CHAPTER 38: ATTACK OF THE TERRORIST Rhys's POV Dinumog agad kami, hindi manlang hinintay na makapaglabas muna kami ng weapon. Halatang sabik manalo. Gaya ng inaasahan ko ay sa akin sila susugod, gusto talaga 'kong bihagin ng Oscar na 'to. "Huwag ninyong tangkaing hawakan ang Savenis dahil mawawalan kayo ng kamay," ani Zion. Tumawa si Oscar bago sumagot, "Hanggang kailan mo ba balak protektahan ang sumpang 'yan? Wala namang pakinabang 'yan sa 'yo kaya ibigay mo na lang siya sa akin!" Agad na hinawakan ni Zion ang kamay ko. "Sa 'kin na siya, bakit kinukuha mo pa?" Napatingin ako sa kanya, mas malala yata ang sira ng ulo niya kaysa kay Oscar. Muli na namang siyang tumawa. "Kapag napunta sa kamay ko ang babaeng 'yan, malaking pera ang makukuha ko dahil sa nakapatong na pabuya sa ulo ni

