Chapter 44

2514 Words
CHAPTER 44: GIRLS TALK Rhys's POV Parehong nakatikim ng sandamakmak na sermon sina Cush at Zion kay Cecily. Kulang na lang ay humawak siya ng pamalo at talagang matatawa na 'ko sa pinagsasabi niya. "Kayo na yata ang pinaka baliw na taong nakilala ko!" "Ayaw ninyo na makipaglaban ang Savenis pero heto kayo, pinagmalaki n'yo pa sa mga tao na naglaban kayo. Kumuha pa kayo ng audience!" "Paano kung may masamang nangyari sa inyong dalawa? Paano kung hindi lang 'yan ang inabot n'yo?" "Naisip n'yo manlang ba na may kaaway tayong haharapin? Paano kung bigla silang bumulaga rito at pareho kayong nakahiga rito, sino ang magtatanggol sa mga tao?" "Ang tatanda n'yo na pero wala kayong pinagkatandaan!" Ilang lang 'yan sa mga sinabi ni Cecily sa dalawa, at kagaya ko ay nagpipigil lang sila ng tawa kasi mukhang pari na nagsesemon ang dating nito sa aming tatlo. Pagkatapos ng naging laban, agad kaming humingi ng tulong sa mga tao na iuwi ang dalawang ito dahil pareho silang puro sugat sa katawan. Ang dami tuloy nilang benda ngayon tapos ang lalim pa ng mga sugat nila. Sineryoso nila masyado ang laban, nadala na sila ng pangyayari. Kaya kahit nakakatawa ay hindi ko masisisi si Cecily na nagsermon siya ng gan'on kahit pa kakagising lang nu'ung dalawa. Tatlong araw din silang nawalan ng malay, siguro talagang ininda ng katawan nila ang sakit at sugat. Ikaw ba naman maipaglaban sa halimaw na gaya mo, ganito talaga ang mangyayari. Nang matapos ang laban at madala na sila rito sa bahay, nawala na ang pag-aalala ko.Kahit alam kong pareho silang malala ang inabot ay hindi na 'yon nakabahala sa akin, alam ko na kasing kahit tumagal pa ng ilang araw ang patlog nila ay darating din ang araw na magigising din sila. Nu'ng mga araw na nagpapahinga sila, ako muna ang nagturo sa mga tao. Madali lang naman ang naging bahaging 'yon, tinuruan ko na sila paano gamitin ang apoy nila habang kinokontrol ang evis nila. Nagawa rin nila 'yon matututunan pagkaraan ng tatlong araw. Ang Sumor ang nagbalita sa akin na sabay nagkamalay ang dalawa, sinilip ko lang sila at hindi na 'ko nagpakita pa. Ayos na sa aking masiguro na ayos na talaga sila. Hinayaan ko na lang si Cecily na patuloy silang sermunan at bumalik ako sa Training Ground kasi hindi pa kami tapos sa ginagawa naming ensayo. Hindi naman na napag-usapan ang laban nang matapos ito. Malinaw naman ang resulta na tabla sila dahil sabay silang natumba. Napatunayan na nilang pareho ang lakas nila. Pagbalik ko ulit sa Training Ground, patuloy pa rin sila sa pagkontrol ng apoy nila. Sabi ko naman ay tapos na nila ang stage na 'yon kasi kaya na nila pero takot daw silang magsimula ng bago na wala 'yung dalawa. Bago ako umalis galing sa pagsilip sa dalawang kumag, ibinilin ko sa Sumor na pagsabihan ang dalawa na bukas na sila bumalik sa pagtuturo at sulitin na nila ang huling araw na nagpapahinga sila kasi mahirap na ang mga susunod na parte ng training. Hindi ko pinasabi na sa akin galing ang utos na 'yon, ayoko lang malaman ni Zion ang mga kilos ko. Dahil hindi pa kami ulit nag-uusap, naiilang pa 'kong magpakita sa kanya. Alam ko rin naman na ayaw din niyang magkita kami pagkatapos ng huli naming pag-uusap. Hindi ko ugaling maghabol sa taong ayaw ako kausapin, hindi naman ako mapapaano kahit magbago pa ang pakikitungo niya sa akin. Hapon na at naubos lang ang oras ko sa kakapanood sa mga taong nagte-training sa pagkontrol ng evis nila. Paglubog ng araw ay sinabihan ko na ang mga tao na umuwi na para makapagpahinga. Sa ilang araw na walang malay ang dalawa, inimbita ako ni Cecily na sa Inn na lang muna tumuloy. Pareho rin kasi kaming walang matutulugan doon dahil sa guest room nakahiga si Zion. Dahil nahihiya talaga 'ko matulog d'on pero wala akong choice, kaya kinumbinsi ko na lang si Cecily na magsama kami sa isang kwarto. Pumayag naman siya, ang kaso ang binigay naman na kwarto sa aming dalawa ay literal na may dalawang kama sa isang kwarto. Mas lalo akong nahiya kasi hindi ako naintindihan ng Sela ko, hindi na lang ako naka-angal kasi nandoon na sa kwarto ang mga gamit ko. Lalo kong nahirapan matulog sa kwartong 'yon, bukod sa maingay pa rin matulog si Cecily ay kung aano-ano pa ang tumatakbo sa isip ko. Ang totoo, gusto ko na talaga makausap ang baliw na Flame Knight na 'yon para matahimik na 'ko pero hindi ko alam bakit hindi ko rin siya kayang harapin. Pag-uwi ko sa Inn, wala pa sa kwarto namin si Cecily. Baka nahihilo na naman 'yun sa trabaho niya. "Uhhhhh... ayoko na talaga!" Hindi pa man ako nakakaupo sa kama ko ay nandito na agad siya. Halatang tama ang hinala ko kanina. "Kumusta?" bati ko sa kanya saka ako naupo sa kama ko. Isinandal niya ang ulo sa head board ng kama niya bago sumagot, "Sobrang sakit ng ulo, parang sasabog na yata. Ayoko na sa ginagawa ko!" Napangiti ako, hindi na naman siguro niya alam na ako ang kausap niya. Hindi ko nga alam sa babaeng ito bakit nakakalimutan niya ng madalas na magkasama kami sa isang kwarto. Sinamantala ko ang pagkakataon na lutang pa siya kaya nagtanong pa 'ko, "Bakit naman? May problema ba sa trabahong ibinigay sa 'yo?" Hawak-hawak niya ang ulo niya at napansin ko rin nakapikit ito. Wala siya sa sarili nang sumagot, "Malaki! Ayoko talaga ng pag-inventory at paglista ng mga gastos. Pakiramdam ko kinakain na 'ko ng mga numero. Hindi naman ako makareklamo sa Savenis kasi alam ko wala siyang ibang maaasahan tapos busy din naman siya sa pag-aasikaso sa mga nagte-training. Wala kasi 'yung dalawa kaya walang iba na puwedeng mag-asikaso sa kanila." Nagtakip ako ng bibig ko para mapigilan ang sarili ko na matawa, alam kong magwawala siya kapag na-realize na niya ang nangyayari. "Gusto mo bang utusan ang haie?" Hindi na ito nakatiis at hinilot na niya ang ulo niya. "Sira ka ba? Siyempre hindi!" Tumayo ako para kumuha ng ice bag. "Ilagay mo ito sa ulo mo, baka sakaling mahimasmasan ka." Inabot niya ito. "Salatias—Haie?!" Agad akong natawa sa naging reaksyon niya, halos maluha na ako kakatawa. "Hayaan mo, matutulungan na kita bukas sa trabaho mo. Dahil gising na ang dalawa," sabi ko. Bumangon siya sa pagkakahiga saka umupo na nakaharap sa akin, nakapatong sa ulo niya ang ice bag na iabot ko. "Oo nga pala, Haie. Bakit wala ka kanina nu'ng magising sila?" Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya na nandoon ako pero mas pinili ko na lang ang maging ligtas, mahirap na baka sabihin niya pa kay Zion. "Busy ako na turuan ang mga nagte-training, ibinalita lang sa akin na gising na nga raw sila," sabi ko na lang. "Hinanap ka kasi sa akin ng Duhe, may away ba kayo?" Nagitla ako sa tanong niya. "Away? Wala! Busy lang talaga 'ko kanina, huwag mo masyadong isipin 'yon. Saka paano kami mag-aaway kung nakahiga siya r'on ng ilang araw?" palusot ko. Tumingin siya sa akin na halatang may pagdududa sa sinabi ko. "Weh?" aniya. Napabuntong hininga ako, ito yata ang unang beses na mag-uusap kami ng ganito. Ayos lang naman siguro na sa kanya naman ako humingi ng payo, baka sakali lumuwag ang dibdib ko at makatulog na 'ko ng payapa sa gabi. "Sige, ganito na lang... naranasan mo na bang maligaw o mahirapan sa pagpili ng kung ano talaga ang gusto mo?" Diretso ang tingin niya sa akin. "Saan ba, Haie? Sa pagkain o sa lugar? Dipende kasi 'yon—" "Gire!" Napapikit ako, mas malala pala siya kausap kaysa kay Zion, eh. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko," dugtong ko. "Bakit? Hindi ka naman mahihirapan pumili kung una pa lang alam mo na kung ano ang gusto mo, 'diba? Tungkol ba 'yan saan, Haie?" Minulat ko ang mata ko, pagtingin ko sa kanya ay nakatingin din siya sa akin at seryoso siya sa tanong niya. Siguro hindi lang niya naintindihan ang sinabi ko. Yumuko ako. "Ang totoo, hindi ko alam paano sasabihin sa 'yo. Ngayon pa lang kasi may kumausap sa akin ng ganito," sabi ko. Nagulat ako nang naramdaman kong umangat ako ng bahagya sa pagkakaupo, pagtingin ko sa kanan ko ay umupo pa r'on si Cecily. "Ikuwento mo lang lahat, Haie. Makikinig ako bilang kaibigan mo ngayon," aniya habang nakangiti pa sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam ang mararamdaman na ngayon ay may taong nagsabi sa akin na kaibigan ko siya. Ito ang unang beses na may taong lumapit sa akin at handang makinig sa ano mang sasabihin ko. Ganito pala ang pakiramdam ng gan'on... masaya. Parang handa ka agad na ipaalam sa kanya ang lahat. Alam mo agad na may masasandalan ka sa oras na hindi mo alam ang gagawin mo. Ngumiti ako habang nakayuko, hindi ko alam kung maiintindihan niya ba 'ko pero sinimulan ko ang pagkwento. Mula sa nalaman ko ang tungkol sa pagkatao ko, sa pag-e-ensayo ko na maitago ang grace ng insigne ko, sa pagsali ko ng Tournament of Flames, sa pagkakakilala ko kay Zion, sa pagpunta ng Reha sa bahay namin, at hanggang ngayon na narito ako sa misyon na hindi ko talaga ginusto. Nilinaw ko sa kanya na napilitan lang akong gawin ito kasi gusto kong mabalik ang dating buhay ko na simple at tahimik. Inamin ko rin sa kanya na sa bawat viyon na pinupuntahan ko, may natututunan ako. Sa bawat reklamo ko, may gusto akong patunayan sa sarili ko na parang gusto ko maintindihan ang mga tao. Hanggang sa dumating ako sa punto na gusto ko na ang ginagawa ko, hindi ko na iniinda kahit pa napapagod ako na tumutulong ako sa tao na wala akong makukuhang kapalit. At ang pinaka hindi ko inaasahan na mangyayari... nang dahil sa isang tao, nagawa kong tanggapin na isa akong savenis. Sinabi ko na rin na ang bagay na gumugulo sa isip ko ngayon ay 'yung pagbabago bigla ng pakikitungo sa akin ng taong 'yon simula nang gumalaw na ako gaya ng gusto niya. At iyon ang talagang gumugulo sa isip ko, hindi ko alam paano ba kami magkakaintindihan kasi ngayon... hindi ko na alam kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin ko. Napabuntong hininga na lang ako nang matapos akong magkwento, ayokong mag-angat ng ulo at ayokong makita kung ano ang reaksyon niya sa mga sinabi ko. "Ang Duhe 'yun, 'diba?" "Huh?!" Ang sabi ko, ayoko tumingin sa kanya pero nang marinig ko na binanggit niya ang pangalan ng lalaking 'yon... kusang lumingon ang ulo ko sa kanya. "Haie, babae rin ako. Alam ko 'yung mga ganyan," aniya habang nakangisi pa sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mairita sa kung paano niya 'ko kausapin pagkatapos kong magkwento, idagdag pa ang nakakaasar niyang ngisi at tingin. "Nakinig ka ba sa kwento ko? Kasi feeling ko, hindi!" sabi ko na lang. "Haie, gaaano man kahaba ang kwento mo... malinaw naman na kaya ka nagkakaganyan kasi nagtatampo ka sa Duhe dahil ngayong ginagawa mo na ang gusto niya, hindi naman niya ma-appreciate 'yon. Sus, alam na alam ko na 'yan kasi ilang beses ko nang naramdaman 'yan kay Cush." Nanlaki ang mata ko. "Kay Cush?!" "Oo, hindi ba halata? May gusto ako sa kanya." Napahawak na lang ako sa noo ko. Sising sisi ako na nagsabi pa ako sa kanya ng problema ko, sayang lang pala ang laway ko. "Wala akong pakialam sa kanya o kung gusto mo siya. Hindi mo manlang ba 'ko tutulungan sa problema ko?!" Ang sakit sa ulo kausap ni Cecily, ang layo sa usapan nu'ng mga sinasabi niya. Akala ko pa naman kapag kaibigan dadamayan ka at bibigyan ng advice, maling kaibigan yata ang binigay sa akin. Bumuntong hininga ito saka sumagot, "Haie, ilang beses nang nasayang ang effort ko sa pagpapapansin kay Cush. Lahat yata nagawa ko na pero hindi pa rin bumenta sa kanya. Kaya kung ako sa 'yo, ngayon pa lang tigilan mo na." Napahawak na ako sa buhok ko, gusto kong saktan ang kaharap ko pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. "Hindi ako nagpapapansin kay Zion! At hindi ko balak gawin ang bagay na sinasabi mong effort para sa lalaking 'yon! Ilang beses ko ba uulitin na—" "Bakit mo pala tinanggap ang pagiging isang savenis kung ayaw mo palang mapansin niya? 'Diba nga, sabi mo... ang gusto mo ay magkaroon ng tahimik at simpleng buhay? Bakit ngayon, dahil lang sa kanya biglang iba na ang gusto mo?" Hindi ako nakasagot. Para akong sinaksak nang titigan ako ng seryoso ni Cecily. "Haie, tingin ko... kaya ka nahihirapan ngayon kasi hindi mo alam kung ano ba ang ipa-priority mo. 'Yung bagay ba na alam mong mapapansin ka ng crush mo o 'yung bagay na gusto mo talaga." "Hindi ko nga cru—" "Ang maganda mong gawin, obserbahan mo ang sarili mo. Kung halimbawa na mawala na sa tabi mo ang Duhe, isipin mong mabuti kung gusto mo pa rin bang ituloy 'yung pagging savenis. Kapag oo, ibig sabihin lang n'on ay gusto mo talaga ang ginagawa mo ngayon. Pero kung kabaliktaran nito ang maging sagot mo, mas mabuti kung ihinto mo na ngayon pa lang ang ginagawa mo." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang ma-realize ko kung ano ang punto ni Cecily. Parang bigla ay naintindihan ko na rin kung bakit lumayo ang loob ni Zion sa akin, ayaw niyang gawin ko ang isang bagay nang dahil lang sa kanya... Agad kong niyakap ang katabi ko nang luminaw ang isip ko. "Salatias!" "Ang hirap kapag in love, 'no? Nagiging bipolar bigla," aniya. Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya na may masamang tingin. Ngiti lang ang naging tugon niya sa akin. "Yumakap ka ba sa akin kasi na-realize mong crush mo siya o dahil alam mo na ang sagot sa problema mo? Or both?" "Ta-ce! Niyakap kita kasi, gumaan ang pakiramdam ko. Salatias... sa pakikinig." Hinawakan niya ang dalawang balikat ko, nang tumingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin. "Basta ang tatandaan mo lang palagi, Haie... huwag kang pipili ng bagay na alam mong hindi mo talaga gusto. Ayos lang kung hindi ka maging Savenis pagkatapos ng lahat ng ito, mas importante sa akin ang makuha mo ang gusto mo talaga. Kung ang tahimik at simpleng buhay ang inaasam mo hanggang sa huli, sige lang! Pero... kung sakaling maging bahagi na rin ng buhay mo ang mga sinabi mong naranasan mo, puwede mo namang maranasan ang buhay na gusto mo sa loob ng Kastia." "Paano ko naman mararanasan ang tahimik at simpleng buhay sa Kastia? Tiyak na kapag tumira ako d'on, madaming responsibilidad ang ipapagawa sa akin tapos wala namang maguim ang nagkaroon ng buhay na simple, 'diba?" "Panghawakan mo lang ang bagay na gusto mo, Haie. Maniwala ka, kapag dumating 'yung araw na ma-realize mong pareho mo nang gusto ang dalawang bagay na 'yan... makakahanap ka ng paraan para manatili ito sa 'yo ano man ang magbago."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD