Chapter 24

1396 Words
FROILAN'S POV Ang bilis lumipas ng araw. Nagpupunta ko sa bahay nila Rouin, at madalas kakwentuhan ko si Kuya Ice, perro ang totoo ay nagbabakasakali lang ako na makausap ko si Rouin pero epic fail. Madalas kasi wala siya sa bahay, at ang sabi ni Kuya Ice si Kid ang madalas na kasama. Lagi rin daw kasing nagpupunta si Kid doon, at ang sabi pa ni Kuya Ice nanliligaw pa rin daw ito kay stupid girl. Stupid talaga siya pag sinagot niya 'yon. Pero sa huli, alam ko namang siya pa rin ang magdedesisyon no'n, at hindi ako. "Kuya Ice..." Nandito na naman ako sa bahay nila, and this time kasama ko si Lily. "O, Froi?" Kaagad siyang napatingin kay Lily. Hindi niya marahil inaasahan na makikita akong may kasamang iba. "Ah... Kuya Ice, si Lily." Pagpapakilala ko kay Lily. "Nice to meet you, Miss beautiful." Inilahad niya ang kaniyang kamay na kaagad namang inabot ni Lily kasabay ng isang matamis na ngiti. Kahit kailan talaga ay napaka-jolly ni Kuya Ice. Girlfriend na lang talaga ang kulang sa kaniya. "Nice to meet you too." "Pasok kayo," yaya ni Kuya Ice. So, pumasok na nga kami sa loob, and to my surprise she's here. Tumingin lang siya sa akin pagkatapos ay umakyat na. Ni hindi man lang ako nginitian man lang. Well, hindi ko naman siya masisisi, at halata namang galit pa rin siya sa akin dahil sa pag-irap niya. Hindi pwede 'to. Gagawa ako ng paraan para makapag-usap kami. Ayoko namang umalis nang hindi kami nagkakaayos. "Juice?" tanong ni Kuya Ice. "Sure. Teka, Lily samahan mo muna si Kuya Ice tulungan mo gumawa ng juice," sabi ko. "Sige. Ikaw?" tanong niya. "C.R. lang ako. Be right back." Nginitian ko lang siya pero ang totoo ay hindi naman talaga sa C.R. ang sadya ko. Nagprepare na nga sila ng juice kaya dali-dali akong umakyat sa taas, at nagpunta ng kwarto ni Rouin. Lagi ako rito kaya kabisado ko na rin ang pasikut-sikot ng bahay nila. I opened the door without knocking. Iyon nga lang... She is topless. "p*****t!!!" Unan ang sumalubong sa mukha ko. Gigil na gigil ang itsura niya habang nakatakip ng twalya ang dibdib niya. Hindi ko naman sinasadya. "S-sorry 'di ko naman alam na nagbibihis ka pala" pangangatwiran ko habang iniilagan ang ibinabato niya. "Hindi ka kasi marunong kumatok!" sigaw niya. Kaagad naman akong nag-alala dahil ang lakas na ng boses niya. Mahirap na, at baka mahuli pa kami. "Lower your voice. Please..." bulong ko. "Lower my voice? Sisigaw ako kung kailan ko gusto dahil kwarto ko 'to, at ba--" kaagad akong lumapit sa kaniya, at tinakpan ang bibig niya. Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya nang may marinig akong umaakyat. "Sshh..." "Uhnsngxvsnjzb--" pilit pa rin siyang nadaldal. Hinila ko siya sa may personal C.R. sa loob ng kwarto niya kahit na nanlalaban siya. Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi ko dahil sa sobrang tense. Sakto pasok namin sa C.R. nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto niya. "Rouin..." boses ni Kuya Ice. "Nasaan kaya 'yon? Itatanong ko pa naman sana kung saan nakatabi 'yong bagong biling gatas. Naiwan tuloy si Lily mag-isa sa kusina. Makababa na nga." Nakahinga lang ako nang maluwag nang marinig ko ang pagsara ng kwarto niya. Binitawan ko na naman ang bibig ni stupid girl. "Bastos ka talaga! Kahit kailan ka!" sigaw na naman niya. "E paano kung makita tayo ng kuya mo rito na nagkalat ang unan sa sahig, at ganyan ang ayos mo? Ano sa tingin mo ang iisipin niya?" paliwanag ko. Tumingin siya sa sarili, at doon niya lang ulit napansin na hindi pa siya nakakapagsuot ng damit niya pang-itaas. Tanging bra lang ang tumatakip sa kaniyang dibdib, and worst, nasa likod niya ko at nakayakap sa kaniya. Hindi naiwasang dumikit ang balat ko sa dibdib niya. "Bitiwan mo ko! Manyakl" This time, sang malakas na sampal na ang natanggap ko. "Nakakapikon ka ng babae ka. Nakakailang ka na sa akin. Akala mo ba hindi masakit?" Tumataas na rin ang tono ko. "Ha ha ha! Pakialam ko sa nararamdaman mo!" Naiirita na talaga ako. Ano bang mahirap sa gusto kong mangyari? Ang gusto ko lang naman ay magkaayos kami pero bakit gano'n? Bakit parang ang sakit na nang salitang binibitiwan niya? Dati naman sanay ako na ganito kami mag-usap. Bakit ngayon parang may iba? "Aalis na 'ko at lahat bukas, ganyan ka pa rin sa akin?" sabi ko sabay hawak sa magkabilang braso niya. "Hindi ba pwedeng magkaayos na tayo bago man lang ako umalis? Ayokong masayang ang friendship natin." "Hindi kita kaibigan! At wala akong kaibigang nang-iiwan lang sa akin sa ere!" Dinig ko ang unti-unting paggaralgal sa boses niya. May mga namumuo na ring mga luha sa mga mata niya. "Rouin... please..." hindi ko na alam ang gagawin ko para patawarin niya 'ko. Kung alam niya lang talaga kung bakit ko 'to ginagawa, mas maiintindihan niya sana ako. Pero kaya ko rin bang sabihin sa kaniya ang mga dahilan ko kung alam kong masasaktan pa rin siya sa pag-alis ko? "There's no please. Like I said before, I hate you Froilan! Ikaw pa rin talaga ang pinakamayabang na lalaking nakilala ko! Alam ko natutuwa ka na may nalulungkot sa pag-alis mo! Mayabang ka kasi, at sarili mo lang ang iniisip mo! Makasarili ka! Ipinilit mo 'yang gusto mo kahit alam mong ayaw ni Tita na umalis ka. Akala ko may utak ka dahil madalas mo 'kong tawaging tanga pero ipagpapalit mo ang lahat dito para lang sa babaeng sinaktan ka? How could you?" Unti-unting tumulo ang mga luha niyang pilit niyang pinigilang ilabas pero pinahid niya rin kaagad. "Umalis ka na. Wala akong pakialam kung paalis ka na bukas. 'Wag ka na sanang babalik." In that moment, parang sinaksak ang puso ko nang libu-libong patalim. Hindi ko naisip na ganito ang magiging impact sa akin ng lahat. "Mami-miss kita, Rouin..." hindi ko alam kung paano ko nasabi 'yon pero sa lahat ng mga lumabas sa bibig ko iyon ang pinakatotoo sa lahat. Lumabas na ako ng kwarto niya, at bumaba na parang walang nangyari. Darating din ang tamang panahon na maaayos ko ang pagkakaibigan namin. I just need to move on for now. Alam ko naman na posibleng magalit siya, at alam ko ring sa ngayon ay mainit pa ang ulo niya dahil sa biglaang desisyon ko pero anong magagawa ko? I just want to help Lily dahil she's ill. I don't know but somehow pakiramdam ko kahit sa ganitong paraan man lang ay matulungan ko siya. Kahit saang anggulo tingnan ay may pinagsamahan din naman kaming dalawa. Alam kong darating din ang araw na maiintindihan din ako ni Rouin but for now, I thinks it's really goodbye for both of us. +++ Eto na nga. Ang araw na iiwan ko ang lahat. But that doesn't mean na hindi na ako babalik. I still have my heart here. Aalis man ako pero alam kong maiiwan naman dito ang puso ko. "Pare, ingat kayo sa France ha? Alagaan mong mabuti si Lily," sabi ni Travis, at saka binalingan ng tingin si Lily. "Lily, ikaw na ang bahala sa bestfriend ko ha?" "Salamat, Pare." Tinapik ko naman ang balikat niya. "Sweetie, I will miss you. Mag-iingat kayo roon ha? Huwag kang masyadong magpapasaway sa parents ni Lily, at nakakahiya. Make sure not to skip your meals okay?" Niyakap na ako ni Mommy na kaagad ko rin namang tinugon ng mahigpit na yakap. I will really miss her. "I will, Mom." Bumeso naman siya kay Lily. "Lily, ikaw na ang bahala sa anak ko ha? Magpagaling ka." "Yes po, Tita." Ikinalang kaagad ni Lily ang braso niya sa akin. Honestly, nakaramdam ako ng pagkailang, at pagkairita. Para naman kasi akong mawawala sa tabi niya. "Froilan? We will be late na. Let's go?" Tumango na lang ako bago tumalikod. Lumipas ang ilang oras na parang lumilipad ang ko. Nakasakay na rin kami sa loob ng eroplano, at naghihintay na lang na lumipad ito. Napansin ko naman na panay ang sulyap ni Lily sa akin na hindi ko mawari kung bakit. Is she being paranoid again? Nag-iwas na lang ako ng pansin para kahit paano ay mabawasan ang stress ko. Maya-maya pa ay napansin kong natutulog na siya sa balikat ko. Doon lang ako nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay nawala ang irritating glance niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD