I know lately, I've been busy
But a second doesn't go by
Without you crossing my mind- Bruno Mars
"Morning." Bati ko kay Steven ng makita ko itong nakaupo habang nanunuod. Napatingin naman ito saakin at napakunot.
"May pupuntahan ka?" tanong nito parang normal lang na pakikitungo nito.
"Oo, magrogrocery ako saglit. Wala na kasi kaming stock ng pagkain." Sabi ko sakanya ayaw ko namang maging ackward ang sitwasyon namin so I'm trying my best na wag na munang magpaapekto sa mga nangyari dati. I know he's trying to. Na makausap ako ng matino pero siguro ako nga ang problema dahil binibigyan ko ng distance ang sarili ko na makapag-usap kami.
"Sasamahan na kita." Sabi nito at pinatay ang tv.
"Hindi na.. madali lang ng naman ako. May malapit na grocery store lang sa baba doon na ako bibili." Pagtatangi ko. Alam ko kailangan niya ng pahinga dahil hindi pa raw ito natutulog ng maayos. Tumawag saakin kanina sila Maze kung nandito si Steven kaya sinabi ko na nandito siya, sinabihan naman nila ako na pagpahingain ko siya dahil halos hindi raw ito natutulog. Hindi ko alam kong bakit sinabi pa nilang wag ko muna ito pauwiin dahil baka bubugbugin nanaman niya ang sarili sa trabaho. Pinagrerest daw siya ng manager nila pero ayaw nitong makinig at kung saan-saan ito pumupunta.
"Halika na." sabi nito at hinila ako palabas ng unit namin. Wala na akong nagawa kundi ang magpahila.
.............................
............................
Nasa isang mall kami ngayon sa may city at hindi ako makapagconsentrate dahil pinagtitinginan kami ng mga tao or should I say itong kasama ko. Maraming kumukuha sakanya ng litrato na mukhang wala naman ito pakialam. May iba naman ay lumalapit pa sakanya kaya matitigil tuloy kami. Hindi ata tama na sumama pa kasi ito. Pagpasok namin sa grocery ganun pa rin ang naging situation maraming napapalingon sakanya kaya hinayaan ko na lang kumuha na ako ng cart at hindi ko na pinansin ito dahil busy siya sa ginagawa niya.
"Sorry, pati tuloy ikaw na damay.. Okay ka lang ba?" medyo nagulat ako ng magsalita ito sa likuran ko. Kaya napatingin ako sakanya. "I'm sorry again."
"May magagawa pa ba tayo. Nandito na tayo, bibilhin ko lang yung mga kailangan ko para makaalis na agad tayo." Kinuha ko naman lahat ng kailangan bilhin. Samantalang siya ang nagtutulak ng cart. Naririnig ko pang maraming nagpapapicture uli sakanya kaya hinayaan ko muna. Aaminin ko pero medyo nakaramdam ako ng kunting inis kaso kung ako rin ang nasa situation niya hindi ko rin siya masisi alam kong medyo naiinis na rin siya pero hindi naman siya pwedeng tumangi sa mga fans niya baka kung ano namang isipin ng mga tao. Kung anu-anong negative ang lumabas pag nangyari.
Bakit ba hindi ko naisip yun simula nung dati palagi na lang akong nasa likuran niya, palaging ako na lang ang umiintindi sakanya kahit gusto mong magreklamo hindi pwede dati iisipin yung sasabihn ng ibang tao sayo.
Katatapos lang ng game nila Steven kaya hinihintay ko siyang magpalit ng damit as usal sila uli ang nanalo, ang galing kaya nila. Kaya hindi na ako magtataka kung sila na ang magchampion sa finals. Pero infairness ang tagal niyang magpalit ng damit ha. Kanina pa natapos yung game nila pero hindi pa rin siya bubumalik. Maya-maya pa'y nakita ko na itong lumabas sa locker room nila kaya tumayo na at inayos ang damit ko. Kumaway naman ako sakanya para makita niya ako pero nagdatingan ang mga fans nitong mga schoolmates namin at nakita kong nagpapicture sila sakanya.
Ang hirap tuloy ang magkaboyfriend na sikat, yun ang sabi ko sa sarili ko pero masaya pa rin ang thankful dahil sa dinami-rami ng babae dito ako ang napili niya rin. Kaso minsan nag-aalala na ako dahil para nawawala na ako sa paningin tulad ngayon parang hindi ako nag-eexist. Nawala tuloy ang ngiti sa labi ko dahil sa mga iniisip ko.
"Ayos ka lang?" tanong nito, hindi ko napansing na nakalapit na pala siya saakin. Ngumiti na naman ako sakanya.
"Congrats nga pala at sorry hindi na ako nakahabol sa game niyo. Natanong ko naman yung mga tao na kayo ang nanalo uli." Sabi ko sakanya.
"Saan ka ba nagpunta? Kanina ako tawag ng tawag sa cellphone pero pinatayan mo pa ako." Inis na sabi nito.
"Kinausap kasi ako ng Principal. May sinabi lang siya. Wag ka ng magtampo, Itretreat na lang kita. Saan mo gusto?" Umakbay pa ako sakanya kahit alam kung matangkad siya naabot ko pa.
"Tsk. Wag na, May pupuntahan kami mamaya. Ihahatid lang kita, tapos babalik uli ako dito."
"Ha, Saan kayo pupunta?"Nagtatakang tanong ko.
"Magtretreat yung coach namin."
"Hindi kain lang tayo diyan sa labas. May nakita akong mga street foods, masarap doon."masayang sabi ko
"Ayoko ko. Marumi yung mga tinitinda nila diyan sa labas. Next na lang tayo kumain ako nang manlilibre sayo."
"Pero kasi, matagal na akong hindi kukumakain non." pagpipilit ko
"Tara na saka na lang yan. Nagmamadali rin ako, nakakahiya sa mga kasama ko nagpapahintay lang ako sakanila." Tumango naman ako, paalis na sana kami ng biglang tumunog yung phone ko kaya sinagot ko agad ito. Yung pinsan ko lang ang tumawag pinapasabi nito na umuwi na ako.
"Ano tara na?"- Rinig kong sabi ni Steven kaya napatingin ako sakanya.
"Ahm,, Tumawag kasi yung pinsan ko magkikita kami ngayon. Pumunta ka na lang sa mga kasama baka iwan ka nang mga yun." Pagsisinugaling ko sakanya. Ngumiti naman ako para halatang okay lang ako at totoo ang sinasabi ko.
"Sigurado ka? Hindi nakita ihahatid?"
"Oo.. Okay lang, bukas na lang. hihintayin ko siya dito. Sige na umalis ka na baka naghihintay yung mga kasama mo sayo." Nagpaalam naman na ito at naglakad ng papalayo. Nang makita kong nakalayo na ito saka na ako umalis, pumunta sa isang kanto para bumili ng gusto kong bilhin. Mamayang kunti na lang muna ako uuwi. Hindi ko alam, yun na pala yung mga sign na unti-unting may nagbabago.
"Halika na, ako nang magdadala ng mga to."- Medyo nagulat ako ng bigla niyang hinablot ang mga dala kong grocery.
"Amina yung iba diyan. Para hindi ka mahirapang magbuhat." Sabi ko sakanya at pilit kinukuha yung ibang dala ko pero inilayo nito saakin.
"Tara, may pupuntahan tayo." Sabi nito nagtataka naman akong tumingin sakanya pero hinila na ako nito kung saan man siya pupunta.
.................
................
"Seryoso, Anong ginagawa natin dito." Inis na tanong ko sakanya, Nandito kami ngayon sa department store Men's sections. Sapagkakaalam ko hindi naman niya kailangang bumili ng damit dahil marami na siya nito plus marami pa silang sponsors.
"Change outfit nga ang kulit... Okay na ba ito?" tinignan ko naman siya sa sinukat nito. Kaso pag ka kita ko sakanya hindi ko napigilang hindi ilabas ang tawa ko.
"Hahahahahahaha,,, Mukha kang Jejemon.Hahahaha." hindi ko napigilang sabi sakanya pero kahit pa ganun nadala naman niya. Para siyang Koreano sa outfit exotic kumbaga. Pero hindi ko sasabihing kahit ganun bagay niya.
"Nakilala mo ba ako bilang Steven?" Seryosong tanong niya saakin. Kaya natahimik naman ako baka kasi suntukin pa ako nito.
"Ahm.. kung hindi talaga kilala bilang Steven hindi ko mapaghahalataang Ikaw nga si Steven. Bakit ba?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Wala naman, Ito ng bibilhin ko." Nakangising sabi nito.
"Seryoso ka? Ang sakit kaya sa mata yang Neon na suot mo." Hindi makaniwalang sabi ko sakanya. Nakasout kasi ito ngayon ng T-shirt na Neon pink at mahaba pa then naka rip jeans pa ito at rubber shoes. Saka nakataas yung buhok at saka may hikaw sa kaliwang teynga niya. Mukha siyang ewan sa suot talaga niya.
"Okay lang. As long as wala ng makakakilala saakin. Diyan ka lang, babayaran ko na ito." Sabi nito at agad na umalis.
Hanggang sa nakalabas na kami ng department store, Pinagtitinginan siya hindi dahil sikat dahil sa suot niya. Wala namang lumalapit sa kanyang fans kaya siguro walang nakakakilala sakanya. Inis na humarap naman ako sakanya pero nakangisi ito na para bang nagugustuhan nito ang ginawa sa sarili niya.
"Para kang ewan diyan sa suot mo alam mo ba yun. Hindi mo ba alam pinagtatawanan ka na." Sabi ko sakanya, sino ba namang ang hindi matatawa sa suot niya, ganyan na nga yung outfit niya tapos naka shade pa siya sa loob ng mall. Di ba, sino naman kayang baliw ang gagawa nun kundi siya lang. Medyo naiinis lang ako dahil hinahayaan niyang pinagtatawanan siya ng iba kahit ako rin pala pinagtawanan ko siya kanina.
"Alam mo, okay lang. Handa akong magpakatanga sa harap nila. Basta ikaw ang kasama ko.." Nakangising sabi nito binaba nito ang shades na suot at kumidat pa ang loko.
"Ang korni mo, wag kang lalapit saakin." Sabay lakad ng mabilis sakanya, Kainis hindi naman siya ganyan ka cheezy dati. Ay Ewan ko sakanya.
"Sandali lang Jhoanne, Mag sine muna tayo tara.. Matagal na akong hindi nakakapagsine." Napatigil rin ako sa sinabi niya. Dahil hindi na rin ako nagsisine simula nung nagbreak kami. Lahat kasi ng ginagawa namin dati itinigil ko na dahil naalala ko yung mga times na kami pa.
"Ayoko. Kung gusto mo ikaw na lang. Gusto ko ng umuwi." Seryosong sabi ko.
"Halika na. Samahan mo ako, walang magdridrive sayo kaya sumama ka muna saakin." Pagpipilit nito.
"Ano ba Steven! Ayaw ko nga sabi." Hindi pa rin ito nakinig at hinila ako papuntang bilihan ng ticket.
"Di ba nanunuod ka ng horror."
"Wag mo akong kausapin." Irap ko sakanya.
"Miss dalawang ticket nga dito." Rinig kong sabi niya. Hindi pa rin ako humaharap sakanya dahil naiinis ako. "Tara may 30mins pa tayo maghihintay. Ilalagay ko lang sa kotse itong mga dala natin, hintayin mo ako dito." Sabi niya at binigay nito ang cellphone at wallet niya saakin "Kapag hindi kita naabutan dito, humanda ka saakin." Bulong nito kaya napairap na lang ako sakanya. Sinong tinakot niya ako. Pwes hindi ako yung Jhoanne na kilala niya dati, bahala siya diyan. Ilang minuto na siyang naka alis kaya medyo naiinip ako. Aalis na lang kaya ako at hayaan siya dito? Pero kasi nasa akin yung gamit niya. Psh kaiinis!! Bigla namang may tumunog at familiar yun na tunog or should I say ringtone. Pinakinggan ko naman sa bag ko at doon nga nang gagaling kaya hinanap ko yung cellphone natutumotunog. Gamit pala ng lalaking yun. Nagdadalawang isip naman ako kung sasagutin ko pero baka kasi importante yun kaya sinagot ko na ito.
"Hello bro, Nasaan ka ngayon? Wag ka munang babalik dito. Maraming media ang naghahanap sayo dito ngayon sa bahay." Rinig kong sabi ng pamiliar na tinig sa kabilang linya.
"Wyn? Si Jhoanne ito. Bakit hinahanap siya ng media." Takang tanong ko sakanya. Halatang nagulat naman ito dahil narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya.
"Ah.. Jhoanne ikaw pala. Nasaan si Clark? Nasaan kayo ngayon?" Nag-aalang sabi nito
"May pinuntahan saglit.Nasa Mall kami ngayon. Pero alam ko pabalik na rin yun. May sasabihin ka bang mahalaga sakanya?."
"Umalis na kayo diyan. Baka pagnalaman ng media na nandiyan kayo ngayon. Kukuyugin kayo, pinaghahanap siya ngayon. Pwede bang sayo muna magstay pansamantala hanga't hindi pa siya nakakapagdisisyon ng maayos. Salamat" Sabi nito at pinatay agad ang tawag.
"May problema ba? Sinong kausap mo sa phone ko?" Napatingin naman agad ako kay Steven at ibinigay sakanya ang phone niya.
"Si Wyn.. Hinahanap ka. Pinapasabi niya umalis na tayo dito dahil hinahanap ka ng media." Bigla namang nagbago ang itsura nito at naging seryoso na.
"Tara. Umuwi na tayo." Maikling sabi nito. Sumabay naman ako sakanya.
"May problema ba? Bakit hinahanap ka? Base kanina nang makausap ko si Wyn mukhang may tinatago kayo na ayaw niyong ilabas sa publiko. Hindi naman kayo ganyan dati hindi ba?" nag-aalalang sabi ko. Hindi naman ito nagsalita muli hangang sa makarating kami sa car park. Tinikum ko na rin ang bibig ko dahil naalala kong hindi dapat ako nangingialam.
"I'm sorry. I drag you into this mess." Rinig kong sabi niya pagkapark niya ng kotse. Hindi ko namalayang nasa tapat na akong ng building namin. Tignignan ko naman siya, alam kong marami siyang problema base na rin sa itsura niya at mga kilos niya kaya ayaw ko ng dagdagan pa yun.
"Whatever your problem is, you should face it. Pero hindi masamang humingi ng tulong or advice sa mga taong nakapaligid sayo. Come on. Sabi ni Wyn dito ka muna magstay." Mahinahong sabi ko sakanya. Tumingin naman ito saakin hindi ko alam kung anong iniisip nito.
"Pag hindi ba sila nakiusap na magstay ako dito. Papayag ka pa ring bang magstay ako dito?" hindi naman agad ako nakasagot sa tanong niya. Kaya nga naman kung hindi ba sila nakiusap saakin papatuluyin ko pa rin ba siya?
"Oo kung sasabihin mo. Hindi naman ako ganun kasama."
"Bakit dati? Kulang na lang ipatapon mo ako tuwing nasa unit niyo ako."
"Oh.. Gusto mong ipatapon kita ngayon?" Asar na sabi ko sakanya ang dami pa niyang sinasabi.
"Ito naman hindi mabiro tara na nga." Sabi nito. Nauna itong bumaba at kinuha ang mga pinamili namin kaya sumunod na rin ako at tinulungan siya sa mga dala.
to be continued...