Chapter 5

2506 Words
CHAPTER 5: KNIGHT IN FLAMING ARMOR Rhys's POV Nagising ako dahil sa masarap na amoy. Sanay ako na amoy ng almusal namin na niluluto ni In-ma ang gigising sa akin sa umaga. "In-ma..." mahina kong bigkas. "Ah, gising ka na pala, Haie." Pagmulat ng mata ko, hindi si In-ma ang nakita ko, kundi ang lalaking nagligtas sa akin. At hindi pa umaga, dahil nababalot pa ng dilim ang paligid. Bahagya akong nalungkot, wala nga pala ako sa bahay namin, wala rito ang nanay ko. Inusisa ko ang paligid habang nakahiga pa rin... nasa gitna kami ng kagubatan, napapalibutan ng matataas na puno at iba't ibang halamang ligaw. Sa damuhan na may sapin ako nakahiga at ramdam ko ang lamig nito dulot na rin ng simoy ng hangin. Sa bandang kaliwa ko naman ay naroon ang sinigaan para magsilbing ilaw namin. Hindi na naalis sa apoy ang tingin ko at para bang unti-unti nang gumagana ang mga organs ko sa katawan. Bahagya akong natulala, inaalala ko ang mga nangyari... nag-sink in naman sa utak ko na nawalan nga pala ako ng malay kanina pagkatapos mapatay ng lalaking ito ang isang lalaki na nagkulong sa akin sa prison flame niya, isang grace ng insigne. Hindi ko sure pero tingin ko maghapon akong natulog since madilim na ngayon, siguro dahil sa pagod ko kanina. Nakita ko rin na may nakahain palang inihaw na baboy d**o, masarap pa naman ang karne n'on kaya nakaramdam ako agad ng gutom. Pagbangon ko, saka ko napansin na nakahiga pala ako sa nakalatag na dahon ng saging at may tapal na rin ng halamang gamot ang sugat ko. "Ikaw ba ang may gawa nito?" Tinuro ko ang sugat ko. "Ibig n'yo po bang sabihin ay salamat?" sagot sa akin ng bwisit na kausap ko. Nainis na naman ako kasi bukod sa sarkastikong sagot niya ay nakangisi pa siya sa akin, parang hindi niya deserve ang salitang 'salamat'. Gusto ko siyang awayin kasi darating din naman pala siya hinintay niya pa akong mapagod sa pakikipaglaban tapos nasugatan pa ako at ang ending ay nag-collapse ako. "Kumain na tayo, Haie. Gusto n'yo bang subuan ko kayo?" Puwede bang sunugin ang lalaking 'to? "May sugat lang ang braso ko, pero hindi ako baldado. Kaya kong pakainin ang sarili ko." Umirap ako sa kanya. Napansin ko rin na may putol na kahoy siyang inihanda para maging upuan, kaya tumayo ako at umupo sa isang pwesto na katapat ko siya. Mabuti na lang at inilagay niya ang upuang kahoy sa tapat niya dahil kung hindi, huwag na siyang umasa na tatabihan ko siya. Bwisit siya. Kumuha ako ng karne ng baboy at nagsimula kumain. Mamaya na lang ako makikipag-away sa kanya dahil mas importanteng may laman ang tiyan bago ang lahat. "Sa mga fairy tale kapag niligtas ang prinsesa ang ending ay mai-inlove 'yung prinsesa sa lalaking nagligtas sa kanya, 'diba?" Gusto ko sana kumain ng payapa pero tingin ko hindi niya iyon ibibigay sa akin dahil umaandar pa rin ang pangbu-bwisit niya sa akin. Nag-make face ako sa kanya. "Excuse me? Prinsipe naman kasi 'yung mga nagliligtas sa fairy tale. Isa pa, charming sila, at wala ka sa nabanggit." "Ang harsh, ikaw na nga ang niligtas." Hindi talaga siya pumapalya na bwisitin ako. "Ay, grabe naman sa pagligtas. Ano ka, pulis? Sa huli darating 'pag tapos na ang laban, bugbog sarado na ang bida saka ka e-eksena. Akala ko ba palagi kang nakabantay sa akin? Bakit late ka kanina?" At agad kong pinagsisihan ang sinabi ko nang makita ko na naman ang nakakainis niyang ngisi. "Ah... inaasahan mo pala ang pagdating ko, Haie?" aniya. Lumikha ako ng apoy sa kamay ko. "Huwag mong hintayin na pati ikaw ay maging litson." Tumawa siya kaya lalo akong naasar. "Pasensya na, Haie. May inasikaso ako kanina kaya late ako dumating." Sumeryoso bigla ang boses niya pagsabi niyan, ang bilis niya magpalit ng mood. Magtatanong pa lang sana ako pero sumagot na siya, "Kasabay ng pagdukot sa Reha, nawala rin ang Quina sa palasyo." Medyo nagulat ako pero binawi ko iyon sa ngisi. "Tapos sa akin na naman ibibintang?" Pailing-iling kong sinabi. Tumingin siya sakin, seryoso pa rin ang kanyang mukha. "Palagay ko, kayo na ang susunod. Nasa panganib din ang buhay n'yo, Haie." Tumingin ako sa kanya na may kaunting disappointment dahil sa sinabi niya. "Hindi pa ba panganib 'yung kanina? Ano 'yun, warm-up?" "Ginagamit nila ang kaguluhan para sirain ang Kastia. Hindi ko alam kung sino sila o kung ano ang pakay nila pero malakas ang kutob ko na balak niyang patayin ang pamilya ng maguim," sagot niya. Hindi na ko nagbiro ulit, talagang seryoso na siya. "Nasaan 'yung magaling nilang anak? Hindi sila tinulungan?" Ang tinutukoy ko ay ang kakambal ko, Shioban nga ba ang pangalan niya? "Nailigtas ko ang Sivenis, mabuti na lang talaga at bumalik ako sa palasyo." Tumawa ako. "Niligtas mo? Hindi niya nailigtas ang sarili niya?" Naningkit ang mata niya. "Parang may naalala ko may isang maguim pa akong niligtas kasi hindi niya rin nailigtas ang sarili niya, eh." Umirap ako uli. "Madami sila at iisa lang ako, ano ine-expect mo? Saka dumating ka nga d'on tapos na ang laban, eh. Feeling mo naman masyado." "Patawad kung nahuli ako, haie. Sinigurado ko pa kasing tumba lahat ng kalaban sa Kastia bago ako umalis." Bumalik sa seryoso ang mukha niya. "Bakit mo pa ako binalikan? Hindi ba dapat ang priority mo ay ang Sivenis? Saka dapat binawi mo na lang ang Quina." Ngumiti siya sa akin. "Nangako akong babantayan kita, Haie. Ikaw ang priority ko." Umiwas ako ng tingin. "Si'me." Sinungaling. Tumawa siyang muli. Na-e-enjoy niya talaga siguro kapag nakikita niyang naaasar ako. At para maalis ang awkwardness, nagtanong ako ulit, "Sino ba ang nag-utos sayo na bantayan ako?" "Ang Sivenis, may pakiramdam kasi siyang kailangan mo ako kaya—" "Ta-ce," sabi ko. Ang ibig sabihin ay 'shut up'. Bahagya naman akong nagulat, kilala niya pala ako. Parang gusto ko nang paniwalaan ang sinabi ng Reha about sa pamilya niya. "Ayaw mo bang malaman kung bakit?" Napabuntong hininga nalang ako. "Kwento mo na lang, dami mo pang sinasabi, eh," sabi ko. Pinagpagan ko ang sarili ko, napansin ko kasing puro dahon at dumi ang damit ko. Umayos na rin ako ng upo dahil feeling ko mahaba ang magiging kwento niya. "Inutos sa akin ng Sivenis na sundan ang mga Fire Knights na inutusan ng Reha na maghanap sayo at oras na makita kita ay mahigpit niyang ibinilin na bantayan kita." "Fire Knights?" tanong ko. Ngayon ko lang narinig ang bagay na 'yun. Sinagot niya ako habang nakayuko na para bang ipinapakilala niya ang sarili niya sa akin, "Iyon ang pormal na tawag sa amin, Haie." Wala ako ibang naging reaksyon kundi, "Ah." Alam ko na kawal siya ng Kastia pero hindi ko alam na iyon pala ang tawag sa kanila. "Siguro sinabi na rin sa 'yo ng Reha na sa Festival ka rin nakita ng mga inutusan niya, sabay lang kasi kaming nakakita sayo." Naging interesado naman ako sa parteng iyon. "Paano n'yo pala ako biglang nahanap? I mean, sabi kasi ng Reha, ilang taon na niya akong hinahanap pero ngayon lang nila ako nakita. Kaya, paanong bigla n'yo na lang nalaman na ako pala ang hinahanap n'yo?" Malaki ang bansang Igapire. Kung iisipin mong may hahanapin kang isang tao na hindi mo alam saang parte nito, siguro nga ay totoo ang kwento ng Reha na ilang taon na niya akong pinapahanap. Malamang ay inisa-isa ng mga inutusan niya ang bawat viyon sa buong bansa. Bilib na ako kung every year iba-ibang Festival ng bawat viyon sa bansa ang pinuntahan nila makita lang ako. Gusto ko rin sanang itanong kung aware ba ang mga kawal na inutusan ng Reha na hinahanap niya rin ako pero pinili ko nalang na huwag nang itanong, baka may idagdag na namang pang-aasar 'tong mokong na 'to, eh. "Nang makita kita, una kong pinagbasehan ang itsura, dahil kamukha mo ang Reha. Nagkaroon ako ng kutob na ikaw ang hinahanap ko kaya nag-desisyon na akong sundan ka, ganoon din ang ginawa ng mga inutusan ng Reha. Sa pagsunod ko sa 'yo, buong akala ko gusto mo lang mamasyal dahil Festival pero nagulat ako nang sumali ka sa Tournament of Flames tapos lalo kong nakumpirma na ikaw nga ang nawawalang kakambal ng Sivenis dahil sa kilos mo, parehong pareho kayo ng Reha kung paano makipaglaban." Kinilabutan ako sa sinabi niya, kamukha ko pala ang Reha? Hindi ko 'yun napansin habang kausap ko siya. "Pareho lang kami gumalaw kasi 'yun ang tinuro sa akin ni In-ma na paraan ng pakikipaglaban. Hindi 'yun something na namana ko sa kanya," sabi ko. Siguro nga kamukha ko siya pero hindi ko na matatanggap 'yung kagaya ko siya. Magkaibang tao pa rin kami kahit siya pa ang Am-pa ko. "Ano man ang sabihin mo, may koneksyon pa rin kayo. Baliktarin mo man ang mundo, siya pa rin ang Am-pa mo." Sinamaan ko siya ng tingin. "Puwede bang tigilan mo na ang kakaungkat sa buhay ko? Wala ka nang pakialam sa amin at sa bagay na 'yan." "Pasensya na, Haie," aniya. Yumuko din siya ng bahagya sa akin. "Sige, ituloy mo ang kwento mo." Nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Ipinahanap ka ng Sivenis sa akin dahil gusto ka niyang balaan, may kutob kasi siyang gagamitin ka ng inyong Am-pa sa pansarili niyang kagustuhan." Ngumisi ako. "Alam ko na ang tungkol sa bagay na 'yan, hindi naman ako tanga." At kung ano man ang pakay niya sa akin, hindi ako papayag anoman ang maging kapalit, hindi ko ilalagay ang sarili ko sa panibagong problema. "Haie, kung ikaw ay nagmana sa inyong Am-pa, ang Sivenis naman ang nagmana sa inyong In-ma. Mabait siya, wala siyang ibang inalala kundi ang kaligtasan mo. Kilala ko siya mula pagkabata at noon pa alam na niya na may kakambal siya, wala na siya hinangad mula noon kundi ang makilala ka." Napabuntong hininga ako uli. "Bakit ba parang lahat sila biglang gusto akong makita? Ilang taon na kong namuhay na wala sila, bakit ba hindi nalang nila ako pabayaan?" "Haie, maniwala ka, totoo na noon ka pa nila gustong makita pero hindi nila alam saan ka nila hahanapin. At hindi rin sila makakilos dahil nag-aalala sila na hadlangan ng Am-pa niyo ang paghahanap nila sa 'yo." "Bakit naman hahadlangan ng Reha ang paghahanap sa akin, kung siya nga mismo gusto rin ako mahanap, hindi ba mas pabor nga sa kanya 'yun?" "Magkaibang hangarin ang dahilan, Haie." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, pinili kong huwag nang kumibo. Pinagpatuloy ng lalaki ang kwento niya, "Nagsimula ang lahat nang magbigay ng anunsyo ang Reha, hindi mo siguro ito alam dahil dito kayo nakatira sa gitna ng gubat pero ang anunsyong iyon ay tungkol sa trono, gusto ng Reha na bago maupo ang Sivenis, kailangan niya munang ikasal­." Lalong sumeryoso ang kanyang mukha habang patuloy na nagsasalita, "Nakakapagtaka iyon, dahil hindi naman kailangang ikasal muna ang Sivenis bago makuha ang trono, at isang bagay pa, sinabi ng Reha na naghahanap ang anak niya ng isang dalagang Espis para maging asawa, kaya kung kailangan mang mag-asawa ng prinsipe, dapat kapwa niya rin maguim ang mapangasawa niya, at hindi isang normal na mamamayan lang ng Igapire." "Kaya sa bagay na ito ay agad na nabahala ang inyong In-ma at kapatid, alam nilang walang balak na ipamana sa kakambal niyo ang trono kaya niya ito sinabi. Sa tingin din nila ay may plano itong sabihin sa lahat na hindi niya tunay na anak ang prinsipe." "Iyon ang dahilan bakit ka niya pinapabalik ng Kastia, para sabihing ikaw ang tunay niyang anak at hindi ang iyong kakambal. Sa bagay na iyon, maiiwasan niya ang babala ng sumpa at makukuha niya pa ang gusto niya na ikaw ang maupo sa trono." "Alam kong alam mo naman ang rason bakit ikaw ang inabandona niya at ang Sivenis ang pinaiwan niya, pero ngayong na-realize niyang mali ang sanggol na pinalayo niya ay agad ka niyang pinahanap, umisip agad siya ng lusot para takpan ang masamang ginawa niya noon." Sa unang kita ko pa lang sa Reha, alam ko nang may hindi maganda sa awra niya. Alam kong may binabalak na siya noon pero hindi ko naman naisip na ganito kalalim ang plano niya. "Tinutulungan ko ang kapatid mo na mahanap ka dahil alam kong malinis ang hangarin niya, hindi gaya ng Reha na puro kapangyarihan lang ang iniintindi. Handa siyang gumawa ng panibagong kasinungalingan mapagtakpan lang ang mga kasinungalingan niya dati." Hinarap ko siya na may halong pagdududa, "Hindi ko kilala ang ugali ng totoo kong pamilya, at wala rin akong alam sa totoong nangyari sa Kastia lalo na sa mga kinuwento mo, magkaiba kayo ng kwento ng Reha, kaya ang tanong ko sayo, hindi kaya gaya ng Reha ay pinapaikot mo lang din ako? Sinisiraan mo lang ang Reha para ikaw ang paniwalaan ko?" Wala akong pakialam sa mga issue nila sa buhay, pero kung ganito na ako ang rason ng mga ginagawa nila, dapat din akong maging alerto sa mga nangyayari. Ayoko masangkot sa gulo ng pamilya nila kaya kailangan kong ilayo ang sarili ko doon, gusto ko lang naman ay simple at tahimik na buhay; walang problema, walang iniintindi, at ini-enjoy lang ang buhay na mayroon ako. "Anong ibig mong sabihin, Haie?" "Sabi mo, magkaiba sila ng hangarin, 'diba? Kung ang gusto ng Reha ay mapabalik ako sa Kastia para ako ang magmana sa trono, ano naman ang hangarin ng Quina at Sivenis?" Nakikita ko sa mukha ng lalaking kausap ko na hindi niya alam ang isasagot sa akin, "Haie, sinabi ko na, gusto ka lang balaan ng iyong kapatid at In-ma." "Tapos? Ngayong nabalaan mo na ako, ano nang gagawin mo?" Nanahimik siya ng sandali bago nakasagot, "Talagang sarado ang isip mo para sa paliwanag, Haie." Bumuntong hininga ako, hindi ko na gustong makipagtalo pa. Siguro nga talagang sarado ang isip ko sa paliwanag pagdating sa totoong pamilya ko, pero hindi lang naman 'yun ang rason bakit wala akong pinapaniwalaan sa kanila, gusto ko lang na ako mismo ang makakita ng totoong nangyayari; gusto kong maintindihan bakit bigla na lang nila akong dinamay sa mga issue nila. Tumingin ako sa kanya ng diretso. "Kawal ka ng hari, dapat sa kanya ang katapatan mo, bakit hindi siya ang pinapanigan mo?" Bahagyang yumuko ang lalaki. "Tapat ako sa kanya bilang kawal, pero bilang mamamayan ng bansa, hindi ko gusto ang plano niya para sa inyo ng kambal mong prinsipe." Tahimik akong sumang-ayon sa kanya, saka ngumiti at muling nagsalita, "Anong pangalan mo?" Tumingin siyang muli sa akin. "Huh?" "Palagi kasi tayong nagkaka-usap tapos tinulungan mo pa ako, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan mo." Ngumiti siya bago sumagot, "Pogi, 'yun ang pangalan ko." Nairita na naman ako. "Wala ka talagang kwenta kausap." Tumayo ako at naglakad pabalik sa pwesto ng dahon ng saging, humiga ako na nakatalikod sa asungot na Flame Knight. "Zion Fronius ang pangalan ko, Haie." Ngumiti ako, hindi na ako nag-abala pang sumagot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD