Chapter 43

2508 Words
CHAPTER 43: LABAN NINA ZION AT CUSH Rhys's POV Hindi nawawala sa labi ko ang ngiti, dahil sa wakas... makikita ko na kung paano lumaban si Zion at kung paano niya tatalunin si Cush. Alam kong siya ang nanalo sa Tournament of Flames pero ramdam ko na mas malakas talaga ang kasama ko kaysa sa kanya! Sa kabila ng excitement at tiwala na mananalo si Zion, hindi ko alam bakit ako kinakabahan... alam ko kasi ang kapasidad ng lakas ni Cush, tiyak na gagamitin din niya ang pagiging halimaw niya sa pakikipaglaban. Lahat ng tao ay nasa palibot ng Training Ground, habang ang dalawa ay nasa gitna. Naghihintay na lang kami na magsimula sila. Malayo sila sa pwesto ko at maingay pa ang paligid dahil madaming tao, maugong ang kwentuhan nila. Nakikita kong nag-uusap ang dalawa pero hindi ko naman ito marinig. "Haie!" Napalingon ako sa tawag na 'yon, agad na lumapit sa akin sina Cecily at ang Sumor. Napansin ko rin na may ilan pang dumating, sila siguro ang mga kasama ng Sumor sa paggawa ng bahay at munisipyo. "Anong nangyayari? Bakit may magaganap na laban?" usisa ni Cecily. "Humiling kasi ang mga tao na gusto raw nila 'kong makita makipaglaban, tapos itong si Zion umalma kaya heto... siya ang napasubo na kalabanin si Cush," paliwanag ko naman. Nasa boses ni Cecily ang pag-aalala sa posibleng mangyari pero ako, hindi ko maitago sa boses ko na hindi na 'ko makapaghintay na magsimula ang laban. Napabuntong hininga siya. "Siya itong ayaw na ng ganoong laro pero gagawin din pala niya," aniya. Tinutukoy niya yata si Zion dahil sa inasal nito nu'ng naglaban kami ni Cush. "Hayaan mo na, minsan lang naman. Saka, ayaw mo bang makita kung sino ang mananalo sa kanilang dalawa?" Hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. Agad na napangiti sa akin si Cecily. "Haie, baka nakakalimutan mong champion sa Tournament of Flames si Cush, tiyak na siya na ang mananalo." Naningkit ang mata ko bago nagsalita, "Baka nakakalimutan mo rin na isang Heneral ng Flame Knight si Zion, mas sigurado akong siya ang mananalo." "Haie, Heneral lang siya... champion ang babanggain niya." "Baliktad ka yata? Champion lang siya... Heneral ang babanggain niya." Hindi kami bumitaw sa aming titigan na dalawa, para kaming sira na nagpapatagalan kung sino ang unang kukurap. "Haie, hindi ba parang masyado naman yata ang bilib mo kay Zion? Parang may kinakampihan ka yata?" Napataas ang kilay ko, mukhang ayaw niyang patalo. "Ako lang ba? Hindi ba't mas nauna kang magsalita?" Sumilay muli sa mukha niya ang isang ngiti. Siyempre, sigurado naman kasi ako kung sino ang mananalo." Ngumiti ako pabalik. "Huwag kang pakasisiguro.," sagot ko naman. "Magsisimula na!" Sabay kaming napatingin sa dalawang lalaking nasa gitna ng battle field. Hindi na nakasagot pa sa akin si Cecily. Pareho kaming ayaw palampasin ang napakagandang laban na ito. "Haie, bakit naman umabot sila sa ganito?" Napalingon ako sa kaliwang banda ko, muntik ko nang makalimutan na narito nga pala ang Sumor. "Huwag kayong mag-alala, Sumor. Katuwaan lang naman ito," sagot ko. Hindi na siya sumagot, nasa harap na ang tingin niya kaya ginaya ko na siya at dinikit ko na rin ang mata ko sa kanilang dalawa. "Ossu or Meis: Spicio," banggit ko sa incantation ng paggamit sa xishan ng insigne ko. Gusto kong mapanood ito ng masinsinan kaya kailangan ko ngayon ng malinaw na mata para makita ko ang lahat ng atake nila. Baka may matutunan din kasi ako sa kanila. May ideya ako sa mga insigne nila at alam ko rin na pareho silang malakas at magaling. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil baka maging seryoso rin ang laban nila. Tapos may madamay pa sa amin na mga nanonood lang. Sana naman sa gitna ng laban nila ay maisip nila ang kaligtasan ng mga manonood. Quaerash Lizard ang taglay ni Zion, may xishan ito na Elastic Hide at Toxic Breath. Ang elastic hide ang xishan na pumoprotekta sa Magnis na may taglay nito, nakakagawa ito ng isang matigas na shield gamit ang apoy. Kaya nitong tumigas at tumibay dipende sa lakas ng evis na gagamitin ng user. Napaka gandang depensa ito, tiyak na hindi siya basta-basta masasaktan ni Cush. Ang pangalawang xishan naman nito ang toxic breath, 'yung nagbubuga ang user nito ng apoy na may kasamang lason. Kapag natamaan ka nito saan mang parte ng iyong katawan ay mapa-paralyze ka at ang tagal nito ay dipende rin sa dami ng tumama sa 'yon. Ang insigne naman ni Cush ay ang Lingra Wild Cat, ang dalawang xishan nito ay Agility at Keen sense of Smell. Malinaw naman ang ibig sabihin ng agility, gamit ang xishan na ito ay doble, triple, o higit pa rito ang bilis na kayang gawin ng user. Minsan sa sobrang bilis ay aakalaing mong nakakapag-teleport ang gumamit nito. Tiyak na dito mahihirapan si Zion, mahirap sundan ang bilis niya. Simple lang din naman ang ibig sabihin ng isa pa nitong xishan na keen sense of smell, gamit ito ay kaya ma-detect ng user kung nasan ang kalaban niya o kung saan may panganib. Alam niya kung kailan ito darating sa kanya, tiyempo lang ang kailangan niya para maiwasan ito. Ibig sabihin, may posibilidad na mabasa niya ang galaw ng kalaban gamit ito. Sa makatuwid, pareho silang may malakas na Insigne. Sa totoo lang ay ang gusto kong makita sa magiging laban ay kung paano sila magpapalitan ng atake, malakas si Zion pero magaling bumasa ng galaw si Cush. Paano nga ba ang mangyayaring laban sa pagitan ng dalawang haimaw? Sa tuwing maglalaban kami ni Zion, hindi niya 'ko siniseryoso. Madalas siyang umiwas o 'di kaya ay pinaglalaruan lang niya 'ko kaya maski ako ay hindi sigurado kung hanggang saan ang kaya niya. Si Cush naman, seryoso siya sa lahat ng bagay. Ang totoo ay nagsisi talaga ko nu'ng sinabi ko na gusto kong ituring niya 'kong kalaban, kasi naman... kulang na lang yata ay patayin niya 'ko dahil sa mga atake niya sa akin. Malay ko bang ganoon siya ka-halimaw lumaban. Masyado ko siyang na-underestimate, nawala sa loob ko na Champion siya ng Tournament of Flames. Sa naging unang laban naman nila, hindi ko na 'yon napanood dahil 'yun din ang oras na wala pa akong malay. Ang pagkakatanda ko lang n'on bago ako mawalan ng malay ay nababalot na ng apoy si Zion at sinunog na niya kaagad si Cush. Pero ang alam ko, hindi naman talaga sila totally naglaban n'on... inawat lang kami ni Zion tapos tinanggap lang ni Cush ang parusa sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang magsimula na talaga ang laban... Mabilis na gumamit si Cush ng agility niya at sa pag-alis niya sa pwesto niya, isang kisap mata na naman ang nangyari tapos nandoon na siya kaagad kay Zion. Hindi na rin ako nagtaka na hawak na niya ang shamshir sword niya nang makasugod siya r'on. Pero hindi ito nagpasindak sa Flame Knight na kaharap niya dahil saktong paglapit ni Cush at pagwasiwas ng isa niyang weapon ay agad nang nasangga ito ni Zion gamit din ang weapon niya. Grabe, limang segundo lang ata nila iniisip ang incantation... halos kisap mata lang din! Sa tingin ko, magiging simpleng sword battle ang laban. Palakasan ng stamina ito! Nagkaroon ng hiyawan ang mga tao nang naging espadahan na ang laban. Mabilis ang kilos ni Cush pero nasusundan ito ni Zion, parang kabisado na niya agad saan ito lilitaw. Napabilib ako r'on kasi akala ko si Cush ang mas makakabasa ng galaw niya. Ilang beses din akong napakurap dahil bilang manonood, hindi ko na masundan ang laban... para na silang shutter ng camera na sa isang pindot lang ay may nakuhanan na tapos sa isang pindot ulit ay ibang eksena na agad. Halos kislap na lang ng pagdidikit ng espada nila ang makikita sa harap, partida gamit ko pa ang Keen Eyesight ng insigne ko. Ano pa kaya ang itsura nito sa iba. Nagtuloy-tuloy lang kanilang ganitong laban hanggang sa namalayan ko na lang na huminto pala si Cush sa pag-atake. Naglayo silang dalawa, pareho silang hingal na hingal. Tapos napansin ko na pareho na silang may mga sugat sa magkakaibang parte ng katawan. Masyado yata silang na-excite kalaban ang isa't isa. "Sa tingin ko, hindi na kaya ni Cush gamitin ang evis niya kaya huminto siya," komento ni Cecily. Ngayon ko lang naalala na katabi ko nga pala siya, pareho pala kaming natulala sa laban. Tumango ako bilang pagsang-ayon saka ako sumagot, "Sa tingin ko rin ay nasa limit na rin si Zion." "Huh? Paano mo nasabi 'yon, Haie?" Tumingin ako sa kanya. "Hindi mo ba nakita? Gumamit ng elastic hide si Zion para hindi siya gaanong masugatan ni Cush pero 'yan pa rin ang inabot niya." "Ah... sera, Haie. 'Yung atensyon ko kasi ay na kay Cush lang." Napangiwi na lang ako sa kanya tapos binalik ko na ang tingin ko sa dalawang naglalaban. Kasalukuyan pa ring nagpapahinga ang dalawa, walang nagsasalita sa kanila, pareho silang may seryosong tingin sa isa't isa. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang susugod. Muli akong nabuhayan ng loob sa panonood nang mabilis na namang sumugod si Cush kay Zion. Kagaya kanina ay mabilis pa rin ang pag-atake niya, pero nag-iba ang galaw ng kaharap niya... hindi na niya kayang sabayan ang galaw nito. Pahabol na siya kung sumangga sa bawat atake sa kanya. Naikuyom ko ang kamao ko, ngayon ako nakaramdam ng pag-aalala... nasobrahan yata siya sa paggamit ng elastic hide kanina. "Anong nangyari sa Heneral?" dinig kong tanong ni Cecily. Sumagot ako, "Dahil sa xishan ni Cush... kaya niyang bilisan ang kilos kung kailan niya gusto, pero si Zion ay walang kayang gawin kundi depensahan lang ang sarili niya." Sa tingin ko, mabilis na talaga kumilos si Cush kahit pa hindi pa siya gumagamit ng xishan. Iyon ang unang atake na ginawa niya. Habang si Zion naman ay nabigla at hindi na napansin kung gumagamit na ba ng xishan ang kalaban... kaya walang ano-ano ay gumamit na rin siya ng xishan. At ang resulta sa unang sagupaan nila ay pareho silang hiningal. Iyon nga lang ay mas nalugi si Zion d'on. Dahil hindi pa gumagamit ng xishan si Cush, madali na lang sa kanya na bawiin ang lakas niya gamit ang sarili niyang evis. Tapos ngayon siya gumamit ng agility, hindi na ito kayang sabayan ni Zion dahil bukod sa hiningal na siya ay hindi niya agad kakayanin na gumamit ulit ng elastic hide. Hindi na rin tama kung ipipilit niyang gumamit ng elastic hide, maaring lalo siyang manghina. Nabuhayan ako ng loob nang makita na nagagawa nang umatake ni Zion, pero agad akong napangiwi nang mapansin na lahat ng atake niya ay kayang sanggain ni Cush. As usual, xishan na naman iyon ng insignne niya... ang keen sense of smell. Madali lang sa kanya na basahin ang bawat kilos ng kalaban niya. "Zion!" agad kong sigaw nang muli na naman siyang masugatan ng sunod na atake ng kalaban niya. Muntik na rin siyang matumba, sana lang ay hindi pa siya nauubusan ng evis. Bigla akong nakaramdam ulit ng kaba, mas malakas nga ba si Cush kaysa kay Zion? Naikuyom ko ang kamao ko, hindi dapat ganito ang laman ng isip ko... Mas kailangan ni Zion ngayon ang suporta ko. Naniniwala akong kaya niya pa ring manalo. Lumala ang mga atake ni Cush, isa lang ang gamit niyang shamshir sword pero dahil sa bilis niya ay parang lima ang umaatake sa kaharap niya. Sunod-sunod ito at aakalain mo talagang marami siyang hawak na armas. Hirap na hirap si Zion sa pag-iwas sa mga ito, halos pigil ang hinga ko at panay ang hiling ko na sana maiwasan niya 'yon lahat. Pero kumunot ang noo ko nang mapansin ang mukha ni Zion, nakangisi pa siya... lakas talaga ng tama sa ulo, nanganganib na siyang matalo nakuha pa talaga niyang ngumisi na akala mo siya pa ang nakikipaglaro sa kalaban. Puro depensa lang ang ginagawa niya pero halatang natutuwa siya sa nangyayari. Sa tingin ko, ngayon lang siguro naranasan ni Zion na may makalaban na sa tingin niya ay kaya siyang tapatan o talunin. O baka naman... parte lang talaga ng pagkatao niya ang maging mayabang. Wala silang ibang pinakitang laban kundi ang paggamit ng armas. Palagay ko ay sinadya nila ito para maiwasan na magkaroon ng hindi inaasahang aksidente at hidi na madagdagan pa ang inaayos na bahay o 'di kaya ay maari rin na gusto rin nilang ipakita sa tao kung ano ang magagawa ng weapon sa laban. Iyon naman talaga ang punto ng laban nilang ito. Hanggang sa muling huminto ang palitan nila ng atake, unti-unting nakikita ko na bumabagal na rin ang paggalaw ni Cush. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti, sabi ko na nga ba! Napansin kong nakangiti na rin si Cush, sobrang rare nito dahil lagi siyang seryoso. Ibig sabihin, pareho sila ng nararamdaman ng kalaban niya. "Cush—" Agad kong hinawakan sa braso si Cecily nang umabante siya ng kaunti, parang balak nitong lapitan ang dalawa. "Huwag mong tangkain na lapitan sila, hindi mo ba nakikita? Pareho na silang nakangiti. Ibig sabihin, pareho nilang na-e-enjoy ang laban," sabi ko. "Pero, Haie..." "Kahit ako, gusto ko na rin silang pahintuin pero iniisip ko na lang na kapag nangialam ako... hindi natin mapapatunayan kung sino ang mas magaling." Kumalma si Cecily. "Bumabagal na si Cush, nagagawa nang umatake ni Zion," sabi niya. Itinuon ko muli ang atensyon ko sa laban ng dalawa. Tama ng napapansin si Cecily, nagkakapalit na sila ngayon... si Cush na ang humahabol sa atake ni Zion. Kahit pa mabilis kumilos si Cush, malulugi siya kapag ganito na tumagal ang laban. Hindi na gumagamit si Zion ng xishan kaya wala na rin siyang ginagamit na evis. Ibig sabihin, nakabawi na ito ng lakas niya. Sa kabilang banda, patuloy pa rin sa paggamit ng xishan si Cush kaya mas mabilis siyang hiningal. Dahil bukod sa sarili niyang relflexes, gumagamit pa siya ng evis... mas mabilis siyang napagod kaysa sa kalaban niya. Nabaling ang tingin ko sa mga tao, gaya ko ay abang na abang na rin sila ngayong nagkakapalit na ng sitwasyon ang dalawa. Pero lahat ay nagulat nang biglang bumwelo ulit si Cush ng sugod, 'yung kaninang bilis ng shamshir sword niya papunta kay Zion... lalo pa itong bumilis ngayon, tingin ko ay nasa walong espada na ang may balak na sumaksak sa kaharap niya. Maingat na yumuko si Zion at imbis na ilagan ito ay umabante pa siya papunta kay Cush, para bang balak niyang salubungin ang espada ng kamatayan... At para sa huling atake, nagsalubong nga sila ng saksak at pareho silang nagbigay ng sugat sa isa't isa. Sa paglapag nilang muli sa lupa ay magkatalikuran na sila. Walang kahit anong ingay ang paligid, walang ay balak gumalaw. Lahat sila naka-abang na sa susunod pang mangyayari. Hanggang sa tumingin sa akin si Zion habang nakangisi, siraulo talaga... Hiyawaan muli ang nanaig sa paligid nang sa wakas ay sabay na natumba ang magkalaban. Wala na kaming nagawa ni Cecily kundi patakbong lapitan ang dalawang sugatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD