CHAPTER 10

1439 Words
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at di na mawala wala pa – M. Pangilinan "Alam mo namimihasa ka na ah, baka hahanaphanapin ko to." Biro ko kay Lance, kasalukuyang nasa isang fine dining restaurant uli kami. Talagang hinintay nito ang out ko para sumama ako sakanya at ang malala pa ay kinukunsenya pa niya ako. Naka kapag hindi ako sumama sayang naman daw ang effort niyang hinintay ako. Di ba, matinik rin ang lalaking ito. "Ayos lang yan habang single pa tayong dalawa. Tayo muna ang magdate." Sabay tawa nito, mukhang nang-iinsulto pa siya. Inirapan ko naman ito na siya ikinatuwa nanaman niya. Naiinis tuloy ako dahil pareho sila ni Steven na mapang-asar. Bakit ba yun ang naalala ko? "Tumingin ka sa likuran mo." Biglang sabi naman ni Lance saakin, napakunot naman ako sa sinabi niya pero sinunod ko na lang siya. Dahil siya ang nakaharap sa may entrance at ako naman ay nakatalikod kaya kailangan ko pang iikot ang ulo ko para makita yung sinasabi niya. Hindi ko alam bigla akong nakaramdam nang kirot sa hindi ko malamang dahilan. Nakita ko lang naman si Steven siya yung gustong ipakita kanina ni Lance. May kasama itong babae at di hamak na maganda ito, kilala ko ang babaeng yun dahil nakikita ko na siya at masyado rin itong sikat dahil artista ito. Kung titignan nang iba bagay na bagay sila nang kasama niya ika nga mga Match in Heaven na sila. Malayo sila sa kinauupuhan namin ni Lance kaya hindi nila kami napansin at kung napansin man siguro kami wala naman siya pakialam doon. Mukhang mas masaya pa siya sa kasama niya. Bakit ko ba siya inaalala? wala namang naging kami. "Okay ka lang? Matigas ba yung beef stakes na inorder mo?" nag-aalalang tanong ni Lance napatingin naman ako sa ginagawa ko at doon ko napagtanto na para kunang minumerder yung baka. Nangiwi naman ako dahil doon. "Your Jelous" biglang sabi pa nito kaya bigla akong napatingin pero nakita ko lang ito nakatingin sa kinakain at tumingin naman saakin at ngumiti nang makabuluhan. "Anong bang pinagsasabi mo." Patay malisyang sabi ko, hindi ko naman ito pinansin dahil sa sinabi niya. "You know what I'm talking about. Bakit ba madalas sainyong mga babae ang hilig mag deny. I easily read what's on your mind Jhoanne. bakit hindi mo na lang aminin? I'm sure I'm not the only one who said that. Halata naman sainyo na may gusto pa kayo sa isa't isa tapos pinapahirapan niyo pang mga sarili niyo." Tiingnan ko naman siya nang may pagkamangha dahil sa sinasabi niya. Look whose talking.  "At kailan ka naging Love guru, aber?" biro ko sakanya, of course, I know what he's talking. "Sinasabi ko lang kung anong nakikita ko. I'm not good at that but your too obvious. Pareho kayo." Natahimik naman ako, ganun na ba yun kahalata? Nagpaalam naman ako para pumunta sa washroom. Maghuhugas na sana ako nang biglang may pumasok tinignan ko naman kung sino at doon ako natigil sa ginagawa ko saglit. Hindi ko alam kung ngingitian ko siya pero ngumiti itong una kaya ibinalik ko na rin naman baka sabihin niyang mafeelling ako at ako pang may ganang magsungit sakanya. Bigla naman akong nacontious sa suot ko dahil mas presentable siyang tignan kesa saakin. "You look familiar" napatigil ako sa paghuhugas nang bigla itong nagsalita nakita ko namang nakatingin ito salamin habang nag-aapply nang lipstick. Hindi naman ako nagsalita kahit alam kung ako ang kinakausap niya dahil kami lang naman ang nasa restroom. "I thick I saw you somewhere." Sabay tingin saakin at ngumiti. "Your Jhoanne Cavellero, Right?" "Yes." Nahihiyang sabi ko dahil hindi ko inaasahang kilala niya ako. Kilala ko rin naman bilang isang sikat na actress nang industriya. "Sabi na nga ba, I'm glad nakita rin kita in person. My god it's my previleged to see you. Kahit na disband na ang group niyo sikat parin ang mga songs niyo." Natutuwang sabi niya. Ngumiti naman ako sakanya. "Ahm, sige. It's nice to meet you Janine." Ngiting sabi ko sakanya. "Kilala mo rin ako?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Tumango naman ako sakanya "Of course, masyadong ka rin namang sikat na actress." "I really can't believe, sa katunayan niyan my brother love your group especially you. Ang dami niya ngang mga album niyo. " Masayang sabi nito. Naiilang naman ako. "Pwede bang makipagpicture sayo." Nag-aalalang sabi nito. "Ahm sure ka ba?, hindi naman na ako sikat." Nag-aalala ko ring tanong dahil mas sikat pa naman siya kesa saakin. "I don't care, please sige na para sa kapatid ko lang. I want to treasure this moment kahit wala siya. Pagbigyan mo na ako." Pagmamakaawa pa niya. "Ahm sige. Gusto mo dito na?" tanong ko pero kasi parang awkward sa loob nang restroom pa talaga. "May kasama kasi ako. Nasa labas siya ngayon, I want you to meet him I know kilala mo rin siya. Pero gusto ko ipapakilala pa rin kita." Medyo nataranta naman ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata. Mag-aalibi na sana ako pero inuhan na ako nito at hinila ako papunta kung saan kaya wala na akong nagawa. "Hi! I'm back and guess what kung sinong kasama ko." Halatang excited na sabi niya. Hindi naman agad ako lumingon pero alam kung sinong kinakausap nito dahil nasa likuran ako ni Janine. Palingalinga naman ako sa paligid at hinahanap si Dave baka kasi mag-alala na yun dahil wala pa ako. "Bakit ba ang tagal mo? Kung sinu-sinong sinasama mo." Narinig niyang sabi nang kausap nito. Medyo nakaramdam sako ng hiya. Mukhang close pa sila. Dahil sa tono nang pananalita niya sinasagot sagot lang nito ang kausap na para bang matagal na nilang kilala ang isa't isa. "I met someone and you can't believed it. Meet my new found friend.... Jhoanne." Masayang sabi nito at hinila ako nito papunta sa harap niya nakita ko namang medyo nagulat si Steven nang makita ako pero nawala rin yun at tinignan ang kasama na may pagkabagot. Ngumiti naman ako nang pilit sakanya pero wala man lang reaction doon. "Jhoanne this my cousin Steven alam ko kilala niyo na rin ang isa't isa dahil magkasama naman kayo sa industriya dati." "Ahm yes." "Maupo muna tayo. Gusto kitang makakwentuhan hindi ko alam pero ang gaan nang pakiramdam ko agad sayo. Kaya siguro gusto ka nang kapatid ko." Ngumiti naman ako sakanya hindi ko alam pero napatingin rin ako kay Steven kung anong reaction at na confirm ko na wala lang. "Don't you think Janine baka busy yung tao at niyaya mo dito para makipagkwentuhan lang sayo." Rinig kong sabi ni Steven "Oh sorry, hindi ko yun narealized I'm really sorry." Nabiglang sabi niya. "Hindi, okay lang yun. Actually may kasama kasi ako baka mag-alala na siya saakin. I guess we could meet some other time." Ngiting sabi ko. "Ganun ba, sige sorry talaga masyado akong naexcite hindi ko alam na busy ka rin pala." Nanghihinayang nito. Bago ako magpaalam kinuha pa nito ang number ko hindi naman ako nahesitate dahil mabait naman siya. Pinutahan ko naman agad si Lance at hindi nga ako nagkamali dahil nag-alala ito. Pupuntahan sniya rin daw sana ako sa restroom buti na lang at bumalik na ako. Nasa parking lot na kami nang marinig kong may tumawag saakin at doon ko nakita si Janine na siyang tumawag saakin. "Buti na lang naabutan pa kita." Sabi nito habang palapit siya saakin kasunod naman niya si Steven na nasa likuran lang nito. "Nakalimutan ko palang magpapicture sayo uli." "Ah, yun ba. Nakalimutan ko rin." Nasabi ko rin "Siya nga pala si Lance. Kaibigan ko. Lance si Janine pala" Pakilala ko, nakipagkamay naman sila nakita ko namang nakita ko namang seryoso lang si Steven na para bang walang pakialam sa mga nasa paligid niya. "It's nice meeting you again." Pagkatapos naming magkwentuhan saglit. Hinintay pa namin silang umalis bago kami sumakay sa kotse ni Lance. Nakaupo naman na ako nang bigla natawa si Lance kaya tinignan ko siya in a confusing way. May saltik na ata itong kasama bigla-bigla na lang tumatawa, "Ayos ka lang. Kailangan na ba kitang ipunta sa Mental?" "Hindi na kailangan, natatawa lang ako sainyong dalawa ni Clark para kayong mga ewan." "Ano na naman bang ginawa ko ha?!" "Psh, Ewan ko sainyong dalawa talaga. Halatang nagseselos na yung isa tapos yung isa naman manhid. Kayo yung may saltik dito." Nagets ko naman yung sinabi niya pero imposible naman. Hindi ko alam pero bakit hindi ko makita yun sakanya. Bakit ang ibang tao nakikita yun? Tahimik na lang ako habang nakatingin sa labas. Hindi naman na nangulit si lance dahil alam niyang talo na naman ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD