Come back and tell me why
I'm feeling like I've missed you all this time- T.Swift
Tumigil kami sa tapat nang bahay, tinangal ko naman ang seatbelt na nakakabit saakin nang biglang may nagbukas nang pinto napatingin naman ako kay Lance na siyang nagbukas nun.
"Thank you sa dinner." Ngiting sabi ko sakanya. Napasarap ang kwentuhan namin kaya late na kaming naauwi. Bago pa nga kami umalis sa restaurant ni Gette tumingin pa ito saakin nangmakahulugan. Inirapan ko na nga lang.
"No, I should be the one who say thank you dahil pumayag ka. I hope this would not be the last." Lumapit naman ito saakin akala ko kung anong sasabihin niya pero nagulat ako sa ginawa niya dahil hinalikan niya ako sa noo. Hindi agad ako nakapagreact sa ginawa niya.
"Good night, see you again. I'll call you." Ngiti naman uli nito at sumakay na sa kotse niya hinintay ko lang siyang makaalis bago ako pumasok sa loob nang bahay pero nagulat kung sinong naka bungad saakin sa gate. Mukhang kanina pa siya roon. Nakita niya kaya yung ginagawa ni Lance kanina? Bakit kinakabahan ako sa titig niya? Bakit pa siyang nasasaktan?
"Steven." I simple said. Hindi ko alam pero natuwa ako nang nakita ko uli siya. Pero kabaliktaran lahat nang nakikita ko sa mga mata niya. "Kanina ka pa ba?" nag-alalang sabi ko. Hindi ko alam bakit naging ganito ako.
"Kalalabas ko lang, I just visited your father. Aalis na rin ako. " Walang emosyong nitong sabi hindi ko alam pero bigla ako nakaramdam nang kirot sa dibdib. Dahil ba iniexpect ko na ako ang pinunta niya.
"Ahm,, sige mag-ingat ka." Hindi ito sumagot o tumingin man lang. walang sabi-sabing sumakay ito sa kotse niya at pinaandar nito. Nalungkot naman akong pumasok sa bahay. Hindi ko alam akala ko okay na kami uli pero nagkamali na naman pala ako.
"Oh, Iha nakarating ka na pala, sayang hindi mo naabutan si Clark na pumunta rito. Mga 10mins bago ka nakarating nakaalis na siya." Napakunot naman ako sa sinabi ni Dad saakin dahil kakakita ko lang sakanya. May bahagi saaking hindi kaya hinintay niya akong umuwi?
"Nagpapaalam pa nga na yayain ka bukas na lumabas. O, siya tawagan mo na." tumango naman ako pero wala akong lakas nang loob na tanungin siya. Hindi ko alam bakit bigla akong naguilty saka ano namang sasabihin ko sakanya. For sure nakita nga niya yung kanina. Pero ano naman sakanya yun. Bakit nagkakaganito ako? Magkaibigan naman na kami hindi ba? Pwede ko siyang tanungin?
Nakatingin lang ako sa phone ko nang matagal. Pinag-iisipan ko kung tatawagan ko siya or hindi.
Bigla kong kinuha ang phone ko at matatag na pinindot ang number niya. Kinakabahan pa ako nang marinig ang ilang ring bago niya sagutin ang phone niya. Bigla tuloy akong nanginig nang marinig ang boses niya it's my first time na tawagan siya.
"Hello, Steven. This is Jhoanne. Nasabi pala ni dad saakin na may gusto kang sabihin saakin kaya ka pumunta dito sa bahay. I want to ask kung ano yun?" nag-aalalang sabi ko. Hindi ako sure kung anong isasagot niya pero kinakabahan ako kung ano man yun.
"It just nothing. Wag mo nang intindihin ang dad mo. I change my mind." Bigla naman akong nadissapoint sa sagot niya nang hindi ko alam na dahilan.
"Ganun ba? Sige I'll drop the call now. Goodnight." Simpleng sabi ko.
"Okay...And jhoanne." Napatigil naman ako nang bigla niyang bangitin ang pangalan ko. "Please kung tatawag ka man. Magtext ka or tawagan mo ang assistant ko. You know that I'm a busy person. Sige." At bigla na lamang nitong ibinaba ang phone. Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Hindi ko alam pero bigla bumalik nanaman ang nakaraan saakin. Ilang beses na akong tumatawag kay Steven hindi nito sinasagot ang tawag ko. Bigla tuloy akong nag-alala dahil sabi niya susunduin niya ako kasi lalabas kami ngayon. Tinawagan ko muli ang phone at ilang ring bago nito sinagot. Mukhang naiinis pa siya nang sinagot niya ito. Kaya bigla naman akong kinabahan.
"Pwede ba Jhoanne, mamaya ka na tumawag. Di ba sabi ko kapag may gusto kang sabihin magtxt ka muna. Hindi mo alam na nakakaistorbo ka. Hayan tuloy napagalitan pa ako ni coach dahil tunog nang tunog yung phone ko. Pinalitan mo pa nang tunog ang ringtone ko." Inis nitong sabi. Nagsorry lang ako nang paulit-ulit at ibinaba naman niya na ang phone.
Hindi ko alam na may tumulong luha sa pisngi ko. Pinusan ko naman ito. I shouldn't trust him again. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sanay naman akong nasasabihan nang masasakit nasalita pero pagdating sakanya tagos na tagos sa dibdib ko. Naniwala nanaman ako sa akala.
******************************************************************************
Busy ako sa pagbabasa nang mga papeles nang biglang tumunog ang phone ko sinagot ko lang ito nang hindi tinitignan ang caller.
"Hi there beautiful, do you have some time?" bungad naman nito kaya napatingin agad ako kung sinong tumawag. Oh gosh! Si Lance pala.
"Hi Lance, kamusta.. Sorry hindi na ako nakatawag nung pagkatapos nang lakad natin." Hingi ko nang paumanhin. Nawala nasa isip ko. I guess it been three days seen that night.
"No, it's okay. Gusto ko sanang sabihin kong may free time ka ngayon. Day off ko kasi kaya yayain sana kitang lumabas uli if you have some time with me. Pwede ba?" Halatang nag-aalalangan sabi niya.
"I'm really sorry, masyado kasing busy sa shop ngayon. Hindi ko sila pwedeng iwan na lang basta ang workers ko. I'm so sorry talaga. Maybe next time, babawi na lang ako. Lance sorry talaga." Kahit sa sandali namin magkakilala ni Lance naging mabait siya saakin at palagay ang loob ko talaga sakanya. Alam ko namang hindi siya katulad nang mga ibang lalaki na nakikipagkaibigan dahil may iba silang agenda sayo. Pero siya, siya pa mismo ang nagsabi saakin na friends lang kami. Oh, di ba paano kung may gusto pala ako sakanya di basted na agad ako. Saka kilala ko kung sino talaga ang gusto niya.
"Ganun ba, gusto mo samahan na lang kita diyan. Tutulungan kita. Don't worry free labor ako." Sudgestion niya saakin. Natemped naman ako sa sinabi niya pero nanaig pa rin saakin ang pagkaawa.
"No, It's okay, off mo ngayon so gamitin mo yan para magpahinga na lang. just rest okay."
"Ayaw mo ba talaga?" suhol uli niya. Napangiti naman ako nang wala sa oras.
"Sure ako. Magpahinga ka na lang."
"Okay if that's what you want. Susundin kita boss, but don't forget to have your lunch. It's lunch already." Napatingin na ako sa relo sa mesa ko at nakita kong alas dose na nga. Nagpaalam naman ako sakanya pagkatapos naming magkwentuhan pa. Sweet talaga nang magiging girlfriend if ever. Nasabi ko naman sa isip ko.
"Ma'am, nandiyan na po yung naghahanap saiyong client niyo raw." Biglang sabi nang secretary ko. Nagpasalamat naman ako sakanya at sinabing susunod na ako. Nakita ko naman agad si Mrs. Robertson sa visitor area nilapitan ko ito agad, nakita naman niya ako at tumayo para salubungin ako.
"Iha, I missed you. Pasensya na ngayon lang uli ako nakapunta rito sa shop mo." Magiliw nitong sabi.
"Okay lang po yun Mrs. Robertson." Magalang sabi ko.
"Di ba sabi ko Tita Clarisse na lang masyadong formal ang Mrs. Robertson." Sita nito ngumiti naman ako sakanya.
"Sige po, Tita Clarisse."
"That's better. By the way kukuha uli ako nang bandle of tulips with different colors. Alam mo naman kong anong gusto ko." Sabay kindat nito saakin kaya napangiti naman ako. Magaan rin ang loob ko sakanya dahil parang bagets siyang umasta ang cool lang. Kahit pananamit hindi mo mahahalatang 40+ na siya dahil naka shorts ito at pinatungan nang sleeveless then naka doll shoes di ba bagets tignan at sexy pa rin kahit papaano.
"Oh, I almost forgot kasama ko pala ang youngest ko.. there he is.. sorry medyo masungit ang isang yun." Napatingin ako sa labas na tinitignan ni tita at doon ko nakita ang lalaking matangkad at mukhang suplado nga dahil hindi man lang ito bumabati sa mga bumati sakanyang mga workers ko. Isa lang masasabi ko walang dudang kapatid niya nga. Lumapit naman ito sa mama niya at parang hindi ako nakitang nasa harap niya.
"Ma hindi pa ba tayo aalis? I have something important to do." Baling niya sa nanay niya.
"Ikaw talagang bata ka, hindi ka man lang naggreet sa Ate Jhoanne mo." Biglang duro nito anak kaya natawa naman ako sa inasta niya dahil para lang silang magkapatid na dalawa. "I'm sorry for my son have acted. By the way this is John Clark one of my son." Ngiting sabi niya. "John this your Ate Jhoanne." Dagdag pa nito.
"Yah, I know her, She is kuya's girlfriend" napalaki naman ang mata naming dalawa ni Tita dahil sa sinabi ni John. No one knows that except saaming magkakaibigan at sa mga kaibigan niya.
"Oh, what a surprised.. Hindi mo naman sinabi saakin agad Iha, your Steven's girlfriend. Ibig sabihin ikaw pala ang mamanugangin ko" mukhan tuwang-tuwa sabi niya napangiwi naman ako sakanya
"ahm, mukha mali kayo nang pagkarinig. Hindi ko po boyfriend ang anak niyo."
"Impossible, Halos ikaw nga ang laman nang Unit niya. So you're trying to say that my brother is obsessed with you?..."
"I don't know."
"Hindi ba nag-away kayong dalawa?"
"What are you talking about?"
"Psh, that night, nung umuwi siya galit na galit siya. Pati ako napagbuntungan niya nang galit. He told me that he was jelous to that guy." Natahimik naman ako sa sinabi niya at inalala ang mga sinabi nito.
"O-kay, hindi ako makarelate sainyong mga bata kayo. I'm sorry kung ano man ang ginawa ni Steven sayo Iha but I suggest to talk to him. He has a lot of problem that his facing by himself kaya ayaw niyang umuwi saamin." Paliwanag nito, tumango naman ako pero mabuti na lamang at hindi na siya muling nag-ungkat nang nakaraan namin. Nakipagkwentuhan lang ako ilang oras saka naman na sila umalis.
Nakalimutan ko namang maglunch na kaya nagpahatid na lang ako nang pagkain ko. It's already 3pm kaya meryenda time na pero saakin lunch ko palang. Habang naglulunch biglang may kumatok sa pinto at binuksan nito. Nakita ko doon ang secretary ko.
"Ma'am may bisita ho kayo." Hindi pa ako nakakapagsalita nang pumasok ito. Nakagat ko naman ang labi ko dahil sa bisitang pumasok nakakunot itong nakatingin saakin. Lumabas naman agad ang secretary ko at naiwan na lang kaming dalawa nang bisita ko.
"You didn't take your lunch?" tono na pagkadismayang sabi niya. Napangiti naman ako or mas sabihing napangiwi ako sa sinabi niya.
"Ahm.. nakalimutan ko. Marami kasing gawaing hindi ko pa tapos." Nag-aalangang sabi ko nakita ko naman ang pagkadismaya niya sa sinabi ko 'cause I know it's a very lame reason.
"Sabi ko na nga ba at tama ang hinala ko nung tumawag ako sayo. O siya wala na akong magagawa kumain ka na lang, dito muna ako." Umupo naman ito sa visitors chair na nasa harapan ko at tinitignan ako habang kumakain. Medyo naiilang tuloy ako.