CHAPTER 9: FIGHT TOGETHER Rhys's POV Agad akong umilag nang may lumipad na palaso na may apoy papunta sa akin, medyo nagulat ako r'on, kung hindi ko 'yon agad napansin baka natamaan ako n'on sa balikat. Bago pa sila muli magpakawala ng pana, mabilis na akong tumakbo palayo sa kanila. Lima ang lalaking lumitaw sa harapan ko, wala silang hawak na pana at palaso kaya alam kong hindi sila ang umatake sa akin. Habang hinahabol ako ng mga ito ay patuloy pa rin ang pagpapaulan sa akin ng pana na may apoy ng iba nilang kasama. Sa iba't ibang direksyon nanggagaling ang mga atake. "Digus li cien: Igsis!" sambit ko sa incantation ng pag-upgrade ng flame sword sa isang weapon na gusto ng gagamit, at ang ginawa ko ay isang spear. Patuloy ang pagtakbo ko bilang pag-iwas sa mga atake nila at ginag

