Chapter 42

2543 Words
CHAPTER 42: TRAINING Rhys's POV "Haie, sinabi ko na—" Itinaas ko ang kaliwang kamay ko para pigilan siya sa nakakasawang paalala niya. "Relax, hindi ako sasali sa ginagawa ninyong ensayo. Hindi naman ako tanga para saktan ulit ang sarili ko. Sabi mo nga, hindi pa 'ko magaling." "Kung gan'on, anong ginagawa n'yo rito?" Sinamaan ko ng tingin si Zion, kailan kaya siya titigil sa pag-arte na parang tatay ko? "Gusto ko lang magbigay ng suhestiyon. Aminin mo na lang kasi na hirap kayong ipaliwanag sa kanila ano ang unang dapat gawin." Napabuntong hininga siya, alam niya naman na hindi siya mananalo sa akin pagdating sa ganitong bagay. Lumapit ako kay Cush at sumunod naman sa akin si Zion. Naabutan ko siyang nag-aayos ng espadang kahoy. "Ipunin mo ang mga tao, ako ang magtu-turo sa kanila." Seryoso siyang tumingin sa 'kin. "Haie—" "Magsasalita lang ako, kayo na ang bahala sa combat," sabi ko. Tumango naman siya at sinunod na ang utos ko. Naiwan kami ni Zion. "Haie, ano ba talagang balak mo gawin? Kaya na namin dito, hindi mo naman kailangang gawin 'to," aniya. Tumingin ako ng seryoso sa kanya. "Kailan ka pa naging ganyan sa akin? Dati naman hinahayaan mo 'kong gawin kung ano ang gusto ko, bakit ngayon parang ang gusto mo na lang ay tumunganga na lang ako maghapon?" Yumuko siya bago nagsalita, "Iba 'yung dati, iba 'yung ngayon." "Walang pinagkaiba, noon at ngayon ay isa na 'kong Savenis. Hindi ko lang ipinapakita noon dahil wala pa 'kong interes. Pero hindi dahil sa may interes na 'ko ngayon ay dapat mo na 'kong tratuhin na kulang na lang ay sambahin ninyo ako. Hindi ako ganoong tao, Zion. Gusto ko rin magkaroon ng ambag sa ginagawa n'yo rito." "Sera, Haie," iyon na lang ang naisagot sa akin ni Zion. "Sa totoo lang, kagabi ko pa sana gusto na mapag-usapan ito kaso naisip ko na baka antok ka na talaga kaya hinayaan na kita." "Haie, hindi rin naman magandang pagkakataon ngayon na pag-usapan ang tungkol sa personal na usapin gaya niyan." Ngumiti pa siya sa akin na akala mo ay nakalusot na siya. Ngumiti ako pabalik, hindi ko na siya sinagot dahil naramdaman kong lumapit na si Cush sa amin. "Handa na sila, Haie," aniya. Umayos ako ng pagtayo at taas noong humarap sa mga tao. "Makinig ang lahat. Hindi ako magaling sa pakikipaglaban kagaya nina Zion at Cush pero hayaan ninyong i-share ko sa inyo ang ilang bagay na natutunan ko paano makipaglaban. Mga basic lang ito at tiyak na makakaulong sa inyo para mapadali kayo sa paano humarap sa kalaban." Nakita kong lahat sila ay nakatingin at nakikinig sa akin. Napalunok ako kasi siguradong ngayon ay naghihintay na sila kung ano ang sunod kong sasabihin. "Digus li Cien: Igsis," banggit ko sa incantation at lumabas ang spear ko. Nakiramdam muna 'ko kasi akala ko kokontrahin na 'ko agad ni Zion, pero tingin ko may tiwala naman siya na magsasalita lang talaga ko rito. Tinuloy ko ang paliwanag ko, "Ang unang bagay na dapat ninyong tandaan ay... walang Espis o Magnis ang nakikipaglaban na hindi marunong gumamit ng armas. Siguro itatanong ninyo sa akin kung paano kapag sa mano-mano ka lang magaling... wala naman problema ro'n at advantage mo rin 'yon sa kalaban kasi kapag marunong ka sa mano-mano hindi ka agad matatalo kapag nabitiwan mo ang armas mo. Pero magiging disadvantage mo ito kung sa mano-mano ka lang magaling tapos 'yung kalaban mo may hawak na armas." Tumingin ako sa spear ko bago muli nagsalita, "May nakakaalam ba sa inyo kung paano gumamit ng armas? At kung paano gumamit ng incantation na kagaya ng binanggit ko? Kung meron, magtaas kayo ng kamay." Ilang sandali ang binigay ko pero walang nagsalita o nagtaas manlang ng kamay, napabuntong hininga na lang ako dahil d'on. "Ayos lang, walang problema ro'n kasi matututunan naman 'yan." Tinuloy ko ang pagsasalita ko, "Pagkatapos n'yong marinig ang ilang paalala, oras na para mag-isip at pumili ng armas na gusto ninyong gamitin... tapos bumalik kayo sa pwesto ninyo." Inilahad ko ang kamay ko para ituro ang mga nakahandang armas na gawa sa kahoy. Agad nila akong sinunod. Habang pumipili sila ng armas, humarap muna ako sa dalawang lalaki na kasama ko. "Anong masasabi ninyo, tama lang ba ang mga sinabi ko?" Nagtinginan pa silang dalawa tapos sumagot si Cush, "Ano pong susunod na gagawin nila?" Sumimangot ako dahil hindi nila sinagot ang tanong ko, pakiramdam ko pinagkaka-isahan nila 'ko. "Ikaw na ang susunod na haharap sa kanila, Cush. Turuan mo sila paano ang tamang paggamit ng armas. Kapag sanay na sila gumamit ng armas, saka natin sila tuturuan paano gumamit ng incantation." "Teka, paano ako? Anong gagawin ko, Haie?" singit ni Zion. Humarap ako sa kanya bago nagsalita, "Tutulungan mo si Cush sa pagtuturo ng tamang paggamit ng armas. Pero bago 'yon, gusto muna kitang makausap." *** Nagpunta kami sa ilalim ng isang malaking puno. Magkatabi kaming naupo sa malaking ugat nito. "Anong pag-uusapan natin, Haie?" Tumingin ako sa kanya. "Sa tingin mo ba... posibleng maging rason ang ofin para ipaglayo ang dalawang tao?" tanong ko. Agad na gumuhit ang kunot sa kanyang noo. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" Ibinaling ko muna ang tingin ko sa harapan ko bago ko siya sinagot, "Bakit may mga taong naghihiwalay ng landas... dahil ba 'yun sa magkaiba sila ng piniling ofin?" Naramdaman kong nag-iba siya ng posisyon sa pagkaka-upo bago niya 'ko sinagot, "Siguro dahil ang akala ng isa, 'yung ofin na napili ng kasama niya ang magiging rason para lumayo na ito sa kanya." "Kapag ba pumili na ng ofin, kailangan lumayo ka rin?" "Hindi sa gano'on, alam mo 'yung kahit malapit lang siya o 'di kaya ay nasa harapan mo lang siya pero pakiramdam mo sobrang layo na niya sa 'yo kasi alam mo na dahil sa napili niyang landas... hindi na kayo magkikita sa dulo." Pumikit ako sandali nang marinig ko ang sagot niya sa akin. Ilang segundo akong nag-isip kung ano ang isasagot ko sa kanya. "Paano kung mali ka ng akala, paano kung mas mahalaga pa rin sa kanya 'yung pinagsamahan ninyo kaysa sa ofin na 'yon?" "Kung gan'on, bakit niya pa ito pinili kung mas mahalaga pala ang kasama niya kaysa sa ofin na 'yon?" "Kasi, iyon lang ang nakikita niyang paraan para matuwa ang kasama niya. Alam niyang ito ang gusto ng taong 'yon para sa kanya. Kaya nakakapagtaka na pagkatapos niyang piliin ang ofin na 'yon ay lumayo na ang taong naging dahilan nito. Bakit ba naging gan'on ka-kumplikado?" "May kasabihan na nasa huli raw talaga ang pagsisisi. Baka akala ng taong 'yon ay iyon ang dapat para sa kasama niya pero nang tumagal, na-realize niyang hindi pala." "Paano naman nangyari na hindi pala?" "Kasi nga, nakita niya na dahil pala sa ofin na 'yon... magkakalayo na sila." "Malay mo naman siya lang ang nag-iisip n'on. Malay mo sa unang tingin lang malayo pero pagdating sa dulo, magkikita pa rin sila." "Marami pang puwedeng mangyari. Alam ng taong 'yon na kapag nagtuloy-tuloy pa ang kasama niya sa pag-abot ng ofin na 'yon... may iba na itong makakasalubong sa daan dahil nagkalayo na sila. 'Yung taong makakasalubong ng kasama niya na 'yon ang bago nitong makakasama hanggang makarating sa dulo." "Pareho ninyong hindi hawak ang oras at panahon. Malay n'yo ba pareho sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ang kailangan lang naman ay tiwala sa isa't isa. Naniniwala akong ikaw mismo ang gumagawa ng tadhana mo, at kung ang gusto niyang tadhana ay makita pa rin sa dulo ng landas ang unang nakasama niya kahit sino pa ang nagsundo sa kanya... naniniwala akong magkakasama pa rin sila hanggang dulo." "Kapag nasa sitwasyon ka nang naiwan ka na ng isang beses... mahirap nang magtiwala pa kaya ilalagay mo na lang ang sarili mo sa pwestong hindi ka masasaktan." "Ano ang dapat niyang gawin ngayon? Ihinto na ang ginagawa niya? Tanungin ulit 'yung taong 'yon kung ano na ang dapat niyang piliin?" "Walang kahit na sino ang may hawak ng desisyon para sa isang tao. Kahit pa pumili ito ng bagong ofin para sa kanya, kung hindi ito sasaya... wala ring saysay 'yon." Napayuko ako. "Paano kung ang taong 'yon ang tanging rason niya sa lahat? Paano kung ang kasiyahan niya ay kasiyahan din ng taong 'yon?" "Hindi ko na alam... Haie." Nanatili akong nakayuko. "Ang hirap pala kapag nasanay ka na may tao kang kasama sa lahat ng bagay, kapag nawala siya... hindi mo na alam ang gagawin mo." *** Lumipas ang ilang araw, hindi na kami ulit nakapag-usap ni Zion. Naging abala na siya masyado pati si Cush sa pag-e-ensayo sa mga tao. Si Cecily naman, ayaw din muna makipag-usap kasi nalilito na rin siya sa ginagawa niya. Wala na 'kong makausap na iba kasi lahat naman ay abala. Wala rin naman akong ibang magawa kasi nu'ng isang araw na bumisita ako sa training ground, nakibalita ako sa mga tao r'on kung kumusta na ang pag-e-ensayo nila at sabi ng nakausap ko ay may ilan pa raw na hirap pa rin gumamit ng armas. Hindi naman ako makakatulong d'on kasi nangako ako na sa pagpapaliwanag lang ako makikigulo. Hangga't hindi pa sila tapos sa stage na pagsasanay sa armas, hindi pa 'ko kailangan d'on. Naisipan ko na lang mangabayo at dumalaw sa ginagawang munisipyo, mula kasi ng sinimulan 'yon ay hindi ko pa nakikita ang mga naging pagbabago. Sa susunod naman bibisitahin ko naman ang mga bahay at establisiyemento na ginagawa. "Quista, Haie!" bati sa akin ng Sumor kahit hindi pa ko nakakalapit ng husto sa kanila. Dahil sa lakas ng boses niya, natawag ang atensyon ng mga mangagagawa at nagpahatid din sila ng bati sa akin. Ngiti at tango na lang ang naging sagot ko sa kanila. "Kumusta kayo rito?" bati ko kay Ben paglapit ko sa kanya, tapos bumaba ako sa kabayo. "Maayos naman ang lahat, Haie. Nasusunod naman ng tama ang planong ginawa ni Heneral Zion," aniya. Tumango ako. "Ang mga gumagawa ba sa bahay, kumusta sila?" "Ayos lang din, Haie. Ang tooo ay doon ako galing kani-kanina lang." Ngumiti na lang ako sa kanya, nilibot ko ang tingin ko sa ginagawang Munisipyo. "Sumor, may pakiusap sana ako." "Ano po 'yun, Haie?" "Gusto ko sa bagong Munisipyo, bukod sa tanggapan ay mayroon kang sariling opisina sa baba. Tapos sa bandang itaas ay gawan n'yo rin ng kwarto si Zion." Agad na kumunot ang noo niya sa akin. "Si Heneral?! Pero—" "Higit na mas mataas ang posisyon ko kaysa sa kanya kaya ako ang sundin ninyo." "Masusunod, Haie." *** Paglipas ng dalawang linggo... sa wakas ay tapos na sina Zion at Cush sa pagtuturo ng tamang paggamit ng armas. Hindi ko alam paano nila nagawang matutunan iyon sa ganoon lang kaiksing panahon, kasi ako dati ay inabot yata ng ilang buwan bago natuto sa tamang paggamit ng spear. Pero hindi na 'yun importante ngayon kasi ang dapat kong isipin ngayon ay ang kung anong sunod kong sasabihin sa kanila. Nandito ako sa training ground kasama silang dalawa at hinihintay namin ang pagdating ng mga tao. Minsan akong tumitingin kay Zion, gusto ko ulit siyang kausapin pero alam kong tatanggihan niya lang at idadahilan sa akin na mas importante ang ginagawa namin ngayon. Kaya naisip ko na isantabi muna ang issue naming dalawa. Agad akong tumayo sa harapan pagdating ng mga hinihintay namin. "Binabati ko kayong lahat, naibalita na sa akin ni Cush na nagawa n'yo nang matuto sa tamang paggamit ng armas," sabi ko at saka ngumiti. "Ngayon, handa na kayo para sa susunod na hakbang ng ating training. Ito ay ang sinabi ko na nu'ng nakaraan, ang tamang paggamit ng incantation," dagdag ko pa. "Napag-alaman ko na bukod kina Cush at Cecily ay wala nang iba pang Magnis dito sa Nislan, ibig sabihin lahat kayo rito ay isang Espis. Kaya ang ituturo ko na lang sa inyo ay ang paggamit ng incantation para sa basic skill at sa ilang upgraded skill..." "Una na riyan ang tinatawag nating basic skill. Hindi ko alam kung sa ibang lugar ay may iba pang itinuro na ibang klase nito pero ang alam ko lang ay apat... ang fire sword, fire ball, fire blade, at fire bolt. Lahat ng ito ay may katumbas na incantation sa ating salita na gatinla, at ang tawag ng skill sa ating wika ay xishan..." "Hayaan ninyong ipakita ko sa inyo ang itsura ng bawat xishan na ito..." Tumingin ako sa isang puno, nakita ko rin sa peripheral vision ko na sinundan din nila ito ng tingin. "Ito ang incantation para sa fire ball..." "Misphera!" Agad na tumama ito sa puno. Pati ang mga sunod kong atake ay sa puno ko na rin pinatama. Kaya ko namang kontrolin ang lakas nito sa paggamit ng evis kaya hindi ako makakasira, kailangan ko lang naman ay ipakita sa kanila paano ito ginagawa at kung ano ang kaibahan nila sa isa't isa. "Sunod, ang fire blade..." "Laminis!" "Pangatlo, ang fire bolt..." "Fulmenis!" "At ang huli ay ang fire sword..." "Igsis." Tapos lumabas ito sa kaliwang kamay ko. "Sa apat na ito mangagaling ang binanggit ko rin kanina na upgraded skill, madali lang din ito dahil sa bawat basic skill na gagamitin mo ay may kailangan ka lang banggitin na isang incantation para sa apat na ito..." "Digus li Cien: Igsis." Tapos napalitan na ng spear ang hawak kong fire sword kanina. "Ang rason bakit ko kayo pinag-ensayo muna sa tamang paggamit ng armas ay para alam na agad ng isip ninyo kung anong weapon ang lalabas mula sa fire sword. Kaya importante rin na mapag-aralan ninyo ang concentration kahit nasa gitna ng laban..." "Isang bagay pa, huwag na huwag ninyong kakalimutan na evis ang nagpapanatili ng ating kapangyarihan sa loob natin. Hindi dapat umabot sa punto na mauubos na ito sa katawan ninyo dahil maari n'yo itong ikamatay. Matuto kayong magkontrol sa paggamit nito at dapat may alam n'yo hanggang saan ang limit ng evis sa katawan ninyo." "Tandaan: ang init at lakas ng apoy ay nakadipende sa laki ng evis na ginamit ninyo, pero para rin itong tubig na nasa timba... mas madaming na-konsumo, mas madami ang mababawas. Kaya palagi kayong mag-iingat." Napahinto ako sa pagsasalita nang may makita akong nagtaas ng kamay sa bandang gilid ng kapulungan. "Ano 'yun?" tanong ko. "May paraan po ba para madagdagan ang evis sa 'yong katawan?" aniya. Napangiti ako. "Napaka gandang tanong!" Agad akong naglabas ng apoy sa aking kamay at pinainit ko ito sa pinaka sukdulan ng paggamit ko. "Nararamdaman n'yo ba ang init ng apoy ko? Sabi ng In-ma ko, ang init daw ng apoy ng isang Espis ang susukat kung gaano karami ang evis mo sa iyong katawan. Magagawa ninyong higitan ito, iyon ay kung hanggang saan kayo magsisikap na mag-ensayo sa laban." "Haie, isang tanong pa..." Tumingin ako sa isa pang nagtanong. "Sige, ano 'yun?" "Maari ba namin kayong makita kung paano kayo makipaglaban? Gusto lang namin magkaroon ng ideya kung paano kami dapat tatayo sa oras ng labanan." "Hindi puwede! Ang bahagi lang ng ating haie sa training na ito ay taga-paliwanag. Hindi siya puwedeng makipaglaban!" giit ni Zion. Sa kanya naman nabaling ang tingin ko. "Kung gan'on, bakit hindi kayo ni Cush ang maglaban?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD