CHAPTER 29: FOR THE VILLAGE Rhys's POV Kung alam ko lang talaga na ganito ang mangyayari, hindi na sana 'ko nagpumilit pang pumunta rito. Tama nga si Zion, dapat kainisan ang ugali kong mahilig ipilit ang gusto at hindi iniisip ang magiging resulta nito sa iba. Nakaka-guilty man, hindi ko alam paano 'ko hihingi ng dispensa sa kanya. Tingin ko kasi hindi iyon ang kailangan niya ngayon. "Alam mo ba, Haie... akala ko kapag bumalik ako paaalisin ako kaagad ng pamilya ko, akala ko hindi sila papayag na magtagal ako. Dahil alam nilang gulo lang ang mangyayari kapag nakita ako ng grupong 'yon. Pero nang makita nilang kasama kita, sobrang saya ng mga mukha nila. Gustong-gusto ka nila." Napangiwi ako dahil sa ngiti sa akin ni Zion habang sinasabi niya 'yon. "At anong ibig mong sabihin diyan?"

