Chapter 9

1202 Words
FROILAN'S POV   "Froilan," pagbasag ni Rouin sa katahimikan ng gabi.   Pauwi na kami galing doon sa kweba kung saan ko siya natagpuan. Grabe, nakakapagod talaga. Pero kung ikukumpara sa mga nararamdaman niya kanina for sure walang-wala 'tong pagod na nararamdaman ko ngayon. Kaya nga I volunteer a piggy back ride para kahit paano maging okay ang pakiramdam niya.   "Hhmm..." tanging tugon ko.   "Ah... Wala,” sabi niya. Timang talaga 'tong isang 'to. Nagsisimula na naman yata akong bwisitin.   "Ano nga?" tanong ko.   "P-paano mo ‘ko nahanap?" Nahihiya pa siyang magtanong, ‘yon lang naman pala ang itatanong.   "Naglakad nang nakadilat. Hindi naman kita mahahanap ng nakapikit at nakaupo lang ako. ‘Di naman ako super hero gaya ni San Goku na marunong magteleport," sabi ko. "Pilosopo!" Nairita naman kaagad siya.   Hindi ko napigilang matawa kahit na hindi ko naman nakikita ang itsura niya. Pero kahit ganoon ay sigurado akong nakasambakol na naman iyon.   "Narinig din kitang tumawa, akala ko lagi na lang mainit ulo mo," seryosong sabi niya.   Ano bang sinasabi ng babaeng 'to? Marunong naman talaga akong tumawa. Lagi ba talagang mainit ang ulo ko? Parang hindi naman. Napaisip tuloy ako. Kung sabagay, may punto nga siya. Lagi nga kaming nag-aaway. Walang araw na hindi kami nagtatalo. Pakiramdam ko tuloy ay napaka-bully ko sa kaniya. Pero ano bang dapat kong ika-guilty? E isa rin siyang malakas mambwisit.   "Uhm... Stupid girl..." Nakasanayan ko na yata talagang iyon ang itawag sa kaniya.   Hindi siya sumagot.   "Rouin," tinawag ko na ang pangalan niya. Wala pa rin. Hindi pa rin siya sumasagot.   Pinakiramdaman ko siya nang mabuti. Humihinga pa naman at ang t***k ng puso niya... Bakit ganoon? Parang... Katulad ng sa akin. Sabay na sabay ang heartbeat namin. Ang galing! Hala! Nahahawa na yata ako sa kapraningan niya. Alangan namang mag-iba ang pagtibok ng puso naming dalawa. Parehas lang naman kaming tao at humihinga. Ilang sandali ko pang hinintay na kumibo siya ngunit tahimik pa rin. Marahil nakatulog na siya sa labis na pagod.   "Promise me, you won't leave me!" bulong niya kaya naman nagulat pa ako.   "Ano ba? Akala ko nakatulog ka na," sabi ko pa. Nakakaloko kasi e. Tinatawag ko kanina 'di sumasagot tapos ngayon kung anu-ano namang sinasabi. Hinintay ko siyang magsalitang muli ngunit hindi na naman siya nagsalita. Posible kayang nagsasalita siya ng tulog? Napangiti na lang ako dahil doon.   "Oo na. I promise!" sinagot ko na lang siya kahit hindi ko alam kung sino ang kausap niya sa dreamland niya. Noong mga oras na iyon ay buo ang loob kong hindi ko siya iiwan kahit na anong mangyari.   Parang ngumiti naman siya. Ewan ko ba kung pakiramdam ko lang ‘yon o talagang ngumiti nga siya. Hindi ko naman siya nakikita dahil nasa likuran ko siya pero iyon talaga ang naramdaman ko. Lumalakas na yata ang pakiramdam ko ha? Kahit hindi ko nakikita nalalaman ko.   Naalala ko bigla nasa akin na pala ang ipod ko. Mabuti naman at ibinalik niya rin sa akin. Gamit ang isang kamay ko ay isinalpak ko ang magkabilang earplug sa tenga ko. Muntik ko pa nga mabitawan si Rouin. Ang bigat pala ng babaeng 'to. Naghanap ako ng kanta at saka pinindot ang play button.   Far Away By Nickelback   That I love you I have loved you all along And I miss you Been far away for far too long I keep dreaming you'll be with me and you'll never go Stop breathing if I don't see you anymore   Labis talagang tumatak sa akin ang kantang ito. Ewan ko ba. Una ko itong narinig sa nadaanan kong tugtog sa isang convenient store. Hindi ko alam kung bakit may mga tindahan talagang mahilig magpatugtog ng music. Hindi ba inaantok ang mga staff nila roon? Mula nang araw na iyon ay nagkaroon na ng impact sa akin ang kantang ito. Nagustuhan ko ang lyrics maging ang melody nito. Swak na swak ang tugtog niya sa panlasa ko dahil na rin siguro sa isa siyang pop rock music. Mahilig din kasi talaga ko sa mga pop rock music. Although may kalumaan na ang kanta, hindi ko pa rin maiwasang magustuhan ito nang sobra.   I Believe By Blessed Union of Souls   Nagpatugtog pa ako ng isa pang kanta at tungkol naman ito sa babaeng nagngangalang Lisa na minsang idinate ng vocalist na si Eliot. Kumbaga tutol ang pamilya ni Lisa kay Eliot at sinabing pahihintuin sap ag-aaral ang babae kung hindi nito ititigil ang pakikipagtagpo kay Eliot. Sa huli, they both said their goodbyes to each other and the part ways. Sa kabilang banda, nakakalungkot din talaga ang naging samahan nila.   Hindi ko namalayan na nasa bahay na rin pala kami. Sakto lang sa tapos ng tugtog.   "Froilan! Rouin!" Kaagad kaming sinalubong ni Kuya Ice at saka kinuha si Rouin mula sa aking likuran.   "Dalhin mo na siya sa kwarto Ice," utos naman ni Tita Lucy na kaagad namang sinunod ni Kuya Ice.   "Sweetie, kumusta ka?" pag-aalalang tanong ni Mommy. Sinuri pa nito ang itsura ko na halos madungis na dahil sa pawis.   "I'm fine, Mom," sagot ko but the truth is, I really want to rest. Doon ko lang naramdaman ang p*******t ng balikat at likod ko sa tagal na pasan-pasan ko si Rouin. Bakit ang bigat niya? Hindi naman siya mataba? May graba bang nakabaon sa tiyan niya?   "Kumain ka muna, Froilan," paanyaya ni Auntie Chloe.   "Bukas na lang po ako kakain. Gusto ko na po magpahinga." Nagsimula na akong maglakad patungo sana sa kwarto ko nang tawagin ako ni Tita Lucy kaya napalingon ako sa kaniya.   "Froilan..."   “Po?”   "Thanks for taking care of my daughter. I owe you a lot. Magiging masaya talaga ako kung kayo magkakatuluyan ng anak ko," sabi niya at mukhang seryoso siya.   Ayan na naman sila. Nasapian na naman.   Ngumiti na lang ako at saka dumeretso sa kwarto. Hindi ko na pinansin iyon dahil pagod na talaga ako at gusto ko nang magpahinga.   +++   Nandito na ako sa kwarto ko ngayon, nakatulala sa kisame, nagmumunimuni. Bigla kong naalala yung sinabi ni stupid girl.   "Promise me, you won't leave me!"   Sino kaya ‘yong nasa panaginip niya no’n? Sino kaya ‘yong parang ayaw niyang mawala sa kaniya? Si Kid? Pwede lalo pa at pangalan ng lalakeng ‘yon ang tinatawag niya noong matagpuan ko siyang umiiyak sa kweba. Napabuntong hininga na lang ako. Bakit ko ba kasi iniisip 'yon? Affected? Hindi naman siguro.   Tapos biglang pumasok naman sa isip ko ‘yong eksena sa kweba. ‘Yong bigla niya akong niyakap. Nanigas lang ako. Bakit kaya ganoon 'yong naramdaman ko? Nung makabawi naman ako biglang parang gusto kong protektahan na lang siya. Ano ba kasing nangyayari sa akin?   Hindi ako makatulog. ‘Yan ang resulta ng kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Ultimo ngiti at mga facial expression niya 'di mawala sa isip ko. Para bang gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Magbukas na lang kaya ako ng f*******:? Napansin ko ang oras, seriously? 3 AM na? Inabot na ‘ko ng 3 AM kakaisip sa stupid na 'yon.   "Haayy!" Naiiritang kong ginulo ang buhok ko dahil sa inis. Gusto ko nang matulog ngunit bakit ba parang ayaw niya akong patulugin. "Patulugin mo na naman ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD