Chapter 4

2605 Words
CHAPTER 4: THE CURSED PRINCESS Rhys's POV Sa takot ni In-ma na mabunyag ang lihim ng pagkatao ko, pinili niya na huwag nang lumabas sa gubat para maiwasan na may makakita sa kanya at para wala ng makaalam kung nasaan siya. Ang tungkol sa pagkatao ko ang unang bagay na nalaman ko rito sa mundo. Alam ko kung saan ako nagmula. Alam ko rin na ang In-ma na kasama ko ay hindi ko tunay na ina. Ako ay isang Savenis ng bansang Igapire o tinatawag nilang prinsesa. Kabilang rin ako sa pamilyang maguim o maharlika. Ang bansa namin ay nabibilang sa monarkiyang bansa na pinamumunuan ng Hari at Reyna ngunit mas kilala sa tawag na Reha at Quina sa wika namin. Sila rin ang mga magulang ko pero hindi ako lumaki na kasama sila, dahil nasa puder na ako ni In-ma sanggol pa lang ako matapos akong abandonahin pagkapanganak sa akin. At iyon ang pinaka nakakasuklam na pangyayari sa buhay ko, ang maging anak ng Reha at Quina ng bansa, at maging kakambal ng Sivenis o prinsipe. Sila ang rason kung bakit ako itinuring na isang sumpa. Sa aming lahi na tinatawag na Espis—mga taong may kapangyarihan na lumikha ng apoy—isang sumpa ang magkaroon ng anak na kambal lalo na sa tagapagmana ng trono dahil ibig sabihin daw nito ay kamalasan. Ayon sa matandang kasabihan, isa lang ang dapat nakalaan sa posisyon ng isang indibidwal sa pamilya at hindi katanggap-tanggap na may isa pa na makikihati sa posisyon na iyon. Walong taon lang ako nang ikuwento sa akin ni In-ma ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Ayon sa kanya, sobrang saya ng Reha nang ipanganak ang kakambal ko dahil lalaki ang naging panganay niya. Tunay nga namang makisig na Sivenis ang magmamana ng trono. Pero hindi niya inasahan na hihilab ulit ang tiyan ng Quina at ipapanganak ako. Malinaw na isa akong sumpa, nakikihati sa posisyon ng Sivenis bilang panganay na anak nila, pati na rin sa trono. Kaya para iwasan ang sumpa, ipinatapon ako ng magaling kong Am-pa. Naturingang ama at hari, duwag naman sa pagharap sa katotohanan. Isang Sela o tagasilbi si In-ma Amanda sa Kastia. Ang kwento niya pa sa akin, matalik silang magkaibigan ng Quina; ang aking totoong ina. Nang ipanganak kami ng kakambal ko, tanging si In-ma Amanda lang ang kasama niyang Sela sa kwarto bukod sa Reha at sa nagpa-anak sa kanya. Hindi kaya ni In-ma na basta akong itapon kung saan kahit pa inutos ito sa kanya ng Reha, kaya pinili niyang ampunin nalang ako, at mamuhay sa gitna ng kagubatan na malayo sa mga kapwa namin Espis. Sa kabila ng madilim kong pagkatao, hindi ako nakaramdaman ng pagsisisi na nabuhay pa ako, dahil iyon kay In-ma, utang ko sa kanya ang lahat. Oo hindi ako tanggap para maging miyembro sa pamilya ng maguim o sa mata pa ng ibang tao pero nakalimutan ko rin iyon paglipas ng panahon. Natutunan ko sa kinilala kong ina na kahit gaano kapait ang buhay, kailangan mong magpatuloy. Habang may buhay, may pag-asa. At napatunayan ko 'yun sa maraming bagay, madami akong nagawa na sobrang nagpasaya sa akin. Kaya noon pa, gusto ko lang ng tahimik at simpleng buhay kasama si In-ma. Wala na akong pakialam pa sa kung anong buhay ang mayroon sa labas ng kagubatan o sa Kastia man, dahil kasama ko na ang magpapasaya sa akin at kukumpleto sa buhay ko. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon lalo na at nagagawa ko ng malaya ang anomang bagay na gusto ko. Pero... "Habulin ang sinumpang prinsesa!" Palagay ko tapos na ang mga araw na 'yun... hindi ko na kailanaman mararanasan ang buhay na gusto ko... Mabilis akong tumakbo palayo sa mga tao. Walang ibang laman ang isip ko ngayon kundi ang matakasan sila, hindi nila ako dapat mahuli, tiyak na papatayin nila ako. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari pagkatapos ng pag-uusap namin ng Reha, ni hindi ko nga siya nakitang umalis sa bahay kasi nauna akong umalis at dumiretso ako sa liblib na parte ng gubat. Basta ang alam ko lang, paglabas ko sa masukal na daanan, nandoon na ang mga tao at galit na galit na sila sa akin at alam na nila ang tungkol sa totoo kong pagkatao. Wala rin akong alam sa binibintang nila na kasalanan ko raw. Pakialam ko ba sa haring duwag nila. Hindi ako puwedeng umuwi sa bahay na may humahabol sa akin, kailangan ko rin silang ilayo kay In-ma dahil baka pati siya ay idamay ng mga taong ito sa 'di ko maintindihang galit nila sa akin. Sana lang ay ligtas siya, sana lang ay hindi nila nakita ang bahay namin. Kabisado ko ang gubat, kaya ko silang takasan. Pero kahit kabisado ko ang gubat, hindi ko kayang lumusot kung mangyayari ang gaya ng nangyayari ngayon... "Walang hiya ka salot kang sumpa ka! Sana pinatay ka nalang ng Reha noon, sana hindi ka nalang niya tinago sa gitna ng gubat para hindi ka na nakapaghasik ng kamalasan mo!" Napalibutan ako ng mga tao, lahat sila ay may nanglilisik na tingin sa akin. Dahil ba sa may sumpang nakadikit sa pangalan ko at nagkaroon ng kaguluhan ako agad ang may kasalanan? Hindi ba puwedeng sadyang tatanga-tanga lang ang mga kawal na kasama niya kaya nadakip ang Reha? "Hindi ko alam ang binibintang n'yo sakin, wala akong alam sa nangyari sa Reha." Sinusubukan kong depensahan ang sarili ko kahit sa salita lang pero tingin ko hindi uubra, sino ba ang maniniwala sa isang prinsensang tinuring na sumpa? "Dapat kang mamatay, sumpa!" Hanggat maari, ayoko sana mauwi sa labanan ang gulong ito pero kapag hinihingi ng pagkakataon kailangan na... "Digus li cien: igsis!" Lumabas ang spear sa aking kamay. "Igsis!" Hindi nagpatalo ang mga tao, halos sabay-sabay nila akong sinugod. Sinangga ko ang lahat ng atake nila sa akin. "Hindi ba parang unfair? Babae ako tapos puro kayo lalaki at madami pa kayo," sabi ko. Pero sa totoo lang nag-eenjoy ako. Hindi nila inintindi ang sinabi ko, sabay-sabay na naman silang sumugod. Wala na akong nagawa kundi ang lumaban na pabalik. Binalot ko ng apoy ang aking sarili saka buong pwersang winasiwas ang spear ko para patalsikin ang lahat ng nagtangkang lumapit sa akin. Lahat ng tumatalsik ay tumatama sa puno. Marami na ang natumba at sumuko na sa laban, ang ilan naman ay nawalan pa ng malay. Naging alerto ako nang may grupo pa ng mga lalaki ang may hawak ng bow and arrow, marunong din sila ng incantation na gamit ko, pinaulanan nila ako ng sunod-sunod na palaso. Mabilis akong kumilos para iwasiwas ulit ang spear ko at masangga ang mga panang bumubulusok papunta sa akin. Nang makahanap ng tiyempo ay tumakbo ako palapit sa mga lalaking may hawak ng pana, at gaya sa mga nauna, winasiwas ko sa kanila ang spear ko dahilan para sila ay tumalsik. Hindi pa doon nagtatapos ang laban, hindi talaga sila nawawalan ng atake. Buong tapang na muling sumugod ang mga lalaking may hawak ng fire sword papunta sa akin, at sinabayan pa ito ng pagpapaulan ng pana. Talagang wala silang balak na buhayin ako. Patuloy kong dinipensahan ang sarili ko sa kanila, "Fulmenis!" Pagbato ko ng fire bolt ay muli akong tumakbo para takasan sila, kahit pa malakas ako kumpara sa kanila, walang sinabi iyon sa dami nila. Nang makalayo ako ng bahagya ay nagkaroon ako ng ilang segundo para magamit ang insigne ko... "Ossu or meis: fugio!" Umilaw ang aking insigne, pagkatapos ay naramdaman ko ang init sa parte ng likuran ko at doon ay lumitaw ang aking pakpak, isa rin ito sa xishan ng aking insigne. Bago pa nila akong muling ma-atake ay lumipad na ako palayo, "Sorry, guys. Gusto ko pa sana makipaglaro pero next time nalang ulit!" Pero hindi ko inaasahan na isa sa kanila ay gaya ko na may insigne rin at pareho pa sa akin, toran eagle. "Akala mo ba matatakasan mo kami?" Incommo! Ang kukulit nila. "Hindi niyo ba talaga ako titigilan?!" Atake ang naging sagot niya sa akin gamit ang fire blade, "Laminis!" Wala akong ibang nagawa kundi ang umiwas sa atake niya, dahil patuloy pa rin ang pag-ulan ng mga palaso papunta sa akin, winasiwas ko ang spear ko habang nasa ere para depensahan ang sarili ko sa mga palaso. "Ah!" Nadaplisan ako ng isang palaso sa aking kanang braso, nawalan ako ng balanse at bumulusok ako pababa, sumadsad ako sa lupa. Habang iniinda ang hapdi ng sugat, pinilit kong sanggain ang sunod na atake ng isa pang lalaki gamit ang fire sword. Iwinasiwas ko ulit ang spear ko sa abot ng aking makakaya para lang mapatalsik siya. Tumayo ako, habang hawak ang aking kanang braso, sinubukan kong tumakbo. Hindi ko kakayaning lumipad dahil sa sugat ko sa braso, baka mapuwersa at lalong lumala. "Saan mo balak pumunta, prinsesa?" Ang lalaking may insigne ay nasa ere pa rin, binabato niya ako ng fire ball. Dahil nakakapagod umiwas, huminto ako sa pagtakbo at humarap sa kanya. "Misphera!" Gumanti ako ng fire ball sa kanya. Naghagis din ako sa harapan ko para kumalat ang apoy at hindi na umepal ang iba. "Hoy, duwag! Bumaba ka rito at makipaglaban ka ng patas!" sigaw ko. Kapag natalo ko ang mayabang na 'to, malaya na akong makakatakas, siya lang naman ang sagabal eh. Habang nakangisi, bumaba nga ang loko. "Dahil prinsesa ka naman, pagbibigyan kita," aniya. Sumeryoso ang mukha ko, hindi ko na iniinda ang sakit ng sugat, naging manhid na yata ako sa sakit. Sumugod ako sa kanya, gamit ang spear, sinubukan ko siya saksakin pero nailagan niya iyon. "Igsis," aniya. Gumanti siya ng atake sa akin. Nagpapalitan lang kami ng atake. Hanggang sa may isa na namang epal ang nakalusot sa apoy na ginawa ko, mabuti nalang nakita ko siya agad, nailagan ko ang palaso niya. "Fulmenis!" Tinamaan ng fire bolt ko ang epal kaya agad din siyang nawalan ng malay. Sunod na umatake ulit sa akin ang lalaking may insigne, "Huwag muna kayong mangialam, laban namin ito ng prinsesa," aniya. "Ang gentleman naman pala," sabi ko. "Ayoko lang sabihin mo na nanalo ako dahil madami kami." Hindi nawawala sa mukha niya ang ngisi. Naging signal ang sinabi niyang iyon para tumakbo ako palapit sa kanya, iwinasiwas ko ang spear ko para doon mabaling ang tingin niya, saka mabilis na nag-release ng fire blade, "Laminis!" "Ah!" aniya nang makaramdam siya ng sakit, tinamaan ko siya sa kanang braso. "Ayan patas na, pareho na tayong may sugat," sabi ko. Ako naman ang nakangisi ngayon. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo, sumpa!" Sumugod siya nang hindi nag-iisip kaya hindi siya makatama sa akin, siguro dala na rin ng hapdi ng sugat niya kaya hindi siya maka-focus sa pag-atake. Dahil madali lang iwasan ang atake niya, nagawa kong magbitaw ng fire blade, "Laminis!" "Ah!" reklamo niya ulit dahil sa sakit nang tamaan ko siya sa tagiliran. Hindi ako nag-aksaya ng pagkakataon, mabilis kong iwinasiwas ang spear ko sa kanya, halos hindi niya iyon masangga kaya nasugatan ko siyang muli sa kabilang braso. "Siguro kailangan mo nang mamaalam para matapos na ang paghihirap mo," sabi ko. Kailangan kong magmadali, habang walang nakatingin at walang nangingialam, kailangan mapatumba ko na siya at makatakas na dito. "Kahit sa panaginip, hindi mo 'ko matatalo," aniya. "Weh? Paano mo nasabi?" "Dahil isa ka lang prinsesang nabubuhay para magbigay ng sumpa sa amin, at ako ay isang bayani na magbibigay ng karangalan sa kaharian kapag napatay kita." Tumalim ang tingin ko sa kanya, "Karangalan ba kamo?" Lumaki ang apoy na bumabalot sa akin, hindi ko na napigilan ang sarili ko, gusto ko sanang tipirin ang evis ko sa abot ng aking makakaya hanggang makatakas ako pero pinapainit ng lalaking ito ang ulo ko. "Ano bang alam mo sa karangalan? Ano bang alam mo sa akin? Isa akong sumpa sa paningin niyo pero wala akong ginawa sa inyo, sa labing-walong taon ng buhay ko na nakatira sa gubat na ito, kahit minsan walang naging malas sa inyo tapos dahil lang nawala ang hari at nalaman n'yo ang tungkol sa pagkatao ko sinisi niyo agad sa akin?" sigaw ko. Hindi siya umimik kaya ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko, "Gusto ko lang mamuhay ng simple at tahimik, pero ginulo ng hari ang buhay ko! Dahil lumapit siya sa akin, nangyayari ito ngayon. Siya ang nagpahamak sa sarili niya dahil lumabas siya ng Kastia niya at wala akong kinalaman doon!" Nakakainis talaga kapag lumalabas ang emosyon ko na dala ng galit. "Dami mong sinasabi, wala namang kwenta. Wala akong pakialam kung walang minalas sa mga naninirahan sa Aporra dahil wala namang lumapit sayo noon, pero ngayon malinaw naman ang nangyari 'diba?" Ngumisi ako, "Ah... ibig mo sabihin, lahat ng lumalapit sa akin ay mamalasin?" Nakita ko sa mukha ng lalaki ang kaba nang itaas ko ang aking kaliwang kamay... "Digus li cien: misphera!" Nasa aking kamay ang mas malaki at mas mainit na fire ball... isang miniature sun. "Tumakbo ka na hanggat may lupa..." Malamig ang boses ko, hindi talaga ako magdadalawang isip na ihagis 'to sa kanya. Agad siyang nagsimulang tumakbo, pero siyempre, hindi ko siya hahayaang makatakas. Ibinato ko papunta sa kanya ang miniature sun na ginawa ko, nang tamaan siya, wala na akong nakitang bakas, humalo na sa hukay na lupa ang abo niya. "Ayokong umabot sa ganito pero pinilit n'yo ko," sabi ko. Wala ng sumugod pa sa akin, tapos na siguro ang laban. Nagsimula akong maglakad, ngayon ko naramdaman ang pagod ko, naubos na ata ang evis ko dahil sa miniature sun na iyon. "Letiam gratour: priserem au igre!" "Incommo—!" Gumamit siya ng grace, o blessing na bigay ng insigne sa user. Nakulong ako sa grace na ginawa ng umatake, hindi ko inaasahan na may isa pa pala sa kanila na mayroon ding insigne. Nakarinig ako ng tawa sa bandang kanan ko at lumabas ang isang lalaki doon. "Tahimik lang akong nanonood sa malayo, haie. Naghihintay ng tamang pagkakataon para maikulong ka sa aking Prison of Fire!" Sinubukan kong lumabas sa kulungan na gawa sa apoy pero masyado itong mainit, hindi ko kayang dumaan dito, siguradong masusunog ako. Anong gagawin ko!? Matalim akong tumingin sa kanya habang nagngi-ngitngit sa inis. "Incommo!" sigaw ko. Nasa harapan ko na ngayon ang lalaking may gawa nito, muli siyang tumawa at nagsalita, "Ang cute mo palang mainis, haie. Sayang ka, diyan ka na mamamatay!" Hanggang dito nalang ba ako? "Pero puwede naman tayong magkasundo 'diba? Pakawalan mo ako dito, gagawin ko lahat ng gusto mo." Ngumisi siya sa akin, "Kahit ano ba kamo?" aniya. Napalunok ako, nakakasuka ang sinabi ko pero wala akong choice kung hindi ang utuin ang lalaking ito. "Ano ba ang kayang gawin ng isang magandang prinsesa na gaya mo?" Inilapit niya ang mukha niya at nakatagos siya sa apoy, kaya niyang gawin iyon dahil sa kanya ang apoy na kulungang ito. "Lahat... basta sabihin mo lang." Hindi nawawala ang nakakadiri niyang ngisi sa akin, "Paano kung ang gusto ko ay makita kang mamatay? Magagawa mo ba 'yun?" Incommo, walang silbi ang sinabi ko. "Digus li cien: Igsis!" Pareho kaming nagulat nang makadinig kami ng incantation. Agad na tumalikod ang lalaki sa akin at hinarap ang bagong dating, pero pagharap niya, agad siyang natumba. Nakatulala lang ako... iniligtas ako ng lalaking walang ginawa kundi ang sirain ang araw ko, hindi ko manlang alam ang pangalan niya. Naglaho ang prison of fire na ginawa ng kalaban, lumapit sa akin ang lalaki. "Sinungaling ka... sabi mo sa 'kin palagi ka lang nakabantay. Bakit... ngayon... ka lang..." Naramdaman ko na lang na sinalo niya ako, biglang dumilim ang paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD