Ika-pito na Kabanata

3257 Words
Pag-aalis ng bayan ay nagmaneho pang muli ng isang milya si Sarah patungong kakahuyan bago lumiko pababa sa driveway. Ito ay mahaba na may makitid na pagputol na medyo makapal na paglaki. Ang mga puno ay biglang naghiwalay na nagbukas sa isang magandang maliit na farmstead. Ang bahay sa bukirin ay may dalawang palapag na may kulay puti at kulay abo, matatanaw ang isang kulay pulang kamalig at limang ektaryang pastulan. Nasa bakod na ang mga nakatira sa pastulan para tignan kung sino ang dumarating. Naunang tumanaw ang isang bay quarter na kabayo na nakapon na ngayon na higit dalawangpung taong gulang na. Kasama sa kanyang mga kasama sa pastulan ang isang kulay-abong asno at dalawang kambing at pati na rin ang isang maliit na kawan ng mga manok na nag-unahan sa pagtakbo sa bakuran. Bukod sa kabayo, ang karamihan ay nabili sa utos ni Zoe na mahilig sa mga hayop at hindi makayanan ang isipin na sila ay naghihirap at walang tahanan. Tulad ng kanyang ina na nauna sa kanya, dinala ni Sarah si Zoe sa mga nagbebennta ng mga lupain at mga auction pati na rin sa Farmer's Market at garage sale. Ang batang babae ay maagang namulat at nagkaedad na gustong-gusto ang bawat minuto ng kanilang pamamasyal. Ang ilan sa mga bentahan ay naganap sa mga bukid at si Zoe ay natural na nahilig sa anumang bagay na may balahibo at mabalahibo. Kaya talagang hindi na nakakagulat na kung ilan sa mga hayop na iyon ay umuwi kasama nila. Ang tanging nakakasorpresa ay nakaya ni Sarah ay panatilihin ito sa pinakamaliit. Umaasa siya na napatawad na siya ni Applejack. Ang nakapon niyang bay na kabayo na nakasama niya na halos isang dekada mula ng siya ay gumugol ng anim na buwan sa Kansas sa isang rantso at subukan ang barrel racing. Nag-enjoy siya nang husto kaya binili niya ang kanyang kabayo mula sa rantso at pinanatiling kasama niya. Habang siya ay naninirahan sa New York ibiniyahe niya ito at nilagay niya siya sa isang kuwadra. Bawat linggo ay sumasakay siya ng taksi sa Central Park at sinasakyan si Jack sa trails. Habang ang kanyang kasal ay naging mas at higit pa na hindi matagalan ang lingguhang pagsakay ay ang tanging bagay na nagpapanatili ng kanyang lakas ng loob. Noong una ay natatakot siya na baka may makakilala sa kanya ngunit tila walang nakakaalam kung sino siya. Nang lumipat siya ng Vermont, alam niyang kailangan noya ng lugar para kay Applejack kaya ang kamalig at pastulan ang pangunahing rason ng pagbili niya ng maliit na farmstead. Sa kabutihang-palad mayroon ding sapat na puwang sa lumalaking mababangis na hayop no Zoe. Nagsimula ito sa asno, si Thistle na ang amo ay pinasa na sa kanila at ng kanyang pamilya habang inaasikaso ang pagbebenta ng kanilang ari-arian sa kanya. Agad naibigan ni Zoe ang asno sa kabila ng katotohanang nababalot ito ng putik na gumagala sa pastulan doon sa bandang punong-puno ng mga sirang kagamitan sa bukid at mga kinakalawamg na sasakyan. Nung nagtanong si Sarah kung anong balak nila sa alagang asno ay nagkibit-balikat lamang ang pamilya kaya natural kailangan niyang mag-alok sa kanila kung hindi ay hindi na niya muling makakaharap ang kanyang anak. Ang mga kambing, Rosy at Posy ay ang sumunod na dumating. Ang mga ari-arian ng may-ari ay naremata at ang auction ay isang paraan para makabawi ang banglo sa perang pinuhunan nila rito. Mayroong ilang mga hayop sa bukid at sa kabila ng mga malungkot na titig ni Zoe ay hindi naman lahat ay kayang bilhin ni Sarah. Upang mapatahimik siya ni Sarah ang bagsak ay nabili niya ang kambing at mga manok na hindi naman gusto ng iba. Pag-akyat nila ng bahay ay mabilis na pinakawalan ni Sarah ang tuta bago pinatayo ang tatlong taong gulang na anak. Habang papunta naman si Sarah sa cargo area upang kunin ang kanyang mga pinamili narinig niya ang biglang bulalas ni Zoe, "Daisy! huwag mong habulin ang mga manok! Wag, Daisy!" napahalakhak si Sarah habang nakatingin sa pares habang iniikutan ng corgi ang limang manok nang paikot-ikot habang hinahabol ni Zoe ang tuta. Tinitignan sila ni Sarah habamg bitbit nito ang kanyang mga pinamili mula sa sasakyan at pagpasok ng bahay. Nang maipasok na niya ang lahat sa loob at ang mga malamig na bagay ay naiimbak na niya ng maayos muling bumalik sa labas si Sarah upang tignan kung may nadagdag na ginawa sa pag-ikot ng mga manok o pagpapahinto sa corgi. "Halika na, Zoe. Oras na para pakainin ‘yung mga hayop." "’Kay!" Tuwang-tuwa sinundan ni Zoe ang kanyang mommy sa kamalig. Matiyaga siyang naghantay habang inaakay ni Sarah ang kabayo, asno at kambing patungo sa kani-kanilang kuwadra. Maging ang corgi ay maayos ang pag-uugali habang ang mga hayop ay nakakulong. Ang pagtulong sa pag-ii-scoop ng mga pagkain ng bawat hayop ay ibinigay na responsibilidad kay Zoe na pakainin ang mga kambing na mas malaki salanya kaysa sa malalakimg kabayo. Sa umpisa si Sarah ay nagdadalawang isip na payagan si Zoe sa parehong kulungan na minsan siya ay nakarinig ng minsan ang kambing ay may pabago-bago sa pag-uugali. Ngunit alam na nila Rosy at Posy ang kanilang kasalukuyan ay dahil sa naging malaking bahagi ng batang babae at sinuklian nila ito ng pagmamahal at ito ay kaparehong kuwento ng kay Thistle. Ang mga asno ay hindi madaling magtiwala sa mga tao ngunit mula sa unang araw ay sinundan ni Thistle si Zoe sa paligid ng pastulan na parang isang tuta. Ang kakayahan ni Zoe na paamuin ang anumang hayop ay hindi tumigil at napahanga ang kanyang mommy. "Mommy, pwede ko bang i-brush si Jack?" nagmamakaawang sabi ni Zoe nang matapos na siyang magbigay ng hapunan ng mga mga alagang hayop. "Dalhin mo 'yung upuan," natatawang utos ni Sarah sa anak. Tumulong si Sarah sa paglalagay ng upuan sa tabi ng nakapon na kabayo bago ilagay dito si Zoe. Ang mga hawak nilang brush ay sinuklayan nila ng maayos habang kumakain ang kabayo. Ito lagi ang eksena nila gabi-gabi kaya medyo kuntento na si Jack. "Ang mahinahon talaga ni Applejack, ‘no Mommy?" saad ni Zoe sa kanyang ina. "Oo, siya nga. Good boy siya," magiliw na saad ni Sarah habang tinapik-tapik nang dahan-dahan ang kinapon na kabayo. "Mommy, alam mo ba kung ano ang narinig ko?" "Ano?" patanong na sagot ni Sarah sa anak. "Magkakaroon daw sila ng rodeo sa fair!" "Tama ba ako?” tanong ni Zoe sa kanyang mommy. "Sasali ka ba, Mommy?" "Palagay ko ay hindi." sagot ni Sarah. "Bakit naman hindi?" tanong ni Zoe sa kanyang mommy. "Well, si Jack at ako ay hindi na bata katulad ng dati kaya hindi na tayo magiging kakumpetensya sa mga nakababatang koponan. Bakit gusto mo pa kaming sumali?" "Dahil gusto 'kong makita ng lahat na ikaw ang pinakamagaling sa lahat ng mommy sa buong mundo!" natawa si Sarah, "Well, masaya na ako na sa tingin mo ay ako ang pinakamagaling. Hindi ko kailangan pa na may iba pang makaalam." Humagikgik si Zoe habang kinikiliti siya ng kanyang mommy bago siya kinuha upang kargahin. Tinapik nila ang nakapon na kabayo para mag-goodnight bago sila lumabas ng kuwadra nito. Iniwan ang mga hayop habang sila kumakain, lumabas sila ng may dalang isang baldeng scratch na binhi para sa mga manok. Jinawakan ni Zoe ang tali sa leeg ni Daisy habang ibinubuhos ng kanyang mommy ang mga butil ng bindi sa kanilang mga lalagyan na umaakit sa mga manok sa kanilang kulungan. Nang maisalin na ang lahat ni Sarah ikinandado na niya ang kulungan ng manok at dinala na si Zoe at ang tita pauwi ng bahay. "Mommy..." "Oh? " saad ni Sarah sa anak. "Maari ba akong magkaroon ng isang mallit na kabayo?" "Oo naman, kaya lang kapag medyo malaki ka na." "Yeah!" masayang saad ng anak. Ganyan ang gawain nilang mag-ina sa gabi. Sa loob ay iniligpit ni Sarah ang iba pa niyang mga pinamili bago magsimula ng hapunan. Habang humuhuni si Sarah sa sarili at kalmado may ginagawa sa kusina nakaramdam ng kapayapaan si Sarah. Ito ay kamangha-mangha na kung gaano karami ang kaligayahan ang maaring maranasan sa paggawa ng mga simpleng gawain bahay. Habamg siya ay may ginagawa tumingin siya sa sala tinatanaw niya si Zoe kung nagsasanay sa pagsusulat ng mga titik at numero ang talong taong gulang sa kanyang mga workbook. Nai-spell na rin ni Zoe ang kanyang pangalan at nakikilala na rin niya ang mga salita sa kanyang mga picture book . Sa katunayan ilang gabi na niyang binabasa ang mga kuwento sa kanyang mommy mula nang matutunan niya ito nang maigi. Isang bagay na labis na ipinagmamalaki ni Sarah ay ang walang sawang pagmamahal ng kanyang anak sa mga libro, isang bagay na igigiit ng sinumang may-akda sa kanilang mga anak. Na-curious din si Zoe, mabilis din niyang nasagot ang bugtong ng kanyang mommy at sa katunayan alam din niya na siya talaga si Rosemary Ceniza. Nitong mga nakaraan iginiit din niya ang kanyang bedtime stories tulad ng mga kwento ni Rosemary. Bahagyang nataranta si Sarah dito dahil si Rosemary ay hindi talaga mga libro para sa mga bata ngunit ginawa niya ang abot ng kanyang makakaya upang laktawan ang mga nakakatakot o hindi naangkop na eksena. Bukod dito, madali rin siyang gumawa ng mga kuwento dahil kilalang-kilala niya ang karakter ni Rosemary. Gustong-gusto ni Zoe ang ganitong paraan ng pagkukuwento at binatuhan siya ng maraming katanungan, "Ano ang sky diving, mommy? Dadalhin mo ba ako sa karagayan balang-araw? Gaano ba talaga kabilis tumakbo si Applejack?" Sa karagdagan, pagkakaalam niya na si Rosemary ang karakter ng kanyang mommy. Alam din ni Zoe ang maraming pakikipagsapalaran ni Rosemary ay base sa bahagi ng kanyang mommy na npaganda lamang sa mga libro ngunit mas nahihirapan itong maglihim. Gusto ni Zoe na malaman ng lahat ang tungkol sa pakikipagsapalaran ng kanyang mommy. Habang pinapakulo ni Sarah ang sause sa paghahanda niya ng pansit ay biglang tumunog ang kanyang telepono. Sinulyapan niya ang caller ID at sinagot niya ang telepono sa kanyang i-speaker, "Hey Ruth, naabutan mo lang ako naghahanda ng hapunan." "Wag mo ako kausapin ng tungkol sa pagkain. Ngayon lang ako nagkaron ng pinakamasamang pagkain na nakain ko sa tanang-buhay 'ko." "Ganon kagrabe, ha?" "Wala kang alam. Iyon na ang pinakahuling pagkakataon na kukuha ako ng mungkahi ng sinuman tungkol sa mga restawran. Mananatili ako sa Good Eats." Humalakhak si Sarah. Si Rith ay kailanman ay hindi nagkakaron ng problema sa pagsasabi sa mga tao ng eksakto kung ano ang iniisip niya. Ito ang dahilan kung bakit siya naging mabuting editor at kaibigan. "Siya nga pala, tumawag ako dahil sinusubukan 'kong gumawa ng magandang stunt para sa susunod mong libro, tama?" "Ah-huh." "Kaya ito ang ikasampong libro. Kailangan nating gumawa ng isang kamangha-manghang bagay at sa wakas ay nakaisip na ako ng isang magandang ideya." "All right. Pasikatan mo ako." "Ibubuyag natin kung sino ang tunay na Rosemary Ceniza sa buong mundo!" Natigilan si Sarah nang maramdaman ang pag-agos ng dugo sa kanyang mukha. Hindi kayang sabihin ni Ruth ang inaakala niyang ibig niyang sabihin, hindi ba? "Sarah? Nandiyan ka pa ba? Masyado bang nakakagulat?" "...Ano ang dahilan at bakit napag-usapan ito?" "Ano ang ibig mong sabihin?" "Ibig 'kong sabihin, akala 'ko mayroon na tayong sistema: ang buhok, salamin...ito ay gumana ng maraming taon." "Oo pero, okay ang buong katotohanan? Sa tingin ko ang biro ay masyado nang malayo ang tinakbo ng direksyon nito. Madalas akong makatanggap ng mga tawag. Gustong makilala ng mga tao si Rosemary, ang tunay na Rosemary. Miss ko na rin ang matalik 'kong kaibigan at ang pamangkin 'ko. At gusto 'kong malaman ng mundo kung gaano ka kahanga-hanga, kung gaano ka kaganda at kaakit-akit..." "Ruth..." "Hindi lang ako ang nakaka-miss sa'yo." "Ang mga babae?" "Lagi nila akong tinatanong tungkol sa iyo. Dapat mong makita kung paano lumiliwanag ang kanilang mga mukha kapag pinag-uusapan ka namin at si Zoe." Nakagat ni Sarah ang kanyang labi. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya nami-miss ang kanilang pagsasama gaya ng pagka-miss nila sa kanila. Nang umalis siya sa Pilipinas, pinutol niya ang ugnayan sa higit na isang pabaya na asawa at mga mapang-abusong mga biyenan. "Hindi mo agad kailangan magdesisyon ngayong gabi. Ngunit hindi ka maaaring tumakbo at magtago na lamang sa likod ni Rosemary habambuhay. Pag-isipan mo na lang muna, okay?" "All right. Pag-iisipan 'ko." "Salamat. Hahayaan na muna kita. Mag-usap tayo kaagad," saad ni Ruth. "Oo, good-bye." Itinabi ni Darah ang telepono at nagmamadaling ginawa ang natitirang gawain niya sa paghahanda ng hapunan. Sinubukan niyang alisin sa kanyang isipan ang pag-uusap nila. Ngunit bumalik lamang ito nang may malakas na puwersa. Sa mga nalalabing bahagi ng kanilang gabi-gabing gawain ay nagtagal ito, nakabitin sa ibabaw niya na parang ulap na naghihintay na mapansin niya. *** "Good night, kwarto. Good night, buwan. Goodnight, baka na tumatalon sa ibabaw ng buwan," binasa ni Sarah ang Margareth Wise Brown's Goodnight Moon kay Zoe, yumakap ito sa kanya. Nakahiga na si Daisy sa tabi nila na mahimbing nang natutulog mula sa maghapong outing nila. "Good night, baby," pabulong na saad ni Sarah hinahalikan ang ulo ni Zoe habang isinasara ang libro at dahan-dahang umalis ng higaan. "Good night, mommy," pahikab na sabi ni Zoe. "Mommy..." "Yes?" tanong ni Sarah sabay yakap sa kanya . "Tungkol saan 'yung sinasabi ni Tita Ruth?' "Tungkol saan?" "Tungkol kay Rosemary..." Napabuntonghininga si Sarah, lumuhod sa gilid ng kama. Umaasa siya na sana ay naging abala si Zoe upang hindii na niya bigyang-pansin ang pag-uusap nila. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpaliwanag siya, "Sa tingin niya para sa ikasampong aklat ni mommy ay dapat gumawa kami ng isang bagay na talagang espesyal. Gusto niyang sabihin sa mundo na ako si Rosemary." "Pwede ba nating gawin iyon?" biglang nagising si Zoe sa sinabi ng kanyang mommy. "Gusto mo ba talaga ang ideyang iyon?" tanong ni Sarah. "Hindi ba napagkasunduan na natin na ilihim ito?" "Ye-ah," nakatinging sagot ni Zoe. "Pero gusto kong malaman ng lahat na ikaw ang pinakamagaling na mommy sa buong mundo!" "Alam mo kung sasabihin ko sa lahat na ako si Rosemary, ang mga tao ay magkakaron ng maraming katanungan para sa akin. At baka hindi na ako makasama sa iyo dahil pipigilan nila tayo saan man tayo magpunta." "Wala akong pakialam." "Ngayon ay nasasabi mo iyan..." bumuntonghininga si Sarah. "Oras na ng pagtulog. Pag-usapan natin ito ng umaga." "All right." Hinayaan na ni Zoe na maipit ang sarili. Hinalikan ni Sarah ang kanyang noo at nag-good night na si Sarah bago pinatay ang ilaw at lumabas. Bumalik pababa si Sarah, nagtimpla siya ng tasa ng tsaa at tinungo ang kanyang tala-sulatan. Ang maliit na lamesa ay nakalagay sa harapan ng malaking bintana na matatanaw ang likod-bahay. Nakikita lang niya ang play set na inilagay niya para kay Zoe sa humihinang sinag ng liwanag. Pagkaupo ay sinimulan niyang buksan ang kanyang laptop ngunit nakatitig lamang siya sa i-sceen na hindi makapag-focus. Ang kanyang isip ay patuloy na umiikot sa katanungan. Dapat ba niyang gawin ito? Ano na lamang ang iisipin ng mga tao? Madidismaya ba sila? Ano kayang iisipin ni Lucas? Magagalit ba ito dahil hindi siya ay nawala tulad ng gusto nito? Ano ang gagawin niya kapag nakita siya nito? Napu-frustate siyang tumayo at palakad-lakad sa sala sa harap ng tsiminea. Bakit ba niya iniisip kung ano ang iisipin nila? Mga estranghero na sila ngayon. Iyan ang ipinangangko niya sa sarili nang umalis siya. Mayroon siyang Zoe at mayroong itong...Madeline. Patas na kasunduan. Tama? Dahil sa kalasingan nito ay siguro hindi na nito naaalala ang isang gabi na sila ay magkasama. Isang gabing pilit niyang kinalimutan. Isa pa, ang tiyak na hindi nito makikilala ang sarili nito kay Zoe. Kamukhang-kamukha ng tatlong taong gulang na bata si Sarah, sabi ng karamihan. Tanging si Sarah lamang ang nakakakita ng bahagyang pagkakaiba sa dalisdis o hugis ng ilong ni Zoe at sa hugis ng mga labi nito. Malamang na hindi mapapansin ni Lucas kahit makita pa niya ang anak. Ginawa ni Sarah ang lahat upang alisin ang sarili sa dati niyang buhay. Hindi na siya pumunta sa mga Razon o Buenaventura. Ang kanyang apelyido ay opisyal ng Ceniza at walang nakakakilala sa kanya ngayon bilang Buenaventura o Razon. Walang alam si Zoe sa mga nakaraan niya at ang pagtanggap sa kanilang bayan ay isa lamang. Ngunit ngayon, ang lahat ay tila papier-mache sa halip na ang mga dingding na naiisip niya. Ayaw niyang malaman ni Zoe ang totoo. Ang tungkol sa iniwan niya at kung bakit. Ayaw niyang isipin ni Zoe na hindi ang kanyang ina ang malakas na pigura na iniisip nito. “Ano ang gagawin 'ko?” patanong na saad ni Sarah sa kanyang isip. Huminto si Sarah sa paglalakad-lakad at tumingin sa malaking painting sa ibabaw ng mantel. Ito ay isang mabilis, tila walang hirap na ginawa, isang tanawin na nagtatampok ng malawak na lawa at mga puno ng tag-lagas. Lahat ay naipinta gamit ang mabilis, siguradong brushstroke. Regalo iyon ni Aubrey na walang takot gaya ng kanyang istilo. Tama, hindi pinahihintulutan ni Aubrey ang sinuman na sabihin sa kanya kung sino siya o kung ano ang maari niyang gawin o hindi. Nang malaman ni Aubrey na siya ay buntis, hindi siya nagreklamo tungkol sa walang lalaki sa kanyang buhay upang tulungan siyang palakihin ang kanyang sanggol. Ginawa lang niya at ginawa nito habang ginagawa ang kanyang art. Ano kaya ang gagawin ni Aubrey? Sa bagay na iyon...ano naman ang gagawin ni Rosemary? Bumalik si Sarah sa lamesa niya. Umupong muli sa harap ng kanyang laptop at binasa ang mga salita sa i-screen. *** Niyakap 'ko si Daisy sa paghalik niya sa noo ng pinakamamahal 'kong anak na babae. Tahimik na pagsara ng pinto hindi ko pinansin si Harold habang sinundan ako ng espiritu pababa at umupo sa tapat 'ko sa hapag-kainan. Ang ibang mga espiritu ay gumagala sa loob at sa labas ng aking paligid ngunit si Harold lamang ang gustong magpahayag ng kanyang sarili. Natukso akong kunin ang ouija board para lang makita 'ko kung ano ang gusyo niyang sabihin. Nang ipinanganak si Daisy, umatras ako sa aking kabin sa bayou, nalilibang sa pagiging ina at hindi pinapansin ang mga pangyayari sa mundo at patuloy ito sa pag-inog. Ngunit ang mundo ay may sariling paraan upang mahanap ka kahit gaano kahirap at piliin mong magtago. Tumunog ang aking telepono na may isang abiso habang nagtanong ang isang tao tungkol sa pamumuhay kasama ng mga espiritu o kung ano ang gagawin sa isang residenteng hindi gustong makibahagi sa espasyo nito. Sa loob ng tatlong taon, nilimitahan 'ko ang aking mga aktibidad sa mga payo sa online at iniwasan ang pansin ngunit ngayon ay sinabihan ako ng aking kaibigan tungkol sa isang bagong kliyente na may partikular na problema. Ang aking kaibigan ay nahihirapan sa pamamahala nito at nangangailangan ng tulong. Walang tanong ng pagpunta, ngunit dapat 'ko bang isama si Daisy? Ano kaya ang iisipin ni Daisy sa aking propesyon? Kailangan 'kong gumawa ng mga pag-iingat upang matiyak na walang mga espiritu na nabuong kalakip ngunit iyon ay hindi na bago. Si Harold ay namumukod-tangi naiiba. Oras na...bumalik na si Rosemary sa mundo. *** Sumandal si Sarah. Pagbalik sa mundo, huh? Baka nga oras na. Kayang-kaya i-handle ni Kyle ang tindahan, walang problema. Kailangan niya lang na maghanap ng magpapakain at mag-aalaga sa mga alagang hayop. Sa loob lamang ng mga ilang linggo. Pagkatapos ay uuwi na sila. Napakagat labi si Sarah at inabot ang telepono niya. Wala nang bawian kapag naipadala na niya 'yung mensahe niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD