Chapter 3

2342 Words
CHAPTER 3: ANG SUMPA Rhys's POV "Re... ha..." Wala halos akong boses, para akong nakakita ng multo. Hindi ko pa nakikita sa personal ang Reha ng Igapire pero nakita ko na ang mukha niya sa portrait doon sa Arena kaya alam kong siya ito. Anong sasabihin ko? Tatanungin ko ba siya kung anong ginagawa niya dito? Isusumbat ko ba 'yung ginawa niyang pag-abandona sa akin? Ipagtatabuyan? Paano ko siya haharapin? Dapat ko ba siyang kausapin? "Anak, magbigay galang ka sa ating Reha," ani In-ma. Narinig ko ang sinabi niya pero hindi ko siya kayang sundin. Gulat ang reaksyon ko nang makita ko ang mga bisita. Lumuhod ang mga kawal nang makita nila ako. Hindi ako makapag-isip nang maayos kung anong dapat gawin. Para akong binabangungot, gusto kong sampalin ang sarili ko para magising at sabihing hindi ito totoo. Tumingin ako kay In-ma at nakatingin din siya sa akin. Hindi gaya ko na gulat ang reaksyon niya, para bang tanggap niya na nangyayari ito ngayon. At ayokong isipin na ang ibig sabihin ng tingin niya ay gusto nang mamaalam sa akin. "Anong pangalan mo?" Binaling ko ang tingin ko sa Reha, at agad na napalitan ang emosyon ko. Gusto ko siyang sagutin ng, 'pangalan ng sarili mong anak hindi mo alam?!' "Rhys Amara po ang ipinangalan ko sa kanya, haie." Hindi ko pa rin nagawang magsalita para sagutin siya. Sa dami kong gustong isumbat, hindi ko alam kung saan magsisimula. Sa kabilang banda, hindi ko pa rin maalis ang tingin ko kay In-ma dahil nag-aalala talaga ako sa kanya sa nangyayaring ito ngayon. Handa na sana akong lapitan siya pero nakikita ko sa mga mata at reaksyon niya na nilalakasan niya ang loob niya para sa aming dalawa. Mas hirap ang kalooban niya kaysa sa akin pero mas pinapakita niya na dapat ko ring lakasan ang loob ko. "Kay gandang pangalan," komento ng Reha. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa bisita. Ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang lahat. Natanggap na ng utak ko na nangyayari ito at kailangan ko itong harapin. Iyan lang ba ang pinunta niya rito? Ang malaman ang pangalan ko? Hindi manlang ba siya— "Patawarin mo ko, anak." "Patawarin?" Nanginginig ang boses ko pero kahit papaano nagawa ko nang magsalita, mahina pero sapat naman para marinig ng kaharap ko. Matalim ang tingin ko sa kanya, nakakuyom ang aking kamao. "Mga kawal, sela, iwan niyo muna kami ng aking anak. Gusto ko siyang makausap ng sarilinan." Binaling niya sandali ang tingin niya sa ibang narito habang ako ay nanatiling nakatingin sa kanya. Agad na sumunod ang mga kawal, maging si In-ma ay umalis na hindi manlang ako tiningnan. Nakatayo lang ako, gusto ko rin umalis kasi wala naman akong balak kausapin ang bisita pero ayaw humakbang ng paa ko. Tumingin siyang muli sa akin na parang nakikiusap, "Patawarin mo sana ako Rhys, araw-araw kong pinag-sisisihan ang ginawa kong iyon sa'yo." Lumayo ang tingin ko, tinakpan ko ang bibig ko kasi pakiramdam ko masusuka ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, sa loob ng mahabang taon kahit paramdam wala siya o isa man sa pamilya niya pagkatapos ngayon parang kaswal lang siya kung magsalita. Para bang natural na sa kanya na mag sorry nalang pagkatapos inaasahan niya na okay na ang lahat. "Hindi ko iyon ginusto. Ayaw kitang mawalay sa akin pero iyon lang ang naisip ko para mailayo ka sa kapahamakan." Ngumisi ako na may halong inis, "Gusto niyo ba magpasalamat ako sa ginawa niyo?" "Hindi... gusto ko lang maunawaan mo ang mga nangyari noon, anak." Ano man ang sabihin niya, malamig ang dating sa akin. Parang mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagiging hari niya, hindi manlang niya pinapakitang binababa niya ang sarili niya para sa paghingi ng tawad. Wala ring bahid ng kahit anong pakiramdam ang puso ko kahit paulit-ulit niya pa akong tawaging anak, "Nabuhay nga ko ng eighteen years na wala kayo, eh. So, ano pang sense ng pagpapakita niyo sa akin ngayon?" Tama naman ako 'diba? Hindi ko lang ma-gets bakit kailangan pa niyang isiksik ang sarili niya sa buhay ko, in the first place siya naman mismo ang nag-abandona sa akin. Mula nang nalaman kong ampon lang ako at sila ang mga magulang ko, nagtanong ako sa sarili ko kung bakit ganito ang nangyari sa akin. Hindi ko naman ginusto na maging kakambal ng Sivenis, mas lalo na ang maging isang sumpa ng aming lahi. Pagkatapos kong malaman ang totoo, pilit kong hinanap ang silbi ko sa mundo. Kung sumpa ako, bakit kailangan ko pang ipanganak? Hindi ko maintindihan maging ang sarili ko noon. Pero si In-ma ang bumuo sa akin, siya ang nagparamdam sa akin na kahit tinuring akong sumpa ng mundo nariyan lang siya para bigyan ako ng rason ituloy ang buhay ko. Kung hindi man ako tinuring na anak ng totoong mga magulang ko, handa niya akong tanggapin ng buo sa buhay niya. Kaya kahit hindi ko pa rin alam ang sagot sa mga tanong kong iyon, nagawa kong tanggapin ang katotohanan na ito na ako ngayon at dapat akong magpatuloy bilang isang simpleng tao na gustong gawin lahat ng magpapasaya sa akin. Wala nang pakialam sa nakaraan ko o sa pagkatao ko, mahalaga ma-enjoy ko ito hanggang gusto ko. "Alam niyo kasi okay na ako kahit wala kayo, naka-move on na ako sa nalaman ko. Bakit kailangan niyo pang guluhin ang buhay ko?" dugtong ko. "Para ipaalala sa iyo na ako pa rin ang iyong Am-pa, kami ang totoo mong pamilya. Kailangan ka namin anak, kailangan ka ng iyong In-ma at gusto kang makilala ng iyong kapatid. Anoman ang nangyari sa nakaraan ay tapos na, magsimula tayo ulit ngayon." Sa mga sinasabi niya ay wala pa rin akong naramdaman, alam ko namang hindi siya sincere diyan. "Paano niyo nalaman na nandito ako?" "Ilang taon ko na kayong pinapahanap pero palaging umuuwi na walang magandang balita ang inutusan ko. Hanggang sa dumating ang araw ng Festival, malakas ang kutob ko na doon ka nila mahahanap. Pero hindi ko inaasahan na sa Tournament ka nila makikita. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya anak nang malaman ko na lumaban ka doon na gamit ang istilo ko." Ngumisi akong muli sa kanya, iyon pala ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para magpakita dito, "Una, hindi ako lumaban para gayahin ka. Pangalawa, ang istilong ginamit ko ay turo ni In-ma, malay ko bang ganoon din ang istilo niyo. At pangatlo, kung iniisip niyo na may koneksyon tayo kaya ako sumali doon ay mali kayo, kasi may sarili akong buhay at isip hindi iyon dahil sa inyo." Patuloy akong nagsalita, "Ano ba talaga ang pinunta niyo rito?" tanong ko. Yumuko ang ulo ng kaawa-awang Reha, akala niya yata magagamit niya ang pagpapa-awa niya sa akin. Hindi uubra sa akin ang pagiging hari niya, hindi niya ako mauutusan na sundin siya. Buhay ko ito, gagawin ko ang gusto ko at hindi niya ako mapipigilan. "Hindi ko nakikitaan ng potensyal si Shioban para maging kapalit ko sa trono." Muli niya akong tiningnan, "Pero ikaw Rhys, anak, alam kong ikaw ang nababagay sa trono. Sa pinakita mong galing sa laban, alam ko na—" "Edi lumabas din ang totoo! Kapangyarihan na naman ang habol niyo! Humihingi kayo ng tawad kasi na-realize niyo mali ang naitapon niyo, humihingi kayo ng tawad kasi walang silbi sa inyo 'yung pinaiwan niyo." Hindi ko napigilan ang sarili ko, ganito ba talaga siyang uri ng tao? Hindi pa ba siya kuntento sa ginawa niya dati? Dadagdagan niya pa ba ang kasalanan niya? Halos kapusin ako ng hininga dahil sa pagsigaw ko. Gusto ko na siyang maglaho sa paningin ko. Ayoko na ng usapang ito! "Alam niyo ba ang sinasabi niyo? Naisip niyo ba kung ikatutuwa ng kaharian niyo na malaman na may inabandona kayong anak noon at worst kakambal pa ng kinilala nilang tagapagmana. Baka nakakalimutan niyo, nilayo ako ni In-ma Amanda para maitago ang sumpa ko bilang kakambal ng Sivenis. Pagkatapos ngayon, gusto niyo na ako ang magmana ng trono niyo? Talaga bang ganyan na kayo katakaw sa kapangyarihan?" "Aaminin kong mahirap ang gusto ko, pero maaayos natin ang lahat. Handa akong tanggapin ang anomang parusa sa mga kasalanang ginawa ko maitama ko lang ang lahat. Kaya nakikiusap ako sa'yo Rhys, bilang Am-pa mo pagbigyan mo sana ang kahilingan ko." Lalong hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya, masyado na siyang desperado na makuha ang gusto niya pero hindi na siya nag-iisip ng tama. "Gusto ko talagang makabawi sa iyo anak, sana 'yun ang paniwalaan mo." Nanghihina na ako, gulung-gulo na ang isip ko. Pinipilit niya pa rin ang bagay na 'yan, para siyang bata na hindi makaintindi kung gaano kahirap at ka-kumplikado ang gusto niya. Pinagpapawisan ako, hindi ko alam kung dahil ba ito sa panahon o sadyang literal na kumukulo ang apoy ko sa aking katawan dahil sa irita. "Bago mo ipilit sakin na paniwalaan ka, sana naisip mo munang kumustahin ako kung anong nararamdaman ko ngayon. Alam mo ba, tinatanong ko pa rin ang sarili ko hanggang ngayon kung kasalanan ko bang ipinanganak ako na kakambal ng Sivenis. Hindi ko namang ginusto na maging karibal niya sa pagiging panganay na anak ninyo. Kung alam ko lang na ipapanganak na pala ako at ipapanganak na din siya, sana nagparaya na ako at hindi na muna lumabas para hindi ako naging sumpa!" Ang dami ko na iniisip, hindi ko na makontrol ang sarili ko. Bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Pinapagalitan ko ang sarili ko ngayon kasi sinabi ko 'yun, kasi 'diba wala na akong pakialam sa kanila? Kaya hindi na niya dapat malaman 'yun. Tumayo ang Reha nang makita niya akong umiiyak, binalak niya akong lapitan para yakapin o hawakan pero umiwas ako, "Kung iniisip niyong mapapatawad ko kayo dahil sa pagpunta niyo rito at sa mga sinabi niyo, pasensya na, kasi kahit lumuhod pa ang buong angkan mo sa harapan ko hindi 'yun mangyayari." Pinunasan ko ang luha ko, "At hindi rin dahil nakita mong tumulo ang luha ko, pwede mo na simulan ang gusto mong maging Am-pa ko. Oo, anak mo ako at sayo ako nagmula pero hanggang doon nalang 'yun. Kahit ano pang sabihin ninyo, hindi mabubura ng mga 'yun ang ginawa niyong pag-abandona sa akin." Hinarap ko siya, "Kung wala na kayong sasabihin, pwede na kayong umalis." *** "Misphera! Misphera! Misphera! Misphera! Misphera!" Halos maubos ang puno sa paligid ko dahil sa ginagawa kong pagpapasabog dito. Hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko matapos ang naging pag-uusap namin ng Reha. Ayaw mawala sa utak ko ang itsura niya, ang mga sinabi niya, ang rason niya bakit siya humihingi ng tawad. "Galit na galit gustong manakit." Agad na lumipad ang sunod na fire ball ko papunta sa lalaking nagsalita, pero agad niya itong nailagan. Tumama sa kabilang puno ang pinakawalan ko. Bumaba siya sa puno na pinagta-tambayan niya. Mabuti 'yun kasi kung hindi, papaulanan ko siya ng fire ball doon. "Bakit galit na galit ka? Sino umaway sa'yo?" aniya. Hinarap ko siya na may matalim na tingin, habang siya naman ay nakangiti sa akin. Dahil sa nangyari nakalimutan ko na ang tungkol sa lalaking ito, sa kanya nagsimula ang mga problema ko. Mula nang kinausap niya ko nag-sunud-sunod na itong nangyayari sa akin. Siya yata ang sumpa eh. "Wala kang pakialam, at bakit ka ba nandito?" Pinanganak ba siya para guluhin ang simpleng buhay ko? Naglakad siya ng bahagya palapit sa akin, "Hindi ba sinabi ko na sa'yo, haie? Lagi lang akong nandito para bantayan ka," sabi niya. Nakangisi pa ang loko. Talaga palang seryoso siya sa bagay na 'yun. Tinalikuran ko siya, hindi na ako mag-aaksaya ng oras na kausapin ang lalaking ito. Ngayon ako nagpapasalamat na inabandona ako ng Reha noon. Kung siguro doon ako lumaki sa Kastia, malamang mas masakit pa ngayon ulo ko dahil sa mga problema. Nagsimula ako maglakad palayo sa kanya, alam ko naman na kahit lumayo ako o umalis dito ay masusundan niya pa rin ako pero wala naman ako gagawin kaya naglakad nalang ako palayo. Plano kong umuwi na muna ng bahay para kumustahin si In-ma. Pagkatapos ng naging pag-uusap namin ng Reha, tumakbo agad ako dito. Hindi ko manlang siya nakausap. Ngayong alam na ng Reha kung saan kami makikita, dapat lang na umalis na kami ni In-ma sa bahay. Kailangan na naming lumipat sa lalong madaling panahon. Sa paglalakad, dumaan ako sa isang masukal na landas. Medyo nahirapan ako lumabas sa sukal kasi madaming baging na naka-laylay. At paglabas ko, nagulat ako sa dami ng tao na nakatingin sa akin ngayon. Nagpalinga-linga ako sa paligid, sa pagkaka-alam ko ang parte ng gubat na ito ay nasa gitna na. Malayo sa bahay namin pero malayo rin sa viyon. Paano nakarating dito ang mga Espis na ito? "Siya!" Tinuro ako ng isang lalaki, pasigaw din ang boses niya kaya agad siyang napansin ng mga kasama niyang hindi nakatingin sa akin. "Teka, ako?" Turo ko naman sa sarili ko na may pagtataka. "Ang sumpa! Ikaw ang dahilan kaya nangyayari ito ngayon sa bansa!" Kumunot ang noo ko, aware ako sa tawag sa aking sumpa pero bukod doon hindi ko na alam ang sinasabi niya. "Kung hindi ka sana pinanganak, hindi mamalasin ang Reha!" "Ano bang sinasabi niyo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. "Huwag ka nang mag maang-maangan! Kalat na sa buong viyon na binisita ka ng Reha sa gitna ng gubat na ito at pag-alis niya sa inyo, dinukot siya ng ilang hindi pa nakikilalang nilalang. Kaya kasalanan mo ito!" Hindi ako makapaniwala sa mga binibintang nila sa akin, "Oo, galing nga ang Reha sa amin. Pero, ano naman kinalaman ko kung dinukot siya? Huwag niyo sabihing ako ang pinagbibintangan niyong nagpa-dukot sa kanya?" "Huwag ka nang magmalinis! Alam na namin na kakambal ka ng Sivenis. Binisita ka ng Reha upang kamustahin dahil anak ka rin niya. At dahil sa sumpang dala mo minalas siya, lumapit lang siya sayo napahamak na ang Reha. Kaya dapat kang mamatay! Dapat kang parusahan dahil sa sumpang dala mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD