Ang trapik sa Manila ay malala sa pagkakaalala niya ngunit si Zoe ay tila hindi naiisip iyon habang dumungaw sa labas ng bintana na may malalapad na mga mata sa pagkamangha. Sa tabi niya ay halos nakapatomg si Daisy sa kanyang kandungan na hindi nababahala sa pagbabago sa tanawin. Nais ni Sarah na maging malaya siya. Simula nung umalis sila sa Manila, siya ay palaging ninerbiyos. Kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na walang naghahanap sa kanya at walang nakakaalam na darating siya ay hindi niya maiwasang lumingon-lingon sa paligid niya. Parang noong una niyang iwan si Lucas. Kahit saan siya magpunta pakiramdam niya ay may sumusunod ito sa kanya. Bumalik ang pakiramdam niyang iyon at sinubukan niyang alisin iyon sa kanyang isipan. Tuwang-tuwa si Ruth nang sabihin niyang babalik s

