon dahil sa pagkabigla. Panaginip lang pala.
Ang kaso...
Her lips met mine.
Yeah, that Stupid Girl.
Ang itsura naming dalawa ni Stupid Girl, epic! Nanlaki ang mga mata ko sa mga nangyayari ngayon. Sa lahat naman ng mahahalikan ko, eto pang babaeng asungot na 'to.
Si Kuya Ice nagulat pero natutuwa naman sa nakikita niya. Bwisit! Ano ba kasi ginagawa niya sa harap ko? Kaya naman agad ko rin siyang inilayo sa akin at nagpunas ng labi ko. Yuck! Baka mahawa pa ko sa pagiging stupid niya.
"Don't worry, dude. Hindi ko sasabihin kina Mommy ang nangyari," tumatawa pang sabi ni Kuya Ice habang tinatapik ang balikat ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin sa labis na inis.
Tapos biglang naramdaman ko na lang ang paglapat ng palad niya sa pisngi ko. Napahawak na lang ako sa pisngi kong namula sa sampal ng bruhang 'yon. Late reaction lang?
"p*****t!" sabay exit ni Stupid Girl at nanakbo paalis.
"Aminin mo na lang kasing may gusto ka sa kaniya," sabi ni Kuya Ice habang nagti-twinkle pa ang mga mata. Hindi ko alam pero parang dinedemonyo niya ako.
"Wala akong aaminin. Wala akong gusto sa kanya!" mabilis kong sabi.
"Basta goodluck!" Pagkasabi no’n, umalis na rin si Kuya Ice at hindi naman maalis ang katatawa sa labi niya.
Nandito kami ngayon sa gitna ng dagat sakay ng roro papuntang Palawan para magbakasyon. Halos hindi ko na namalayang sumampa ang sasakyan namin sa loob ng roro dahil sa haba ng naging tulog ko. Sa kasamaang palad nga lang kasama namin sila Stupid Girl dahil syempre sa kanilang beach house lang naman ang pupuntahan namin. Mayaman talaga sila. Umakyat na lang ako sa upper deck para makalanghap ng hangin. Nahihilo talaga ko ‘pag sumasakay ako ng barko.
"Hey!" May biglang lumapit sa aking babae. Aaminin ko maganda siya pero mas maganda pa rin si Stupid Girl sa kaniya.
Teka ano bang sinasabi ko? Nasisiraan na yata ako ng bait dahil sa bruhang babaeng ‘yon. Erase! Erase!
'Di ko na lang siya pinansin pero...
"First time mo?" tanong niya. Aba, at may pagkamakulit pala 'tong isang 'to e.
Snob ko pa rin siya. Ganoon naman talaga dapat kapag gwapo. Snob-snob ‘pag may time.
"Maybe this will help. Inumin mo nang mawala ang hilo mo," sabi niya inaabot sa akin ang isang gamot at bottled water.
"I'm fine," sabi ko lang. Aalis na sana 'ko pero bigla niyang hinatak ang laylayan ng damit ko.
"What?" iritang tanong ko.
"Let's be friends." Nakangiting sabi niya na talagang ikinagulat ko.
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isagot ko sa sinabi niyang iyon. Ako kasi ‘yong tipo ng tao na not into friends. I will rather be alone than having the wrong circle of friends. Maybe, sa iba okay ang magkaroon ng maraming kaibigan but for me, it was just a waste of time. Ano bang mapapala ko sa mga kaibigang nandyan lang kapag may kailangan sila sa’yo? I am not into dramas and fake friends. I’d rather be alone than being with those people.
Tinitigan ko lang siya habang nakalahad ang kaniyang kaliwang kamay sa akin waiting for me to reach out. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at sa kamay niya. Iniisip ko pa rin kung anong dapat gawin. Sa huli. I just let it hanging.