CHAPTER 33: ANOTHER VILLAGE Rhys's POV Sa tingin ko, alam din ni Zion ang tungkol sa bagay na 'yon kaya halos itaya na niya ang buhay niya mapigilan lang ako makapanakit noon sa Figne. Nu'ng oras na 'yon, desidido rin akong ubusin sila kasi ang dami rin nilang masasakit na salitang sinabi pero lahat 'yon, nagawa kong palampasin. Hila-hila pa rin ako ni Zion papunta sa loob ng gubat kung saan namin iniwan ang karwahe namin. Walang ibang laman ang utak ko kundi ang tanong na bakit at paano ko 'yun nagawa. Sa insidente noon sa Figne, nasa wisyo ako... alam ko ang ginagawa ko at natatandaan ko pa ang mga nangyari. Pero bakit kanina, wala akong maalala? Nagulat na lang ako na nasusunog na pala ang paligid ko? Nauuna sa paglakad sa akin ang kasama ko, sobra akong na-guilty dahil nadamay pa

