Makaraan ang apat na taon...
Matatagpuan sa timog-silangang sulok ng Vermont sa mismong hangganan ng New Hampshire ay ang maunlad na komunidad ng Brattleboro. Pinagsama-sama ang maliit na bayan at ang umuusbong na lugar na sentro ng mga negosyo sa may downtown na kung saan pinagmumulan ng pagsasaka at industriya, ipinagmamalaki nito ang umuunlad sentro ng sining at kultura.
Sabado ngayon. Ang araw ng Farmer's Market ay puspusan na nagaganap. Ang mga nagtitinda ay nakaayos ng hugis pa-oval upang mabigyan daan ang mga bisita na makapag-relax habang naglilibang, nagtatawanan, at nagkukuwentuhan na may maligayang kapaligiran na saliw ng musika. Ang iba’t ibang mga nagtitinda ay nag-aalok ng lahat mula sa mga masahe, kandilang may mga iba't-ibang amoy, keso, at kakukuha na gatas, mula sa alak at hanggang sa pulot at syrup, mula sa mga niniting tela at alahas hanggang sa mga sariling tanim na gulay at damong ligaw. Literal na anumang bagay at lahat ng bagay ay makikita rito na naayon sa panahon. Habang naglalakad sa mga nakahilerang mga tindera at nalilibang habang kumakain ng bagong gawang crepes ay napahinto si Sarah at napahanga sa pwesto ng nagtitinda ng mga paso at muling naglakad. Nakasuot siya ng thermal-lined, burgundy na leggings at kulay cream na sweater na panglaban niya sa malamig na klima na nananatili pa rin sa simoy ng hangin, pati na rin ang isang kulay abo na cardigan at kulay-alak na infinity scarf na nabili niya nung nakaraang taon sa mga tindera na nagbebenta ng niniting alpaca na tela.
"Sarah! Andiyan ka pala!" saad ng tindera sabay senyas ng pagyayaya nito at sabay alok ng isang hiwa ng cheesecake habang sila ay nagkukuwentuhan. Nahirapan man tumangi, kaya si Sarah mas piniling makipag-usap habang nag-eenjoy kainin ang New York-style treat na may blueberries sa ibabaw. Masayang inalok ng tindera si Sarah ng isang basong lemonadang inumin na panulak niya sa kanyang kinakain.
"Kamusta ka na?" nakangiting saad ng tindera kay Sarah.
"Lagi mo na lang tinatanong ‘yan sa akin lingo-lingo," tumatawang saad ni Sarah.
"Ganoon ba talaga ang magbabago sa isang linggo?"
"Well, ang pitong araw naman talaga ay matagal." Napangiti si Sarah habang mabilis na nabaling ang usapan sa panahon at kung ano prediksyon ng mga magsasaka sa mga napapanahong mga maaaning mga pananim. Simula nang siya ay lumipat sa komunidad ay tinanggap siya ng malugod ng mga naninirahan rito. Handa naman silang sagutin ang kanyang mga katanungan ngunit ginagalang din nila ang kanyang privacy at iniiwasan ang mga paksa na napansin nila na hindi sya komportable lalo na ang tungkol sa kanyang nakaraan bago siya lumipat sa Brattleboro. Dito kilala nila siya na simpleng Sarah Ceniza lamang, at sa nakaraang tatlong taon ay ito na ang kanyang bayan. Nung una ay kinakabahan pa siyang lumipat ng ibang bansa. Natagalan pa bago siya nakahanap ng angkop na matutuluyan ngunit mas gusto niya ang kanayunan o probinsiya na pakiramdam niya ay mabagal ang takbo ng oras ng pamumuhay na naging maigi sa kanyang pagsusulat. Pagkatapos maisapinal ang diborsiyo, nagkaroon sila ng kasunduan ni Teodoro Suarez na muling makatanggap ng mga royalty na tseke na pansamatala niyang itinigil nung panahon nang siya ay kasal pa. Kahit matapos na magbayad siya ng malaking buwis sa medyo malaking halaga na natanggap niya, nagkaroon siya ng maayos na matutuluyan at siguradong komportableng pamumuhay na hindi na niya kailanganin pang mag-alala ng tungkol sa usaping pera. Hindi nabawasan ang kasikatan ni Rosemary mula nang siya ay magpakasal at patuloy siyang naglalabas ng libro taun-taon, kaya natiyak din ang kanyang kinikita para sa kinabukasan. Ito ay medyo kakatwa na ang kanyang ama ay napilitang ibenta ang kanyang kumpanya at kanyang anak na babae sa dahilang siya ay nalugi pero kaya naman sana niyang bilhin ang kumpanya nang katumbas ng limang beses ngunit wala siyang interes na isali ang kanyang sarili sa gulo ng kanyang ama. Lalo na pagkatapos ng lahat...
Mga ilang taon na ang lumipas simula nung huli niyang nakausap ang kanyang ama o ang kanyang kapatid na lalaki. Hindi rin sila gumawa ng paraan para makipag-usap sa kanya at mas tiyak rin siya na hindi siya gagawa ng paraan para makipag-usap sa kanila. Sa kanyang pagkakaalam sila ay estranghero lamang at nababagay sa loob ng isang kahon na ikinulong niya ang kanyang nararamdaman sa kanyang dating asawa. Tungkol naman sa kanyang mga kapit-bahay, sadya niyang itinago ang napakalabo niyang nakaraan. Ang alam nila na nandito siya sa Brattleboro para makatakas sa malaking siyudad pabor sa mabagal na pagbabago na takbo ng buhay. Patay na ang mga magulang niya at wala siyang kapatid. Sa likod ng istoryang ito ay nakakuha siya ng mga naaawang sulyap, nakuntento siya sa mga katanungan at ang mga lokal ay hindi na kailan pa na humingi ng iba pang detalye upang maiwasan nila na manghimasok sa kanyang privacy.
"Mommy! Mommy!" pasigaw na tawag ng nae-excite na boses.
Inilapag ni Sarah ang platito sa lamesa at iniskupan ng isang kutsara ang tatlong taong gulang na tumatakbo papalapit sakanya. Nakasuot ng bedazzled na maong na pantalon at niniting na sweater sa ilalim ng manipis na jaket. Ang batang paslit ay ang kanyang perkpektong kamukha na may itimang blonde na kulay ng buhok at hazel na kulay ng mga mata. Humagikgik siya habang hinihipan ni Sarah ang ang kanyang mamula-mulang pisngi. Isang taong gulang na asong corgi ang umikot sa mga binti ni Sarah na ikinawit ang walang buntot nitong puwitan habang tuwang-tuwa itong tumatahol.
"Hello, precious!" malambing na saad ng tindera ng palamig na lemonada.
"Salamat po!" saad ng paslit.
"Sobrang laki na niya!"
"Sabihin mo sa akin ang tungkol dito." Tumingin nang malungkot si Sarah at inilipat niya ang anak sa kabilang balakang. Hindi niya inaasahan ang kanyang pagbubuntis. Nahirapan siya kung itutuloy ba niya o hindi ang kanyang pagbubuntis. Nang umalis siya may balak na si Sarah na kalimutan na ang nakaraang dalawang taon. Ang pag-alis at paglabas niya sa Pilipinas papuntang Mardi Gras ay naging isang kapritso ngunit natutuwa siya na sinunod niya ang kanyang nais. Sa kabilang banda, nanatili siya ng isang taon upang muling sanayin ang kanyang sarili sa kultura, pagkain at mundo ng mahika habang nakikipag-ugnayan din sa mga dati niyang kaibigan.
Ang New Orleans ang bayang pinagmulan ng kanyang dating ka-room mate sa kolehiyo, na malugod na nagbukas ng pintuan para kaya Sarah, walang tanong na itinanong sa kabila ng pagiging isang bagong ina. Idagdag pa na ang tiyahin ng kanyang ka-room mate ay isang traiture at manghuhula na nagbabasa ng baraha, ay isa sa mga pangunahing inspirasyon para kay Rosemary. Iginiit niya na Ya-Ya ang itawag sa kanya ng lahat at tulad ng pamangkin niya na malugod at bukas-palad na tinanggap si Sarah. Bilang karagdagan sa kanyang herbal at enerhiyang pagpapagaling, si Ya-Ya ay may bar ding pinapatakbo sa labas ng Canal Street. Si Ya-Ya din ang nagkumbinsi sa kanya na ang isang sanggol ay maaring maging isang bagong pagsisimula sa halip na isang paalala ng isang masakit na nakaraan.
Pagkatapos niyon, kaysa sa masasakit na pagmumuni-muni at pati na rin ang pagbabasa ng tarot card, nagpasya si Sarah na ituloy ang pagbubuntis. Naging mabuti naman ang kanyang pagbubuntis subalit sadyang napakahirap ang panganganak. Marahil sa kanyang kagustuhan na maka-recover agad ang sanggol na isinalang na parehong kulang sa timbang at kulang sa buwan ng isilang. Tiniis ni Sarah ang mabilis na panganganak na may kasabay na napakasakit na paghilab ng kanyang tiyan. Mabilis na ipinanganak si Zoe ngunit dumanas ng labis na pagdurugo si Sarah.
Naging isang himala na parehas silang mag-ina na nakaligtas. Ngunit nang unang makita ni Sarah ang kanyang anak na babae at tumingin sa mga mata nito na sumasalamin sa sarili niya, sa wakas ay nauunawaan na niya kung ano ang ibig sabihin ng magsimula sa isang malinis na estado. Magmula noon ay silang dalawa na lamang. Nanatili siya sa New Orleans habang siya ay nagpapagaling at nakipag-bonding sa kanyang anak habang sila ay nakasandig sa suporta nina Aubrey at Ya-Ya. Hindi siya tulad ni Rosemary na isang batang babae mula sa New England, kaya nagsimula siyang maghanap ng lugar para sa kanya at sa kanyang anak na babae upang magsimula ng kanilang buhay. Sa wakas ay nakapagpasiya na siyang manirahan sa Brattleboro matapos marinig ang tungkol sa Farmer's Market nito at kultura ng sining. Ito ay higit na malaki upang magkaroon ng may sapat na pasilidad na nakasanayan niya habang siya nasa isang maliit na bayan na perpekto para sa pagpapalaki ng bata.
"Oh, siya nga pala. Natapos ko na ‘yung librong sinasabi mo sa akin," saad ng tindera kay Sarah nang hindi namamalayan na may malalim na iniisip. "Nasa pangalawang libro na ako ngayon. At may pangatlong libro, ‘di ba?"
"Oh, ang pangatlo ay, “To Catch a Cattail”," nakahandang sagot ni Sarah. "Mayroong siyam na libro sa ngayon at naniniwala ako na ang ika-sampu ay dapat na lalabas sa taong ito."
"Sampo? Mayroon pa pala akong kailangan habulin," saad nito sabay tingin. "Ang mga libro ay hindi kapani-paniwala at kakaiba. Iniisip ko kung maaari nating makuha 'yung may-akda na makapunta ng personal sa ating Literary Cocktail Nights. At hinahangaan ko ang kanyang pangalan: Rosemary. Masyadong wholesome at ma-mistiko."
Napabuntonghininga si Zoe sabay tawa habang kumakain ng cookie.
"Well, kelangan na nating umalis," nagpasyang saad ni Sarah upang tapusin na rin ang kanilang pag-uusap.
"Syempre naman, may trabaho pa akong gagawin. Ingat at kita na lang sa Sabado!"nakangiting saad ni Sarah habang tinatanggal ang tali sa kanyang mga binti bago umalis kasama ang tuta na hila niya. Ang batang korgi na aso ay masiglang sumabay sa kanyang mga hakbang na humahakbang sa maliliit nitong mga binti. Tahimik lamang si Zoe habang tinatapos ang kanyang treat at nagtatakang nakatingin sa kanyang ina.
"Mommy."
"Oh?"
"Bakit ayaw mong malaman ng kahit na sino na ikaw si Rosemary?"
"Well, tungkol lang naman iyon sa kathang-isip at kababalaghan. Sino ang kakaibang babae na ito? Ano ang mga susunod na pakikipagsapalaran niya?"
“Ngunit nagsisinungaling ka at palagi mong sinasabi na masama ang pagsisinungaling."
"Masama ang pasisinungaling. Ito ay mas katulad ng pagpapanggap o...Alam mo na ito na parang isang salamangkero. Naaalala mo 'yung salamangkero sa birthday party ni Jamie, 'di ba? Naaalala mo ‘'yung unang sinabi niya nung magsisimula na siyang mag-magik?
"Ang isang salamangkero ay hindi kailanman nagbubunyag ng kanyang mga lihim."
"Tama."
"Oh, parang magic trik lamang."
"Parang ganon na nga, oo. Pero magiging magic lamang kapag nanatiling lihim."
Nalukot ang mukha ni Zoe habang iniisip ito. Tapos sabay tango bilang senyales na siya ay sumasang-ayon. Kung ito man nga ay isang magic trik ang kanyang mommy ay walamg masamang ginagawa at hangga't ito ay nagdudulot ng kagalakan sa mga tao kung gayon ito ay isamg magandang lihim.
Bago sila umalis ng Farmer's Market kinuha na niya 'yung mga pinamili niya at dinala ito sa sasakyan nila. Lumaktaw si Zoe sa tabi niya na ngayon ay may kontrol sa tali ng aso habang ankikipag-usap tungkol sa mga laro na nilaro nila ng mga kasama niyamg mga bata. Kahit ni sino man ay hindi mag-aakala na gumugol siya ng halos isang buwan sa NICU sa bingit ng buhay at kamatayan.
Pagdating sa kanilang maliit na Jeep Grand Cherokee pinindot ni Sarah ang kanyang key fob upang buksan ang likurang bahagi ng kanilang sasakyan. Nasa loob ang iba pang mga pinamili nadagdagang oras ng kanyang paglilibot sa palengke. Idinagdag nya ang kanyang kasalukuyang mga pinamiling gulay at gatas at iniligay mga ito sa malaking cooler na itinabi niya noon na para lamang sa mga naturang bagay upang mapanatili nito ang pagiging sariwa para sa pag biyahe nila pauwi.
Matiyagang naghintay si Zoe habang hinihimas ang tiyan ng aso nilang corgi hanggang sa handa na ang kanyang ina para asikasuhin siya. Binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan, binitbit niya ang aso at ipinasok sa loob ng sasakyan bago niya kargahin si Zoe at iniupo sa kanyang upuan sa sasakyan. Humagikgik si Zoe ng mailagay na ang kanyang seatbelt.
"Tara na, Daisy," saad ni Zoe habang tinatapik ang tuhod niya habang hinihikayat ang tuta na may maikli na mga paa na umakyat sa upuan sa tabi niya. Yumakap ng malapit ang tuta. Ang paggalaw niya ay nakaabala sa paglalagay ng seatbelt ni Sarah pero kalaunan ay nasigurado na niya ang kaligtasan ng kanyang anak na babae. Napabuntonghininga si Sarah na sumakay ng driver seat at naglagay ng seatbelt habang tinitignan si Zoe at Daisy sa bandang likuran ng sasakayan. Isang tanawin na mahalaga na karapat-dapat na ilagay sa isang post kard.
"Uuwi na ba tayo ngayon?" tanong ni Zoe sa kanyang mommy.
"Gusto ko muna sanang magpunta sa tindahan. Okay lang naman sayo, 'di ba? Pangako, saglit lang ako ito."
"Sige po," pahuning sagot ni Zoe. Okay lang naman sa kanya na dumaan sila sa tindahan ng kanyang mommy. Palaging may bagay na bagong matutuklasan. Nang pumayag si Zoe, nagmaneho pabalik ng bayan si Sarah. Dahil puspusan pa rin ang kalakaran sa Farmer's Market, medyo tahimik ang downtown at hindi nahirapan si Sarah maghanap ng pagpaparkingan ng kanyang sasakyan sa labas ng kanyang tindahan: Candice's Antique Chic. Sinimulan niya ang negosyo nung nakaraang dalawang taon bilang isang paraan upang maisagawa niya ang kanyang hilig at pagmamahal sa mga antigo at ipinangalan niya ang tindahan bilang pagtanda sa karangalan ng kanyang ina.
Pag-angat ni Zoe mula sa SUV kasama niyang hinila ang tuta at nakatakas sila sa malamig nang makapasok sila sa maaliwalas na maliit na tindahan na puno ng pasilidad hanggang sa dulo. Ang mga lumang gulong ng bagon ay nakapatong sa dingding kung saan naka-display ang mga larawan na may iba't ibang laki. Ang mga crates na yari sa kahoy ay naka-display nang patayo na pinapakita ang kabuuan. Muka sa mga nakumpiskang piston at kinakalawang na mga kagamitan hanggang sa mga libro at laruang yari sa lata. May mga upuang yari sa lumang kahoy na nagmula sa kamalig. Mga kaha ng may mga kulay na bote at pati na rin ang mga makalumang old signs. Ang ilan, tulad ng mga upuan ay ginawang muli bilang kagamitan sa bahay, kabilang amg osamg lampara na yari mula sa nakalansang kagamitan ngunit ang iba ay naiwan dahil natagpuan ang mga ito bilang mga natatanging piraso ng sining.
Nilibot ni Sarah ang bawat garage sale, flea market, at estate sale na mahahanap niya at palawakin pa niya ang kayang maialok ng kanyang tindahan. Kahit na ang tindahan lamang bilang isang maliit na pagnanais na proyekto upang manatiling abala sa pagitan ng mga libro at para maiwasan na rin ang tsismis kung saan nangmumula ang kanyang kinikita mula rito. Ito ay kumikita sa sarili nitong maliit na tubo. Kelangan niya ring kumuha ng trabahador para may magbantay dito.
"Hello, Kyle!" pagbating saad ni Zoe habang naglalakad patungo sa kid's corner na kung saan may mga librong pangbata at mga laruan.
"Hello, maliit na prinsesa," pagbating saad ng medyo matangkad na klerk ng tindahan mula sa hagdan na ginagamit niya sa pagsasabit ng chandelier na yari sa metal na gulong ng bagon at mga bumbilya na Edison.
Inilapag agad ni Sarah ang kanyang bag upang hawakan ang hagdan ng sumandal siya habang nakayuko.
"Salamat," marahang saad ni Kyle habang dahan-dahang bumababa ng hagdan matapos niyang gawin ang kanyang ginagawa.
"Kumusta ang nangyari ngayong araw?"
"Naku, medyo naging mabagal ang Farmer's Market pero nagawa 'kong maibenta ang mga upuang adirondack."
"Ah, mabuti. Masyado na silang kumukuha ng espasyo dito sa sahig."
"Dumaan muli si Dale dito."
Napayukong kinikilabutan ang reaksyon ni Sarah. Ang naging buhay ni Sarah sa Brattelboro ay isa na sanang perpektong ligtas para sa isang bagay: Dale LeRud. Hindi naman siya masamang tao pero patuloy pa rin siya sa pangugulit. Kahit makailang beses na niyang tinanggihan ay patuloy pa rin siyang nagyayaya na lumabas sila.
"Sinabi ko na sa kanya na hindi ako interesado," nakatinging saad ni Sarah.
"Alam ko, pero umaasa pa rin siya na magbabago ang isip mo," kibit-balikat na saad ni Kyle.
Si Dale ang nagmamay-ari sa isa mga gas station sa bayan at habang siya ay may kaakit-akit na kaanyuan, siya ay may ugaling masyadong malakas na personalidad o agresibo. Para kay Sarah ito ay masyadong malakas at talaga namang nakapagpa-turn off sa kanya. Sa tuwina at hangga't maaari ay iniiwasan niya ito. Sinubukan din niyang klaruhin ang lahat na ang may puwang at espasyo lamang sa kanyang puso ay si Zoe at ang kanyang tindahan. Bawal ang anumang aktibidad sa labas na wala sa dalawang bagay na iyon. Tahimik na nilingon ni Kyle ang kanyang amo habang nilalayo ang hagdan. Sa simula pa lamang si Sarah ay isa ng palaisipan. Siya ay napakaganda na halos parang isang Hollywood starlet na may uri ng kanyang paraan ngunit siya ay magalang at magiliw. Ang kanyang ecletic na estilo ay parehong nasa uso at palaging naghahalo at nagtutugma naman ang mga pinagpatong-patong at mga kulay. Sigurado siyang hindi siya nanggaling lamang sa isang maliit na bayan kahit makailang beses niyang pinuri ang aesthetic nito. Sa katunayan, masyado siyang komportable na nakikipagkwentuhan tungkol sa ilang mga paksa na may partikular na antas ng awtoridad na nagsasalita mula sa karanasan at malawak na paglalakbay.
Maging mismo ang tindahan ay parang isang bagay na nakita niya noon at sabik siya na tularan.
Habang ang mga ibang tao ay kadalasan ay nagiging malayo at malamig ang pakikitungo sa paligid niya kapag nalaman nilang siya ay bakla, hindi kailanman ipinaramdam sa kanya ni Sarah na siya ay kakaiba o kailangang sumunod sa mga inaasahan ng lipunan. Panigurado siya na ito ang unang taong nagparamdam sa siya ay isang normal na tao kaya naman ang gusto niya ay ang mas ikabubuti nito. Kung may isa mang bagay na naiintidihan niya rito ay ang sakit na pinagdaanan ng kanyang puso at malinaw na si Sarah ay nagdusa nang husto. Hindi maiwasan ni Kyle na maniwala na pumunta siya ng Brattleboro upang takasan at kalimutan ito. Ang batang paslit na si Zoe ang siyang naging gamot at pampahid ng mga sugat na sinubukang hindi tanggapin ni Sarah. Hindi naman sa kontra siya laban kay Dale, ang tanging hiling niya lamang ay magsi-atrasan ang mga lalaki upang bigyang-daan ang puwang na kailangan ni Sarah.
"Sana ay makakuha ako ng isang lalaki na hahabulin ako kahit kalahati man lang ng kanyang pagpupursige," nakatinging saad ni Kyle habang pinipilit mapagaan ang kalooban.
"Well, pwedeng sa’yo na si Dave," saad ni Sarah kay Kyle.
"Kahit papaano...sa tingin ko hindi siya ‘yung tipo 'ko."
Natawa si Sarah, "Sigurado ka na wala kang kailangan sa Farmer's Market? Okay lang naman sa akin na maiwan para makapamili ka rin."
"Hindi, okay lang ako itong lingong ito. Baka sa susunod na lingo na lang."
"Okay, sige. Halika na Zoe, oras na para umuwi at mag-unpack."
"Sige, mommy!" maingat na ibinalik ni Zoe ang laruang yari sa lata na kinuha niya sa mga istante bago nagmamadaling lumapit sa kanyang mommy. "Bye, ba-bye Kyle!" pagpapaalam na saad ni Zoe.
"Mamaya ulit prinsesa pea," sabay kaway ng kamay na saad ni Kyle habang papalabas ng tindahan ang mag-ina.
Ilang sandali pa matapos nilang makaalis, may isang medyo matipunong lalaki ang naka-coverall ang pumasok. Mabilis nilibit ng kanyang mga mata sa loob ng tindahan bago tuluyang tumingin kay Kyle.
"Andito pa ba sila?" tanong ng lalaki kay Kyle.
"Hindi, kakaalis lamang nila."
"Sinabi ko sa iyo na panatilihin mo muna siya rito para sa akin para makausap 'ko siya."
"Sinabi ko rin sa iyo na hindi siya interesado." nakatinging saad ni Kyle.
“Tatlong taon na siyang naririto at ni minsan hindi 'ko siyang nakita na lumabas na may kasamang iba, at paanong hindi siya magkakaroon ng interes?"
"Hindi mo man lang ba naisip na baka ayaw niya na makipagrelasyon?"
"Paano naman si Zoe? Kailangan niya ng ama, tama?"
"Hindi ikaw ang dapat gumawa ng desisyon na iyan."
"Wala kong makitang dahilan kung bakit ayaw niyang sumama na makipag-date sa akin."
"Tignan mo, hindi masyadong nagkukuwento si Sarah tungkol sa kanyang nakaraan pero alam 'kong tumingin ng tao na sawi sa pag-ibig. Mayroong nanakit sa kanya...salbahe. Talagang salbahe."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kung hindi mo makuha agad ang ibig sabihin, hindi ako magsasabi. Ngunit ang isang tao na tumatakbo mula sa kanilang nakaraan ay palaging may sapat na dahilan. Kaya hayaan mo na siya."
"Wala akong makitang problema." paungol na angal ni Dale habang paalis.
Napailing na lamang si Kyle. Hindi naman sa tutol siya sa ibang lalaki ngunit sa tingin niya si Dale ay hindi bagay para kay Sarah. Umaasa na lamang siya na aatras ito. Kapag mas lalong pinagpilitan pa ni Dale ang sarili ay baka maisipan pa ni Sarah na umalis na lamang at maghanap ng ibang bayan na matitirhan. Ang babaeng nasanay na sa pagtakas ay hindi mahihiyang maglaho na lamang bigla sa gabi at nagustuhan na ni Kyle ang trabaho niya.