Chapter 3

1610 Words
All you have to do to is stay... a minute.. just take your time. - Zedd  Nakitang kong itinigil ni Steven ang kotse kaya tinignan ko agad sa labas kung nasan na kami. Nang malamang nasa tapat na kami ng building kong saan ang Unit namin, tinangal ko na agad ang seatbelt ko. Nabigla naman ako ng bumukas ang pinto ng passerger seat. Nakita kong nakatayo na doon si Steven at siya pala ang nagbukas nun. "Salamat sa paghatid." Maikling sabi ko rito. Hindi ko naman siya narinig pang nagsalita. I'm about live ng bigla itong nagsalita. "Sorry sa nangyari kanina." Rinig kong sabi nito. Kaya napaharap ako sakanya "Hindi ko intensyon na mapahamak ka kanina. Gusto ko lang na kumain tayo, wala akong pakialam sa iisipin o sasabihin ng iba dahil hindi naman sila yung pinunta ko doon." Dadag pa nito. "Sorry rin, ayaw ko lang marinig or makitang napag-uusapan uli." Ngayon lang ako nakipag-usap sakanya ng mahinahon. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa sarili ko. "Salamat ulit, and goodnight." "Good night, mag-ingat ka."- sabi nito,nakita ko lang siyang nakatayo doon kaya tumalikod na para pumasok sa building namin. Maraming tanong ang gusto kong itanong pero wala na akong lakas pa na magsalita dahil na rin siguro sa pagod. Hindi ko alam kung kailan muli kaming magkikita o pagkatapos ba nito may mababago parin kaya. I was about to sleep when my doorbell suddenly rung. Napakunot naman ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang darating ng ganitong disoras ng gabi. Si Gette kasi hindi na raw siya mamakakauwi dito sa office na lang siya matutulog sila ng mga kasama niya. Kaya sino naman ang bibisita, kesa mag-isip ako ay pinagbuksan ko na agad kung sinong tao yun. Baka kasi importante at ganitong oras pa siya pumunta. "May nakalimutan ka?" nagtatakang tanong ko ng magpagsino ang bumisita. Bigla naman agad ako nitong niyakap ng mahigpit kaya hindi ako agad nakapagreact sa ginawa niya. "I missed you already." Biglang yakap nito saakin, kaya nagsitindig lahat ng balahibo ko sa batok. I don't know what to say. Dahil sa gulat wala rin akong masabi. "Uhm.. Steven hindi ako makahinga." Yun ang unang salita nasabi ko dahil hindi ko alam ang dapat kung sabihin sa sinabi niya. Hindi naman kasi patanong yung sinabi niya. Bigla namang naramdaman kong lumuwag ang pagyakap nito kaya nakahinga na ako ng maluwag. "Can I stay here for a while?" hindi ko alam pero napatango na lamang ako sakanya. Nakahinga naman ito ng maluwag ng malamang pinayagan ko siyang mag stay. Pero hangang ilang oras ba ang hinihingi niya. "Pasok ka muna." Maikling sabi ko, sumunod naman itong pumasok. Pagkatapos kung isara ang pinto nakita kong nakatayo pa rin ito at nakatingin sa mga larawan naming magkakaibigan. This is really ackward at wala akong maisip na sasabihin sakanya. Madaldal akong tao pero bakit pagdating sakanya nawawalan ako ng sasabihin at napipe ako bigla. "Ahm... May gusto ka bang inumin or kainin?" Pag-aalok ko naman sakanya, kaya biglang nawala ang atensyon niya sa ginagawa niya kanina at napatingin. Mali atang tanungin ko siya lalong naging ackward dahil sa tinigin niya. Ano ba Jhoanne.. focus. "Gusto mo bang ipagluto kita? Alam ko hindi mo natapos kanina yung pagkain mo dahil saakin." Nag-aalalang sabi ko sakanya. Hindi parin nito inaalis ang tingin niya. "Sure, I want to see how you cook and taste also." Sabi nito habang hindi pa rin inaalis ang pagtitig nito kaya ako na mismo ang bumawi ng tingin dahil parang nangangatog ang binti ko. Pumasok naman ako sa kusina, actually kaming lima meron kaming kanya-kanyang paborito parte ng Unit na ito. And we really treasure this already dahil lalo pa naming nakilala ang isa't isa. Bigay ito ng agency saamin dahil dito kami nag-umpisa at kahit ibinabalik nanamin sabi ni Miss Kiara regalo na raw niya saamin ito. Pati rin ang mga boys yun nga lang may kanya-kanya silang unit meron rin silang iisang bahay. Sila ang mas mayaman saamin. Kaming dalawa ni Gette ang may paborito nitong kusina dahil hindi lang sa hilig naming magluto actually siya lang ang mahilig magluto ako ang mahilig kumain. Marunong rin akong magluto pero madali kasi akong tamarin. Si Carmella naman sa mini library namin dito sa unit si Eraizha sa living room dahil mahilig siyang manuod minsan doon na rin siya natutulog kapag nakakatulugan niya yung pinapanuod niya at si Ellesse sa kwarto niya lang lalo na sa banyo niya dahil matagal maligo yun kahit may pasok pa yun walang araw na hindi nagbabad sa bathtub niya kaya parating late. "That's smells good." Sobra akong nakafocus sa ginagawa ko kaya hindi ko namalayang may nasa likuran na pala ako. Biglang nagtaasan ang balahibo ko sa batok kaya alam kung malapit lang ito halos nararamdaman ko na rin ang hininga niya. "Malapit ng matapos to. Mag hintay ka nalang sa dining area." Sabi ko habang abala sa paghahalo adobo alam ko kasing ito ang isa madaling lutuhin lang. "Nasan ang mga plato't kutsara niyo? Ako ng maghahain ng pagkain natin." Tanong nito habang hindi parin umamalis sa kinatatayuhan nito kaya hindi tuloy ako makagalaw ng maayos.  "Nandito." Tininangala ko naman ang cabinet para sa mga plato Binuksan nito medyo mataas ito pero nanaabot ko naman to kaya lang muntik ko nang mahulog ito dahil nasa likuran ko pa rin si Steven na hindi umaalis kaya hindi ako makagalaw. Buti na lang naagapan niyang mahulog ang mga plato hinawakan nito ang bewang ko at kinuha ang mga plato na kukunin ko sana. "Ako na, tapusin mo na yan ." sabi nito, medyo tumabi naman ako para makuha niya ang plato at bowl na paglalagyan ng ulam. Pagkatapos ng nangyari tahimik lang kaming kumain na dalawa nasa harapan ko siya. Hindi ko tuloy alam kung tama ba yung pagkakaluto ko or what. Pero base sa pagsandok niya ng kanin mukhang napaparami na kaya tuloy nag-alala ako baka pinapakita niya lang na nasasarapan siya. Pero saakin sakto lang naman. "Medyo napadami na yung pagkain mo, baka mabangungot ka na niyan." Nag-aalang sabi ko, di ba kasi ganun yung mga pamahiin nila pagnapadami ang kain mo lalo na sa gabi. "Hindi mo ako masisi, masarap ka palang magluto." Sabi nito, sumasandok uli ng kanin. "Kailan ka natutong magluto?" biglang tanong nito kaya napatingin ako sakanya. "Pasenya ka na yan lang nailuto ko. Wala na kasi pala kaming stock ng pagkain." Bukas mamalengke na lang ako hindi na lang ako papasok. Sasabihan ko na lang yung staff ko doon kapag nagkaproblema. " Tinatanong ko kung kailan ka natutong magluto?" kaya nga iniba ko yung usapan dahil ayaw kong pagp-usapan. "Nung high school ako, actually nakasali pa nga ako sa mga contest." Pilit na ngiti ko sakanya. Naalala ko naman tuloy yung dati. Tinext ko si Steven na hindi kami magkikita ngayon dahil may sasalihan akong contest sinabi kong mamayang lunch na lang kami magkitang dalawa. Wala akong natanggap na reply mula sakanya baka may practice nanaman yun. Lately masyado na silang busy sa practice nila kaya kaya iiniintindi ko na lang siya dahil yun ang gusto niya ang suportahan ko lahat ng gusto niya. Pagkatapos ng contest ko masaya akong nagtext sakanya kahit wala siyang reply kanina saakin sinabi kong pupuntahan ko siya sa gym at sabay kaming kumain isusurprise ko siya tutal may natira pa doon sa niluto kanina ako ang nanalo kaya ipapajudge ko rin sakanya ang luto ko. Magugulat rin ba siya tulad ng mga reaction ng judges saakin kanina? masasarapan rin kaya siya.? Parang mas lalo akong kinakabahan dahil ipapatikim ko sakanya ang luto ko. Siya ang inspiration ko nun habang nagluluto ako kaya sana magutuhan niya. Pagkapasok ko ng gym nakita ko siyang naupo sa bleachers kaya nilapitan ko ito. Hindi niya alam dahil nakatalikod ito kaya hinalikan ko siya sa pisngi nito at ngumiti sakanya. Nakakunot naman ang noo nitong nakatingin saakin at mukhang naiirita. Mukhang bad trip ang captain ko ngayon. "Hi. Namiss mo ako? Wag kang mag-alala nandito na ako." Masayang sabi ko sakanya habang hawak yung baon naming dalawa. "Tsk, Ang tagal mo, kanina pa kita hinihintay dito. Hindi mo ba alam gutom na ako sa paghihintay sayo. Malapit ng time oh," inis na sambit nito. Nag pout naman ako sakanya para magpacute kaso no effect. "Wag ka nang magalit, may dala akong baon natin. Ipapatikim ko sayo itong speciallty ko sayo." Masayang sabi ko at ipinakita ko yung bitbit ko bubuksan ko nasa yung baon namin ng magsalita. "Hindi ako kumakain ng lutong bahay, doon na lang tayo sa may restaurant malapit dito."at hinila ako niya ako paalis. Nangyari tuloy nahulog yung mga pagkain kaya tinignan ko lang ito sa papag. Wala akong magawa dahil hila-hila na niya ako paalis doon. Gusto ko sanang ipatikim yung luto ko sakanya. Gusto kong sabihin sakanya na nung kami palang kaso wala siyang time at kapag magsasalita naman ako or gusto kung magkwento ng mga nangyari saakin parang wala siyang pakialam kaya simula nun hindi ako nagsasalita tungkol saakin, parating siya ang pinapakingan at iniitindi ko. Natigilan ako sa pag-aalala ng bigla itong nagsalita kaya agad akong napatingin sakanya. "Ako nang magliligpit ng pinagkainan natin mukhang inaantok ka na."- sabi nito, kinuha naman nito ang pinagkainan ko. Tumayo naman ako para punasan ang table. "Jhoanne..." Napatingin naman ako sakanya at nagtatakang tinignan siya. Mukhang hindi pa nito masabi ang gusto nitong sabihin. "May sasabihin ka?" takang tanong ko. "Can I sleep here tonight?" kanina sabi nito kung pwede siya mag stay saglit ngayon naman gusto niyang matulog dito. Yung totoo dito ba siya titira. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD