CHAPTER 28: AMBUSH Rhys's POV Hindi ko alam paano kami nagkabati basta pagbitiw niya sa yakapan namin, nakangiti na siya ulit sa akin. Minsan talaga hindi ko maintindihan kung anong kabaliwan meron ang lalaking ito. "Haie, kain tayo lugaw. May alam akong makakainan na masarap." Kumunot ang noo ko nang hilahin niya ko. "Dati ka ba talagang sabog? Mag-aaya ka pang kumain ng lugaw alam mo nang may problema pa tayong dapat ayusin, saka may pagkain naman sa inyo bakit bibili ka pa?" "Mahirap harapin ang problema na gutom. Saka celebration ito kasi bati na tayo." Napangiwi ako sa sinabi niya. "Ikaw lang naman ang may topak sa 'tin, arte ka pang galit yakap lang pala gusto mo." Agad siyang natawa at na-realize ko rin na may mali yata sa sinabi ko. Hindi ko talaga lubos maintindihan kung a

